You are on page 1of 12

Masusing Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10

I. Layunin

A. Pangkalahatang Layunin

Sa loob ng 60 minutong aralin sa ESP 10 ang mag-aaral ay makakakuha ng 75% para sa mga
sumusunod; kaalaman, kakayahan, pag-unawa.

B. Tiyak na Layunin

a. Nalalaman ang kahulugan ng kalikasan at ang iba’t ibang dahilan ng pagkasira nito, at anu-ano ang
mga hakbang upang mapanumbalik ang kagandahan ng kalikasan.

b. Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pangangalaga sa kalikasan.

c. Nakakagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang maipamalas ang pangangalaga sa kalikasan.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Pangangalaga sa Kalikasan

B. Sanggunian: k-12 Curriculum LM pp. 209-232

C. Kagamitan: PowerPoint Presentation

Pagpapahalaga: Pagmamahal sa kalikasan

III. Panimulang Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


3.1 Panalangin
G/ Bb____, maaari mo bang pangunahan ang ating
panalangin para sa araw na ito. (Mananalangin ang mag-aaral)

1.2 Pagbati at paghahanda ng silid aralan

Isang magandang hapon Grade 10. -Isang magandang hapon din po Bb.

1.3 Pagtatala ng lumiban at pumasok sa klase

G/ Bb____, maaari mo bang itala ang mga lumiban


ngayon araw. (Itatala ng mag-aaral ang mga lumiban at pumasok)

1.4 Pagbabalik aral

G/Bb____, maaari mo bang ilahad ang iyong natutunan (Ibabahagi ng mag-aaral ang kaniyang natutunan sa
sa nakaraang talakayan? nakaraang talakayan)
Mahusay! Mukhang may natutunan nga kayo sa ating
nakaraang talakaya.

1.5 Pagwawasto ng takdang aralin


Mayroon akong ibinigay na takdang aralin tama ba? -Opo

Kung gayon maging matapat kayo sa pagwawasto ng (ang mag-aaral ay magwawasto ng kanilang takdang
inyong takdang aralin. aralin)

Susi ng kasagutan:
1.A
2.B
3.C
4.D
5.A

3.2 Pagganyak
Bago tayo magpatuloy sa ating talakayan mayroon
akong inihandang maikling music video kung saan
magkakaroon kayo ng ideya patungkol saan ang ating
tatalakayin. Pero bago iyon ay aking babasahin ang
ating alituntunin sa pakikinig at panonood.

Alituntunin sa pakikinig at panonood;


1. Paghusayan ang pakikinig at panonood.
2. lawakan ang pang-unawa sa mensahe ng music
video.

Handa na ba kayong makinig at manood? -Opo

Matapos nating mapakinggan at mapanood ang music


video sasagutin ninyo ang mga gabay na tanong.
Tatawag ako ng mga mag-aaral upang sagutin ito.

Gabay na tanong: (Sasagot ang mag-aaral)


1. Ano ang mensahe ng awitin?
2. Anong lyriko ng kanta ang tumatak sa iyo? At ano ang
masasabi mo dito?
3. Habang pinapakinggan mo at pinapanood ang music
video ano ang mga sakuna na nangyayari ngayon sa
ating paligid?
4. Sa lyrikong “NADARAMA NIYO BA AT NAKIKITA?
UNTI-UNTING NASISIRA ANG ATING KALIKASAN” paano
ka kikilos upang maisalba ang ating kalikasan?
5. Paano mo masasabi na “ANG ATING KALIKASAN AY
ATING KAYAMANAN”?

Mahusay! Magaganda ang inyong mga naging


kasagutan.

