You are on page 1of 27

Introduksyon sa

pagsulat
Introduksyon sa Pagsulat
INTRODUKSYON SA PAGSULAT
 A. Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat
 B. Mga Pananaw sa Pagsulat
 C. Layunin ng Pagsulat
 D. Proseso ng Pagsulat
 E. Mga Bahagi ng Teksto
 F. Mga Uri ng Pagsulat
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
▪ Nabibigyang-kahulugan ang pagsulat at
naipaliliwanag ang kalikasan nito.
▪ Nailalarawan ang pagsulat batay sa mga pananaw
hinggil dito.
▪ Natutukoy ang mga layunin ng pagsulat.
▪ Nailalarawan ang proseso ng pagsulat batay sa mga
hakbang sa pagsasagawa nito.
▪ Natutukoy ang mga uri ng pagsulat at nabibigyang-
kahulugan at halimbawa ang bawat isa.
KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PAGSULAT
▪ Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o anumang kasangkapang
maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita,
simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang kaniyang/kanilang kaisipan.
▪ Ito ay kapwa pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa
iba’t ibang layunin.
KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PAGSULAT
▪ Ayon kina Xing at Jin, ang pagsulat ay
isang komprehensibong kakayahang
naglalaman ng wastong gamit,
talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan,
retorika at iba pang mga elemento.
▪ - Ayon naman kay Keller, ang pagsulat ay
isang biyaya, isang pangangailangan at
isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.
KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PAGSULAT
 - Ayon naman kay Keller, ang pagsulat ay isang biyaya,
isang pangangailangan at isang kaligayahan ng
nagsasagawa nito.
 Isang biyaya ito sapagkat ito ay isang kasanayang kaloob
ng Maykapal at eksklusibo ito sa tao.
 Isa itong pangangailangan sapagkat ito, kasama ang
kasanayang pakikinig, pagbasa, at pagsasalita, ay may
malaking impluwensya upang maging ganap ang ating
pagkatao.
 Isa itong kaligayahan sapagkat bilang isang sining, maaari
itong maging hanguan ng satispaksyon ng sinoman sa
kaniyang pagpapahayag ng nasasaisip o nadarama.
MGA PANANAW SA PAGSULAT
1. Sosyo-Kognitibong Pananaw
2. Komunikasyong Interpersonal
at Intrapersonal
3. Multi-Dimensyonal na Proseso
a. Oral na Dimensyon
b. Biswal na Dimensyon
c. Gawaing Personal at Sosyal
SOSYO- KOGNITIBONG PANANAW
 1. Sosyo-Kognitibong Pananaw - Ang sosyo ay
tumutukoy sa lipunan ng mga tao. Ang kognitibo naman
ay anomang tumutukoy sa pag-iisip. Nauugnay rin ito sa
mga empirikal at paktwal na kaalaman.
 Ang sosyo-kognitibong pananaw ay pagtanaw sa proseso
ng pagsulat. Ayon sa pananaw na ito, ang pagsulat ay
kapwa mental at sosyal na aktibiti. Nakapaloob sa
mental na aktibiti ang pag-iisip at pagsasaayos ng isang
tekstong pasulat. Nakapaloob naman sa sosyal na
aktibiti ang pagsasaalang-alang sa mga mambabasa at sa
kanilang magiging reaksyon o tugon sa teksto.
INTERPERSONAL AT INTRAPERSONAL
 2. Komunikasyong Interpersonal at Intrapersonal - Isa
itong proseso ng pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan
ng pagsagot sa mga tanong tulad ng: Ano ang isusulat?
Paano ko iyon isusulat? Sino ang babasa ng aking
isusulat? Ano ang nais kong maging reaksyon ng babasa
ng aking isusulat?. Ito rin ay paraan ng pakikipag-usap sa
mambabasa, isang tao man o higit pa.
 Interpersonal - Komunikasyong nagaganap sa pagitang
dalawa o higit pang tao.
