You are on page 1of 2

Home Economics

Aralin:
Bilang ng Araw: 1
PAGGAWA NG PLANO PARA SA APRON
Minuto: 50

I. NILALAMAN

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay makabubuo ng bagong plano sa pagbuo ng


kagamitang pambahay. Ang mga mag-aaral ay makapag-iisip ng iba pang kapaki-
pakinabangna gawain. Sila ay gagabayan ng guro sa pagpaplano upang kanilang
matukoy ang mga proyektong maaari nilang gawin. Tinatalakay sa araling ito ang
wastong pamamaraan sa paggawa ng mga sumusunod:
1. Paghahanda ng kagamitang gagamitin.
2. Paggawa ng padron.
3. Paglalatag ng padron sa tela.
4. Pagtatabas ng tela.
5. Paglilipat ng marka sa tela.

II. LAYUNIN

1. Nakagagawa ng plano ng kagamitang pambahay tulad ng apron.


2. Naipakikita ang kasanayan sa pagpaplano ng kagamitang pambahay.
3. Nakagagawa ng padron at nailalatag ito upang matabas sa wastong pamamaraan.
4. Napahahalagahan ang pagpaplano para sa pagbuo ng kagamitang pambahay.

III. PAKSANG ARALIN

Paksa: Paggawa ng Plano para sa Apron

Sanggunian: Manwal sa Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5 pp.


128- 129, Aralin K to 12- EPP5HE-0f-16

Kagamitan: halimbawa ng plano ng proyekto, tsart

IV. PANIMULANG PAGTATASA


Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na tanong:
1. Bakit kailangang gumawa ng plano para sa pagbuo ng kagamitang pambahay?
2. Paano gumawa ng plano at paano ito mabubuo?

V. PAMAMARAAN

a. PAGGANYAK

Pagpapakita ng mga larawan ng kagamitan piliin kung ito ay pambahay o


pampaaralan.
b. PAGLALAHAD
Patnubayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng plano para sa pagbuo ng
kagamitang pambahay sa pamamagitan ng mga sumusunod nabalangkas:
I. Pangalan ng Kagamitang Pambahay
II. Mga Layunin
III. Mga Kagamitan
IV. Pamamaraan sa Paggawa
Pangkatin ang mga mag-aaral ayon sa kanilang napag-usapan. Ipaunawa
sa kanila ang kahalagahan ng plano sa pagbuo ng kagamitang pambahay tulad ng apron.
c. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

1. Gamit ang hakbang sa pagbuo ng plano, gawin ito ng may pagkakasunud-


sunod.

d. PAGSASANIB

Pagkakaroon ng moralidad sa paggawa.


Pagiging masikap at matiyaga upang matapos ang gawain.

e. PAGLALAHAT

Itanong sa mag-aaral:
1. Ano ang dapat tandaan sa pagbuo ng plano?
2. Tumawag ng ilang mag-aaral at ipasabi sa kanila ang mga hakbang sa pagbuo
ng plano.

VI. PAGTATAYA
Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawin Natin sa LM p___.

VII. PANGWAKAS NA PAGTATASA


1. Bakit mahalagang malaman ang plano para sa pagbuo ng kagamitang pambahay?

VIII. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN


Ipagawa sa mag-aaral ang Pagyamanin Natin sa LM p____.

You might also like