3.3 Paghawan ng sagabal


Bago tayo mag umpisa sa ating talakayan atin munang Panuto: Basahin ang kahulugan ng mga salita.
bigyan ng pansin ang mga salitang maaaring maging
sagabal sa ating isipan. 1. Greenhouse effect - Ito ay ang pagkaipon o
G/Bb.____ Maaari mo bang basahin. pagkaharang ng init sa atmospera ng daigdig na
magreresulta ng pagkainit ng kapaligiran

2. Dynamite Fishing - Mapanganib at delikadong paraan


ng panghuhuli ng isda. Ito’y patungkol sa ipinagbabawal
na paggamit ng dinamita sa panghuhuli ng malalaking
halaga ng isda.

3. Ekolohiya - Palamuhayan, o araling pangkapaligiran


ay isang sangay ng agham na nag-aaral sa pagkabaha-
bahagi at kasaganaan ng mga bagay na may buhay.

4. Kontaminasyon - Paghalo ng mapaminsalang sangkap


na kagaya ng dumi, lason, o mikrobyo sa tubig.

5. Etika - Ito ay isang sangay ng pilosopiya na nakatuon


sa mga isyung moral.

3.4 Paglalahad
Ngayon naman ay mayroon akong inihandang mga
larawan.

Ano kaya ang ibig sabihin ng mga larawan na ito?


(sasagot ang mag-aaral)
Alin sa mga paalala na ito ang madalas ninyong makita
sa inyong paligid?

Alin sa mga paalalang ito ang iyong sinusunod at hindi


sinusunod?

Paano nakakatulong ang mga paalalang ito sa


pangangalaga ng kalikasan?

Bakit kaya sa kabila ng mga paalalang ito ay patuloy


parin ang tao sa pagsira ng kalikasan?

Mahusay! Maraming salamat sa inyong mga kasagutan.


Ngayon ay batid kong mayroon na kayong ideya sa
ating tatalakayin sa tingin mo ano ang ating tatalakayin
sa araw na to?
-Pangangalaga sa Kalikasan
3.5 Pagtatalakay
Ngayon ay dumako na tayo sa ating talakayan, ang ating
tatalakayin sa hapon na ito ay patungkol sa “Ang
Pangangalaga sa kalikasan”. Matatalakay natin ang mga
sumusunod;

-Ang kalikasan
-Ang tao bilang tagapangalaga ng kalikasan
-Sampung utos para sa kalikasan
-ibat’ ibang dahilan ng pagkasira ng kalikasan
-Mga paraan o hakbang sa pangangalaga ng kalikasan
-Batas na nangangalaga sa kalikasan

Ngayon ay mayroon muna akong tanong.

Para sa iyo ano ang kalikasan?


(sasagot ang mag-aaral)
Mahusay! Maraming salamat sa iyong kasagutan.

Ang kalikasan ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa


atin na maaring may buhay o wala.

Magbigay nga kayo ng halimbawa ng mga bagay sa


ating kapaligiran na may buhay at walang buhay.
(sasagot ang mag-aaral)
Mahusay!

Ano ba yung mga bagay na tumutugon sa


pangangailangan ng mga nilalang na may buhay?

Mahusay! Ipapakita ko sainyo ang mga tinatawag


nating mga living things at non-living things na makikita
natin sa ating paligid.
Dumako tayo sa susunod na tatalakayin.

Ang tao bilang tagapangalaga ng kalikasan

Sa kwento ng paglikha Genesis 1:27-31 nilalang ng


Diyos ang tao ayon sa kaniyang kawangis bilang lalaki at
babae. Binasbasan at binigyan ng tagubilin na
magparami. Kaakibat nito ay ang utos na punuin ang
daigdig at magkaroon ng kapangyarihan dito lalo na sa
lahat ng kaniyang nilalang.

Sa tingin niyo sino ba ang dapat sisihin sa mga


napapanahong problema sa ating kapaligiran?

Mahusay!

10 UTOS PARA SA KALIKASAN (sasagot ang mag-aaral)


(Obispo Giampaolo Crepaldi )

1. Ang tao na nilikha ng Diyos na kaniyang kawangis ay


may pananagutang gamitin at pangalagaan ang
kalikasan bilang pakikiisa sa banal na gawain at
pagliligtas.

