You are on page 1of 5

Komunikasyong sa Akademikong Filipino

Komunikasyong sa Akademikong Filipino Makrong Kasanayan

1. Pagbasa

Antas ng Pang-unawa

1. Literal

2. Interpretativ

3. Kritikal

4. Apresyativ/Aplikasyon

Uri ng Pagbasa

1. Scanning

2. Skimming

3. Previewing

4. Kaswal

5. Pagkuha ng impormasyon

2. Pagsulat

3. Pakikinig

Uri ng Pakikinig

1. Pasiv

2. Atentiv

3. Analitikal

4. Kritikal

5. Apresyativ

4. Pagsasalita

5. Panonood- Bago!

Barayti ng wika

1. Dayalek

2. Idyolek

3. Sosyolek

Antas ng Wika

1. Pormal : (a) Pambansa (b) Panliteratura

2. Impormal: (a) lalawiganin (b) kolokyal (c)balbal (d) bawal o bulgar

Berbal na komunikasyon- Usapan

Di-berbal- di gagamitan ng salitaan

Uri ng di berbal na komunikasyon


1. Proxemics- distansya

2. Chronemics- Oras
3. Oculesics- paningin

4. Haptics- haplos
5. Kinesics- galaw ng katawan

6. Objectics- gamit
7. Vocalics- tono

8. Iconics- simbolo
PANGUNAHING BATAS PANGWIKA
SB 1935 Art. 14- gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang katutubo.

Proklama blg. 12- Linggo ng wika mula Marso 29-abril 4 alinsunod sa kaarawan ni Balagtas.

Proklama blg. 186- Linggo ng wika mula agosto 13-19 alinsunod sa kaarawan ni Quezon.

Proklama blg. 1041- Buwan ng wika ang buong Agosto (Pang. Ramos)

Sirkular 21- Awitin ang Lupang Hinirang sa mga paaralan.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 7- PILIPINO ang wikang pambansa.

Kautusang Pangkagawaran blg. 25- Edukasyong Bilinggwal sa panahon ni Pang. Aquino

SB 1987 Art. 14 Sek. 6-9 – FILIPINO ang wikang pambansa

Kautusang tagapagpalaganap blg. 343- Panunumpa ng katapatan sa watawat ng Pilipinas.

Pangkalahatang Layunin ng pagtuturo ng Filipino

1. Kakayahang komunikatibo

2. Kakayahang Linggwistika

A. Ponolohiya/Palatunugan- Pag-aaral ng Tunog.


Ponema-pinakamaliit na yunit ng tunog. Ang isang tunog kung ito ay nakakabuo ng bagong kahulugan.

Ponetiko naman kung hindi ito nagdudulot ng bagong kahulugan.

Halimbawa:

Babae-Babai (Ponetiko)

Basa-Baso (Ponema)

Ito ay nahahati sa dalawa:

Ponemang Segmental
Ang ponemang segmental ay binubuo ng ponemang katinig at patinig.

a) Labing-lima ang orihinal na kasama sa palabaybayan ngunit isinama ang impit na tunog o glottal stop (?) sapagkat
ito ay itinuturing na isang ponemang katinig dahil napagbabago nito ang kahulugan ng isang salita. Ang dating bigkas
nito ay malumi o maragsa.

b) /p, b, m, w, d, t, l, s, n, r, y, k, g, ng, h, ?/ ang bumubuo sa ponemang katinig

Ang ponemang patinig ay lima : a, e, i, o, u.

1. Diptonggo – alinmang patinig na sinusundan ng malapitinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig. Ang mga
diptonggo sa Filipino ay iw, iy, ey, oy, at uy.

Halimbawa:

Sayaw giliw langoy aruy

2. Klaster o Kambal Katinig – magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang patinig. Ang
klaster ay maaaring matagpuan sa unahan o inisyal, at sa hulihan o pinal na pusisyon ng salita.

Halimbawa:

Klaster sa unahan trabaho plano braso

Klaster sa hulihan kard nars relaks

Pares Minimal – pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa


bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na pusisyon

Halimbawa:

Pala – bala

Pana – mana

Patas- batas
Ponemang Malayang Nagpapalitan – magkaibang ponemang matatagpuan sa
magkatulad na kaligiran ngunit hindi nagpapabago sa kahulugan ng mga salita.

Totoo – tutoo

Noon – nuon

Ponemang Suprasegmental
Intonasyon- Tono ng pagsasalita

Kumain ka na? ; Kumain ka na.

Diin- bilang ponemang suprasegmental, ito ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salitang
binibigkas.

Halimbawa: sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa huling pantig na /may/.

Ito rin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog, ang pagbabago ng diin ay nakapagbabago sa kahulugan nito.

Halimbawa: 1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.

2. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap na sakuna, kaya masasabing /laMANG/siya.

