You are on page 1of 9

1.

Ang lisensyang “Non-Professional” ay para lamang sa mga nagmamaneho ng:

Sagot: Pribadong Sasakyan

2. Ang pagkakaroon ng lisensya ay isang:

Sagot: Pribelehiyo

3. Ang sasakyan ay nakaparada kung:

Sagot: Nakatigil ng matagal at patay ang makina

4. Ano ang dapat mong ihanda kung malayo ang biyahe?

Sagot: Maghanda ng kagamitang pangkumpuni at planuhin at ikondisyon ang sasakyan

5. Matapos kang mag-overtake at nais mong bumalik sa dating lane ng ligtas, kailangang:

Sagot: Nakikita mo sa “rear view mirror” ang iyong nilagpasan

6. Bago umalis mula sa paradahan, dapat mong:

Sagot: Suriin muna ang paligid bago mag patakbo

7. Ang hustong gulang sa pagkuha ng “Non-professional” na lisensya ay:

Sagot: 17 taong gulang

8. Maaari kang mag-overtake sa kanang bahagi ng sasakyan kung:

Sagot: Ang highway ay may dalawa o mas marami  pang lane patungo sa isang direksyon

9. Kung may “Stop” sign sa isang interseksyon, dapat kang:

Sagot: Huminto at kung wala nang panganib, magpatuloy

10. Habang nagmamaneho, gaano ka katagal dapat tumingin sa mga “side and rear mirrors”?

Sagot: Mabilis/Madalian

11. Kung paparada ka ng paahon sa may bangketa, saang direksyon mo dapat ipihit ang gulong?

Sagot: Palayo sa bangketa

12. Ano ang kahulugan ng patay-sindi na pula sa ilaw trapiko?

Sagot: Huminto at saka magpatuloy kung ligtas na

13. Anong dapat mong gawin bago lumiko sa kanan o sa kaliwa?

Sagot: Magbigay ng hudyat na hindi kukulang sa 30 metro

14. Sa tuwing lilipat ng lane, dapat sumenyas, tingnan ang rear view mirror at:

Sagot: Tignan kung may parating na ibang sasakyan

15. Sa highway na may dalawang guhit, maari kang mag overtake kung sa iyong panig ay may:

Sagot: Putol-putol na dilaw na guhit

16. Ang hindi pagsunod sa ilaw trapiko ay:

Sagot: Maaaring maka dulot ng aksidente

Page 1 of 9
17. Kung ang nagmamaneho sasakyang nasa harap mo ay naglabas ng kanyang kaliwang kamay, saan
niya nais lumiko?

Sagot: Sa kaliwa

18. Ano ang dapat mong gawin kapag parating ka sa isang kurbada?

Sagot: Bagalan ang takbo bago pa man durating sa kurbada

19. Ano ang mangyayari sa mahuhuling motorist na lasing sa alak o hinihinalang gumamit ng iligal na
droga?

Sagot: Multa o pagkabilanggo, at pagsuspinde ng lisensiya

20. Kapag mabagal ang iyong takbo sa expressway, sa anong lane ka dapat gumawi?

Sagot: Sa pinaka-kanang lane

21. Ano ang dapat laging dalhin kung tuwing nagmamaneho?

Sagot: Lisensiya, rehistro at resibo ng pinakahuling registration sa LTO

22. Kung masangkot ka sa isang sakuna, kailan mo dapat ipaalam sa pulisya?

Sagot: Kaagad-agad

23. Mapanganib magpatako nang matulin kung gabi dahil:

Sagot: Mas maikli ang abot ng tanaw tuwing gabi

24. Ano ang dapat mong gawin kung pinahihinto ka ng pulis o sino mang awtoridad-trapiko?

Sagot: Huminto sa ligtas na lugar at ibigay ang lisensya at iba pang hinihingi ng pulis.

25. Mas mapanganib lumiko ng pakaliwa dahil:

Sagot: Kailangan maging listo sa mga saskyan na nagmumula sa kaliwa, kanan at pasalubong

26. Ang pinakaligtas na alituntunin kahit ikaw ang may karapatan sa daan (right of way) ay:

Sagot: Huwag ipilit ang karapatan

27. Sa mga rotunda, alin ang may “right of way”?

Sagot: Ang mga sasakyan na nasa pinaka labas na lane ng rotunda.

