You are on page 1of 31

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Konsepto ng Asya Tungo sa
Paghahating-Heograpiko
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Konsepto ng Asya Tungo sa Paghahating -
heograpiko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rosana N. Decena


Tagasuri: Anecita D. Casiple, Alberto, Jr. S. Quibol at Angel Rose L. Suansing
Tagaguhit: Rosana N. Decena

Tagapamahala: SDS Reynaldo M. Guillena, CESO V


ASDS Basilio P. Mana-ay Jr., CESE
ASDS Emma A. Camporedondo, CESE
CID Chief Alma C. Cifra, EdD
LRMS EPS Aries B. Juanillo, PhD
AP EPS Amelia S. Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Region XI Davao City Division


Elpidio Quirino Avenue, Davao City, Philippines
Telephone: (082) 224 0100/228 3970

Email Address: info@deped-davaocity.ph/lrmds.davaocity@deped.gov.ph


7
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Konsepto ng Asya Tungo sa
Paghahating-Heograpiko
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling: Ang Konsepto ng Asya Tungo sa
Paghahating - heograpiko!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Konsepto ng Asya Tungo sa Paghahating-heograpiko.

Upang iyong mas maunawaan ang iyong sarili, nararapat na pag-aralan mo ang
iyong kontinenteng kinabibilangan. Noong ikaw ay nasa Baitang anim (6) pa lamang
ay natutunan mo ang heograpiya at kasaysayan ng Pilipinas. Ngayong nasa baiting
pito (7) ka na, mas mapapalalim mo ang iyong kaalaman tungkol sa kontinenteng
Asya. Bakit mo nga ba pag-aaralan ang kontinenteng ito? Sapagkat ang Pilipinas ay
napabilang sa Timog Silangang bahagi ng kontinenteng Asya. Sa modyul na ito,
mauunawaan mo ang konsepto ng Asya at ang paghahating-heograpiko nito.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Kumusta mag-aaral? Handa ka na bang matuto? Ang modyul na ito ay ginawa


sa layuning matulungan kang maunawaan ng lubos ang mundong iyong ginagalawan
bilang isang Asyano. Mahalagang malaman mo na ang kontinente ng Asya ang isa sa
pinakaunang tahanan ng mga unang tao sa daigdig kung saan umusbong ang unang
mga kabihasnan at mga pangyayaring may malaking kaugnayan sa kasalukuyan.

Tayo na at iyong tuklasin ang hiwaga ng pinakamakasaysayang kontinente ng


Asya. Sisimulan mo ito sa pag-aaral ng konsepto nito at ang kanyang heograpiya.
Papaano nga ba hinati ang mga rehiyon dito? Anu-ano ang basihang ginamit sa mga
paghahating ito?

Mag-aaral, sa modyul na ito ay iyong matutunan ang mga detalye tungkol sa


konsepto at paghahating-heograpiya ng Asya na malinaw at maayos na inilalahad
upang madali mong mauunawan ang bawat paksa sa unang aralin na nakabatay sa
Most Essential Learning Competency para sa Baitang 7 na: Naipapaliwanag ang
konsepto ng Asya tungo sa paghahating–heograpiko: Silangang Asya, Timog-
Silangang Asya, Timog-Asya, Kanlurang Asya, Hilaga/Gitnang Asya; (AP7HAS-
Ia-1.1)

Mula sa nabanggit na kasanayan ay pag-aaralan mo ang sumusunod na paksa:

• Konsepto ng Asya
• Ang Limang Rehiyon sa Asya at mga Bansang Sakop Nito

Pagkatapos mong pag-aralan ang mga nabanggit na aralin ikaw ay inaasahang:

1. natatalakay ang konsepto at heograpiya ng Asya;


2. natutukoy ang mga lokasyon at hangganan ng Asya; at
3. naiisa-isa ang mga bansang sakop ng bawat rehiyon.

Kapag natapos mo ang mga layuning ito, mas madali mo nang maiintindihan
ang konsepto ng Asya lalo na ang heograpiya nito.

Magsimula ka na!

1
Subukin

Alam kong ikaw ay nasasabik ng matuto at tumuklas ng mga karagdagang


impormasyon tungkol sa Asya. Ngunit, bago ka dumako sa talakayan, sagutan mo
ang mga katanungan sa bahaging ito upang subukin ang iyong kaalaman ukol sa
ating paksa.

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang nilalaman ng bawat bilang. Piliin ang titik
na kumakatawan sa wastong sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya ng Asya at ang paghahating


heograpiko nito?
A. Makilala ang mga karatig bansa para sa pakikipagkalakalan.
B. Matutukoy ang mga bansang may magandang mga pasyalan.
C. Matutukoy ang mga rutang dinadaanan ng mga mangangalakal
D. Maunawaan ang pisikal na katangian ng Asya sa pagbuo ng sinaunang
kabihasnan
2. Alin sa mga pahayag ang hindi naglalarawan sa pagtukoy sa tamang lokasyon
ng isang lugar o pook?
A. Nakapaligid na mga katubigan
B. Pagtukoy ng degri o latitude at longhitud nito.
C. Mga bansang nakapaligid sa isang pook o lugar.
D. Malalaki at tanyag na mga pook o lugar na sakop nito

3. Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo. Ano ang maaring
maging epekto nito sa buong kontinente.
A. Makapangyarihan ang kontinenteng ito.
B. Maraming populasyon ng tao ang maaaring tumira dito.
C. Mahina ang pundasyon nito dahil sa iba’t ibang tradisyon at
pamamahala sa bawat rehiyon sakop nito.
D. Nagkaroon ng iba’t ibang lahi, sistemang politikal, gawaing
pangkabuhayan, wika, relihiyon, at iba pang katangian ng kabihasnan.

4. Ayon sa teorya ni Alfred Wegener ang Continental Drift, ay bahagi ng


paghahating heograpiko ng mga rehiyon. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Paggalaw ng continental plate o malaking bloke ng bato kung saan
nakapatong ang kapuluan.
B. Paggalaw ng mga pulo dahil sa malalakas na alon mula sa mga
karagatang nakapalibot dito.
C. Teoryang tungkol sa higanteng nagalit at winasak ang mundo kaya
nagkaroon ng mga kapuluan.
D. Teoryang mula sa mga matatanda kung saan ang mga kontinente ay unti-
unting nagbago dahil sa kasamaan ng mga tao.
5. Ang Asya ay halos napapalibutan ng mga dagat at karagatan na nagsisilbing
hangganan mula sa iba pang kontinente. Ang sumusunod ay ang iba pang
ginagampanan ng dagat at karagatan sa pamumuhay sa Asya MALIBAN sa:

2
A. Nagdudulot ito ng panganib.
B. Ginagamit ito bilang depensa.
C. Ginagawang ruta sa pakikipagkalakan.
D. Nagbibigay ng pangangailangan sa tao tulad ng pagkain.

6. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay na ang Asya ang


pinakamalaking kontinente sa mundo.
A. Nahahati ito sa limang rehiyon.
B. Sangkatlong (1/3) bahagi ng lupain sa mundo ang sakop nito.
C. Matatagpuan dito ang mga bansang may pinakamalaking populasyon.
D. Dito nagmula ang iba’t ibang uri ng kultura, relihiyon at paniniwala at
ang unang kabihasnan

7. Ang Asya ay binubuo ng limang rehiyon batay ito sa paghahating heograpikal.


Paano isinasagawa ang paghahating ito?
A. Ibinabatay ito sa relihiyon, pamumuhay at sukat nito.
B. Ibinabatay ito sa pisikal, kultural, historikal at politikal.
C. Ibinabatay ito sa kayamanang makikita sa partikular na rehiyon.
D. Ibinabatay ito sa klima at uri ng pamumhay ng mga tao sa isang lugar.

8. Alin sa sumusunod na pagpapaliwanag ang TAMANG paraan ng pagtukoy ng


lokasyon ng isang lugar o pook?
A. Ginagamit ang mga anyong lupa at anyong tubig.
B. Naging batayan ang mga parola, kabundukan at ruta ng mga sasakyang
pandagat
C. Ginagamit ang kunwa-kunwaring guhit na latitud at longhitud sa mapa
o globo.
D. Malalaki at tanyag na mga pasyalan, mga pook o lugar at ang mga
bulubunduking nakapalibot dito.

9. Ang limang rehiyon sa Asya ay may natatanging katangian at hangganan. Ang


sumusunod na pahayag ay naglalarawan sa katangiang pisikal ng Kanlurang
Asya MALIBAN sa isa?
A. Binubuo ng mga Arabong Bansa.
B. Dito matatagpuan ang Ring of Fire.
C. May pinakamaraming sakop na bansa.
D. Pinagtatagpuan ng hangganan ng tatlong mahalagang kontinente sa
daigdig.

10. Mahalagang malaman ang mga hangganan ng isang lugar, bansa o rehiyon.
Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapatunay dito?
A. Upang mapalawak ang kanilang teritoryo
B. Maiwasan ang magiging tunggalian ng mga bansa
C. Maprotektahan ang kanilang mga karapatan at teritoryo
D. Malaman ang limitasyon ng kapangyarihan at pamamahala ng isang
bansa
11. Ano ang naging resulta ng paghahati sa dalawang subregion ng Timog-
Silangang Asya sa pamumuhay ng mga tao roon?
A. Nagkawatak-watak ang mga asyano.

3
B. Mahina ang mga bansa sa isyung politikal.
C. Nagtulungan ang dalawang subrehiyon dahilan na sila ay umangat.
D. Umusbong ang dalawang tradisyon na nagdulot ng pag-unlad ng
rehiyon.
12. Ang teoryang Continental Drift ni Alfred Wegener ay isa sa mga pinaniniwalaang
teorya kung bakit nagkaroon ng mga kontinente. Alin sa sumusunod na
pagpapaliwanag ang HINDI nagpapatunay nito?
A. Ang mga karagatang nakapalibot sa Asya.
B. Ang distribusyon ng mga fossils, bato, at kabundukan.
C. Lokasyon ng mga sinaunang lugar na magkakaiba ng klima.
D. Ang pagka-akma ng pitong kontinente kung pagsasamahin na
maihahalintulad sa isang puzzle.

13. Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa buong daigdig. Ang sumusunod
ay naglalarawan sa kontineteng ito MALIBAN sa isa.
A. Ito ay may kabuuang sukat na 44,486,104 kilometro kwadrado.
B. Ang lupain ng Asya ay umaabot mula Arctic hanggang lagpas ng
ekwardor.
C. Tinatayang ang sukat ng lupain nito ay umaabot sa kalahating (1/2)
bahagi ng kabuuang lupain ng daigdig.
D. Ito halos katumbas ng pinagsamang lupain ng Timog at Hilagang
America, at Australia at halos ¼ lamang nito ang Europa.

14. Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon. Ito ay ang Timog Asya, Kalurang Asya,
Hilagang Asya at Timog Silangang Asya. Ano ang mga batayan sa paghahating
ito?
A. Lokasyon, klima,at behetasyon
B. Lokasyon, relihiyon at ekomomiya
C. Lokasyon, kultura, at kasaysayan
D. Lokasyon, edukasyon, at ekonomiya

15. Bilang isang Pilipino at Asyano mahalaga bang pag-aralan ang Asya at ang
paghahating heograpiko nito?
A. Oo, dahil ito ang ating tirahan.
B. Oo, dahil magagaling ang mga Asyano sa iba’t-ibang larangan.
C. Oo, upang mapatunayan natin sa mga Europeo na mas magaling ang
mga Asyano kay sa mga Europeo.
D. Oo, dahil ang Asya ay isang rehiyon kung saan matatagpuan ang iba’t-
ibang lahi, sistemang politikal, gawaing pangkabuhayan, wika, relihiyon,
at iba pang katangian ng kabihasnan.

4
Aralin
Ang Konsepto ng Asya Tungo sa
Paghahating-Heograpiko
1
Handa ka na bang matuto sa araw na ito? Simulan mong alamin kung ano nga
ba itong tinatawag na heograpiya. Ang heograiya o “Geography” ay nagmula sa
dalawang salitang Greyego na “Geo” na ang ibig sabihin ay lupa at “Graphia” na ang
ibig sabihin ay paglalarawan. Samakatuwid ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga
katangiang pisikal ng daigdig, mga pinagkukunang yaman, klima at aspetong pisikal
ng populasyon nito. Kaya’t mainam na alamin ito upang lubos na makilala ang
rehiyong kinabibilangan mo.

Balikan

Bilang bahagi ng ating pagbabalik-aral, subukin mo muna ang lawak ng iyong


kaalaman.

