You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY

Lesson Exemplar (Edukasyon sa Pagpapakatao 9)

Learning Competency:8.3 Napatutunayan na:


a. Ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga gawaing
pampamayanan, panlipunan/ pambansa, batay sa kanyang talento, kakayahan, at
papel sa lipunan, ay makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat

I. PAKSA
Pakikilahok at Bolunterismo

II. LAYUNIN
Matapos ang 60 minutong talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mabuting epekto ng pakikilahok at bolunterismo sa
pamayanan
2. Napapahalagahan ang gawain ng pakikilahok at bolunterismo
3. Nakakalahok sa isang proyekto o gawain sa barangay o pamayanan na
ginagamitan ng kanilang talento o kakayahan

MGA KAGAMITAN/ SANGGUNIAN: Pahina 111-128


MGA PAGPAPAHALAGANG LILINANGIN:
Pagiging mabuting mamamayan, Pagiging matulungin sa kaniyang pamayanan at
paaralan, Paggamit at paglinang ng talento at kakayanan

III. NILALAMAN
A. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Gawain 1: Let’s Go Gapo! (10Minutes)
Panuto:
1. Magpapakita ang guro ng mga sikat at historical na lugar sa Olongapo at
magbibigay ng obserbasyon ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng
pagsabi kung saan ito sa Olongapo at anong mahalagang kaganapan ang
nangyari sa mga lugar na ito.
2. Mga larawang ipapakita ay:
- Ulo ng Apo

- Volunteer’s Park
- Unity Rotunda

3. Ang mga lugar na ito ay makikita sa Olongapo na sikat sa pagkakaroon ng


mga mamamayan na may pakikilahok at bolunterismo.
4. Sagutin ang mga gabay na tanong:
a. Alam niyo ba kung san bahagi sa Olongapo makikita ang mga lugar na
ito?
b. Ano ang nalalaman natin na kwento ng pinagmulan o mahahalagang
naganap sa mga nasabing lugar?
c. Ano ang maari nating mahinuha ukol sa mga naganap sa lugar na ito,
lalo na bilang isang tiga-Olongapo o nag-aaral sa Olongapo?

Gawain 2: Song Analysis – Himno ng Olongapo


1. Humanap ng buong lyrics ng Himno ng Olongapo.
2. Pagkatapos ay gumawa ng repleksiyon (tatlo hanggang limang
pangungusap) sa bawat linya ng awiting ito.
Maaring gamitin ang mga gabay na tanong na ito para sa iyong
repleksiyon.
a. Ano ang pangunahing tema ng Imno ng Olongapo?
b. Ano ang mga nabanggit na mabubuting gawi na nararapat na dapat
natin taglayin?
c. Ano ang hamon na naidudulot ng awiting ito bilang isang mamamayan
ng Olongapo?

B. PAGSUSURI
Bilang isang mamamayan, tayo ay inaasahan na gumanap ng mga tungkuklin
na maaring makatulong sa ating komunidad, ito man ay payak at simple ay may
malaking epekto at magagawa. Kaya naman napakahalaga na makilala natin ang
ating nakaraan at makita ang mapaghandaan ang hinaharap.
Bilang naninirahan o nag-aaral sa siyudad ng Olongapo ay sisikapin natin na
isabuhay ang bawat letra at titik ng awiting ng “Imno ng Olongapo”, na “kapwa tao at
bolunterismo”… hanggang sa Olongapo ang bayan ikay aming tanglaw.
Nagsisimula ito sa sa personal na mga gawa sa tahanan man o sa paaralan,
hanggang sa mas malalaking gawain o proyekto sa pamayanan. Isa pang malaking
tanong ay kung gaano mo ipinapakita ang iyong pagiging MAKABANSA.

C. PAGPAPALALIM
I. Pakikilahok at Bolunterismo
- Introduction: Mababasa natin sa Genesis 2:18 ang ganito “hindi mainam na
mag-isa ang tao bibigyan siya ng makaksama at makakatulong”. Na
pinatutunayan na ang Tao ay may pananagutan na magbahagi sa kaniyan
kapuwa at sa lipunang kanyang kinabibilangan.
- Pakikilahok – isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong
kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
- Aawitin ang “Olongapo Hymn” ng mula sa puso at sa diwa ng pagiging
makabansa.
- Mula sa lyrics ng Olongapo Hymn magkaroon ng sariling repleksiyon kung
paano mo ito mas maisasabuhay lalo na tayo ay naninirahan at nag-aaral sa
Olongapo.

II - Antas ng pakikilahok
Ayon kay Sherry Arnsteinis narito ang mga antas ng pakikilahok na
makakatulong sa pakikibahagi sa lipunan:
1. Impormasyon – pagbabahagi ng kaniyang nalalaman at nasaliksik, na
makakatulong na madagdagan ang kaalaman ng iba.
2. Konsultasyon – ito ay mas malalim na nakalap na impormasyon, hindi
lamang pansariling opinion o ideya kundi nangangailangan ng pakiknig sa
mga puna ng iba na maaaring makatulong sa pagtatagumpay ng proyekto
o gawain
3. Sama-samang pagpapasiya – Lahatang kasunduan para sa isang
desisyon na sinasaalang-alang ang kabutihan ng hindi lamang ng iisa
kundi para sa mas nakakarami
4. Sama-samang pagkilos – mas magiging matagumpay ang mga gawain
kung ang bawat isa ay may tiyak na gawain o parte para sa kabuuan.
Tulad ng walis tingting na mas maraming malilinis kung isang bungkos
kaysa kung ito ay isang piraso lamang.
5. Pagsuporta – mapapadali ang gawin kahit na ito ay mahirap kung may
positibong suporta na nagmumula sa mga kasama nito. Ito ay hindi
lamang sa pinansiyal kundi sa pagbabahagi ng mga talento o kakayahan
o anumang tulong na nagmumula sa puso.

