You are on page 1of 4

Baitang : IV Pamantayan na Aralin: FILIPINO

Nagpakitang Turo : PESUCAN, CRISTINE.


SOMORAY, ARABELLA GRACE M.
ROJAS, KIM.
Markahan: IKA – 3 NA MARKAHAN

Petsa at Oras : April 28, 2022 Sinuri ni: CHRISTIAN D. TAGHOY


:8:00 – 8:0 AM VI RIZAL Guro, EED 105

BANGHAY - ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO (BAITANG 4)

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO/TUNGUHIN/PAMANTAYAN


A. Pamantayang Pangnilalaman Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t-ibang uri
ng teksto at napapalawak ang talasalitaan.
B. Pamantayan sa Pagganap Nakabubuo ng isang nakalarawang balangkas.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon at/o katotohanan.

I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay


inaasahang;
a. nasusuri kung ang pahayag ay opinyon o
katotohanan;
b. nagbibigay halaga sa opinyon at katotohanan; at
c. nakabubuo ng pangungusap na nagpapahayag
ng opinyon at/o katotohanan.

II. NILALAMAN
Paksa Pagsusuri ng Pahayag na Opinyon at/o Katotohanan
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian Curriculum Guide Filipino lV

A.1 Mga Pahina sa Gabay sa


Pagtuturo
A.2 Mga Pahina sa Kagamitang
Pang Mag-aaral
A.3 Karagdagang Kagamitan
mula sa LRDMS
B. Iba pang Kagamitang Panturo Visual Aids, Lesson Plan, Activity Sheets, laptop for
video presentation, Manila paper.
IV. PAMAMARAAN
A. Balik – aral sa nakaraang Aralin A.1 Drill: “Suriin Mo!”
o pasimula sa bagong aralin
Panuto: Tukuyin ang panlapi sa nakasalungguhit na
salita.
1. Bago ka umalis, magpaalam ka muna.
2. Hugasan mo ang plato matapos kang kumain.
3. Pwede ko bang isuot ang bago kong gamit?

A.2 Pagbabalik-aral
Itanong sa mga mag-aaral:
a. Ano ang panlapi?
b. Ano ang salitang ugat?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Sa araw na ito ay pagtutuunan natin ng pansin ang


(Motivation) pagsusuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan.
(Magpapakita ang guro ng video)
Tanong:
Tungkol saan ang video?
Ano ang iyong masasabi tungkol dito?
Anong uri ng impormasyon ang nilalaman ng mga video?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Magpapakita ang guro ng mga salita o pahayag at ito ay
sa bagong aralin kikilalanin ng mga mag-aaral kung ito ba ay opinyon o
(Presentation) katotohanan.
1. Ayon kay Titser Lina, pang-apat na pamanahunang
pagsusulit namin ngayon.
2. Batay sa ginawa ni Ana, dahilan ito para siya ay hindi
makapasa sa klase.
3. Sa palagay ko, maari kong dayain si titser.
4. Para sa akin, hindi masama ang mangopya.

D. Pagtatalakay ng bagong Ang opinyon ay isang pahayag lamang. Matatawag na


konsepto at paglalahad ng opinyon ang mga pahayag mula sa mga paliwanag
bagong kasanayan lamang batay sa mga totoong pangyayari. Ito ay mga
No. 1 (Modelling) impormasyon na batay sa saloobin at damdamin ng tao.

Halimbawa ng opinyon:
1. Para sa akin, ang aking ina ang pinakamaganda.
2. Kung ako ang tatanungin, ang pagbabasa ay ang
pinakamagandang gawin.
3. Maraming tao ang mahilig sa kulay pula.
4. Para sa akin, ang sorbetes ay ang pinakamasarap sa
lahat.
5. Pakiramdam ko, si Juan ay nagsisinungaling.

Ang katotohanan ay totoong pangyayari. Ang mga


pahayag na may katotohanan ay kadalasang
sinusuportahan ng pinagkunan. Ito ay mga impormasyon
na maaaring mapatunayang totoo. Bihira itong mabago
mula sa isang pinagmumulan ng impormasyon.