28. Bahal mag-overtake sa paanan ng tulay dahil:

Sagot: Maaaring hindi ka makita ng kasalubong na sasakyan

29. Ang pinakaligtas na distansya o agwat sa sinusundang sasakyan ay:

Sagot: Isang sukat ng saskyan

30. Ano ba ang kahulugan ng patay sinding dilaw na ilaw-trapiko?

Sagot: Magmarahan at magpatuloy kung wala nang panganib

31. Ano ba ang kahulugan ng tuloy-tuloy na guhit na kulay dilaw sa gitna ng daan?

Sagot: Bawal o mapanganib mag-overtake

32. Ayon sa batas, hindi ka maaaring magmaneho ng masyadong matulin, maliban kung:

Sagot: Walang panganib sa daan, o naayon sa takdang bilis

Page 2 of 9
33. Ano ba ang dapat mong gawin kung nais ng sasakyan sa likod mo na mag-overtake?

Sagot: Gumawi sa kanan at magbigay ng sapat na espasyo para maka-overtake

34. Ang isang may lisensya ay maaring magmaneho ng:

Sagot: Uri ng sasakyang nakasaad sa lisenya

35. Kung ang makasalubong mo ay may nakakasilaw na ilaw, ano ba ang dapat mong gawin?

Sagot: Tumingin ng bahagya sa gawing kanan ng kalsada

36. Ano ang kahulugan ng senyas-trapikong kulay pula na hugis tatsulok?

Sagot: Nagbibigay ito ng babala

37. Ano ang kahulugan ng senyas-trapikong kulay pula na pabilog, octagon o baligtad na tatsulok ang
hugis?

Sagot: Nagbibigay ito ng babala

38. Ano ang kahulugan ng senyas-trapikong kulay asul at puti na pabilog ang hugis?

Sagot: Nagbibigay ito ng direksyon at impormasyon

39. Ano ang kahulugan ng senyas-trapikong kulay asul at puti na parihaba o parisukat ang hugit?

Sagot: Nagbibigay ito ng impormasyon

40. Ano ang kahulugan ng dilaw na signal trapiko?

Sagot: Humanda sa paghinto at malapit nang sumindi ito ng pula

41. Ano ang kahulugan ng berdeng senyas-trapiko?

Sagot: Maaaring magpatuloy sa pagtakbo ng sasakyan

42. Ano ang kahulugan ng berdeng ilaw-trapiko?

Sagot: Senyang upang patakbuhin ang saskyan

43. Ano ang kahulugan ng berdeng “arrow” signal?

Sagot: Maaaring lumiko ng kaliwa o kanan

44. Ano ang kahulugan ng dilaw na “arrow” na senyas-trapiko?

Sagot: Malapit na itong sumindi bilang pula

45. Ano ang kahulugan ng puting guhit sa gitna ng daan?

Sagot: Naghihiwalay sa trapiko na tumatakbo sa makaibang direksyon

46. Ano ang kahulugan ng dilaw na guhit sa gitna ng daan?

Sagot: Bawal ang mag-overtake o lumusot sa kaliwa

47. Ang putol-putol na dilaw na guhit ay palatandaan na:

Sagot: Maaaring lumusot sa kaliwa

48. Ang putol-putol na putting guhit ay palatandaan na:

Sagot: Maaaring lumusot pakaliwa o pakanan kung walang peligro

Page 3 of 9
49. Ang dalawang putol-putol na dilaw na guhit ay palatandaan na:

Sagot: Maaring lumusot sa pakaliwa o pakanan

50. Ang dalawang tuloy-tuloy na guhit ay palatandaan na:

Sagot: Bawal lumusot kailanman

51. Ang hustong gulang para sa pag-apply ng “Professional Driver’s License” ay:

Sagot: 18 taong gulang

52. Kung nais mong magpatakbo sa highway nang mas mabagal kaysa sa iba, dapat kang gumawi sa:

Sagot: Pinakakanang bahagi ng kalye

53. Ang pinakaligtas na tulin ng isang saskyan ay naaayon sa:

Sagot: Kakayahan ng sasakyan

54. Ano ang dapat mong gawin upang labanan ang pagod at antok sa pagmamaneho?

Sagot: Huminto muna at magpahinga

55. Ang isang drayber ay itinuturing na propesyonal kung:

Sagot: Siya ay inuupahan o binabayaran sa pagmamaneho ng sasakyang pribado o pampasahero

56. Sa isang interseksyon na walang nakatalagang senyas-trapiko, dalawang sasakyan ang dumarating
mula sa magkaibang direksyon. Aling sasakyan ang dapat magbigay?