Hinto o Antala – saglit na pagtigil ng ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig nating ipahayag sa
ating kausap.

Halimbawa:

1. Padre, Martin, ang tatay ko. (Ipinakikilala mo ang iyong ama sa isang pari at sa kaibigan mo.)

2. Hindi, si Cora ang may sala. (ipinaalam na si Cora ang may kasalanan.

3. Magalis (puno ng galis)

mag-alis (maghubad, magtanggal at iba pa)

Haba – paghaba o pag-ikli ng bigkas ng nagsasalita sa patinig ng isang pantig sa salita. Ginagamit ang ganitong notasyon /./ at /:/
na siyang nagsasaad ng kahulugan ng salita

Halimbawa:

a. /asoh/ - usok

/a:soh/ - isang uri ng hayop

b. /pitoh/ - bilang na 7

/pi:toh/ - silbato

B. MORPOLOHIYA
Ang morpolohiya ay ang sangay ng linggwistika na nag-aaral ng morpema (morpheme) o ang pinakamaliit na yunit
ng salita na may kahuluguhan.

Anyo ng Morpema:

1. Morpemang panlapi

2. Morpemang salitang ugat

3. Morpemang ponema

May apat na kayarian ng mga salita. Ito ang mga sumusunod:

1. payak - salitang-ugat Hal. Bato, lasa, kain, punta


2. maylapi - salitang-ugat at may panlapi. Hal. Nagpunta, Kumain, Nilangoy
3. inuulit - kapag ang salitang-ugat ay inuulit. Hal. Araw-araw, sino-sino
4. tambalang-salita - dalawang magkaibang salitang pinagsama upang makabuo ng bagong kahulugan. Hal.
bahag-hari, utak-talangka

PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
1. ASIMILASYON- pagbabagong naganap sa /ng/ sa posisyong pinal dahil sa impluwensiya ng ponemang
kasunod nito.

A. Parsyal- Ang pagbabago ay nasa panlaping “pang-” lamang.

d.l.r,s,t b, o p k,g,h, m, n, ng,w, y

Hal.

Pang+ dikdik pang + bayan pang + gabi

=Pandikdik =pambayan =panggabi


B. Ganap- Ang pagbabago ay nasa panlaping “pang-” at nawawala ang unang titik ng salitang nilapian. Tandaan
ganoon pa rin ang tuntunin gaya ng sa parsyal.

D,l,r,st

Pang+ sukli= pansukli=panukli

BoP

Pang+palo= Pampalo= pamalo

2. METATESIS – kapag ang salitang ugat ay nagsisimula sa /l/ o / y/ ay ginitlapian ng (-in) ang /l/ o /y/ ng
salitang ugat at ang /n/ ng gitlapi aynagkakapalit ng posisyon.

Hal. -In + lipad = linipad = nilipad

– in + yaya = yinaya = niyaya

3. PAGKAKALTAS NG PONEMA –. Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang
patinig ng salitang ugat ay nawawala sa paghuhulapi nito.

Hal. Takip + -an = takipan = takpan

Sara + -han= sarahan = sarhan

4. PAGLILIPAT- DIIN- may mga salitang nababago ng diin kapag nilapian.


Hal. Laro (play) + an= LaruAN (Toy) o LaRUan (play ground)

5. MAY ANGKOP – kung sa dalawang salitang magkasunod ang una’y nababawasan ng papungo o pakutad at
kung minsan pay napapalitan ng isa o ilang titik sa loob bago napipisan sa dalawang salita sa isa na lamang.

Hal. Wikain mo kamo

Hayaan mo hamo

6. PAGPAPALIT NG PONEMA- kung ang isa o dalawang titik ng salita ay napapalitan ng iba bukod sa
kung nagkakaltas o nagsusudlong.Ang ponemang /d/ sa posisyong inisyal ng salitang nilalapian ay karaniwang
napapalitan ng ponemang /r/ kapag patinig ang huling ponema ng unlapi.

Hal. D-R

Ma + dapat = madapat marapat

Ma + dunong = madunong marunong

H-N

Tawa+ han= Tawanan

7. MAYSUDLONG o PAGDARAGDAG NG PONEMA – kung bukod sa may hulapi na ang


salitang pinapandiwa, ito ay sinusudlunagn o dinaragdagan pa ng isa pang hulapi. /-an/, -/han/,/ -in/, /-hin/,/-
an/, o /–anan/

Hal. Antabayanan, antayan

Muntik- muntikanan, pagmuntikan, pagmuntikanan

PALAUGNAYAN (SINTAKS)
Sa linggwistika, ang palaugnayan, sintaksis o sintaks ay ang sangay ng balarila na tumatalakay sa masistemang
pagkakaayus-ayos ng mga salita sa pagbuo ng mga parirala at pangungusap.

Pangungusap- Nagpapahayag ng isang buong diwa.

