You are on page 1of 7

Sk San Felipe Basketball League

BATAS AT ALITUNTUNIN

ARTIKULO I
PANGALAN

SEKSIYON I: Ang isasagawang palaro ay tatawaging “SK San Felipe Basketball League”.

ARTIKULO II
ADHIKAIN

SEKSIYON II: Ang mga adhikain ng palaro ay:


1. Upang ang mga Kabataan ng San felipe ay magkaroon ng regular na lingguhang
ehersisyo, upang patuloy na mapangalagaan ang kalusugan.
2. Upang mapalaganap ang pagrespeto, pagkakaisa, at disiplina sa pamamagitan ng
paglalaro ng basketball.
3. Upang mapanatili at mapalago ang sportsmanship sa pamamagitan ng mga
manlalaro at ng mga koponan.
4. Upang makapagsanay/makapagpaunlad ng talento at maging huwaran ng mga
kabataan sa larangan ng basketball sa tuwing may mga kasaling mga kabataan.
5. Upang makaiwas sa mga ipinagbabawal at masasamang bisyo.

ARTIKULO III
KUWALIPIKASYON

SEKSIYON III: Kuwalipikasyon ng bawat koponan:

VETERANS/SENIOR DIVISION:
1. Ang isang koponan ay kinakailangang binubuo ng hindi bababa sa Labing Lima (15)
manlalaro.

2. Residente sa Bryg. San Felipe. Nakapaloob dito ang maalin sa mga sumusunod:
2.1. Rehistrado sa Comelec ng Brgy San Felipe bayan ng Cuenca.
2.2. At least 6 months na naninirahan sa San Felipe.
2.3. Datihan ng manlalaro sa San Felipe.
2.4. Nakapag-asawa ng residente ng San Felipe.

1
Sk San Felipe Basketball League

2.5. May Lupa sa San Felipe.


2.6. Patunay na may roon Proof of billing na naka adress sa Brgy San Felipe at naka
pangalan sa mismo man lalaro.

ARTIKULO IV
ALITUNTUNIN NG KOPONAN

SEKSIYON IV:

A. Pangkalahatang Alituntunin

1. Ang isang koponan at manlalaro ay kikilalanin lamang opisyal na maglalaro kung


sila ay nasa loob ng bakuran ng palaruan.
2. Kinakailangang may Pitong (7) kuwalipikadong manlalaro ang bawat koponan
upang hindi ma-teknikal sa takdang oras ng laro.
3. Ang sinomang manlalaro na darating ‘pag natapos ang unang bahagi (1st half) ay
hindi na pahihintulutang makalaro sa takdang araw ng laro.
4. Ang isang koponan ay kinakailangang may nakatalagang opisyal na isang
Representante o Coach na siya ring maaaring kumatawan sa pagpupulong at
pagsasaayos ng palaro.
5. Ang mga koponang makakapasok sa finals/championship ay kinakailangan na ang
mga manlalaro nito ay nakapaglaro ng kahit isa sa elimination round, quarters, at
semi-finals.

SEKSIYON VI: Forfeiture/Default:

1. Maaaring ang bawat koponan ay 30 minuto bago ang takdang oras ng laro ay nasa
loob na ng Palaruan, binibigyan ng 10 minuto ang bawat koponan na makapag-
warm-up bago ang takdang oras ng laro.
2. Ang isang koponan ay kinakailangang may Pitong (7) kuwalipikadong manlalaro
sa takdang oras ng laro, kung ang koponan ay kulang sa pito (7), ito ay bibigyan
lamang ng sampung (10) minutong palugit.
3. Kung ang koponan ay hindi nakabuo ng 7 kuwalipikadong manlalaro matapos ang
palugit na oras ang nasabing koponan ay idedeklarang talo by “forfeiture”

2
Sk San Felipe Basketball League

4. Kung ang isang koponan na binigyan ng palugit ay may dumating na 7


kuwalipikadong manlalaro bago matapos ang sampung (10) minutong palugit, ang
nasabing koponan ay papatawan na ng Awtomatikong Technical Shot bago ang
Jump ball upang simulan ang takdang laro.
5. Alternating Arrow Possession ang ipatutupad sa kahabaan ng laro, ang Jump Ball
ay gagamitin lamang sa pagsisimula ng nakatakdang laro.
6. Ang koponang may matitirang isang manlalaro lamang sa kabuuan ng laro ay
idideklarang talo na by “default” kahit sila ay lamang sa puntos; ang kalabang
koponan ang idideklarang panalo ng 2 puntos at Zero sa natalo.