 Intrapersonal - Komunikasyong pansarili.
MULTI-DIMENSYONAL NA PROSESO
 A. Oral na Dimensyon - Kapag ang isang
indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong
iyong isinulat, masasabing nakikinig na rin
siya sa iyo. Hindi ka man niya personal na
kilala, o kahit pa hindi ka niya nakikita,
nagkakaroon siya ng ideya kung sino at ano
ka, kung ano ang iyong kaalaman at
kasanayan, at kung paano ka magsalita na
inilalantad ng teksto mismo at ng iyong
estilo at organisasyon sa teksto.
MULTI-DIMENSYONAL NA PROSESO
 B. Biswal na Dimensyon - Ang dimensyong ito ay mahigpit na
nauugnay sa salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa
kaniyang teksto na nakalimbag na simbolo. Sa dimensyong ito,
kailangang maisaalang-alang ang mga kaugnay na tuntunin sa
pagsulat upang ang mga simbolong nakalimbag na siyang
pinakamidyum ng pagsulat ay maging epektibo at makamit ang
layunin ng manunulat. Tandaang ang biswal na imahe ay mga
istimulus sa mata ng mga mambabasa at magsisilbing susi sa
paggana ng kanilang komprehensyon sa ating isinusulat. Dahil
dito, kailangang maisaalang-alang ng sinomang manunulat ang
iba’t ibang salik sa pagsulat na kaiba sa pagsasalita upang ang
dimensyong ito ay maging malinaw at epektibo.
MULTI-DIMENSYONAL NA PROSESO
 C. Gawaing Personal at Sosyal
 Bilang isang personal na gawain, ang pagsusulat ay
tumutulong sa pag-unawa ng sariling kaisipan, damdamin,
at karanasan.
 Bilang sosyal na gawain, nakatutulong ito sa ating
pagganap sa mga tungkuling panlipunan at sa
pakikisalamuha sa isa’t isa. Madalas, sa pagsusulat ay
naibabahagi ng isang tao sa ibang tao ang kaniyang mga
karanasan o ang kaniyang pagkakaunawa sa mga
impormasyong kaniyang nakalap. Minsan, nagsusulat ang
isang indibidwal upang maimpluwensyahan ang
paniniwala at reaksyon ng ibang tao.
LAYUNIN NG PAGSULAT
Kapwa isang gawaing personal at sosyal ang
pagsulat. Personal na gawain ito kung ang pagsulat
ay ginamit para sa layuning ekspresibo o sa
pagpapahayag ng iniisip o nadarama. Sosyal na
gawain naman ang pagsulat kung ito ay ginagamit
para sa layuning panlipunan o kung ito ay
nagsasangkot ng pakikipag-ugnay sa iba pang tao sa
lipunan na tinatawag din itong layuning
transaksyunal.
 Personal na Gawain - Layuning Ekspresibo
 Sosyal na Gawain- Layuning Transaksyunal
LAYUNIN NG PAGSULAT
Inuri nina Bernales, et al. (2001)
ang mga layunin sa pagsulat sa
tatlo:
1. Ang Impormatibong Pagsulat
2. Ang Mapanghikayat na Pagsulat
3. Ang Malikhaing Pagsulat
1. Ang Impormatibong Pagsulat (expository writing)-Ito ay
naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag. Ang
mismong pokus nito ay at mismong paksang tinatalakay sa teksto.
2. Ang Mapanghikayat na Pagsulat (persuasive writing) - Ito ay
naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang
katwiran, opinyon, o paniniwala. Ang pangunahing pokus nito ay ang
mambabasa na nais maimpluwensyahan ng isang awtor nito.
3. Ang Malikhaing Pagsulat (creative writing) - Ito ay kadalasang
ginagawa ng mga manunulat ng akdang pampanitikan tulad ng
maikling katha, nobela, tula, dula, at iba pang malikhain o masining
na akda. Kadalasan, ang pangunahing layunin ng awtor dito ay
pagpapahayag ng kathang-isip, imahinasyon, ideya, damdamin o
kumbinasyon ng mga ito. Ang pokus nito ay ang manunulat mismo.
LAYUNIN NG PAGSULAT
LAYUNIN POKUS
Impormatibong Paksa
Pagsulat
Mapanghikayat na Mambabasa
Pagsulat
