You are on page 1of 1

"Persepsyon ng mga Mag-aaral sa Marcelo H.

del Pilar sa Korean Language Program na


Ipapatupad ng DepEd sa mga Publikong Eskwelahan"

Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng kwalitatibo na disenyo sa pananaliksik upang


malaman ang mga persepsyon ng mga estudyante sa ipapatupad na Korean Language Program sa
mga publikong eskwelahan kung saan balak ituro ang wikang Korean sa ilalim ng K12. Ito ay
napapatupad pa lamang sa 10 pilot na publikong eskwelahan sa Metro Manila na pinili ng
DepEd na may bilang na 700 ang estudyante na ang natuturuan nito. Sa paggamit ng kwalitatibo
malalaman ang iba’t ibang kasagutan ng mga estudyante sa persepyon nila kung ito ba ay
makakabuti para sa mga Filipino o makakasama sa makabagong henerasyon lalo na sa panahon
kung saan malakas ang impluwensya ng ibang bansa sa mga kabataan sa Pilipinas dahil narin sa
mga teknolohiya nagbibigay daan upang kumonekta ang mga Filipino sa iba’t ibang bahagi ng
mundo.

Pamantayan ng magiging sagot ay magmumula sa mga estudyante galing sa baitang 11


dahil sila ang pinakamalapit sa mga naka abot sa panahon kung kailan ito naging usapin noong
2018 sa mga eskwelahan. Isa narin ang dahilan dito ang pagdating nila sa edad kung saan sila
nakakagawa ng kanilang opinyon sa iba’t ibang napapanahong problema na natatagpuan.
Malalaman narin ang pagkakaiba ng persepsyon ng sasagot sa panahon kung kailan lumaganap
ang planong magdagdag ng ibang wika sa K12 at ng kasalukuyang persepsyon ng estudyante.

Sa paraan ng pananayam makikita ang emosyon at persepsyon ng mga estudyante upang


mas lumalim pa ang pagbabahagi ng kanilang paninidigan sa ikakabuti o ikakasama ng Korean
Language Program sa mga estudyante sa publikong eskwelahan. Napili narin ito dahil ito ang
mura at magandang paraan upang mapalaganap ang pananaliksik.

Ang mga estudyante ay tatanogin kung sila ba ay pumapayag na marerekord sa kanilang


mga kasagutan sa paggamit ng audio recording app. Sa pagsimula ng panayam oobserbahan ang
sumasagot na estudyante sa kanilang paggalaw, ekspresyon ng mukha, tono ng boses at tindig.
Sa pagkatapos ng panayam pag-aaralan ang mga kasagutan nila galing sa rekord.

You might also like