You are on page 1of 20

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO BAITANG 8

I. Layunin:

A. Pangkalahatang layunin:
Sa pagtatapos ng aralin inaasahan ng mga mag-aaral ay natutukoy ang iba’t ibang
karahasan sa paaralan.

B. Tiyak na Layunin
a. Natutukoy ng mga mag-aaral ang mga uri, sanhi at epekto ng mga umiiral na
karahasan sa paaralan.
b. Napapahalagahan ng mga mag-aaral ang aspekto ng pagmamahal sa sarili at
pagmamahal sa kapwa na kailangan upang maiwasan at tugunan ang karahasan sa
paaralan.
c. Nakakagawa ang mga mag-aaral ng iba’t ibang aktibidad na may kinalaman sa
karahasan sa paaralan.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Modyul 14 Karahasan sa Paaralan
B. Sanggunian: (Libro) Edukasyon sa Pagpapakatao 8 (Modyul para sa mag-aaral)
- https://web. republic-act-10627-o-anti-bullying-act-of-2013-nilagdaan-na-ni-
pnoynilagdaan-na-/647005111991416/? rdc=1&_rdr
- https://www.unicef.org/philippines/press-releases/online-bullying-remains-
prevalent-philippines-other-countries
- https://www.philstar.com/headlines/2020/11/09/2055547/cyberbullying-rise-
unesco-warns
- https://news.abs-cbn.com/amp/news/12/14/19/6-in-10-pinoy-teens-bullied-in-
school-study
C. May-akda: Regina Mignon C. Bognot, Romualdes R. Comia, Sheryll T. Gayola,
Marie Aiellen S. Lagarde, Marivic R. Leano, Eugenia C. Martin, Marie Ann M. Ong,
at Rheamay T. Paras
D. Kagamitan: Powerpoint presentation, laptop, video at mga larawan
Pagpapahalaga: Pagmamahal at Paggalang sa Kapwa

III. Pamamaraan

Gawain Ng Guro Gawain Ng Mag-aaral

3.1 Panalangin
Anak____, maaari mo bang pangunahan ang Taimtim na mananalangin ang mag-aaral
ating panalangin para sa araw na ito.

1.2 Pagbati at paghahanda ng silid aralan

Isang magandang umaga Grade 8.


Isang magandang umaga din po Ms.
Maaari niyo ba akong bigyan ng emoji sa comment Itatype ng mga mag-aaral ang emoji na
box kung ano ang inyong nararamdaman ngayon nararamdaman nila.
umagang ito?

Salamat!
Alituntunin sa online class.

- Maghanap ng maayos at komportableng


lugar sa loob ng bahay.
- Maging aktibo sa talakayan. Hangga’t
maaari, panatilihin naka bukas ang kamera.
- Makinig sa nagbabahagi sa klase.
Siguraduhing naka mute ang microphone
kung hindi naman magsasalita.
- Magpost at magkomento ng naaayon sa
asignatura.
- Ipasa ang mga gawain sa takdang oras.

Maraming Salamat sa pagbabasa.

1.3 Pamukaw sigla

Bago tayo mag-umpisa mayroon akong


inihandang isang laro upang magising ang ating
mga diwa. Mayroon ako ditong inihandang iba’t
ibang sitwasyon sa loob ng paaralan. Ito ay
tatawagin nating:

“thumbs up or thumbs down”

Mag-thumbs up gamit ang sariling kamay 👍o


emoji kung sa tingin niyo ay tama ang gawain na
ipinakita sa larawan at thumbs down 👎 naman
kung mali.

Bigyan niyo ako ng smiley emoji kung


Ikokoment ng mga mag-aaral ang emoji.
nauunawaan?
Susi kasagutan:

1. 👎

2. 👍
3. 👎

4. 👍

1.4 Pagtala ng lumiban at pumasok sa klase

Para sa inyong attendance ngayon umaga na ito, Ikokoment ng mga mag-aaral ang kanilang
itype sa chat pane ang iyong buong pangalan. buong pangalan sa chat pane.

