You are on page 1of 1

“Dakilang Ina”

Isang babae na saakin ay nagluwal-13

Isang babaeng labis akong minamahal-13

Siya ang aking mahal at Dakilang Ina-13

Dakilang Ina na ‘di maikukumpara-13

Di lubusang mabilang ang sakripisyo na iyong ginawa-18

Di lubusang maisip kung anong lakas ang mayroon ka-18

Mga bagay at trabaho na mabibigat ay ‘yong kinakaya-18

Ikaw ay tunay na kahulugan ng isang kamangha-mangha!-18

Ako’y kulang kapag ‘di kita kasama-12

Ako’y masaya pag ika’y nakikita-12

Ika’y nagsisilbi bilang aking araw-12

Buhay ko’y masaya, may kulay at ilaw-12

Bilang aking ganti sa iyong mga pagsasakripisyo,-16

‘Kay mamahalin at po-protektahan ng buong-buo,-16

Iyong mga mithiin saakin ay hindi mabibigo-16

Ito’y gagawin kong inspirasyon sa aking paglago.-16

Mahal kong ina, ika’y karapat-dapat na puriin-16

Walang katumbas pagmamahal mo’y inalay sakin-16

Utang ko saiyo ang aking mahiwaga na buhay

Isa kang pambihirang tunay, aking Inay!

You might also like