You are on page 1of 4

Asignatura Homeroom Guidance Baitang Tatlo

W1 Markahan Ika-apat Petsa


I. PAMAGAT NG ARALIN Kakayahan Mo, Ipakita Mo!
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Show the ability to participate in school and community activities.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO Ibahagi at Ipakita ang kakayahan sa pagsali sa gawaing pampaaralan
(MELCs) at pangkomunidad HGA-Iva-1
III. PANGUNAHING NILALAMAN Mapaunlad ang kakayahang pang-akademiko upang makatugon sa
pagpapaunlad ng komunidad batay sa pang-internasyonal na
pamantayan.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

I, Panimula (Mungkahing Oras: 10 minuto_)

Sa nakaraang aralin ay natutunan mo kung paano maging mabuting mag-


aaral at mamamayan sa pakikitungo sa kapwa tao.
Bilang isang bata, may karapatan ka na maipakita mo ang iyong
kakayahan sa pagsali sa mga gawaing pampamayanan at pampaaralan. Mahalaga
na maunawaan mo ang kahalagahan maidudulot nito sa iyo at sa iyong kapwa-tao.
Sa araling ito,matutunana mo kung paano mo ipakikita ang inyong
kakayahan o talento sa pamamagitan ng pagsali sa mga gawaing pampaaralan at
pampamayanan nang may kasiyahan.

Basahin ang maikling Tula

Kakayahan Mo, Ipakita Mo


Ni Imelda S. Arevalo
Maraming gawain sa ating paaralan,
Ang maaari mong salihan,
Naririyan ang paggawa ng
islogan, Na hahasa sa iyong
kaisipan.

Kung mahusay ka naman sa pagpipinta,


Sa paggawa poster ay iyong
maipapakita Dahil sa iyong talentong
kakaiba
Na ang Diyos sa iyo’y ito’y itinalaga.

Mga gawaing pampamayanan,


Tree planting at Clean-up Drive ay sadyang mainam,
Sa pag-aalaga ng ating kapaligiran,
Para sa ating magandang kalikasan.

Tara na! Oras na!


Kakayahan ay iyong ipakita!
Tagumpay ay ipagmalaki
Na may ngiti sa iyong labi!
Tanong: Ano-anong gawaing pampaaralan ang binanggit sa tula?
Ano-anong gawaing pampamayanan ang maari ong salihan?
Alin-alin sa mga gawaing nabanggit ang nasalihan mo na?
Anong naramdaman mo sa pagsali dito?

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: _20 minuto_

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Lagyan ng


puso ang patlang kung ito ay nagpapakita ng kakayahan sa pagsali sa
gawaing pampaaralan, at tatsulok naman kung gawaing pampamayanan.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

_1. Nagtanim ng gulay ang mag-anak nina Mang Ruben at Aling Fely sa
loob sa labas ng kanilang bakuran.
_2. Pinaghiwa-hiwalay ni Anton ang mga basura bago itapon sa
tamang basurahan.
_3. Sumali si Riza sa paligsahan ng paggawa ng poster sa kanilang paaralan.
_4. Mahusay si Nico sa pagtula kaya ipinakita niya ito noong Buwan ng Wika.
_5. Nakiisa sina Popoy at Basha sa paglilinis ng kanilang pamayanan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Gaano mo kadalas ipakita ang iyong kakayahan sa


mga sumusunod na gawaing pamapamayanan at pampaaralan? Lagyan ng tsek (/)
ang inyong sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Gawain Madalas Minsan Hindi
Kailanman
1. Pagsulat ng Tula para sa Araw ng mga
Guro
2. Pagtatapon ng mga basura sa
ta mang basurahan
3. Pagsali sa mga paligsahan sa pag-awit
4. Pagtulong sa mga nangangailangan
5. Paggawa ng watawat ng Pilipinas bilang
paggunita sa Araw ng Kalayaan
E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 10 minuto _)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Bilang isang bata, paano mo maipapakita ang iyong
kakayahan sa sumusunod na gawaing pampaaralan at pampamayanan?
Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. May gaganapin na Community Pantry sa inyong lugar, dahil bata ka pa ay
hindi ka pa puwedeng lumabas suballit nais mong makatulong, ano ang
gagawin mo?

2. May isasagawang paligshan sa pagtula sa inyong klase, alam mong marunong


kang tumula subalit nahihiya ka. Ano ang gagawin mo?

3. Mahusay kang sumayaw. Nagkataon na naghahanap ang iyong guro ng maaari


niyang isali sa gaganapin na World Teachers’ Day. Ano ang iyong
gagawin?
Bakit?

4. Magsasagawa ng Clean-Up Drive ang inyong barangay. Bilang isang bata


anong kakayahan ang maaari mong maipakita? Bakit?

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 10 minuto_)

Gaano mo kadalas ipakita ang iyong kakayahan sa mga sumusunod na


gawaing pampamayanan at pampaaralan? Lagyan ng tsek (/) ang inyong
sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Gawain Madalas Minsan Hindi
Kailanman
1. pagsulat ng Tula para sa Araw ng mga
Guro
2. pagtatapon ng mga basura sa tamang
basurahan
3. pagsali sa paligsahan sap ag-awit
4. pagtulong sa mga nangangailangan
5. aggawa ng watawat ng Pilipinas bilang
paggunita sa Araw ng Kalayaan

V. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto )


 Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng
iyong performans.
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging
karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel
ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit
na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
 - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa
pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko
nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag
kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1
Bilang 2
Bilang 3
VI. SANGGUNIAN file:///C:/Users/DEPED/Downloads/pdfcoffee.com_k-to-12-melcs-with-cg-codes-
homeroom-guidance-program1-pdf-free.pdf
Inihanda ni: Sinuri nina:
CHARMAINE JOY D. CAPUNO MARCY M. BARIN
TEACHER II HG LEADER

ELENITA S. MESINA
PRINCIPAL

You might also like