1.5 Pagbabalik-aral

Bago tayo dumako sa ating bagong aralin, ay atin


munang balikan kung ano ang ating tinalakay
noong nakaraang linggo.

Anak____, maaari mo bang ilahad kung ano ang


ating tinalakay noong nakarang linggo? Patungkol po sa “Kabutihang Panlahat” Ms.
Mahusay!

Kabutihang Panlahat

Ano ang iyong natutunan sa nakaraang talakayan? Ibabahagi ng mag-aaral ang kaniyang natutunan
sa nakaraang talakayan

Mahusay! Mukhang may natutunan nga kayo sa


ating nakaraang talakayan.
Ngayon mayroon akong inihandang maikling
pagsusulit na kung saan masusukat ko kung may
natutunan kayo sa ating nakaraang paksa.

Panuto: Tukuyin kong tama o mali ang pahayag. Susi ng kasagutan:

_____1. Ang kabutihan ng komunidad ay 1. Tama


nararapat bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi
nito.
2. Tama
_____2. Ang ating pagiging kasama ng kapwa ay
isang pagpapahalaga na nagbibigay ng tunay na
kaganapan sa ating pagkatao.
3. Mali
_____3. Ang mga tao ay walang kinabibilangang
pangkat na walang iisang tunguhin o layunin.

_____4. Ang ating pakikikapwa ay walang 4. Mali


pagpapahalaga sa ating pagkatao sa lipunan.

____5. Ang salitang lipunan ay nagmula sa


5. Tama
salitang ugat na “lipon” na nangangahulugang
pangkat.

1.6 Pagwawasto ng takdang aralin

Ang lahat ba ay nakapagpasa na ng takdang aralin Opo Ms.


sa Edmodo?

Mahusay!

3.2 Pagganyak
Bago tayo dumako sa ating talakayan mayroon
akong inihandang 4 pics 1 word kung saan
magkakaroon kayo ng ideya patungkol sa ating
tatalakayin. Huhulaan niyo kung ano ang nakasaad
sa mga arawan, pagkatapos ay magbigay ng ideya.

Pasalitang pambubulas
Pasalitang pambubulas po Ms.

Mahusay, nak!

Paano mo nasabi nak na ito ay pasalitang


pambubulas? Sasagot ang mag-aaral

Mahusay, nak! Salamat


Sosyal na pambubulas po Ms.
Sosyal na pambubulas

Mahusay nak! Salamat

Paano mo nasabi nak na ito ay sosyal na


Sasagot ang mag-aaral.
pambubulas?

Mahusay, nak! Salamat

Pisikal na pambubulas
Pisikal na pambubulas po Ms.

Paano mo naman nasabi nak na ito ay pisikal na


pambubulas? Sasagot ang mag-aaral

Mahusay, nak! Salamat

Cyberbullying Cyberbullying po Ms.

Paano mo naman nasabi nak na ito ay


cyberbullying? Sasagot ang mag-aaral

Mahusay, nak! Salamat


3.3 Paghawan ng sagabal

Bago tayo mag umpisa sa ating talakayan atin


munang hawiin ang mga salitang maaaring maging
sagabal sa ating isipan.

Anak, _____ maaari mo bang basahin ang panuto


at sagutan ang unang bilang.

Panuto: Ihanay ang kolum A sa kolum B.

Kolum A Kolum B

1.Isang uri ng pang-aapi A. Nambubulas

o panunupil.

2.Ang taong inaabuso o B. Pambubulas

sinasaktan ng taong
Susi ng kasagutan:
nambubulas ng
1. B
walang kalaban-laban.
2. D
3.Tawag sa gumawa ng C. Karahasan

berbal, pisikal, o mental 3. A

na pag-aabuso 4. C

sa binubulas na tao.

4. Ito ay tungkol sa pagkilos ng D. Binubulas

paggamit ng puwersa at

pananakot upang makamit

ang isang layunin.

