You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 8

UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO: DAHILAN, MGA PANGYAYARI, AT EPEKTO


MAIKLING PAGSUSULIT 2

Pangalan: _______________________________________________ Iskor: ____________

I. TAMA O MALI
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay naglalahad ng wastong
impormasyon tungkol sa epekto ng unang yugto ng kolonyalismo at MALI naman kung
ito ay hindi.

_______1. Nagbigay-daan ang mga eksplorasyong ito sa malawakang pagkakatuklas ng


mga lupain sa Asya na pinangunahan ng mga bansang Great Britain at France, lalo na
sa hindi pa nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa natutuklasan.
_______2. Ito ay nagbunsod ng isang paligsahan ng mga bansa tulad ng Germany,
England, Russia, Netherlands at Amerika.
_______3. Naging mataas ang lebel ng teknolohiya at nabigyang-pansin ang edukasyon.
_______4. Nakapukaw ng interes ang makabagong pamamaraan at teknolohiya sa
heograpiya at paglalayag.
_______5. Ito ay nagpahina sa ugnayang Silangan at Kanluran.
_______6. Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta sa
pagpapalitan ng hayop, halaman, pati narin ang mga sakit sa pagitan ng Old World at
New World.
_______7. Nabigyan ng pagkakataon ang mga nasakop na bansa na magkaroon ng
pantay na karapatan o estado sa lipunan.
_______8. Mas lumawak at lumaganap ang mga katuruan ng Kristiyanismo.
_______9. Naging dulot ito ng maraming suliranin sa mga bansang nasakop tulad ng
pagkawala sa kasarinlan, paninikil, at pagsasamantala sa kanilang likas na yaman.
_______10. Humina ang paglaganap ng sibilisasyong kanluranin sa Silangan.

II. PAGKILALA
Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_________________1. Ito ay isang kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga


Kristiyanong Hari upang mabawi ang banal na lungsod ng Jerusalem sa Israel.
_________________2. Dahil sa kanyang paglalakbay sa Asya at sa kanyang isinulat na
aklat, maraming Europeo ang nahikayat na makarating sa Asya.
_________________3. Ito ay ang pagbuhay muli sa mga magagandang tradisyon at kultura
ng mga sinaunang Griyego at Romano na naging dahilan ng pag-unlad ng ekonomiya.
_________________4. Ito ay isang prinsipyong pang-ekonomiya na naniniwala na ang
tunay na kayamanan ng isang bansa ay batay sa kabuuang dami ng ginto at pilak na
mayroon ang mga ito.
_________________5. Ito ay ginagamit ng mga Europeo bilang pampalasa ng kanilang mga
pagkain at upang magpreserba ng mga karne. Ginagamit din nila ito para sa kanilang
mga pabango, kosmetiks, at medisina.
_________________6. Pinangunahan niya ang paggalugad ng baybayin ng Africa at ito ay
nagbunga ng pagkakatuklas sa Azores, Canary, at Cape Verde.
_________________7. Natuklasan niya ang isang ruta patungong India mula sa Cape of
Good Hope.
_________________8. Ayon dito sa kasunduang ito na ipinatupad ni Pope Alexander VI
hahatiin ang mundo sa dalawang bahagi. Ang lahat ng lupain na matutuklasan sa
Silangan ay mapupunta sa bansang Portugal at ang lahat naman ng lupain na
matatagpuan sa Kanluran ay para naman sa bansang Spain.
_________________9. Itinuturing na isa siya sa may pinakamatagumpay na paglalayag
noong Panahon ng Paggalugad at Pagtuklas na nagsimula noong 1519 hanggang 1522.
_________________10. Ito ay isang patakaran ng isang bansa na namamahala sa mga
lugar na kanilang nasakop upang gamitin ang mga likas na yaman nito para sa kanilang
sariling interes.

III. PAG-IISA-ISA
Panuto: Isulat ang hinihingi ng bawat bilang.

1-3. Magbigay ng dalawang lupaing natuklasan ng bansang Inglatera sa Asya.


1. _________________________________________
2. _________________________________________
3. _________________________________________
4-5. Magbigay ng dalawang lupaing natuklasan ng bansang France sa Asya.
4. _________________________________________
5. _________________________________________
6-7. Magbigay ng dalawang lupaing natuklasan ng bansang Netherlands.
6. _________________________________________
7. _________________________________________
8-15. Ibigay ang mga pangyayaring naganap bago ang unang yugto ng Kolonyalismo.
8. _________________________________________
9. _________________________________________
10. _________________________________________
11. ________________________________________
12. ________________________________________
13. ________________________________________
14. ________________________________________
15. ________________________________________

Philippians 4:13

You might also like