Ang katotohanan ay gumagamit ng mga panandang;


1. Batay sa resulta…
2. Tinutukoy ng…
3. Pinatutunayan ni…
4. Mababasa sa…
5. Ayon kay…

Halimbawa ng katotohanan:
1. Ayon kay Thomas A. Edison, ang pagsuko ang
pinakamatindi nating kahinaan. Ang pinakatiyak na
paraan upang magtagumpay ay ang sumubok nang isa
pang beses.
2. Ayon sa bibliya, masama ang pagsisinungaling.
3. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti ng
nababawasan ang mga out of school youth.
4. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga
ekonomista na unti-unting umuunlad ang turismo ng
ating bansa.
5. Matigas ang bato.
E. Pagtatalakay ng bagong Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa dalawang grupo.
konsepto at paglalahad ng Ang unang grupo ay magbibigay ng opinyon sa isang
bagong kasanayan kasalukuyang sitwasyon (COVID-19), samantalang ang
No. 2 (Guided Practice) ikalawang grupo ay maglalahad ng katotohanan sa isang
sitwasyon (COVID-19) at magbibigay ng pinagmulan ng
impormasyon.

F. Pagtatalakay sa Kabihasan Ang mag-aaral ay gagawa ng isang pangungusap na


(Tungo sa Formative nagpapahayag ng opinyon at katotohanan tungkol sa
Assessment) epekto ng social media sa mag-aaral.
(Independent Practice) Isang opinyon at isang katotohanan lamang ang
gagawin.

G. Paglalapat ng aralin sa pang- Sagutin Mo


araw-araw na buhay 1. Dapat ba tayong maniwala kaagad sa mga
(Application) impormasyon na nakikita natin sa Social Media? Bakit
Oo at bakit hindi?
2. Paano natin susuriin ang mga impormasyon na ating
nakikita at naririnig?
3. Ano ang katangian na dapat nating angkinin sa
pagsusuri ng mga impormasyon?

H. Paglalahat ng Aralin Magbibigay ng katanungan ang guro sa mag-aaral.


(Generalization) 1. Ano ang katotohanan?
2. Magbigay ng panandang ginagamit sa katotohanan.
3. Ano naman ang opinyon?

Mahalaga na malaman natin kung ang pahayag ay isang


opinyon o katotohanan dahil dito nakabasi ang ating
paniniwalaan.
I. Pagtataya ng Aralin
(Evaluation) Panuto: Suriin ang pangungusap. Isulat ang sagot sa
sulatang papel. Isulat ang O kung ang pangungusap ay
nagpapahayag ng opinyon at K naman kung nagsasaad
ng katotohanan.

____ 1. Sa aking palagay, mas mainam na bumili ng


mga local na prutas kaysa galing sa ibang bansa.
____ 2. Pinatutunayan ng isang survey na ang Pilipinas
ay papaunlad na bansa.
____ 3. Mula kay Doktor Jose Rizal ang kasabihang mas
mabaho pa sa malansang isda ang taong hindi
marunong magpahalaga sa sariling wika.
____ 4. Batay sa tala ng Department of Education,
maraming mag-aaral ang nagpatala sa kabila ng
pandemya.
____ 5. Kung ako ang tatanungin, mas mainam ang
face-to-face classes kaysa sa distance modular learning
dahil mas maraming matutunan ang mga mag-aaral
kung mismong guro ang nagtuturo sa kanila sa paaralan.

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin


takdang-aralin Maghanap ng tig-limang
(Assignment/Agreement) halimbawa ng artikulo sa
lumang pahayagan. Suriin ang
bawat artikulo at tukuyin kung
anong pahayag ang mga ito,
kung ito ba ay opinyon o
katotohanan. Gupitin, idikit at
isulat ito sa isang buong papel
at ipasa sa susunod na
pagkikita.

Inihanda ni:

ROJAS, KIM.
SOMORAY, ARABELLA GRACE M.
PESUCAN, CRISTINE.
Nagpakitang Turo

Sinuri ni:

CHRISTIAN D. TAGHOY, LPT


Guro, EED 105

You might also like