GAWAIN 1: ALAM KO TO
Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay nagsasaad ng tamang
impormasyon at Mali naman kung hindi. Isulat sa sagutang papel ang
iyong mga kasagutan.

_______1. Sa Timog - Silangang Asya matatagpuan ang Pilipinas.


_______2. Iisang paniniwala ang umiiral sa buong kontinente ng Asya.
_______3. Ang Pilipinas na tinatawag na Perlas ng Silanganan ay bahagi ng Asya.
_______4. Ang mundo ay binubuo ng limang kontinente.
_______5. Ang bundok Apo ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig.

Ngayong natapos mo na ang unang gawain, marahil ay naitanong mo sa iyong


sarili kung ano ang ugnayan ng araling iyong natutunan noong ikaw ay nasa baitang
6 pa at ngayong ikaw ay nasa baitang 7 na.

Sa Araling Panlipunan 6 natutunan mo ang tungkol sa heograpiya at


kasaysayan ng Pilipinas. Ang Pilipinas ay bansang nabibilang sa Timog-Silangang
Asya. Bilang Asyano, nararapat lamang na iyong maintindihan ang konsepto,
katangian, at heograpiya ng kontinenteng Asya. Ang pagkaunawa mo sa kontinenteng
Asya ay makakatulong sa iyo upang higit mong mapalalim ang kaalaman bilang isang
Asyanong nakatira sa kontinente ng Asya.

5
Tuklasin

Ngayong kilala mo na ang iyong bansa, palawakin mo na naman ang iyong


kaalaman tungkol sa kontinenteng kinabibilangan mo. Simulan mo na!

Kontinente ang tawag sa isang malaking dibisyon ng daigdig o ang


pinakamalaking masa ng lupa na matatagpuan sa daigdig, Ayon ito kay Alfred
Wegener, isang siyentipiko na may kinalaman sa teoryang tinatawag na Continental
Drift. Sinasabi sa teoryang ito, na ang kontinente ay minsang magkakasama bilang
isang malaking pulo. Ang nag-iisang kontinenteng ito ay naghiwahiwalay at nahati sa
pitong kontinente. Ilan sa mga ebidensiya na nagpapatunay ng kaniyang teorya ay
ang mga sumusunod:

1. ang pagka-akma ng pitong kontinente kung pagsasamahin na


mahahalintulad sa isang puzzle;
2. ang distribusyon ng mga fossils, bato, at kabundukan; at
3. lokasyon ng mga sinaunang climatic zones o lugar na magkakaiba ng klima.

Isa sa pitong kontinente na nabuo ayon sa teoryang Continental Drift ay ang


Asya. Kaya naman, ihanda mo ang iyong sarili sa mga kamanghamanghang
heograpiya ng Asya at kasaysayan nito. Ang mga paghahati ng mga rehiyon at ang
mga bansang sakop nito. Paano nga ba nabuo ang katawagang Asya? Dapat nga ba
natin itong pag-aralan? Simulan mo sa pag-aaral ng konsepto ng Asya.

Ang Kontinente ng
Asya

Konsepto Mga Rehiyon at


Pinagmulan ng ng Asya ang mga bansang
salitang Asya sakop nito

Sukat at Lokasyon

6
Suriin

Sa palagay mo, ano kaya ang kahalagahan at kaugnayan ng bawat salita?


Upang mas madali mong masagutan ang mga nakahandang gawain, basahin at
unawain mong mabuti ang mga susunod na pahina at nang lubos mo ring
maunawaan ang heograpiya ng Asya. Inaasahang ang kaalamang makukuha ay
magiging karagdagang dahilan upang mas maipagmalaki at maitaguyod mo ang iyong
pagiging Asyano.

ANG KONSEPTO NG ASYA

Kumusta? Huwag mag-alala kung may mga katanungan ka pang hindi


nasasagot dahil sa bahaging ito ay palalawakin pa ang iyong kaalaman. Paano nga ba
nagsimula ang konsepto tungkol sa Asya at ano ang ibig sabihin ng salitang ito?

Pinagmulan ng Salitang Asya

Ang Asya ay hango sa salitang Aegean na Asu na nangangahulugang “lugar na


sinisikatan ng araw” o “bukang liwayway” o silangan. Unang ginamit ng mga Greek
ang salitang Asya upang tukuyin ang buong kontinenteng kilala ngayon bilang Asya
na pinakamalapit na maliit na rehiyon sa Europa. Kinilala ng mga Europeo ang Asya
bilang silangan dahil ito ay nasa silangang bahagi ng Europa.

Ang Kontinente ng Asya

Ang Asya ay isa sa pitong kontinente ng daigdig. Ang lupain ng Asya ay


umaabot mula Arctic hanggang lagpas ng ekwardor sinasabing wala ng ibang
kontinente ang may ganitong uri ng lokasyon. Ang lokasyon ng Asya ay nasa 10⁰ Timog
hanggang 90⁰ Hilagang latitud at mula naman 11⁰ hanggang 175⁰ Silangang longhitud.
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa buong daigdig na may kabuuang sukat
na 44,486,104 kilometro kwadrado. Ang lupain ng Asya ay halos katumbas ng
pinagsamang lupain ng South at North America, at Australia at halos ¼ lamang nito
ang Europa. Tinatayang ang sukat ng lupain ng Asya ay umaabot sa sangkatlong (1/3)
bahagi ng kabuuang lupain ng daigdig.

Europe - 10,530,789 Australia - 7,862,336

Asya
Antarica - 13,209,060 5% 44,486,104
9% 31%

12%
South America- 17,820,852
16% 20%

North America- 24,210,000 Africa- 30,269,817

7
Sukat at Lokasyon

Mag-aaral, ang graph na ito ay nagpapakita ng sakop ng bawat kontinente sa


mundo at ang kabuuang sukat nito (kilometro kwadrado). Dito mo makikita kung
gaano kalaki ang Asya kumpara sa ibang kontinente. Nawa ito ay makakatulong
upang lubos mong makilala ang Asya bilang iyong tahanan.

Ngayon, papaano matutukoy ang lokasyon ng isang kontinente o ng isang


bansa? Suriin ang larawan sa ibaba upang lubos na maunawaan ang dalawang
paraan upang makuha ang lokasyon ng isang
lugar o bansa.