Sagot: Ang sasakyang huling dumating

57. Kailangan magbigay ng senyas kung kakanan o kakaliwa sa daratnang intersekyon sa layong:

Sagot: 30 meters

58. Kailan maaaring ipagamit ang lisensya sa iba?

Sagot: Hindi ito pinahihintulutan kailanman

59. Ang pinakaligtas na gawin kung natitiyak mo na may karapatan ka sa daraanan ay:

Sagot: Huwag ipilit ang karapatan

60. Kung umilaw ang brake lights ng sasakyan na nasa harap mo, dapat kang:

Sagot: Humanda sa pagpreno

61. Sa isang interseksyon na walang nakatalagang senyas-trapiko, dalawang sasakyan ang dumarating.
Aling sasakyan ang mas may karapatan sa daan?

Sagot: Ang sasakyan nagmumula sa kanan

62. Kung may tumatawid sa tawirang pampaaralan, ano ang dapat mong gawin?

Sagot: Huminto muna habang may tumatawid

63. Ano ang kahulugan ng senyas-trapiko na kulay asul?

Sagot: Ito ay nagbibigay-kaalaman

64. Ipinagbabawal ang paglusot sa paanan ng tulay dahil:

Page 4 of 9
Sagot: Mapanganib at maaaring hindi ka makita ng kasalubong na sasakyan

65. Kung masangkot ka sa isang sakuna, ano ang dapit mong gawin?

Sagot: Ipagbigay alam sa pinakamalapit na pagamutan ang pinakamalapit na himpilan ng pulisya.

66. Ano ang kahulugan ng kulay pulang ilaw trapiko?

Sagot: Huminto at hintayin ang berdeng ilaw.

67. Kailang dapat gumawa ng desisyon ang isang drayber?

Sagot: Habang siya ay nagmamaneho

68. Saang lugar hindi ka dapat mag-overtake?

Sagot: Sa paanan ng mga tulay at sa mga sangandaan o intersekyon

69. Mapanganib ang likong pakaliwa kaysa sa pakanan dahil?

Sagot: Lubhang mabilis ang sasakyang galing kaliwa, kanan at kasalubong

70. Ano ang dapat mong gawin kung may pasaherong nais na bumaba?

Sagot: Paalalahanan sila na mag-ingat sa pagbaba

71. Ang busina ay ginagamit upang:

Sagot: Magbigay-babala sa ibang gumagamit ng lansangan

72. Ano ang kahulugan ng palaso o arrow na nakapinta sa kalsada?

Sagot: Sundin ang direksyong itinuturo

73. Ang pulang bandera o pulang ilaw ay dapat nakakabit sa anumang dala ng sasakyan na lalampas
ng:

Sagot: Isang metro mula sa likuran ng saskyan

74. Ipinagbabawal ang pagtawid sa diretsong guhit na dilaw, maliban kung ikaw ay:

Sagot: Liliko sa kaliwa

75. Ano ang wastong senyas-kamay kung ikaw ay liliko sa kanan?

Sagot: Nakalabas ang kaliwang kamay at nakaunat

76. Ano ang takdang tulin ng sasakyan na dumadaan sa lugar kung saan may paaralan?

Sagot: 20 kph

77. Saang lugar hindi maaaring pumarada o itigil ang sasakyan?

Sagot: Sa tawiran ng tao

78. Kapag inilibas ng drayber ng sasakyan na nasa unahan mo ang kanyang kaliwang kamay na
nakaturo sa ibababa, siya ay:

Sagot: Hihinto

79. Kung ang drayber na nasa unahan mo ay naglabas ng kaliwang kamay na nakaturo sa itaas siya ay:

Sagot: Liliko sa akanan

80. Kung nais mong magpalit ng lane sa highway, kailangan magbigay ng senyas:

Page 5 of 9
Sagot: Sampung segundo bago tumawid ng lane

81. Ang pagmamaneho ng walang lisensya ay ipinagbabawal sa batas at may kaparusahang:

Sagot: Multa o pagkabilanggo

 Mga ibat-ibang uri ng LTO traffic signs Tagalog

Traffic signs Meaning

Huminto

Magbiga
y-daan

Page 6 of 9
Dapat
magbigay
-daan ang
liliko ng
kaliwa

 Bawal
pumarada
- Hintuan
ito ng
mga bus
at jeep

Bawal
pumarad
a,
hintuan
ng jeep  

Bawal
harangan
ang
interseky
on

Bawal
dumaan
ang kahit
anong uri
ng
sasakyan

Page 7 of 9
Mga
senyas na
nagbibiga
y ng
direksyon

Ang
pinakama
bilis na
pinahihin
tulutang
tulin

Pagtatapo
s ng
limitasyo
n ng tulin

Ang
pinakama
babang
pinahihit
ulutang
tulin

Page 8 of 9
Page 9 of 9

You might also like