3.4 Paglalahad

Ngayon naman ay mayroon akong inihandang


video presentation kung saan magkakaroon kayo
ng ideya patungkol saan ang ating tatalakayin.
Pero bago iyon ay maaari mo bang basahin ang
ating alituntunin sa panonood at ang pang
prosesong tanong, anak____.
Alituntunin sa panonood:

1. Makinig at manood ng mabuti.


2. Huwag mag-ingay
3. Lawakan ang pang-unawa sa pinanood.
4. Magtala ng mahahalagang
impormasyon.
Pang prosesong tanong:

1. Base sa video presentation na inyong


pinanood, ano ang naging sanhi at
epekto kung bakit binawian ng buhay
ang biktima?
2. Sa inyong palagay, bakit lumaganap ang
ganitong sitwasyon sa paaralan maging
sa ating bansa?

https://www.youtube.com/watch?v=ZvMDYJWbIy8

Pang prosesong tanong:

1.Base sa video presentation na inyong pinanood,


ano ang naging sanhi at epekto kung bakit
binawian ng buhay ang biktima? Sasagot ang mag-aaral

2. Sa inyong palagay, bakit lumaganap ang


ganitong sitwasyon sa paaralan maging sa ating
bansa?

Mahusay! Magaganda ang inyong mga naging


kasagutan at batid ko na lubos ninyong
nauunawaan ang video presentation.

Base sa ating ginawang aktibidad at sa ating


pinanood na video presentation, ano kaya sa tingin Karahasan sa paaralan po, Ms.
ninyo ang ating tatalakayin sa umagang ito?

“Karahasan sa paaralan”

Mahusay! Tama ang iyong kasagutan anak.

Ano ang pananaw niyo tungkol sa karahasan sa


paaralan? Sasagot ang mag-aaral

Mahusay!
3.5 Pagtatalakay

Modyul 14: Karahasan sa Paaralan

Ngayon ay dumako na tayo sa ating talakayan, ang


ating tatalakayin sa umaga na ito ay patungkol sa
“Karahasan sa Paaralan.”

Uunahin natin pag-uusapan ang pambubulas

Ano ang pambubulas o bullying para sayo? Sasagot ang mag-aaral

Mahusay! Maraming salamat sa iyong kasagutan,


anak.

Ang Pambubulas

Ang Pambubulas o Bullying ay isang sinasadya


at madalas na malisosyosong pagtatangka ng
isang tao o pangkat na saktan ang katawan o
isipan ng isang tao o mahigit pang biktima sa
paaralan.

Salamat sa pagbabasa!

Sinu – sino sa inyo dito ang naging biktima ng


pambubulas? paano mo ito nalampasan? Maaari Magbabahagi ang mag-aaral ng kanyang
mo bang ibahagi sa amin? karanasan.

Maraming Salamat anak! Sa pagbabahagi ng iyong


karanasan.

- Pagsasabi ng masasakit na salita po Ms.


Ano-ano ang mga karahasan sa paaralan, class?
- Pagkalat ng chismis po Ms.

- Pangungutya po Ms.

Mahusay, maraming salamat sa inyong mga


kasagutan. Ang lahat ng iyong mga kasagutan ay
mababangit natin sa 4 na uri ng pambububulas.

May mga uri ng pambubulas, ano- ano ang mga 1. Pasalitang pambubulas.
ito? 2. Sosyal o relasyonal na pambubulas
3. Pisikal na pambubulas
4. Cyberbullying
Mahusay!

Uri ng Pambubulas:

Ating tatalakayin ang unang uri ng pambubulas.

1. Pasalitang pambubulas.

Ano ang pasalitang pambubulas? -Pag atake ng sinuman sa pamamagitan ng


pananalita po Ms.
Mahusay!

- Pagsalita o pagsusulat ng masasamang


salita laban sa isang tao.
Kasama rito: ang pangangatyaw, pangungutya,
Magbigay ng mga halimbawa ng
panunukso, panlalait, pang-aasar, paninigaw,
pasalitang pambubulas?
pagmumura, pag- iinsulto, pagpahiya sa iyo sa
harap ng maraming tao at iba.

Mahusay!

2. Sosyal o relasyonal na pambubulas

Ano ang sosyal o relasyonal na


pambubulas? -Sinisiraan ang reputasyon ng isang tao sa ibang
tao po.
Mahusay!