Absolute na Lokasyon

• Natutukoy ang lokasyon ng isang


kontinente at ng isang bansa sa
pamamagitan ng latitud at longhitud
nito.
• Ang Longhitud ay mga distansyang
angular na natutukoy silangan at
kanluran ng Prime Meridian.
• Ang Prime Meridian na nasa
Greenwich sa England, na itinalaga
bilang zero degree longhitud.
• Ang Latitud o ang distansyang angular na natutukoy sa hilaga o timog ng
ekwardor.
• Ang Ekwador naman ay ang tawag sa linyang humahati sa globo sa hilaga at
timog hemispero, ito ay itinakdang zero-degree latitude.

Relatibong Lokasyon
• Gumagamit ng ng mga hangganang nakapaligid bilang batayan ng pagtukoy sa
kinalalagyan ng mga katabi o kalapit nitong lugar.

Ang bawat kontinente o bansa ay may mga nakatakdang hangganan ng


teritoryo. Kagaya ng kontinente ng Asya na inihihihiwalay ng bundok Ural, mga hanay
ng kabundukan mula sa kontinente ng Europa at mga karagatan na nagsisilbi ring
depensa at naging ruta rin sa pangangalakal. Alamin ang mga impormasyong ito at
ang iba’t – ibang hangganan ng Asya maging ito man ay hangganan sa anyong lupa o
anyong tubig.
Mga Hangganan ng Asya

Anyong Lupa Anyong Tubig


Hilaga: Cape Chelyuskin Hilaga: Artic Ocean
(Siberia, Russia) Silangan: Pacific Ocean
Silangan: Cape Dezhnev Timog: Indian Ocean
(Siberia, Russia) Asya Kanluran: Mediterranean
Timog: Kapatagan ng Tanjong Sea
(Malaysia)
Kanluran: Cape Baba (Turkey)

8
Cape Chelyuskin Arctic Ocean
Cape of
Dezhnev

Turkey Bering
Sea

Pacific Ocean

K S
Indian Ocean
T
Malaysia

Ang Limang Rehiyon ng Asya at mga Bansang Sakop Nito


Bilang isang Asyano nararapat mong makilalang mabuti ang limang rehiyon ng
Asya: ang Hila gang Asya, Kanlurang Asya, Timog Asya, Silangang Asya at Timog
Silangang Asya.

/ - Hilagang Asya ----- - Timog Asya l - Kanlurang Asya


- Silangang Asya - Timog - Silangang Asya
Hilagang Asya

9
Kilala rin sa katawagang Central Asia (Gitnang Asya) o Inner Asia. Ito ay
binubuo ng mga dating Soviet Central (Kazakhstan, Kyrgyztan, Tajikkistan,
Azerbaijan, Turkmenistan, Uzbekistan, Georgia at Armenia). Kabilang din sa Hilagang
Asya ang Mongolia at ang Siberia o ang lupaing bahagi ng Russia na nasa Asya.
Nagkakaiba –iba ang klima sa kabuuang Hilagang Asya dahil din sa kalayuan nito sa
karagatan, nagbibigay ito ng maalinsangang panahon at matinding tag-init sa sanhi
ng paglawak ng madisyertong lupain sa rehiyon.

Kanlurang Asya
Pinagtatagpuan ang rehiyong ito ng hangganan ng tatlong mahalagang
kontinente sa daigdig ang Africa, Asya, at Europa. Binubuo ito ng mga bansang Arabo
tulad ng Saudi Arabia, Jordan, Lebanon, Syria, Iraq, at Kuwait. Ang rehiyong ito ang
pangunahing pinagkukunan ng langis at pinanggagalingan ng pangunahing relihiyon
sa daigdig gaya ng Judaismo, Kristiyanismo, at Islam.karaniwang arid at semi arid
ang klima nito.

Timog Asya
Ito ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Himalaya at Silangan ng Caspian
Sea. Nakakaranas ito ng apat na uri ng panahon ang tagsibol, tag-init, taglagas at
taglamig. Klimang Alpine ang nararanasan sa panahon ng taglamig na bumababa at
umaabot sa sa 0⁰ C at tumataas sa 15⁰ C kapag panahon ng tag-init. Bahagi nito ang
India na may pinakamalaking sukat ng teritoryo sa rehiyon at may pinakamalaking
populasyon. Hinduismo ang pangunahing relihiyon dito. Kabilang ang rehiyong ito sa
tinatawag na mga bansang Muslim ng Afganistan, Pakistan, At Bangladesh; mga
bansang Himalayan ng Nepal at Bhutan at ang kapuluan ng Sri Lanka at Maldives.
Ang Maldives ay binubuo ng 1,200 coral islands subalit 200 na pulo lamang ang
natitirhan dito. Karaniwang tinatawag na Land of Mysticism dahil sa mga
paniniwalang taglay ng mga pilosopiya at relihiyong umusbong dito gaya ng
Hinduismo, Budismo, Jainismo at Sikhismo.

Silangang Asya
Dahil sa nakalatag ito sa mataas at gitnang latitud kaya nagkakaiba-iba ang
klima sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon. Sakop nito ang bansang China na may
pinakamalaking populasyon, Taiwan at South Korea na gaya ng Japan ay mga
industriyalisadong bansa. Samantalang, ang Japan naman ay isa sa
pinakamayamang bansa sa daigdig. Sa rehiyon na ito umusbong ang Confucianismo,
Taoismo, at Shintoismo.

Timog Silangang Asya

Nahahati ito sa dalawang subrehiyon: Ang pangkontinenteng Timog Silangan


Asya o Mainland Southeast Asia at ang Pangkapuluang Timog Silangang Asya o Insular
Southeast Asia. Ang Mainland Southeast Asia ay binubuo ng Myanmar (dating Burma),
Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia na kinikilala sa panahong kolonyal bilang French
Indochina. Ang Insular Southeast Asia ay binubuo ng Pilipinas, Indonesia, Malaysia,

10
Brunie, Singapore, at East Timor. Bunga ng pagkakaiba ng katangiang heograpikal
ng dalawa, umusbong ang dalawang magkaibang tradisyon na nagdulot ng pag-unlad
ng rehiyon. Ang tradisyong agrikultural gaya ng naging kaharian ng Angkor sa
Cambodia at tradisyong pandagat tulad ng kaharian ng Srivijaya sa Sumatra.