Sa tingin niyo bakit kaya tayong mga tao ang binigyan


ng tungkulin na ayusin ang ating kalikasan?

Mahusay!

2. Ang kalikasan ay hindi nararapat na gamitin bilang (sasagot ang mag-aaral)


isang kasangkapan na maaring manipulahin at ilagay sa
mas mataas na lugar na higit pa sa dignidad ng tao.

Paano kaya natin ipapahayag ang ating tungkulin bilang


kamanlikha ng Diyos?

Mahusay!

3. Ang responsibilidad na pang ekolohikal ay gawaing (sasagot ang mag-aaral)


para sa lahat bilang paggalang sa kalikasan na para rin
sa lahat. Kabilang na ang henerasyon ngayon at ng
hinaharap.

4. Sa pagharap sa mga suliraning pang kalikasan,


nararapat na isaalang alang muna ang etika at dignidad
ng tao bago ang makabagong teknolohiya
Sa tingin niyo gaano kahalaga ang teknolohiya o ang
mga makabagong imbensyon?

Mahusay!

5. Ang kalikasan ay hindi isang banal na reyalidad na (sasagot ang mag-aaral)


taliwas sa paggamit ng tao.

6. Ang politika ng kaunlaran ay nararapat na naaayon sa


politika ng ekolohiya.

Sa tingin niyo bakit kaya kailangan na laging nakapaloob


o naaayon sa politika ng ekolohiya?

Mahusay!

7. Ang lahat ng likas na yaman sa mundo ay kailangan (sasagot ang mag-aaral)


ibahagi sa bawat tao na may pagkakapantay-pantay.

8. Ang karapatan sa isang malinis at maayos na


kapaligiran ay kailangan protektahan sa pamamagitan
ng pang internasyonal na pagkakaisa at layunin.

Sa tingin niyo bakit tayo may batas?

Mahusay!
(sasagot ang mag-aaral)
9. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay nangangailangan
ng pagbabago sa uri ng pamumuhay na nagpapakita ng
moderasyon at kontrol sa sarili.

Nagtitipid ba kayo? Sa paanong paraan kayo nagtitipid?

Mahusay!
(sasagot ang mag-aaral)
10. Ang mga isyung pangkalikasan ay nangangailangan
ng espiritwal na pag tugon.

Ano nga ulit yung sabi sa Genesis 1:27-31?

Mahusay!
(sasagot ang mag-aaral)

Ngayon para sa susunod na tatalakayin ay magbigay


nga kayo ng iba’t ibang dahilan ng pagkasira ng
kalikasan. Magtatawag ako ng mag-aaral.
Mahusay! Ngayon pag-aralan natin ang iba’t ibang (ang mag-aaral ay magbibigay ng iba’t ibang dahilan ng
dahilan ng pagkasira ng kalikasan. pagkasira ng kalikasan)

1. Maling pagtapon ng basura

Dahil sa maling pagtatapon ng basura kung saan saang


lugar na lamang. Maraming bahagi ng kalikasan ang
unti-unting nawawalan ng saysay.

Magbigay nga kayo ng magiging epekto kung patuloy


tayo sa pagtatapon ng basura kung saan saan.

Mahusay!
(sasagot ang mag-aaral)
2. Ilegal na pagputol ng mga puno

Ang mga puno at iba pang halaman ang siyang tagapag-


bigay ng napakahalagang hangin upang mabuhay ang
lahat ng nilalang. Bukod dito ang kanilang ugat ay
itinuturing na tagapagpadala at tagpag-ipon ng
underground water na siyang pinagmumulan ng malinis
na tubig at tumutulong para maiwasan ang pag baha.

Kung walang puno ano ang mangyayari satin?

Mahusay!

3. Polusyon sa hangin, tubig at lupa (sasagot ang mag-aaral)

Dahil sa maling gawain ng mga tao. Nagkakaroon ng


malawakang polusyon na siyang nagpapabago sa
kondisyon ng hangin, tubig, lupa na kailangan ng tao
upang mabuhay.