Malikhaing Pagsulat Manunulat
PROSESO NG PAGSULAT
 1. Bago Sumulat o Pre-writing - Ginagawa rito ang pagpili
ng paksang isusulat at ang pangangalap ng mga datos o
impormasyong kailangan sa pagsulat. Ang pagpili ng tono
at perspektibong gagamitin ay nagaganap din sa hakbang
na ito.
 2. Habang Sumusulat o Actual Writing - Nakapaloob dito
ang pagsulat ng draft.
 3. Muling Pagsulat o Rewriting - Dito nagaganap ang pag-
eedit at pagrerebisa ng burador batay sa wastong
balarila, bokabularyo, at pagkakasunod-sunod ng mga
ideya o lohika.
PROSESO NG PAGSULAT
Habang
Bago Muling Pinal na Awtput
Sumusulat
Sumulat (Actual Writing)
Pagsulat (Final Output)
(Pre-writing) (Rewriting)
BAHAGI NG TEKSTO
1. Panimula
2. Katawan
3. Wakas
BAHAGI NG TEKSTO
1.Panimula - Dapat bigyan ng kaukulang pansin ang panimula ng
tekstong isusulat. Ang bahaging ito ay nararapat na maging kawili-wili
upang sa simula pa lamang ay mahikayat ang mambabasa na tapusing
basahin ang teksto.
2.Katawan - Sa pagsulat ng bahaging ito, matatagpuan ang wastong
paglalahad ng mga detalye at kaisipang nais ipahayag sa akda.
Mahalagang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ang mga kaisipang
ipinahahayag upang hindi malito ang mambabasa dahil ito ang
pinakamalaking bahagi ng teksto.
3.Wakas - Dapat isaalang-alang ng manunulat ang pagsulat ng bahaging
ito upang makapag-iwan ng isang kakintalan sa isip ng mambabasa na
maaaring magbigay buod sa paksang tinalakay o mag-iiwan ng isang
makabuluhang pag-iisip at repleksyon.
URI NG PAGSULAT
1. Akademiko
Maaaring maging kritikal na
sanaysay, lab report, eksperimento,
term paper o pamanahong papel,
tesis o disertasyon. Itinuturing itong
isang intelektwal na pagsulat dahil
layunin nitong pataasin ang antas at
kalidad ng kaalaman ng mga
estudyante sa paaralan.
URI NG PAGSULAT
 2. Teknikal
Ito ay isang espesyalisadong uri ng
pagsulat na tumutugon sa mga
kognitibo at sikolohikal na
pangangailangan ng mga
mambabasa, at minsan, maging ng
manunulat mismo. Nagsasaad ito ng
mga impormasyong maaaring
makatulong sa pagbibigay-solusyon sa
isang komplikadong suliranin.
 Malawak itong uri ng pagsulat at saklaw
nito ang iba pang subkategorya tulad ng
pagsulat ng feasibility study at ng mga
korespondensyang pampangangalakal.
Karaniwang katangian nito ang paggamit
ng mga teknikal na terminolohiya sa isang
partikular na paksa tulad ng science and
technology. Samakatuwid, ang pagsulat na
ito ay nakatuon sa isang ispesipikong
audience o pangkat ng mga mambabasa.
3. Journalistic - Pampamamahayag ang uring ito
ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga
mamamahayag o journalist. Saklaw nito ang
pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain, at
iba pang akdang karaniwang makikita sa mga
pahayagan o magasin.
4. Reperensyal - Ito ay uri ng pagsulat na
naglalayong magrekomenda ng iba pang
reperens (reference) o sors (source) hinggil sa
isang paksa. Madalas binubuod o pinaiikli ng
manunulat ang ideya ng ibang manunulat.
5. Propesyonal - Ito ang uri ng pagsulat
na nakatuon o ekslusibo sa isang tiyak
na propesyon.

6. Malikhain - Masining ang uring ito ng


pagsulat. Ang pokus dito ay ang
imahinasyon ng manunulat, bagama’t
maaaring piksyonal o di-piksyonal ang
akdang isinusulat.
URI NG PAGSULAT
AKADEMIKO TEKNIKAL
JOURNALISTIC REPERENSYAL
PROPESYONAL MALIKHAIN
MARAMING
SALAMAT!
Introduksyon sa Pagsulat

You might also like