Dagdag pa rito, sa Asya rin matatagpuan ang dalawang may pinakamalaking


populasyon na mga bansa sa buong daigdig, kabilang dito ang China at India.
Sinasabing mayaman man sa likas na yaman ang Asya ngunit, ang dami ng
populasyon nito ay nagdulot ng kahirapan sa rehiyon.
Ngayon, pag-aaralan mo ang paghahating panrehiyon na nabuo ng tao batay
sa pagkakapareho sa katangiang heograpikal, pisikal, historikal at kultural. Mahalaga
ang paghahati-hati upang mas madali ang pag-aaral ng napakaraming bansa.
Tingnan at suriin mo ang talahanayan 1, sa ibaba upang malaman mo ang
mga bansang sakop ng bawat rehiyon ng Asya at ang kabisera nito.

Talahanayan 1. REHIYONAL NA PAGKAKAHATI NG ASYA AT MGA


BANSANG SAKOP NITO

Rehiyon Mga Bansa Kapital/Kabisera


1.Armenia Yerevan
2.Azerbaijan Baku
3.Georgia T’bilisi
4.Kazakhstan Astana
Hilagang Asya 5.Kyrgyzstan Bishkek
6.Mongolia Ulaanbaatar (Ulan Bator)
7.Tajikistan Dushanbe
8.Turkmenistan Ashgabat
9.Uzbekistan Tashkent
10.Siberia Novosibirk
1.Afghanistan Kabul
2.Bangladesh Dhaka
Timog 3.Bhutan Thimphu
Asya 4.India New Delhi
5.Maldives Male
6.Nepal Kathmandu
7.Pakistan Islamabad
8.Sri Lanka Colombo
1.China Beijing
2.Japan Tokyo
Silangang Asya 3.North Korea Pyongyang
4.South Korea Seoul
5.Taiwan Taipei
6. Mongolia Ulaanbaatar

11
Rehiyon Mga Bansa Kapital/Kabisera
1.Bahrain Manama
2.Cyprus Lefkosia (Nicosia)
3.Iran Tehran
4.Iraq Baghdad
5.Israel Jerusalem
6.Jordan Amman
7.Kuwait Kuwait City
Kanlurang
Asya 8.Lebanon Beirut
9.Oman Muscat
10.Qatar Doha
11.Saudi Arabia Riyadh
12.Syria Damascus
13.Turkey Ankara
14.United Arab Emirates Abu Dhabi
15.Yemen Sana
1. Brunie Bandar Seri
Darussalam Begawan
2. Cambodia Phnom Penh
3. East Timor Dili
4. Indonesia Jakarta
Timog 5. Laos Vientiane
Silangang 6. Malaysia Kuala Lumpur
Asya 7. Myanmar Yangon (Rangoon)
8.Philippines Manila
9.Singapore Singapore
10.Thailand Bangkok
11.Vietnam Hanoi

Bakit mahalagang pag-aralan ang Asya?

Ngayon, masasabi mo bang mahalagang pag-aralan ang kaysaysayan ng Asya?


Ipagpatuloy mo ang pagbabasa upang malaman ang ilan sa mga naging kamangha-
manghang mga bagay na dito sa Asya mo lamang makikita at kung bakit mahalaga
itong pag-aralan?
Sinasabing sa Asya matatagpuan ang mahigit kalahati ng kabuuang
populasyon sa daigdig na umaabot na sa anim na bilyon. Ayon sa pag-aaral sa
arkeolohiya, dito din natagpuan ang labi ng proto-human kung saan sinasabing dito
unang nanirahan ang mga tao at umusbong ang pinakamatandang lungsod ng
neolitiko sa daigdig, ang Jericho sa Palestine at Catal Huyuk sa Turkey. Dito din
matatagpuan ang pinakamatandang kabihasnan gaya ng Sumer sa Mesopotamia,
(ngayon ay Iraq); Harappa at Mohenjo-Daro sa Indus (ngayon ay Pakistan); at Shang
sa China na pinagmulan at tinaguriang lundayan ng ang mga kabihasnan na may
malaking impluwensya sa kasalukuyan.

12
Sa Asya umusbong ang dakilang relihiyon at pilosopiya gaya ng Judaismo,
Kristiyanismo, Islam, Budismo, Hinduismo, Confucianismo, Taoismo at iba pa.
Matatagpuan din dito ang mga industriyalisadong bansa tulad ng Japan, Taiwan,
Singapore at iba pa. Makikita rin dito ang mga maipagmamalaking arkitektura tulad
ng Great Wall of China, Taj Mahal ng India, Angkor Wat sa Cambodia, templo ng
Borobudur sa Indonesia at Banaue Rice Terraces ng Pilipinas. Ang Asya ay mayaman
din sa likas na yaman gaya ng mineral, langis, at iba pa. Kilala din ito na mayaman
sa koleksyon ng mga halaman, puno, hayop, kulisap at marami pang iba.
Sa kabuuan, masasabing ang Asya ay isang rehiyon kung saan matatagpuan
ang iba’t ibang lahi, sistemang politikal, gawaing pangkabuhayan, wika, relihiyon, at
iba pang katangian ng kabihasnan.
Mahalagang pag-aralan ang heograpiya ng Asya upang lalong maunawaan ang
kaganapan sa kasaysayan at pagbabagong kultural ng mga Asyano. Magkaiba man
ang paniniwala ng mga Asyano ay nagkakaisa pa rin sa determinasyong mapanatili
ang kapayapaan sa daigdig.
Mas mahalagang pagtuunan ng pansin ang pakakapareho kaysa pagkakaiba
upang makita natin ang mga nag-uugnay sa atin bilang Asyano. Sa ganitong paraan
matatagpuan natin ang mga dahilan kung bakit nararapat nating ipagmalaki ang
pagiging Asyano. Gaya sa kasabihan ng mga Indonesian “Bhinneka tunggal ika” o
“Unity in Diversity” o may pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba. At ito ang magiging
tema ng mga bansang Asyano sa pag-aaral ng kasaysayan at kulturang Asyano, at
higit sa lahat ayon mismo sa pananaw ng mga Asyano.

13
Pagyamanin

Kumusta ka na? Marami ka bang bagong natuklasan sa araling ito? Lagi mong
tandaan na ikaw ay magaling at kaya mong abutin ang iyong mga pangarap. Masaya
rin akong natapos mo ang araling ito na tiyak na may malaking maitutulong sayo sa
pagsagot mo sa sumusunod na gawain. Alam kong kayang –kaya mo yan.
GAWAIN 2 (A): ILARAWAN MO
A. Panuto: Gamit ang talahanayan, ipaliwanag ang mga konsepto na tumutukoy sa
Asya tungo sa paghahating heograpiko. Isulat sa sagutang papel ang iyong mga
kasagutan.