Sosyal o relasyonal na pambubulas

-Ang sosyal o relasyonal na pambubulas ito ay


may layuning sirain ang reputasyon at ang
pakikipag-ugnayan sa ibang tao.

Kasama rito; ang hindi pagtanggap sa isang tao o


Maaari ba kayong magbigay ng mga halimbawa sadyang pang-iiwan sa kaniya sa maraming
ng sosyal o relasyonal na pambubulas? pagkakataon, panghihikayat sa ibang mag-aaral
na huwag makipagkaibigan sa isang particular na
indibidwal o pangkat, pagkalat ng tsismis,
pagpapahiya sa isang tao sa gitna ng nakararami
at iba pa.
Mahusay! Tama ang inyong mga kasagutan

3. Pisikal na pambubulas
- Pisikal na pananakit sa isang tao po Ms.
Ano naman ang pisikal na pambubulas?

Mahusay!
Pisikal na pambubulas

-Pisikal na pambubulas ito ay ang pisikal na


pananakit sa isang indibwal o pangkat at
paninira ng kaniyang mga pag-aari.

Salamat!
Kasama rito; ang panununtok, paninipa,
pananampal, pangungurot, o biglang pag-alis ng
Magbigay ng mga halimbawa ng pisikal na upuan habang nakatalikod upang matumba ang
pambubulas? nakaupo. Kabilang din dito ang pagkuha at
pagsira sa gamit o pagpapakita ng hindi
magagandang sensyas ng kamay.

Mahusay!

4.Pambubulas gamit ang makabagong


teknolohiya (Cyberbullying)
-Paninira at pagpapahiya gamit po ang social
Ano naman ang ibig sabihin ng cyberbullying? media Ms.

Mahusay! Pambubulas gamit ang makabagong


teknolohiya (Cyberbullying)

- Paninira gamit ang computer at cellphone,


pagpost ng mga impormasyon na walang
pahintulot ng may- ari at pagkakalat sa social
media ng mga malalaswang larawan upang
mapahiya ang isang tao.

Salamat nak!
Sa tingin niyo class may pambubulas pa din -Sasagot ang mag-aaral
kayang nagaganap sa online class?

Sinu-sinu sa inyo dito ang naging biktima ng cyber


bullying? -Sasagot ang mag-aaral

Maraming Salamat, anak!

Ayon sa Program for International Student


Assessment (PISA) noong 2018 na survey na
inilathala ng Organization for Economic Co-
operation and Development (OECD) mayroong 65
porsyento na mag-aaral sa Pilipinas sa edad na 15
taong gulang ang nakaranas ng pambubulas sa loob
ng paaralan. At mula sa pag-aaral mayroong 26
porsyento na mag-aaral sa pilipinas ang
“malungkot” sa paaralan.

Ayon sa latest national data na inilabas noong


September 2019 mayroon 44 % na mga kalalakihan
at 43% na mga kababaihan sa edad na 13 hanggang
17 ay nakaranas ng pambubulas online.

Ayon sa UNESCO noong November 2020


mayroon 10 mag-aaral sa Pilipinas ang naging
biktima ng cyberbullying bawat buwan sa panahon
ng pandemya.

Mula sa 4 uri ng pambubulas. Masama ba ang


pambubulas? Bakit? Sasagot ang mag-aaral

Maraming Salamat!

Ang Nambubulas

Dumako naman tayo sa mga sanhi o dahilan ng


nambubulas

Sa inyong palagay ano ang dahilan kung bakit


Sasagot ang mag-aaral
nambubulas ang isang tao?

Mahusay!
-Ang nambubulas ay siyang gumawa ng pang-
Ano ang nambubulas?
aabuso sa binubulas po.

Mahusay!
Nambubulas

- Nambubulas ay ang siyang gumagawa ng


berbal, pisikal, o mental na pangaabuso sa
binubulas na tao. Kadalasang nangyayari ang
mga ito sa mga paaralan.
Salamat!

Ang Nambubulas (Sanhi)

-Ayon sa isinagawang pag-aaral ni Karin E.