Magbigay nga kayo ng halimbawa ng dahilan bakit


nagkakaroon ng polusyon sa hangin, tubig at sa lupa.

Mahusay!

(ang mag-aaral ay magbibigay ng halimbawa)

4. Pagka ubos ng mga hayop

Maraming uri ng hayop sa kagubatan ang nauubos dahil


sa pang aabuso ng mga tao. Dahil dito ang balanse ng
kalikasan ay nawawala.

Sa tingin ninyo ano ang mangyayari kung patuloy ang


tao sa pag abuso ng kalikasan?

Mahusay!
(sasagot ang mag-aaral)
5. Malabis at mapanirang pangingisda

Pangingisda ang naging pangunahing hanap buhay ng


mga tao. Ngunit ang yamang dagat ay unti-unting
nauubos dahil sa hindi matigil na cyanide fishing,
dynamite fishing, muro-ami, na pumipinsala hindi
lamang sa mga isda pati narin sa kanilang habitat o
tirahan.

6. Ilegal na pagmimina

Dahil walang tigil na pagkuha ng tao sa mga yamang


mineral o pagmimina nagkakaroon ng pagbabaw sa
karagatan, pagguho ng mga lupa, kontaminasyon sa
mga ilog at lupa.

Ano ba yung mga bagay na nakukuha nila sa


pagmimina?

Mahusay!
(sasagot ang mag-aaral)
7. Urbanisasyon

Ang patuloy na pag unlad ng mga bayan ang isa sa


dahilan ng pagkasira ng kalikasan, dahil sa urbanisasyon
ang mga puno at kagubatan ay kinakalbo upang
pagtayuan ng mga kabahayan o mga malalaking gusali.

Saan niyo gusto manirahan sa city na napaka daming


nagtataasang building o sa countryside na mapuno,
mahangin?

8. Climate change
(sasagot ang mag-aaral)
Ang climate change ay ang pagbabago ng klima o
panahon at ang pagtaas ng temperatura bunga ng
pagdami ng greenhouse gases lalo na ng carbon dioxide
sa ating atmospera ay tinatawag na global warming.

Anu-ano ba yung mga nararanasan nating panahon


ngayon na masasabi nating epekto ng global warming?
Mahusay!

Ngayon naman mayroon tayong mga hakbang o paraan (sasagot ang mag-aaral)
sa pangangalaga ng kalikasan

1. Itapon ang basura sa tamang lalagyan

Ginagawa niyo ba ito?

Mahusay!

2. Pagsasabuhay ng 3R
-Opo
Ano ba ng ibig sabihin ng 3R?

Mahusay!

3. Pagtatanim ng puno
(sasagot ang mag-aaral)
Naranasan niyo na bang magtanim ng puno?

4. Sundin ang batas na nangangalaga sa kalikasan

5. Mamuhay ng simple
-Opo
Ano ang pagkakaiba ng salitang (need) sa (want)?

Mahusay!

Ngayon ay mayroon tayong batas na nangangalaga sa


ating kalikasan. (sasagot ang mag-aaral)

Republic Act 3571, 10593 (An act to prohibit the


cutting, destroying or injuring of planted or growing
trees, flowering plants and shrubs or plants of scenic
value along public roads, in plazas, parks, school
premises or any other public ground).

Executive order No. 23 S. 2011 (Declaring a moratorium


on the cutting and harvesting of timber in the national
and Residual forests and creating the Anti-illegal
logging task force).

Ngayon bago tayo magtapos sa ating talakayan ay


mayroon akong ipapabasang quotation mula kay Pope
Benedict XVI.
“The planet you do not save is the earth you will not
live upon.”
-Pope Benedict XVI

Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Mahusay!