Anyong Lupa Anyong Tubig


Hilagang bahagi Asya
Timog na bahagi Asya
Kanlurang bahagi ng Asya
Silangang bahagi ng Asya

GAWAIN 2 (B): IPALIWANAG MO!


1. Ilarawan ang kotinenteng Asya.
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
2. Paano nahati ang mga rehiyon sa Asya?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagmamarka ng Gawain 2(B). Gamitin ito sa bawat bilang.

Pamantayan 5 4 3 2 1
Angkop lahat Isa o Tatlo o apat Lima o higit Lahat ng
ng mga dalawang na pang impor- impormasyon
impormasyon impormasyon impormasyon masyon ay ay mali
tungkol sa ay mali ay mali mali tungkol tungkol
mga rehiyon tungkol sa tungkol sa sa mga sa mga
at katangian mga rehiyon mga mga rehiyon mga rehiyon
ng Asya. at katangian mga rehiyon at katangian at katangian
ng Asya. at katangian ng Asya ng Asya
ng Asya.

14
Isaisip

Tandaan mo ang mga mahahalagang bagay na iyong natutunan. Nawa ay


ibahagi mo ng buong pagmamalaki na ikaw ay Asyano. Pahalagahan mo ang
bahaging ito upang makatulong sa iyo sa pagpatuloy mong pagsagot sa mga gawain
sa susunod na mga pahina.

Laging Tandaan:

• Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig.


• Ito ay may tiyak na hangganan sa anyong lupa at anyong tubig man.
• Ang Absolute at Relatibong Lokasyon dalawang paraan sa pagtukoy ng lokasyon
ng isang lugar o bansa.
• Longhitud ay mga distansyang angular na natutukoy silangan at kanluran ng
Prime Meridian.
• Latitud o ang distansyang angular na natutukoy sa hilaga o timog ng ekwardor.
• Ekwador naman ay ang tawag sa linyang humahati sa globo sa hilaga at timog
hemispero, ito ay itinakdang zero-degree latitude.
• Ito ay binubuo ng limang rehiyon: Ang Hilagang Asya, Kanlurang Asya, Timog
Asya, Timog Silangang Asya at at Silangang Asya.
• Isinasaalang–alang ang paghahati ng rehiyon sa Asya ang aspeto ng heograpiya,
kultura, at pag-unlad na historikal.
• Matatagpuan sa Asya ang halos lahat ng uri ng yamang tubig at yamang lupa.
• Sa Asya matatagpuan ang dalawang bansang may pinakamalaking
populasyon. Ito ay ang China at India.
• Iba’t iba ang uri ng klima ang nararanasan sa rehiyon ng Asya.
• Dahil sa lawak ng Asya at bunga ng iba’t ibang topograpiya at klima, nagkakaiba
rin ang uri ng pamumuhay, pananamit, at kultura ng taong naninirahan dito.
• Bilang mga Asyano, napakahalagang mapag-aralan natin ang kasaysayan ng Asya
sa sarili nating pananaw upang makita natin ang mga mahahalagang naiambag
ng mga Asyano sa kasaysayan at kultura.

15
Isagawa

Napakagaling! Sa bahaging ito ay susubukin natin ang iyong kaalaman sa


pagbabahagi nito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gawain sa ibabang bahagi.
Ipagpatuloy mo ang iyong mabuting gawain.

GAWAIN 3: ASYA KO ITO!


Gumawa ka ng isang tula tungkol sa Asya. Nararapat na nakapaloob sa tula
ang mga konseptong: pinagmulan ng salitang Asya, lokasyon at sukat, at
paghahating heograpikal nito. Susubukin sa gawaing ito ang iyong kahusayan
tungkol sa konsepto ng Asya tungo sa paghahating-heograpikal at ang iyong
pagkamalikhain. Limitahan lamang sa apat na saknong ang iyong tula. Sa bawat
saknong (o grupo ng mga taludtod o stanza), nararapat na mayroon itong apat na
taludtod (o linya ng mga salita sa tula).

16
Mga Tala para sa Guro

Maaaring ipasa ang gawaing ito sa pamamagitan ng google classroom,


messenger, o email address ng guro. Hayaan ang mga mag-aaral na maging
malikhain sa paggawa nito. Gamiting ang rubriks sa ibaba sa pagbigay ng
puntos para rito. Maaari ring gumamit ng iba pang rubriks bilang batayan
sa pagbibigay puntos sa pagkamalikhain.

RUBRIKS PARA SA PAGGAWA NG TULA


5 4 3 2 1
Lahat ng mga Apat lamang sa Tatlo lamang Dalawa o isa Walang
mahalagang mahahalagang sa lamang sa mahahalagang
Nilalaman

konsepto ng konsepto ng mahahalagang mahahalagang konsepto ng


Asya ay Asya ang konsepto ng konsepto ng Asya ang
naggamit sa naggamit sa Asya ang Asya ang naggamit sa
pagsulat ng pagsulat ng naggamit sa naggamit sa pagsulat ng
tula. tula. pagsulat ng pagsulat ng tula.
tula. tula.
Napakalalim at Malalim at Bahagyang Bahagyang Mababaw at
makahulugan makahulugan may lalim at may lalim at literal ang
ang kabuuang ang kabuuang hindi hindi mensahe.
Mensahe

mensahe ng mensahe ng masyadong makahulugan


tula . tula . makahulugan ang kabuuang
ang kabuuang mensahe ng
mensahe ng tula .
tula.
Di Kahanga- Hindi Katanggap- Hindi
Pagkamalikhain

pangkaraniwan hangang estilo masyadong tanggap ang nagpakita ng


g estilo ang ang ipinakita kahanga- estilo ang pagkamalik-
ipinakita sa sa pagsulat ng hanga ang ipinakita sa hain sa estilo
pagsulat ng tula. estilo ang pagsulat ng ng pagkasulat
tula. ipinakita sa tula. ng tula.
pagsulat ng
tula.

17
Tayahin

Ako ay lubos na nasisiyahan sa iyong mga naging tugon sa mga katanungan.


Sanay patuloy kang gagabayan ng Poong Maykapal sa pagsagot sa mga natitira pang
mga Gawain. Ito na ang panghuling Gawain upang matiyak na lubos mong
naunawaan ang unang aralin. Tapusin mo na. May tiwala ako sayo.