Tusinski (2008) ang sanhi o dahilan ng
pambubulas ng isang tao ay maaring maugat sa
pamamaraan ng pagpapalaki ng kaniyang mga
magulang. Sabi niya sa kanyang pag-aaral, ang
isang bata na nambubulas ay:

1. Mas malamang na napalaki ng isang pamilyang


napabayaan na gawin ang lahat ng kaniyang
gustong gawin at hindi napa-aalahanan lalo na sa
mga hindi tamang nagagawa.

Magbigay pa ng mga dahilan o sanhi kung bakit -sasagot ang mag-aaral.


nambubulas ang isang tao?

Mahusay!
Ang Nambubulas (Sanhi)

2. Hindi naramdaman sa kaniyang pamilya ang


pagmamahal.

3. Hindi napalago ang komunikasyon at


ugnayan sa loob ng pamilya.

4. Ginamitan ng pananakit bilang pagdisiplina.

5. Nakita ang pagiging marahas ng magulang na


magdudulot ng pagkakaroon ng damdamin ng
poot sa kapwa at malaon ay makaramdam ng
kasiyahan sa pananakit sa iba.

Maraming salamat!

Ang Binubulas (Sanhi)

Ano ang binubulas?


-Ang taong sinasaktan ng taong nambubulas po.
Mahusay!

Magbigay ng mga dahilan o sanhi kung bakit


binubulas ang isang tao? -sasagot ang mag-aaral.

Mahusay! Lahat ng sinabi niyo ay tama na kung


saan kabilang ito sa sanhi ng binubulas.
• Kaibahang Pisikal (physically different)

Ano ang kaibahang pisikal? -Sasagot ang mag-aaral.

Mahusay!

Magbigay ng halimbawa class. - Sasagot ang mag-aaral

Maraming Salamat!

• Kakaibang Estilo ng Pananamit (dresses up


differently)

Magbigay ng halimbawa class.


- Sasagot ang mag-aaral
Maraming Salamat!

• Oryentasyong seksuwal (sexual orientation)

Ano ang oryentasyong seksuwal?


-Sasagot ang mag-aaral
Magbigay ng halimbawa class.
-Sasagot ang mag-aaral
Maraming Salamat!

• Madaling mapikon (short-tempered)

• Balisa at di panatag sa sarili (anxious and


insecure)

Bakit nagiging balisa ang isang tao kapag siya ay


binubully? -Sasagot ang mag-aaral

• Mababa ang tingin sa sarili (low self-esteem)

• Tahimik at lumalayo sa nakararami (quiet and


withdrawn)

• Wala kang kakayahang ipagtanggol ang sarili


(inability to defend oneself)

Kung mayroon mga sanhi ng pambubulas.


Mayroon din epekto ng pambubulas.

Mga Epekto ng Pambubulas:

May epekto kaya ang pambubulas sa nambubulas?


Sasagot ang mag-aaral
Bakit?

Mahusay!

Magbigay ng maaaring maging epekto sa


nambubulas? Sasagot ang mag-aaral
Mahusay!
NAMBUBULAS

• Masangkot sa pagnanakaw
• Pisikal na away o masaktan sa pakikipag-
away
• Lumiban sa klase

Magbigay ng iba pang halimbawa? -Sasagot ang mag-aaral

Mahusay
NAMBUBULAS

•Magdala ng mga armas upang magdulot ng


takot sa ibang mag-aaral

•Hindi makatanggap ng tunay na paggalang


mula sa kaniyang kapwa kabataan

•Maaaring masangkot pa sa mas maraming gulo


sa hinaharap.

•Di kanais-nais na asal sa pakikipag-ugnayan sa


kapwa

•Di katanggap tanggap na kakayahan sa


pakikipagkapwa

•Hindi makatagpo ng tunay na kaibigan

•Gumamit ng alcohol at droga at marami pang


iba
Maraming Salamat!

ANG BINUBULAS

Ano – ano ang maaring maging epekto sa mga


naging biktima ng pambubulas? Sasagot ang mag-aaral

Mahusay!