SEKSIYON VII: Time-out:

1. Ang laro ay may apat na yugto. Sampung (10) minuto bawat yugto (Quarter). Ang
bawat koponan ay may tig-limang (5) time out lamang.
2. Ang unang dalawang (2) time-out sa unang bahagi (1st Half) ay maaaring gamitin
saanmang yugto (carry over) at ang tatlong (3) time-out naman sa ikalawang
bahagi (2nd Half) ay maaring gamitin saanmang yugto.
3. Dalawang Time-out lamang ang maaring gamitin sa huling dalawang minuto ng
ika-apat na yugto, kung hindi nakagamit ng time-out sa huling dalawang yugto.
4. Kung magkakaroon ng Over Time Period ang isang nakatakdang laro, ang bawat
koponan may tig- isang (1) time out lamang.

ARTIKULO V
BATAS PARA SA MANLALARO AT TEAM OFFICIALS

SEKSIYON VIII:

a. Ang isang manlalaro/opisyales ng koponan na sadya at nagnais na


makasakit ng kapwa manlalaro o opisyales at/o magsisimula ng gulo sa oras
ng laro ay ito-thrown out at maaaring hindi na pahihintulutang
maglaro/maka-akto sa kabuuan ng palaro sang-ayon sa kapasyahan ng
Komite.
b. Ang isang manlalaro/opisyales ng koponan na mato-thrown-out ay
suspendido ng isang laro at papatawan ng multang nagkakahalaga ng
Limang Daang Piso (P 500.00) na kinakailangang bayaran bago muli
makalaro o maka-akto.

3
Sk San Felipe Basketball League

SEKSIYON IX: Ang isang manlalaro o opisyales ng koponan na nai-thrown-out ay


maaaring suspendihin o maaaring hindi na pahihintulutang maglaro o maka-akto sa
kabuuan ng palaro sang-ayon sa bigat ng kanyang nagawang paglabag sa alintuntunin ng
palaro.

ARTIKULO VI
PROTESTA/REKLAMO

SEKSIYON X: Ang protesta/reklamo sa resulta ng isang laro ay kinakailangang magsumite


ng “written complaint” sa komite sa loob ng 24 oras matapos ang laro.

SEKSIYON XI: Kuwalipikasyon:


a. Ang klaripikasyon o pagtatanong ukol sa kuwalipikasyon ng isang manlalaro ay
tatanggapin lamang habang nasa Elimination Round pa lamang ang palaro.
b. Ang sinomang manlalaro na napatunayan na hindi taga San Felipe ay matatanggal
sa laro o gawin talo ang mga nailaro ng mismo player
c. Ang sinomang koponan na maghahain ng protesta/reklamo ay dapat magbibigay
ng katibayan sa komite para sa manlalarong inirereklamo at bibigyan lang ng 24
oras para maipasa ang dokumento o katibayan sa hinain na reklamo laban sa
manlalaro.
d. Sa oras na matanggap ng komite ang “written complaint” o katibayan sa loob ng 24
oras laban sa manlalaro, ito ay maiging pag-uusapan upang maipatawag ang
nasabing manlalaro para sa klaripikasyon laban sa reklamong inihain sa kanya.

SEKSIYON XII: Filing:


1. Ang lahat ng protesta/reklamo ay kinakailangang nasusulat ng maayos at may
lagda ng Coach, Team, Captain o Representante.

ARTIKULO VII
REFEREE

SEKSIYON XIII: Bilang karagdagang tungkulin at kapangyarihan ng referee na


nakasaad sa Batas at Alituntuning ito, ang referee ay binibigyan ng komite ng karapatang
mag-thrown out ng manlalaro anumang oras na ito ay kinakailangan para sa ikaaayos ng
laro.

4
Sk San Felipe Basketball League

SEKSIYON XIV: Ang Batas at Alintuntuning ito, kasama ang FIBA rules, ang siyang
gagamitin at ipapatupad sa kabuuan ng palaro.

ARTIKULO VIII
IBA PANG BATAS

SEKSIYON XV: Opening Day

1. Ang opening day ng palarong ito ay sa ika--__ ng April 2023 sa ganap na 2:00 ng
hapon na gaganapin sa San Felipe Basketball Court.
2. Ang koponang hindi makakasama sa parade sa opening day ay idedeklarang
talo na o forfeited sa unang laro na natakda at magmumulta ng halagang Isang
Libong Piso (P1,000.00) na kailangang bayaraan bago muling palaruin ang
nasabing koponan.
3. Ang sinumang manlalaro na di makakasama sa parade sa opening day ay
suspendido sa kanyang unang ilalaro sa koponan.
4.
SEKSYON XVI: League Fee:

1. Ang Bawat koponan ay mag babayad ng (5,000)


2. Ang unang laro ng isang koponan ay kina-kailangan mag bayad ng kalahati
(2,500) at hindi papahintulutan mag laro ang hindi nakabayad.
3. sa pangalawa laro ng koponon ay tirang kalahati na league fee at hindi din
makakalaro kung kulang ang naibayad

SEKSIYON XVII: Bisyo

1. Ang isang manlalaro na nasa ilalim ng impluwensiya ng ipinagbabawal na


gamot o sa anumang nakalalasing na inumin o kahit amoy alak ay hindi
pahihintulutang makapaglaro. Kung ito’y pinahintulutang makapaglaro ng
kanyang manedyer, coach at kapwa manlalaro, ang nasabing manlalaro ay
iteteknikal at ito-thrown-out na sa palaruan sa nakatakdang laro kung ito’y
mapatutunayan at sususpendehin ng isang laro.
2. Ang reklamo o protesta hinggil sa seksyong ito ay hindi na tatanggapin sa
ika-apat na yugto at kinakailangang ihain sa Technical Committees Table.

5
Sk San Felipe Basketball League

SEKSIYON XVIII: Ang paninigarilyo at paghuhubad ng uniporme ng isang manlalaro o


opisyales ng koponan ay hindi pinahihintulutan hanggang hindi natatapos ang
nakatakdang laro.

SEKSIYON XIX: Kung maaari tanging ang Manager, Coach, Manlalaro at Water boy lamang
ang pinahihintulutang nakaupo sa itinakdang bench ng koponan sa oras ng laro.

SEKSIYON XX: Tanging ang Coach at Captain Ball lamang ang pinahihintulutang
magdeklara ng time-out sa komite at magtanong o mag-klaripika sa referee o komite.

SEKSIYON XXI: Ang alinmang koponan na nanalo “by forfeiture” ay magkakaroon ng


karagdagang Dalawampung (20) puntos at Zero (0) para sa natalong koponan.

SEKSIYON XXII: Game Format

1. Ang dalawang number 1 sa mag kabilang bracket ay advance na sa semis


2. Maglalaban ang #3 vs #6 at #4 vs #5 cross bracket (Sudden Death)
3. Ang mananalo sa #3 vs #6 ay kalaban ng #1; at #4 vs #5 ay kalaban ang #2 (Sudden
Death).
4. Ang sinumang mananalo sa naganap na Sudden Death ay maglalaban para sa
Championship, at ang natalo ay para sa 3rd at 4th na puwesto.
5. Walang knock-out game kung sakaling may magtabla-tabla sa standing, Winner
over the other/FIBA Quotient Rules ang ipatutupad.

SEKSIYON XXIII: Game Schedule

1. Tuwing Sabado at Linggo ang araw na nakatakdang laro.


2. Ang lahat ng natakdang laro kung nakansela o na-postponed sa anumang
kadahilanan ng namamahala ng palaro ay itatakda na ilalaro muli kapag
natapos na ang kabuuan ng elimination round.
3. Maghintay ng abiso ang Coach o Representante ng koponan kung sakaling ang
laro ay nasa semis o finals na.
4. Kung ang nakatakdang laro ay nakapag-simula na at napatigil sa anumang
kadahilanan ng namamahala ng palaro, ang mga sumusunod ang gagawin:
a. Kung ang laro ay napatigil at di na natuloy bago matapos ang unang bahagi (1st half)
ng laro, ang nasabing laro ay uulitin sa simula kung kalian ito muling maitakda.

6
Sk San Felipe Basketball League

b. Kung ang laro ay napatigil at di na natuloy pagkatapos ng unang bahagi (1 st half),


ito ay muling itutuloy sa araw na itinakda na kung ilan pa ang natitirang oras na
ilalaro ng bawat koponan.
c. Kung ang laro ay napatigil at di na natuloy sa loob ng dalawang minutong natitira
ng ikalawang bahagi (2nd half), ang sinumang koponan na nakalalamang ng 10
puntos pataas ay siyang idedeklarang nanalo.

SEKSIYON XXIV: Ang sinumang lumabag sa alinman sa nakasaad sa Batas at


Alituntuning ito ay maaring i-teknikal, i-thrown-out sa laro, suspendihin, ideklarang talo, di
na palaruin sa kabuuan ng palaro, o hindi na makalaro sa mga darating pang palaro ng
PICBL o sang-ayon sa desisyong napagtibay ng pamunuan ng PICBL.

SK Chairman
John Joseph Ajon

Konsehal
Rico Larosa

Pangulo ng Extreme
Jester Vargas

Brgy. Captain
Alberto M. Lopez

You might also like