You are on page 1of 4

SET B

Itanong ang sumusunod.

Pagganyak: Mayroon ba kayong parol sa bahay kapag Pasko? Saan galing ang parol ninyo?
Sino ang gumawa ng parol ninyo?

Pagtakda ng Layunin: Sino kaya ang gumawa ng parol na nakasabit sa bahay nina Julia?

Babasahin ng guro ang pamagat: Ang pamagat ng ating kuwento ay “Parol Sa May Bintana.”

Basahin ang kuwento.

Disyembre na naman.

Tumulo ang masaganang luha sa mga mata ni Julia. Nakita niya ang nakasabit na parol sa
sulok ng kanilang bahay. Gawa iyon ng kanilang ama. Nilagyan niya ng ilaw ang parol at
isinabit ito sa may bintana.

Kay ganda ng parol! Tumayo si Julia at hinawakan ang parol. Tandangtanda niya pa ang
kasiyahan nilang mag-anak noong nakaraang Pasko.

“Huwag kayong malulungkot,” sabi ng kanyang ama. “Aalis ako upang mabigyan kayo
ng magandang kinabukasan.”

“Ingatan ninyo ang parol. Magsisilbi itong gabay sa inyong mga gagawin,” paliwanag ng
ama noong bago umalis sa kanilang bahay.

“Tama si Itay. Kahit nasa malayo siya, ang parol na ito ang magpapaalaala sa amin sa
kanya at sa kanyang mga pangaral.”

Parang napawi ang lungkot ni Julia, napangiti siya sabay kuha sa parol.

Level: Grade 4
Bilang ng mga salita: 130
Makinig sa mga tanong at piliin ang tamang sagot.
1. Anong mahalagang araw ang malapit nang sumapit?
a. Pasko b. Mahal na Araw c. Araw ng mga Puso

2. Ano ang unang naramdaman ni Julia nang makita niya ang parol?
a. nagalit b. nalungkot c. nasasabik

3. Sino ang naalala ni Julia tuwing makikita ang parol?


a. Ina b. Itay c. kapatid

4. Ano ang ibig sabihin ng ama ni Julia nang sinabi niya ang “Ingatan ninyo ang parol,
magsisilbi itong gabay sa inyong mga gagawin” ?
a. Huwag pabayaang masira ang parol.
b. Ang parol ang magpapaalala sa mga habilin ng ama.
c. Ang ilaw nito ang magpapaliwanag sa mga gawain nila.

5. Ano kaya ang ginagawa ng tatay ni Julia sa malayong lugar?


a. nag-aaral b. nagtatrabaho c. namamasyal

6. Bakit napangiti si Julia sa katapusan ng kuwento?


a. dahil may ilaw ang parol
b. dahil naintindihan nya ang ama niya
c. dahil malapit nang umuwi ang ama niya
SET C
Itanong ang sumusunod.

Pagganyak: Mahilig ka bang mag-bakasyon? Saan ka pumupunta kapag walang pasok?

Pagtakda ng Layunin: Saan kaya pumunta si Heber, at ano ang nakita niya roon?

Babasahin ng guro ang pamagat: Ang pamagat ng ating kuwento ay “Bakasyon ni Heber.”

Basahin ang kuwento.

Isinama si Heber ng kanyang Tito Mar sa Rizal upang makapag-bakasyon. Masayang-


masaya siya dahil nakita niya sa unang pagkakataon ang Pista ng mga Higantes. Ang pistang ito
ay naganap kahapon, ika-23 ng Nobyembre. Ginugunita sa pistang ito ang patron ng mga
mangingisda na si San Clemente.

Pinakatampok sa pista ang matatangkad na tau-tauhang yari sa papel. Dinamitan at


nilagyan ng makukulay na palamuti upang mas maging kaakit-akit sa manonood. Ang mga
higante ay karaniwang may taas na apat hanggang limang talampakan o sampu hanggang
labindalawang talampakan. Ang mga deboto naman ay nakasuot ng damit-mangingisda.

Hiniram ni Heber ang camera ni Tito Mar at kumuha siya ng maraming litrato. Gusto
niyang ipakita ang mga litrato sa kanyang mga magulang. Ipakikita rin niya ang mga ito sa
kanyang mga kaibigan at kaklase. Hinding hindi niya makalilimutan ang araw na ito.

Level: Grade 4

Bilang ng mga salita: 138


Makinig sa mga tanong at piliin ang tamang sagot.

1. Kanino sumama si Heber upang magbakasyon?

a. kay Rizal b. kay Tito Mar c. sa mga higante

2. Aling salita ang ginamit na ang kahulugan ay dekorasyon?

a. kaakit-akit b. palamuti c. makukulay

3. Anong petsa kaya isinulat ang kuwento?

a. Nobyembre 24 b. Nobyembre 23 c. Nobyembre 25

4. Paano inilalarawan sa kuwento ang higante?

a. matangkad na tau-tauhang yari sa papel

b. maitim, mahaba at magulo ang buhok, salbahe

c. matangkad, malaki ang katawan at malakas magsalita

5. Alin kaya sa mga sumusunod ang produkto sa Rizal?

a. isda b. palay c. perlas

6. Bakit kaya gusto niyang ipakita ang mga litrato sa kanyang mga magulang at mga kaibigan?

a. Gusto niyang papuntahin sila sa lugar na iyon.

b. Gusto niyang mainggit ang mga ibang tao sa kaniya.

c. Gusto niyang ibahagi ang kanyang karanasan sa kanila.

You might also like