• Magkaroon ng labis na pagkabalisa, kalungkutan,


suliranin sa pagtulog (sleep difficulties), mababang
tiwala sa sarili, maging sakit ng ulo at tiyan at
pangkalahatang tensiyon. Ito ay magdudulot ng ANG BINUBULAS
stress sa biktima.
• Maging marahas. Sila ay napipilitang gumanti
at mapanakit

• kakaunti ang kaibigan o maaaring walang


kaibigan.

• Ayaw makipagkaibigan ng ibang mag-aaral sa


mga biktima ng pambubulas dahil sa takot na
maging sila ay maging biktima din.
Maraming Salamat!

CYBERBULLYING

Ano naman ang maging epekto sa isang tao kapag Sasagot ang mag-aaral
siya ay nabubulas sa social media?

Mahusay!
CYBERBULLYING

•Pagiging insecure sa sarili sa itsura, sa kilos at


galaw, at sa mga pinopost

•Pagkababa ng self-confidence

•Sobrang pagkalungkot at pag-ooverthink

Maraming Salamat sa pagbabasa. •Mahihiya sila sa ibang tao

Mayroon tayong batas na Repulic Act No. 10627 o


mas kilala na “Anti Bullying Act of 2013.”Ito ay
nilagdaan ng ating former president na si President
Benigno "Noynoy" Aquino III na nagsasaad ang
pagbabawal sa anumang uri ng pambu-bully sa loob
ng paaralan, sa mga school-related functions at
maging sa pamamagitan ng teknolohiya

Mula sa mga sanhi at epekto ng pambubulas, sa


inyung palagay ang binubulas lamang ba ang - Sasagot ang mag-aaral
tutulungan? Kung hindi bakit?

4 na antas kung saan maaaring pakilusin laban


sa karahasan sa paaralan:

lipunan
Paaralan

Tahanan Indibidwal
Bakit kabilang ang lipunan sa 4 na antas? -Sasagot ang mag-aaral

Pakibasa anak____ at bigyang pagpapaliwanag. Babasahin ng mag-aaral at bigyang


pagpapaliwanag.

Pagmamahal sa sarili, kapwa, at buhay: Mga


sandata laban sa karahasan sa paaralan

-Ang pagmamahal sa sarili ang isa sa


pinakamahalagang sandata na magagamit ng
isang kabataan upang maiwasan sa anumang
karahasan sa paaralan

Mahusay, Salamat!

3.6 Paglalahat

May natutunan ba kayo sa ating naging talakayan? Sasagot ang mag-aaral


Mga katanungan?

Mahusay! Upang lubos kong malaman kung kayo


ba ay may natutunan. Mayroon akong inihandang
graphic organizer na kung saan ibibigay niyo ang
4 na uri ng pambubulas.

KARAHASAN SA
PAARALAN

*URI NG PAMBUBULAS*

Pasalitang pambubulas Sasagot ang mag-aaral

Sosyal o relasyonal na pambubulas

Pisikal na pambubulas

Cyber bullying

Mahusay!

3.7 Pangkatang Gawain

Papangkatin ko kayo sa tatlong pangkat, ang bawat


pangkat ay mayroong 20 miyembro na kung saan
iba iba ang gagawin. Ang bawat leader o kinatawan
ng grupo ay pipili ng isang kahon, ang nilalaman ng
kahon ay siyang iyong gagawin. Bibigyan ko
lamang kayo 3 minuto upang gawin ito. At 2 minuto
lamang sa pagbabahagi.

Slogan Akrostik Sanaysay

Malinaw class? Bigyan niyo ako ng smiley face Ikokoment ng mag-aaral ang smiley face emoji.
emoji sa comment box kung nauunawaan.

Alituntunin sa Paggawa

- Magkaroon ng kooperasyon.
- Isagawa ng maayos ang aktibidad.

Unang Pangkat:

Panuto: Gumawa ng isang slogan tungkol sa


pambubulas upang masupil ang karahasan sa
paaralan.

