You are on page 1of 2

Potensyal na antibiotic at anticancer bacteria, nadiskubre sa

Tubbataha Reefs, Sulu Sea.

Nadiskubre ng tatlong Filipino Scientists noong ika-dalawang pu ng Marso, ang


bakterya na merong potensyal maging mabisang pang iwas ng kanser at antibiotics sa
Tubbataha Reefs sa karagatan ng Sulu.

Hinango ang pangalan na S (Streptomyces) tubbatahanensis sa isa sa pinaka


protektado at matandang marine ecosystem sa Pilipinas kung saan ito nadiskubre, ang
bakterya ay isang Streptomyces na importante sa paggawa ng gamot sa larangan ng
medisina, agrikultura at beteninarya kung kaya ito ay naglalaman ng katangian na
antibiotic at anti-cancer.

Ayon sa DOST (Departamento ng Siyensya at Teknolohiya) ang grupo ng


mananaliksik sa Unibersidad ng San Agustin, sa syudad ng Iloilo na pinangunahan ng
tatlong Filipino ‘Balik Scientists’ na tumuklas sa potensyal sa nasabing bakterya. Ang
Tubbataha Coral Reef ay idineklara ng UNESCO bilang Pandaigdig na Pamanang
Pook.

‘Balik Scientists’ ay tumutukoy sa mga Pilipinong nag aral ng siyensya sa ibang


bansa, at bumalik sa Pilipinas para maglingkod sa DOST at mga katuwang na mga
institusyon. Sila Dr. Emmanuel Lorenzo de los Santos na mananaliksik sa Unibersidad
ng Warwick at dating mga siyentipikong nakabase sa US na sila Dr. Jonel Saludes at
Dr. Doralyn Dalisay ang nanguna sa pananaliksik sa Tubbataha Reefs.

Naging matagumpay ang grupo ng mga mananaliksik kasama sila Chuckris


Tenebro, Dana Joanne Trono, Lex Aliko Balida, Leah Katrine Bayog, Julyanna Bruna,
Edna Sabido and Dion Paul Caspe.

Nailimbag ang pananaliksik sa internasyonal na siyentipikong journal nuong ika-


dalawampu't isa ng Pebrero na may pamagat: “Synergy between Genome Mining,
Metabolomics, and Bioinformatics Uncovers Antibacterial Chlorinated Carbazole
Alkaloids and Their Biosynthetic Gene Cluster from Streptomyces tubbatahanensis sp.
nov., a Novel Actinomycete Isolated from Sulu Sea, Philippines” na ayon sa abstract
nito
“ The bioprospecting of novel Streptomyces species from marine sediments of
underexplored ecological niches serves as an important source of antibiotic and
anticancer drug leads with unique chemical scaffolds.”
REFERENCE
Tenebro, C. P., Trono, D. J., Balida, L. A., Bayog, L. K., Bruna, J. R., Sabido, E.
M., Caspe, D. P., de Los Santos, E. L., Saludes, J. P., & Dalisay, D. S. (2023). Synergy
between genome mining, metabolomics, and bioinformatics uncovers antibacterial
chlorinated carbazole alkaloids and their biosynthetic gene cluster from streptomyces
tubbatahanensis sp. nov., a novel actinomycete isolated from Sulu Sea, Philippines.
Microbiology Spectrum, 11(2). https://doi.org/10.1128/spectrum.03661-22

You might also like