Maramihang Pagpipili: Basahing mabuti at unawain ang nilalaman ng bawat bilang.


Piliin ang titik na kumakatawan sa wastong sagot at isulat sa inyong sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay na ang Asya ang


pinakamalaking kontinente sa mundo.
A. Nahahati ito sa limang rehiyon
B. Sakop nito ang sangkatlong (1/3) bahagi ng lupain sa mundo.
C. Makikita dito ang iba’t ibang uri ng kultura, relihiyon at paniniwala
D. Matatagpuan dito ang mga bansang may pinakamalaking populasyon.
2. Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon ang Timog Asya, Kalurang Asya,
Hilagang Asya at Timog Silangang Asya. Ano ang mga batayan sa paghahating
ito?
A. Ibinabatay ito sa lokasyon, klima at behetasyon ng isang lugar.
B. Ibinabatay ito sa lokasyon, kultura at kasaysayan ng isang lugar.
C. Ibinabatay ito sa lokasyon, relihiyon at ekomomiya ng isang lugar.
D. Ibinabatay ito sa lokasyon, edukasyon, at ekonomiya ng isang lugar.

3. Bilang isang Pilipino at Asyano mahalaga bang pag-aralan natin ang Asya at
ang paghahating heograpiko nito?
A. Oo, dahil ito ang ating tirahan.
B. Oo, dahil magagaling ang mga Asyano sa iba’t-ibang larangan.
C. Oo, upang mapatunayan natin sa mga Europeo na mas magaling ang
mga Asyano kay sa mga Europeo.
D. Oo, dahil ang Asya ay isang rehiyon kung saan matatagpuan ang iba’t-
ibang lahi, sistemang politikal, gawaing pangkabuhayan, wika, relihiyon,
at iba pang katangian ng kabihasnan.

4. Ang limang rehiyon sa Asya ay may natatanging katangian at hangganan. Ang


sumusunod na pahayag ay naglalarawan sa katangiang pisikal ng Kanlurang
Asya MALIBAN sa isa?
A. Binubuo ng mga Arabong Bansa.
B. Dito matatagpuan ang Ring of Fire.
C. May pinakamaraming sakop na bansa.
D. Pinagtatagpuan ng hangganan ng tatlong mahalagang kontinente sa
daigdig.

18
5. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa pagtukoy ng tamang
lokasyon ng isang lugar o pook?
A. Mga anyong lupa at anyong tubig
B. Mga parola, kabundukan at ruta ng mga sasakyang pandagat
C. Nakapaligid na mga katubigan, degri o latitude at longhitud at mga lugar
na nakapalibot dito.
D. Malalaki at tanyag na mga pasyalan, mga pook o lugar at ang mga
bulubunduking nakapalibot dito.

6. Ang Asya ay halos napalibutan ng mga dagat at karagatan na nagsisilbing


hangganan mula sa iba pang mga kontinente. Ang sumusunod ay ang iba
pang ginagampanan ng dagat at karagatan sa Asya MALIBAN sa:
A. Nagdudulot ito ng panganib
B. Ginagamit ito bilang depensa
C. Ginagawang ruta sa pakikipagkalakan
D. Nagbibigay ng pangangailangan sa tao tulad ng pagkain

7. Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya ng Asya at ang paghahating


heograpiko nito?
A. Makilala ang mga karatig bansa para sa pakikipagkalakalan.
B. Matutukoy ang mga bansang may magandang mga pasyalan.
C. Matutukoy ang mga rutang dinadaanan ng mga mangangalakal.
D. Maunawaan ang pisikal na katangian ng Asya sa pagbuo ng sinaunang
kabihasnan.

8. Asya ang itinuturng na pinakamalaking kontinente sa buong daigdig. Ang


sumusunod ay naglalarawan sa kontinete ng Asya MALIBAN sa isa.
A. Ito ay may kabuuang sukat na 44,486,104 kilometro kwadrado.
B. Ang lupain ng Asya ay umaabot mula Arctic hanggang lagpas ng
ekwardor.
C. Tinatayang ang sukat ng lupain ng Asya ay umaabot sa kalahating (1/2)
bahagi ng ng kabuuang lupain ng daigdig.
D. Ito halos katumbas ng pinagsamang lupain ng South at North America, at
Australia at halos ¼ lamang nito ang Europa.

9. Ang teoryang Continental Drift ni Alfred Wedgener ay isa mga


pinaniniwalaan teorya kung bakit nagkaroon ng mga kontinente. Ang
sumunod ay ang kanyang mga patunay MALIBAN sa isa.
A. Ang mga karagatang nakapalibot sa Asya
B. Ang distribusyon ng mga fossils, bato, at kabundukan
C. Lokasyon ng mga sinaunang climatic zones o lugar na magkakaiba ng
Klima
D. Ang pagka-akma ng pitong kontinente kung pagsasamahin na
maihahalintulad sa isang puzzle

19
10. Mahalagang malaman ang mga hangganan ng isang lugar, bansa o rehiyon.
Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapatunay dito.
A. Upang mapalawak ang kanilang teritoryo.
B. Maiwasan ang magiging tunggalian ng mga bansa.
C. Maprotektahan ang kanilang mga karapatan at teritoryo.
D. Malaman ang limitasyon ng kapangyarihan ng isang bansa.

11. Bakit mahalagang pag-aralan ng mga Asyano ang konsepto at heograpiya ng


Asya?
A. Ito ang may pinakamaraming populasyon.
B. Ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo.
C. May malaking pagkakatulad sa Europa na isang malakas na bansa.
D. Maunawaan natin ang kalikasan at katangian ng lipunang Asyano.

12. Ayon sa teorya ni Alfred Wegener, ang Continental Drift ay bahagi ng


paghahating heograpiko ng mga rehiyon. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Paggalaw ng mga pulo dahil sa minsang mabilis na pag-ikot nito.
B. Paggalaw ng continental plate o malaking bloke ng bato kung saan
nakapatong ang kapuluan.
C. Teoryang mula sa mga matatanda kung saan mga kontinente ay unti-
unting nagbago dahil sa kasamaan ng mga tao.
D. Teoryang tungkol sa isang makapangyaring diyos na nagalit at inihiwa-
walay nya ang mga bahagi ng lupain sa mundo.

13. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi naglalarawan sa pagtukoy sa


tamang lokasyon ng isang lugar o pook?
A. Nakapaligid na mga katubigan
B. Pagtukoy ng degri o latitud at longhitud nito.
C. Mga bansang nakapaligid sa isang pook o lugar.
D. Malalaki at tanyag na mga pook o lugar na sakop nito

14. Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa boung mundo. Ano ang
maaring epekto nito sa buong kontinente.
A. Makapangyarihan ang kontinenteng ito.
B. Maraming populasyon ng tao ang maaaring tumira dito.
C. Mahina ang pundasyon nito dahil sa iba-ibang tradisyon at pamamahala
sa bawat rehiyon sakop nito.
D. Matatagpuan ang iba’t ibang lahi, sistemang politikal, gawaing
pangkabuhayan, wika, relihiyon, at iba pang katangian ng kabihasnan .

15. Ano ang naging resulta ng paghahati sa dalawang subrehiyon ng Timog-


Silangang Asya sa mga tao rito?
A. Hindi nagkaisa ang mga tao sa Timog- Silangang Asya.
B. Mahina ang mga bansa sa isyung pampolitikal
C. Nagtulungan ang dalawang subrehiyon dahilan na sila ay umangat.
D.Umusbong ang dalawang tradisyon na nagdulot ng pag-unlad ng rehiyon.

20
Karagdagang Gawain

Ito na ang huling bahaging sasagutin mo sa ating unang aralin. Binabati kita
sa iyong masigasig na pagsagot sa mga gawain. Sa gawaing ito ay inaasahan kang
makakabuo ng makabuluhang kaisipan tungkol sa Asya. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Gawain 4: Ginintuang Aral/ Values Data Bank

Sagutin ang sumusunod na mga pahayag upang makabuo ng makabuluhang


kaisipan. Kopyahin at isulat sa isang malinis na papel ang iyong mga kasagutan.

1. Bilang isang Asyano, sang-ayon ka ba sa mga paghahating rehiyon ng Asya?


Bakit?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
2. Bilang mag-aaral at isang Asyano, papaano mo pangangalagaan ang Asya? sa
anong paraan mo ito ipapakita?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagmamarka:

3 2 1
Lahat ng detalye Isa o higit pa sa mga Lahat ng detalye
tungkol sa pahahating detalye tungkol sa tungkol sa
Nilalaman

rehiyon at pahahating rehiyon at napiling


pangangalaga sa Asya pangangalaga sa Asya katangian ng
ay ipinaliwanag ng kinopya lamang. sinaunang
malinaw ayon sa kabihasnan ay
sariling pangungusap. kinopya lamang.
Ang buong mensahe ay Mayroong isa o dalawang Mababaw at
malalim na mensahe na hindi literal ang
nakapagbigay ng gaanongnapalalim ang mensahe sa
Mensahe

paghanga at pagpapahayag sa paghahating


inspirasyon tungkol sa paghahating rehiyon at rehiyon at
paghahati ng mga pangangalaga sa Asya. pangangalaga sa
rehiyon at ang Asya
pangangalaga sa Asya.

21
22
Tayahin Gawain 3
1. B
2. B Gawain 3: Asya Ko Ito!
3. D Maaring magkaiba ang mga kasagutan ng mga
4. A
5. C mag-aaral. Hayaan mo silang maipakita ang kanilang
6. A pagkamalikhain sa bahaging ito.
7. D
8. C Gamitin mo ang rubriks para sa pagbibigay ng puntos
9. A
10. A
11. D
12. B
13. D
14. D
15. D
Gawain 2(A): Balikan
Subukin
Mga Anyong Anyong Tubig
hangganan Lupa Gawain1: Alam
1. D
Hilaga Cape Artic Ocean ko to! 2. B
Cheyuskin 3. D
1. Tama
Timog Kapatagan Indian Ocean 4. A
ng Tanjong 2. Mali -ibat-ibang 5. A
Kanluran Cape Baba Mediterranean paniniwala 6. B
sea 3. Tama 7. B
Silangan Cape Pacific Ocean 8. C
Dezhnev 4. Mali - pitong 9. B
Gawain 2(B): kontinente 10. A
1. Ilarawan ang kotinenteng Asya – Ang Asya 5. Mali- Mt. 11. D
ay hango sa salitang Aegean na Asu na Everest
nangangahulugang “lugar na sinisikatan ng 12. A
araw” o “bukang liwayway” o silangan. Isang 13. C
rehiyon kung saan matatagpuan ang iba’t 14. C
ibang lahi, sistemang politikal, gawaing 15. D
pangkabuhayan, wika, relihiyon, at iba pang
katangian ng kabihasnan.
2. Hinati ang ang mga rehiyon sa Asya sa
aspeto ng heograpiya, kultura, at pag-unlad
na historikal ng isang bansa.
Susi sa Pagwawasto
23
Gawain 4: Ginintuang Aral/ Values Data Bank
1. Bilang isang Asyano, sang-ayon ako sa mga pahahating rehiyon ng Asya
dahil mas madaling pag-aralan ang mga bansa kung pare-pareho ang kultura,
pamumuhay, tradisyon ,paniniwal.
2. Bilang isang mag-aaral, pangangalagaan ko ang Asya sa pamamagitan ng
pag-aalaga sa mga likas na yaman at katangiang pisikal nito, ibabahagi ko ang
mga kultura, paniniwala at pag-uugali ng mga Asyano na tapat, mapagmahal,
makatao at higit sa lahat maka-Diyos.
Sanggunian

Department of Education (2008) Aralin Panlipunan Batayang Aklat: Asya Pag-


usbong ng Kabihasnan. Deped Complex Meralco Avenue, Pasig City
Department of Education (2014). Araling Panlipunan Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng
Pagkakaiba. Deped Complex Meralco Avenue, Pasig City
Garrovillas, F.S.J., Nieva,R.N. & Vidallo, M.C. (2008) Workteks sa Araling
Panlipunan II: Kasaysayan ng Asya, Sta. Ana, Manila. Innovative
Educational Materials, Inc.
Joselito, N. (2007) Asia: History, Civilization and Culture, Pasig City, Anvil
Publishing Inc.
Mateo, G.E.C.,(2008) Asya: Pag-Usbong ng Kabihasnan :House Quezon City: Vibal
Publishing.

24
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

Elpidio Quirino Avenue,


Davao City, Philippines

Telephone: (082) 224 0100/228-3970

Email Address: info@deped-davaocity.ph/

25

You might also like