Pamantayan Sa Paggawa Slogan

▪ May malaking kaugnayan sa paksa na


binigyang halaga ang nambubulas at
binubulas -30
▪ Ang mensahe ay mabisang maipakita- 30
▪ Maayos at maliwanag ang pagpapaliwanag-
30
▪ Kooperasyon- 10
_______________

Kabuuan: 100%

Ikalawang Pangkat:

Panuto: Bumuo ng akrostik gamit ng salitang "


PAMBUBULAS". Gumawa ng pangungusap
upang masupil ito.
Pamantayan Sa Paggawa ng Akrostik

▪ May malaking kaugnayan sa paksa na


binigyang halaga ang nambubulas at
binubulas – 30
▪ Ang mensahe ay mabisang naipakita– 30
▪ Maayos at maganda ang pagkakagawa-30
▪ Kooperasyon – 10
____________
Kabuuan: 100%

Pangatlong Pangkat:

Panuto: Bumuo ng maikling sanaysay na may


kaugnay sa pambubulas na kung saan binigyang
halaga ang binubulas at nambubulas.

Pamantayan Sa Paggawa ng Sanaysay

▪ May malaking kaugnayan sa paksa na


mababasa ang uri, sanhi at epekto sa
nambubulas at binubulas – 30
▪ Maganda ang nilalaman at mensahe-30
▪ Nakakapukaw ng damdamin-30
▪ Kooperasyon – 10
_________
Kabuuan: 100%

Maaari niyo nang simulan mga anak.

Tapos na ang bawat pangkat? Maaari niyo ng Ibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang gawa.
simulan ang pagbabahagi.

3.8 Pagsasabuhay
Sasagot ang mag-aaral
1. Bilang isang mag-aaral, paano ka
makakatulong sa kapwa mo mag-aaral na
naging biktima ng pambubulas at
nambubulas sa paaralan o sa internet?

2. Bakit mahalaga ang pag-iwas sa anumang


uri ng karahasan sa paaralan?
IV. Ebalwasyon o Pagtataya

Ngayon titignan ko kung mayroon ba talaga kayong


natutunan sa ating naging talakayan. Mayroon
akong inihandang maikling pagsusulit. Isulat ang
iyong sagot sa kuwaderno at maghintay ng aking
hudyat sa pag komento ng iyong mga sagot sa chat
box mula 1-5. Bibigyan ko lamang kayo ng 2
minuto para sagutan ito.

Panuto: Tukuyin ang bawat salita kung saan ito


napabilang sa 4 na uri ng pambubulas. Ito ba ay
pasalitang pambubulas, sosyal o relasyonal na
pambubulas, pisikal na pambubulas o
cyberbullying. Susi ng kasagutan:

____1. Panununtok 1.Pisikal na pambubulas

____2. Pagkakalat ng chismiss


2. Sosyal o relasyonal na pambubulas
____3. Pagpost ng mga impormasyon na walang
pahintulot ng may-ari 3. Cyberbullying

____4. Pagpapahiya sa isang tao sa gitna ng 4. Sosyal o relasyonal na pambubulas


maraming tao.
____5. Panglalait 5. Pasalitang pambubulas

IV. Takdang aralin


Pakibasa ang iyong takdang aralin na sasagutan
1.Gumawa ng plano ng pagkilos gamitin ang
sa Edmodo, anak___.
gabay na nasa ibaba kung paano matutugunan
ang karahasan sa paaralan. Pumili ng isang isyu
na gagawan ng plano ng pagkilos.

A. Panunukso

B. Pagpapahiya sa isang tao sa gitna ng


maraming tao.

C. Paninipa

D. Pagpapahiya sa social media

Mga plano ng Mga hakbang ng


pagkilos pagsasagawa

2. Sa inyong libro sa ESP 8, sagutan ang


paunang pagtataya sa pahina 402 – 406.
Pagkatapos basahin ang pahina 419- 431 bilang
paghahanda sa susunod na tatalakayin.

-Sasagot ang mag-aaral


May katanungan pa ba grade 8?

Maraming Salamat Sa Pakikinig At Pagpalain


Nawa Kayo Ng Mapagmahal Na Diyos 😊

Inihanda ni:

Ms. Baguio, Kinelyn S.

BSED Values 4-C

You might also like