You are on page 1of 4

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

LIPSTICK ( Maikling Kuwento )

I. Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang mga tauhan at pangyayari sa kuwento,
nakapagbibigay ng halimbawa na katulad ng pangyayari sa kuwento,
B. nakapagsasalita at nakababasa ng maayos at malinaw,
C. nabibigyang kahulugan ang mga salita, at
D. nabibigyang halaga ang mga tagpo at pangyayari sa kuwento.

II. Paksang- Aralin


A. Paksa : Lipstick ( Maikling Kuwento)
B. Sanggunian : http://en.m.wikipedia.org>wiki>Lipstick
www.iliked.me>tag>maikling -kuwento
C. Kagamitan : Powerpoint
D. Itegrasyon : English, History

III. Pamamaraan:

Gawaing Pang-guro Gawaing Pang- mag-aaral


A. Panimulang Gawain:
1. Pambungad na panalangin
 Bago tayo magsimula sa ating pag-aaral
magsitayo muna tayo para sa isang panalangin

 Magandang umaga/hapon sa inyong lahat. Magandang umaga/hapon


din po Ma’am.
2. Pagtala ng Liban
 Ngayon naman lider, pakitala kung Lider ang magtatala ng
sinu-sino ang mga liban sa inyong grupo liban sa klase.
para sa araw na ito.

3. Pagtala ng Takdang- Aralin


 Ngayon naman ay tignan natin kung Titipunin ng lider ang
sinu-sino ang nagsipag-gawa ng takdang takdang-aralin ng mga
aralin. Mga lider tipunin ninyo ang takdang- kagrupo.
aralin ng inyong mga kagrupo, at ibigay sa
sa akin mamaya pagkatapos ng klase.

B. Balik- Aral
 Bago tayo magsimula sa ating bagong
paksa, balikan muna natin ang ating
paksa kahapon.

 Ang natalakay natin kahapon ay ang


paglalarawan.
Detalyadong Banghay Aralin
Pahina:_____
x-------------------------- X
 Ano ang paglalarawan? Ang paglalarawan po ay
isang paraan ng pang-
araw-araw na
pagpapahayag ng nakikita,
nararamdaman o
naaamoy.
 Magaling!

 Ngayon, sa madaliang pagbibigay ng


halimbawa, humanap kayo ng kapareha
at ilarawan ninyo ang isa’t isa sa pamamagitan Si Patrica ay maganda.
ng isang pangungusap. Si Kendra ay matalino.

 Magaling kayong lahat!

C. Pagganyak

 Sinu-sino sa inyo ang nagpapa-order


o umuorder ng Avon, Natasha, Sarah Lee
at Iba pa. Ma’am ako po.

 Ano ang madalas inoorder sa mga ito? Ma’am make- up po at


lipstick.
 Bakit kinakailangan pang gumamit ng
lipstick ang mga babae.
Ang mga lalaki ang sasagot? Pampaganda po nila
Ma’am.
 Pampaganda lang ba mga babae?
Ma’am upang maging
kaaya-aya pong tignan
ang mga babae.

At upang maging disente


at kagalang-galang po
Ma’am.
 Lahat ba ng babaeng gumagamit ng
lipstick ay gumaganda? Opo/Hindi po Ma’am.

 Bakit ninyo nasabing Oo? Dahil lalo pong lumalabas


ang ganda ng babae ‘pag
naka-lipstick Ma’am.

 Bakit ninyo namang nasasabing hindi? May mga babae po kasi


Ma’am na mas bagay nila
ang simple at walang
lipstick.

 Maganda ang inyong mga ideya!


Magaling!
Detalyadong Banghay Aralin
Pahina:_____
x-------------------------- X
D. Paglalahad ng Paksa

 Kaya ko naitanong sa inyo ang tungkol


sa lipstick dahil ito ang paksa na tatalakayin
natin ngayon. Subalit bago iyan ay alamin
muna natin ang kahulugan ng mga
sumusunod:
1. Maliit na kuwarto – Silid o Apartment
2. Pang-aabandona – Pag- iwan
3. Magdalena – Nagtatrabaho o sumasayaw sa Bar. Babaeng bayaran

E. Pagtalakay sa Paksa

 Ano ba ang nilalaman ng maikling kuwento na “ Lipstick”


 Para malaman natin ang sagot, basahin natin ang maikling kuwento na
pinamagatang “Lipstick “.

F. Pangwakas na Gawain

 Ano ang damdaming nais ipahayag ni Elisa


sa pagkawala ng kanyang ina. Sobrang nalungkot si Elisa
at nagdalamhati sa pagka
wala ng kanyang ina.
 Magaling!
 Anong ikinamatay ng ina ni Elisa? Ito po ay hinihinalang
pinatay at ginahasa ng
ilang lalaki.
 Magaling!
 Naging mahalaga ba kay Elisa ang kanyang
ina? Patunayan? Opo naging mahalaga kay
Elisa ang kanyang
ina. Sa
katunayan nag-aaral
siyang mabuti para
matuwa ang kanyang ina.
 Mahusay!
 Bakit tinutukso ng mga kapwa niya bata si
Elisa. Sapagkat siya po ay
naging anak ng
Magdalena.
 Magaling!
 Anong ginawa ng Ama ni Elisa sa kanya
at sa kanyang ina? Sila ay inabandona
ng malaman nito na
nagdadalang –tao ang ina
ni Elisa.
 Mahusay!
Detalyadong Banghay Aralin
Pahina:_____
x-------------------------- X

 Bakit “Lipstick “ ang paksa ng maikling kuwento? Sapagkat sa pamamagitan


ng lipstick binibigyang
buhay ang mukha ng ina
ni Elisa, lipstick ang
kailangan po niya sa
kanyang trabaho at sa
lipstick din po siya
namatay at dahil po sa
lipstick kaya naaalala ni
Elisa ang kanyang ina.
 Mahusay!

G. Paglalahat
 Sino ang makabubuod ng maikling
kuwentong ating tinalakay? Ibubuod ng isang mag-
aaral ang kuwento.
H. Paglalapat
 Sa anong pangyayari o pagkakataon
naramdaman mo ang pagmamahal
at pag-aalaga ng iyong ina tulad ni Elisa. Sasagot isa-isa ang mga
mag-aaral.
IV. Pagpapahalaga

 Nakikita niyo ba ang pagsasakripisyo ng


inyong ina? Ano ang pagsasakripisyong
nakikita ninyo?

 Paano ninyo susuklian ang sakripisyong


ginagawa ng inyong ina?

V. Pagtataya

 Piliin ang tamang sagot sa Hanay B . Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang?

______a.) Magdalena A. Nagsasalita ng masama


______b.) Inabandona B. Apartment
______c.) Maliit na kuwarto C. Iniwan
______d.) makasalanan na bibig D. Babaeng sumasayaw sa Bar,
______e.) ulila babaeng bayaran.
E.Wala ng magulang

 Tama ba ang ginawa ng ama ni Elisa na pag-abandona sa kanilang dalawa?


Oo/ Hindi. Ipaliwanag.(5pts.)

 Kung ikaw ang ina ni Elisa, gagawin mo rin ba ang ginawa niya, upang mabuhay
kayong mag-ina? Oo/Hindi Ipaliwanag. (5pts)

VI. Takdang- Aralin

 Gumawa ng tatlong talata na nagpapahayag ng pagmamahal ninyo sa inyong


ina? Ilagay sa isang buong papel.

You might also like