You are on page 1of 2

SH1634

Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino- Kakayahang Diskorsal

Pagtiyak sa Kahulugang Ipinahayag ng mga Teksto/Sitwasyon Ayon sa Konteksto


Sa mga nakalipas na aralin, nabatid ang unang apat (4) na kakayahang pangkomunikatibo na
dapat taglayin ng isang mahusay na komyunikeytor. Sinasabing mas nalilinang at lumalago ang
kakayahang pangkomunikatibo kapag ito ay madalas na ginagamit at nararanasan sa iba’t ibang
konteksto.
Bagama’t ang kahalagahan ng bawat salik ng kakayahang pangkomunikatibo ay nakasalalay
sa bawat isa, hindi matatawarang ang bawat salik ng kakayahang komunikatibo (lingguwistiko,
gramatikal, sosyolingguwistiko, pragmatic, at istratedyik), tatalakayin natin ang isa pang salik, ang
kakayahang diskorsal.
Saklaw ng diskorsal ang pagkakaugnay ng serye ng mga salita o pangungusap na bumubuo
ng isang makabuluhang teksto. Ang isang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay
nakapagbibigay rin ng wastong pakahulugan ng napakinggan o nabasang pangungusap o pahayag
upang makabuo ng isang makabuluhang kahulugan. Masasabi mo bang may kakayahang diskorsal
ang isang taong nagpahayag ng sumusunod?
“Pumunta ako ng palengke kanina. Maglaro tayo. Makikita mo ang hinahanap mo.
Isasama kita. Marami-rami rin ang kanyang nakain. Napaiyak ako sa palabas sa
telebisyon,”
Malinaw ba ang pahayag? Ano ang dapat gawin upang maging makabuluhan ang pahayag?
Tandaan, may dalawang (2) isinasaalang-alang upang malinang ang kakayahang diskorsal:
ang cohesion o pagkakaisa; at coherence o pagkakaugnay-ugnay. Ugaliing gumamit ng mga
panandang kohesyong gramatikal at panandang pandiskurso upang matiyak ang kaisahan at
pagkakaugnay-ugnay ng kaisipan. Masasabi nating may kakayahang diskorsal ang isang taong
nagpapahayag nang may kaisahan at magkaugnay.
Anim (6) na Pamantayan sa Pagtataya ng Kakayahang Pangkomunikatibo
Kailan ba sinasabing ang isang tao ay may kakayahang pangkomunikatibo? Paano ba natin
masusukat ang mga kakayahang pangkomunikatibo at hindi masusukat kung hiwa-hiwalay. Hindi
maaaring sabihing si Pedro ay may kakayahang pragmatic ngunit walang kakayahang lingguwistiko,
o kaya naman, si Maria ay may kakayahang diskorsal pero walang kakayahang lingguwistiko. Ang
komunikatibo ay sinusukat nang sama-sama at hindi isa-isa. Sinusukat ito sa pamamagitan ng
pagtukoy kung naisakatuparan ang layunin ng pakikipagtalastasan. Dapat tandaan na ang isang taong
may kakayahan sa wika ay dapat magtaglay hindi lamang ng kaalaman tungkol dito kundi ng
kahusayan, kasanayan, at galing sa paggamit ng wikang angkop sa mga sitwasyong
pangkomunikatibo.
Sina Canary at Cody (2000) ay nagbigay ng anim (6) na pamantayan sa pagtataya ng kakayahang
pangkomunitibo.
1. Pakikibagay (Adaptability)
Ang isang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay may kakayahang mabago ang

08 Handout *Property of
STI
SH1634

paguugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan. Makikita ang


kakayahang ito sa sumusunod:
a. Pahsali sa iba’t ibang interaksiyong sosyal
b. Pagpapakita ng pagiging kalmado sa pakikisalamuha sa iba
c. Kakayahang ipahayag ang kaalaman sa pamamagitan ng wika.
d. Kakayahang magpatawa habang nakikisalamuha sa iba

2. Paglahok sa Pag-uusap (Conversational Involvement)


May kakayahan ang isang taong gamitin ang sariling kaalaman tungkol sa anumang paksa sa
pakikisalamuha sa iba. Makikita ito kung taglay ng isang komyunikeytor ang sumusunod:
a. Kakayahang tumugon
b. Kakayahang makaramdam kung ano ang tingin sa kanya ng ibang tao
c. Kakayahang makinig at mag-pokus sa kausap

3. Pamamahala sa Pag-uusap (Conversational Management)


Tumutukoy ito sa kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-uusap. Nakokontrol nito
ang daloy ng usapan at kung paanong ang mga paksa ay nagpapatuloy at naiiba.

4. Pagkapukaw-damdamin (Emphaty)
Ito ay pagpapakita ng kakayahang mailagay ang damdamin sa katauhan ng ibang tao at pag-
iisip ng posibleng mangyari o maranasan kung ikaw ay nasa kalagayan ng isang tao o
samahan.

5. Bisa (Effectiveness)
Tumutukoy ito sa isa (1) sa dalawang (2) mahahalagang pamantayan upang mataya ang
kakayahang pangkomunikatibo: ang pagtiyak kung epektibo ang pakikipag-usap. Ang taong
may kakayahang pangkomunikatibo ay may kakayahang mag-isip kung ang pakikipag-usap
ay epektibo at nauunawaan.

6. Kaangkupan (Appropriateness)
Maliban sa bisa, isa pang mahalagang pamantayan upang mataya ang kakayahang
pangkomunikatibo ay ang kaangkupan ng paggamit ng wika. Kung ang isang tao ay may
kakayahang pangkomunikatibo, naiaangkop niya ang kanyang wika sa sitwasyon, sa lugar na
pinangyarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap.

Del Rosario, Mary Grace G. (2016). Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Quezon City. Phoenix Publishing House.

08 Handout *Property of
STI

You might also like