II. Pagpapakita ng Bolunterismo


 Paggamit ng 3Ts
1. Panahon (Time) – may isang tao na nagbigay ng bagong spelling ng
T-I-M-E ay ito daw ay dapat na L-O-V-E, ibig sabihin lamang na ang
pagbibigay natin ng oras natin na hindi sapilitan ay may pagmamahal
na kasama.
2. Talento (Talent) – ang bawat isa ay pinagkalooban ng Diyos ng
talento o kakayahan, ito man ay sa pag-awit, sayaw, sining, pagtula o
anuman na makakatulong din na makadagdag ng tiwala sa sarili.
3. Kayamanan (Treasure) – hindi tinitignan kung gaano kalaki o kaliit ng
iyong maipagkakaloob kundi sa kusa at bukal sa puso na pagbibigay
para sa nangangailangan.

D. PAGLALAPAT
Gawain 2: OCNHS kong mahal!
Panuto:
1. Magpapakita ng larawan ang guro ng iba’t-ibang lugar sa ating paaralan at
tatanungin ang mga mag-aaral kung ano kaya nilang maibahagi o maisagawa
para makabahagi sa pagpapaganda at paglilinis ng ating paaralan
2. Mga larawang ipapakita: Comfort room
Likod o gilid ng building na may kalat na

sirang upuan at gamit

- Math garden

Classrooms
Mga gabay na tanong.
1. Ano ang iyong masasabi sa bawat larawan na ipinakita sa atin ng ating
guro? (positibo man o negatibo)
2. Bilang isang mag-aaral ano ang maaari mong ibahagi sa sitwasyon na
mayroon ang bawat larawan?
3. Paano mo mapapakita ang pakikilahok at bolunterismo sa mga larawang
ipinakita?

E. PAGHIHINUHA NG BATAYANG KONSEPTO


Panuto: Punan ang nawawalang salita upang mabuo ang Batayang Konsepto. Piliin
ang sagot sa kahon sa ibaba.
Bilang obligasyong __________ sa _______________ ng tao, ang
_______________ ay nakakamit sa _________________ o _____________ sa mga
aspekto kung saan mayroon siyang _____________________ na
_______________________.

Aspekto Kapuwa Pananagutan Paggawa

Bolunterismo Likas Pagmamahal Pakikilahok

Dignidad Obligasyon Pagtulong

F. PAGTATASA
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin mo ang
pinakaangkop na sagot at bilugan ito.
1. Ano ang nakamit ng Olongapo City sa pagsulong nito ng pakikilahok at
bolunterismo sa tulong ng bawat mamayanan?
A. Pagkakaisa
B. Pag-unlad ng siyudad
C. Kabutihang Panlahat
D. pagtaguyod ng Pananagutan

2. Ano-ano ang maaaring maibahagi ng bawat isa upang maisagawa ang kaniyang
pakikilahok at bolunterismo?
A. Pagmamahal, Kaligayahan at Kapayapaan
B. Pera, Sakripisyo at Pakikibahagi ng kaniyang pamilya
C. Panahon, talent at Kayamanan
D. Dignidad, Pagiging totoo, at Mabuting pagpapasiya

3. Alin ang HINDI halimbawa ng bolunterismo?


A. Si Kaycee ay tumutungo sa isang mission area para makapagturo sa mga bata
B. Si Zae ay nag-aalaga ng mga matatanda sa home for the aged isang beses isang
linggo
C. Si Lloyd ay sumasama sa pang-barangay na paglilinis ng mga estero at paligid,
ganun din ay ang pagtatanim.
D. Si Tonying ay nangongolekta ng mga bote, diyaryo, bakal o mga sirang gamit na
ibebenta sa junkshop para makabili ng kaniyang luho.

4. Mula sa lyrics ng Olongapo Hymn, ano ang dahilan kung bakit “bayani ang
mamamayan”
A. Dahil sila ay tubong Olongapo na sikat sa bolunterismo
B. Dahil mayaman ang ating siyudad hindi lang sa salapi kundi sa tanging yaman
C. Dahil sa pagmamalasakit sa bayan at pagtugon sa anuman ang kaya niyang
maitulong dito
D. Dahil may mga mahuhusay at tapat tayong mga lider na nagbibigay ng kanilang
buong katapatan para tayo mapaunlad.

5. Bilang mag-aaral ay hindi tayo makasama sa araw-araw na paglilinis ng ating


barangay lalo na kung ito ay nataon na meron tayong klase sa mga araw na ito,
ngunit ikaw naman ay nagpapahiram ng kagamitang panlinis sa mga kapitbahay mo
na kasama dito, anong antas ng pakikilahok ang maaari nating maipakita dito?
A. Impormasyon
B. Konsultasyon
C. Pagpapakita ng Suporta
D. Sama-samang Pagkilos

Isinagawa ni:

DEXTER LLOYD S. BARROGA


SST I

Binasang Nilalaman:

MARY GRACE O. MONTEJO


EsP.SHT VI,EsP Dept.

You might also like