You are on page 1of 4

Asignatura Homeroom Guidance Baitang Tatlo

W3 Markahan Ika-apat Petsa


I. PAMAGAT NG ARALIN Mga Naaangkop na Gawain sa Pangangalaga ng
Kapaligiran
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Apply appropriate actions to take care of the
KASANAYANG PAMPAGKATUTO environment.
(MELCs)
Nakapaglalapat ng mga naaangkop na gawain upang
mapangalagaan ang kapaligiran

III. PANGUNAHING NILALAMAN Mapaunlad ang kakayahang pang-akademiko upang


makatugon sa pagpapaunlad ng komunidad base sa
pang-internasyonal na pamantayan.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula (Mungkahing Oras: 10 minuto)

Natutunan mo sa nagdaang aralin na mahalagang maipakita at maibahagi


natin sa ating komunidad ang mga bagay na natutunan natin sa paaralan lalo na
pagdating sa kalinisan ng ating kapaligiran.

Masdan mo ang mga larawan sa ibaba. Ano ang ipinapakita sa bawat larawan?
Paano natin mapapangalagan ang ating kapaligiran?

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Isa sa mga pinakamadaling paraan ng pangangalaga sa ating kapaligiran ay


ang pagtatapon ng basura sa tamang lugar. Kung susundin lamang natin ito,
malaki ang maitutulong nito upang mapanatiling malinis ang ating kapaligiran.
Narito ang ilan sa mga simpleng gawin na makatutulong upang mapangalagaan
natin ang ating kapaligiran.
 Pagtulong sa paglilinis sa tahanan
 Pagtatanim ng mga halaman at puno.
 Pag-ayos ng mga sirang gripo upang mahinto ang tumutulong tubig
 Huwag magtapon ng dumi at basura sa ilog o sapa.
 Patayin ang ilaw kapag hindi naman ginagamit.
 Huwag hayaang nakabukas ang gripo habang nagsisipilyo.
 Iwasan ang paggamit ng bagay na nakadulot ng polusyon.
 Pagtugon sa mga adbokasiya tungkol sa pangangalaga ng kapaligran

Ang pagkakaroon ng disiplina sa pangangalaga sa kapaligiran ay malaking


tulong upang maiwasan natin ang anumang suliranin maaari nating kaharapin
pagdating ng panahon, kung kaya’t gawin ang nararapat, nang sa ganon ay
malinis na kapaligiran ang ating maipapamana sa susunod na henerasyon.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Dahil sa mga sakit na nakukuha natin dulot ng


maruming kapaligiran, piliin mo sa mga larawan ang mga bagay na dapat mong
gawin upang maiwasan ang mga ito. Lagyan ng tsek (√) ang tamang sagot.

1 2 3

4 5

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba at isulat


ang TAMA kung ito ay nagsasaad ng angkop na gawaing makatutulong sa
pangangalaga sa kapaligiran at MALI kung hindi.

1. Pagtatapon ng patay na hayop sa ilog at dagat.


2. Pag-aaksaya ng tubig.
3. Pagpuputol ng mga puno.
4. Pakiki-isa sa iba’t ibang adbokasiya tungkol sa pangangalaga ng
kapaligiran.
5. Paggamit ng mga kemikal na pataba sa mga halaman.
D, Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 10 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Napakahalaga ng pagkakaroon ng disiplina upang


maisagawa ang mga gawain na makatutulong sa pangangalaga ng ating
kapaligiran. Nagsisimula ito sa ating tahanan, paaralan at sa pamayanang
ating kinabibilangan.
Suriin mo ang bawat larawan. Ang mga ipinakikitang gawain ba ay para
sa tahanan, paaralan o pamayanan na makakatulong sa pangngalaga ng
ating kalikasan. Kulayan ang kahon ng pula kung ito ay para sa tahanan,
asul sa paaralan at berde sa pamayanan.

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 15 minuto)

Tingnan ang bawat larawan. Paano mo maipapakita ang angkop na gawain upang
mapangalagaan natin ang ating kapaligiran.
V. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto )
 Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng
iyong performans.
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging
karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel
ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit
na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
 - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa
pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko
nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag
kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1
Bilang 2
Bilang 3
VI. SANGGUNIAN “Community Clean up Stock Illustrations – 270 Community Clean up Stock Illustrations,
Vectors & Clipart - Dreamstime.” Community Clean up Stock Illustrations – 270
Community Clean up Stock Illustrations, Vectors & Clipart - Dreamstime,
www.dreamstime.com/illustration/community-clean-up.html. Accessed 17 June
2021.
“Cute Little Boy with Glasses Brushing Teeth and Holding Glass..” 123RF,
www.123rf.com/photo_53123433_stock-vector-cute-little-boy-with-glasses-
brushing-teeth-and-holding-glass-of-water-isolated-on-white.html. Accessed 17 June
2021.
“Download Volunteer Children Cleaning Beach for Free.” Vecteezy,
www.vecteezy.com/vector-art/419723-volunteer-children-cleaning-beach. Accessed
17 June 2021.
“Montrose to Host Annual Clean-up Day Saturday.” KRWC 1360 AM, 1 Oct. 2020,
krwc1360.com/montrose-to-host-annual-clean-up-day-saturday/. Accessed 17 June
2021.
Nito, Pangangalaga Sa Kapaligiran Halimbawa At Kahalagahan. “Pangangalaga Sa
Kapaligiran Halimbawa at Kahalagahan Nito.” Philippine News, 25 Jan. 2021,
philnews.ph/2021/01/25/pangangalaga-sa-kapaligiran-halimbawa-at-kahalagahan-
nito/.
“School Cleaning Stock Illustrations – 1,052 School Cleaning Stock Illustrations, Vectors &
Clipart - Dreamstime.” School Cleaning Stock Illustrations – 1,052 School Cleaning
Stock Illustrations, Vectors & Clipart - Dreamstime,
www.dreamstime.com/illustration/school-cleaning.html. Accessed 17 June 2021.

Inihanda ni: Sinuri nina:


CHARMAINE JOY D. CAPUNO MARCY M. BARIN
TEACHER II HG LEADER

ELENITA S. MESINA
PRINCIPAL

You might also like