You are on page 1of 2

Impormatibong Talumpati

Gay lingo: Wikang Mapagbago


Sa pagdaan ng panahon, mapapansin natin ang naging mabilis na paglago ng
Swardspeak or Gay Lingo. Ang tinaguriang noong “lihim na wika” ng mga bakla ay
madalas na natin ngayong maririnig na ginagamit sa radyo at telebisyon upang mang-
aliw at magpatawa. Maging sa ibang mga lathalain ay ginagamit na rin ito sa gayunding
kadahilanan. Sa ngayon, hindi na rin lamang mga bakla ang maririnig na nagsasalita ng
gay lingo. Ito’y dahil pati rin ang mga babae, mg abata at iba mga kalalkihan ay natututo
na ring gumamit ng kakaibang lenggwaheng ito.
Dahil sa mga pagbabagong ito, masasabi nating may maaaring maging epekto ito
sa ating kultura at lipunan. Kaya naman ang pag-alam sa kasaysayan at mga pagbabago
sa lenggwaheng ito ay kailangan.
Ayon sa mga lingwista, pidgin ang tawag sa isang uri ng wika na nabuo sa
kadahilanang may pangangailangan ang ilang grupo ng tao na mag-usap gamit ang
pananalita na sila lamang ang nakakaintindi (Lim,2009). Ito rin ay mayroong alituntuning
gramatika o baliralang sinusunod. Alinsunod dito, ang gay lingo ay sinasabing isang pre-
pidgin sapagkat wala itong sinusunod na alituntunin. Walang makapagsasabi na mali ang
barirala o ang pagbigkas ng isang tao sa mga salita sa gay lingo (Santos,2007).
Ayon kay Renerio Alba , ang gay lingo ay isang jargon na ginagamit ng mga
Pilipinong gay sa tuwing sila ay nakaharap sa malaking grupo ng mga tao upang itago o
ikubli ang kanilang usapan tungkol sa apkikipagtalik upang maprotektahan ang mga tao
na hindi sanay sa ganitong paksa (Alba,2006).
Ayon naman kay Michael Tan, ang gay lingo ay maraming pagkakahawig sa
Carabao English kungsaan nilalaro, pinaiikot at pinuputol ang pagbibigkas at kahulugan
ng mga salitang Ingles.
Ang gay lingo ay isa namang anti-language ayon kay Montgomery. Sinabi niya na
ang anti-language ay kasukdulang bersyon ng wikang bayan na umuusbong sa mga
minorya o maliit na grupo na maituturing na walang lugar o di napapansin sa lipunan.
Subalit binawi na niya ito ngayon sapgkat ayon sa kanya tanggap na itong lipunan (Ruth,
2008).
Ang pag-aaral na ito ay magbibigay ng kaalaman ukol sa pinagmulan at paglago
ng gay lingo. Kabilang na rin ditto ang mga pananaw at mga kadahilan ng mga bakla sa
paggamit nito pati na rin ang pagbabagong naidududlot nito sa kanilang
pakikipagtalastasan. Nakapaloob din ditto ang mga ilnga halimbawa ng gay lingo.
Ang gay lingo ay isang magulong pag-uusap na pinauso ng mga Bakla sa Pilipinas.
Karaniwang mga termino mula sa gay lingo ay hango sa kilalang tao o bagay ma walang
kinalaman sa mga ito. Halimbawa. “tom jones na akech” na ay ang ibig sabihin ay “gutom
na ako’’. Si Tom Jones ay pop singer noong 80’s na walang kinalaman sa isyu ng
kagutuman.

You might also like