3.6 Paglalahat
May natutunan ba kayo sa ating naging talakayan? (sasagot ang mag-aaral)

Bilang isang mag-aaral, paano mo masosolusyunan ang


mga nasira nating likas yaman upang maibalik sa ganda
ang kalikasan at para wala ng matinding sakuna pa ang
mararanasan? -Opo

3.7 Paglalapat
Ngayon ay gagawa kayo ng “Awareness slogan” na (sasagot ang mag-aaral)
maipapakita kung bakit dapat ng itigil ang pag-abuso sa
ating kalikasan. Hindi niyo na kailangan pagandahin
isusulat niyo lang sa papel at tatawag ako ng ilang mag-
aaral na magbabahagi. Bibigyan ko lamang kayo ng 5
minuto para gawin ito.

3.8 Pangkatang Gawain


Papangkatin ko kayo sa dalawang grupo, ang bawat (ang mag-aaral ay magbabahagi ng kanilang gawa)
grupo ay mayroong tatlong miyembro. Ito ang inyong
gagawin

Panuto: pumili ng isang isyung pang kalikasan at pag-


usapan kung paano kayo tutugon sa pangangailangan
ng kalikasan batay sa isyung napili.

Maghanda ang isang napiling kinatawan upang ibahagi


ang kanilang gawa. Bibigyan ko lamang kayo ng
sampung minuto upang gawin ito. Pero bago yon ay
babasahin ko muna ang pamantayan sa pag gawa.

Pamantayan sa pag gawa:

Nilalaman- 15%
Tema- 10%
Malinaw na pagpapaliwanag- 5%
Kabuuan = 30%

3.9 Pagsasabuhay
(ang kinatawan ng grupo ay magbabahagi)
Bilang isang mag-aaral na nagpapahalaga sa ating
kalikasan, kung bibigyan ka ng pagkakataon anong
programa ang nais mong ipatupad upang
mapanumbalik ang kaayusan ng ating kalikasan?

(sasagot ang mag-aaral)

IV. Ebalwasyon o Pagtataya


Ngayon titignan ko kung mayroon ba talaga kayong
natutunan sa ating naging talakayan. Ilalagay ang sagot
sa 1-5 sa comment section.

Panuto: ibigay ang hinihinging sagot sa bawat bilang.


1. Ito ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin
na maaaring may buhay o wala.
2. Magbigay ng isang dahilan ng pagkasira ng
kalikasan. Tamang sagot:
3. Magbigay ng isang batas na nangangalaga sa
ating kalikasan. 1. Kalikasan
4. Magbigay ng isang hakbang o paraan sa
pangangalaga sa kalikasan. 2. Maling pagtatapon ng basura
5. Siya ang sumulat ng 10 utos para sa kalikasan. Ilegal na pagputol ng puno
Polusyon sa hangin, tubig,lupa
Pagka-ubos ng hayop
Malabis at mapanirang pangingisda
Ilegal na pagmimina
Urbanisasyon
Climate change

3. Rebublic Act 3571


Rebublic Act 10593
Executive Order No. 23 S. 2011

4. Itapon ang basura sa tamang lalagyan


Pagsasabuhay ng 3R
Pagtatanim ng mga puno
Sundin ang batas sa kalikasan
mamuhay ng simple

5. Opisbo Giampaolo Crepaldi

V. Takdang aralin

-Mag hanap ng mga bagay sa loob ng bahay na


maituturing na basura (papel, bote, plastic at iba pa) na
maaaring i-recycle at maari ulit mapakinabangan.At ito
ay ibabahagi niyo sa klase sa susunod na Linggo.

Mayroon pa bang katanungan? O klaripikasyon sa ating


naging talakayan?

Kung wala na paalam na Grade 10. Maraming salamat


sa pagpasok sa ating klase.
(sasagot ang mag-aaral)

-Paalam na rin po Bb.

Inihanda nina:

Baguio, Kinelyn S.

Batang, Jaymarie B.

Bayumbon, Maseille Fransquat J.

Boter, Christal Kate

Dapiasan, Edwil P.

You might also like