Parirala- Isang pahayag na hindi buo ang diwa

Simuno-paksa o pinag-uusapan

Panag-uri- Nagsasabi ng tungkol sa paksa

Sugnay na makapag-iisa- katumbas ng isang pangungusap

Sugnay na di makapag-iisa- di buo ang diwa

Mga ayos ng pangungusap


1. Karaniwang ayos- Una ang panag-uri sunod ay simuno

Halimbawa: Bumili ng bagong sasakyan si Juan.

2. Di- Karaniwan - Nagsisimula sa Simuno at Nagtatapos sa Panaguri.

Halimbawa: Si Juan ay bumili ng bagong sasakyan.

Uri ng mga pangungusap

Ayon sa pangungusap na walang paksa

• Eksistensyal - nagpapahayag ng pagkamayroon ng isa o higit pang tao, atbp. Pinangungunahan ito ng may o
mayroon. Halimbawa: Mayroon daw ganito roon.
• Mga pangungusap na pahanga – nagpapahayag ng damdaming paghanga. Halimbawa: Kayganda ng
babaing iyun!
• Mga sambitla – tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding
damdamin. Halimbawa: Aray!
• Mga pangungusap na pamanahon (Penomenal) – nagsasaad ng oras o uri ng panahon. Halimbawa:
Maaga pa.
• Mga pormulasyong panlipunan – mga pagbati, pagbibigay-galang, atbp. na nakagawian na sa lipunang
Pilipino. Halimbawa: Magandang umaga po.
• Mga pangungusap na sagot lamang - sagot sa mga tanong na hindi na kailangan ng paksa. Halimbawa:
T:Sino siya? S:Kaibigan.
• Mga pangungusap na Pautos/Pakiusap - Ang pangungusap na pautos ay nag-uutos o nakikiusap.
Gumagamit ito ng salitang paki ang pakiusap. Halimbawa: Pakidala.
• Modal- nangangahulugan ng nais/gusto/pwede/maaari. Hal. Gusto kong matulog.
• Temporal- nagsasaad ng mga kalagayan o panahon na panandalian lamang. Hal. Alas dos na. Tag-ulan na.
Pasko na naman.

Ayon sa kayarian

Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng iisang kaisipan. Maaaring nagtataglay ng payak o tambalang
simuno at panaguri. May apat itong kayarian: payak na simuno at payak na panaguri; payak na simuno at tambalang
panaguri; tambalang simuno at payak na panaguri; at tambalang simuno at tambalang panaguri.

• Ang pamahalaan ay masigasig sa mabilisang pagsugpo ng kriminalidad sa bansa.


• Ang mga lalaki at babae ay naghahanda ng palatuntunan.

Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa. Ang mga pangatnig na
kadalasang gamit ay: at, subalit, ngunit at datapwat.

• Nagtatag ng isang pangako si Arnel at umisip siya ng magandang proyekto para sa mga kabataan sa kanyang
pook.
• Lumaking mabuti si Minda ngunit inabuso siya ng mga tao sa bayan.

Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o dalawang sugnay na di-
makapag-iisa. Ang mga pangatnig na kadalasang nangunguna sa mga pahayag ay: kung, dahil sa

• Gaganda ang iyong buhay kung susunod ka sa mga pangaral ng inyong magulang.
• Dahil sa malakas na ulan, bumaha sa bayan.

Ang langkapang pangungusap ay binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa at dalawa o mahigit
pang sugnay na di-makapag-iisa. Kadalasan ay mahahaba ang mga ganitong pangungusap.

• Ang buhay sa mundo ay pansamantala lamang kaya't dapat na tayo ay magpakabuti upang makamit ang
kaligayahan sa kabilang buhay.
• Nahuli na ang mga masasamang-loob kaya't payapa na kaming nakatutulog sa gabi, kasi sila lamang ang
gumugulo sa amin.

Ayon sa gamit

• Pasalaysay o Paturol: Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan o pangyayari. Lagi itong nagtatapos sa tuldok(.)
• Patanong: Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o pangyayari, at tandang pananong(?) ang bantas
sa hulihan nito.
• Pautos: Ito ay uri ng pangungusap kung saan ay nakikiusap o nag uutos ito.
• Padamdam: Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa,pagkagulat, paghanga, panghihinayang
at iba pa.

Ang Sugnay ay bahagi ng mga salita pangungusap na buo ang diwa. Maroong itong dalawang uri, ang sugnay na
makapag-iisa at sugnay na di mag-iisa.

a. Sugnay na makapag-iisa - ito ay maaaring tumayo bilang payak na pangungusap.

Hal. Masaya ang mga bata.

b. Sugnay na di makapag-iisa - mayroon itong paksa at panaguri ngunit hindi buo ang diwa ng ipnahahayag.
Kailangan nito ng sugnay na makapag-iisa upang mabuo ang diwa.

Hal. Dahil sila ay nakakuha ng mataas na marka.

You might also like