You are on page 1of 3

SH1634

Kasanayang Pangkomunikatibo
Sa pagtuturo at pagkakatuto ng wika ay hindi sapat na matutuhan lang ang mga tuntuning
panggramatika. Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit ito nang wasto sa mga
angkop na sitwasyon upang maging maayos ang komunikasyon, maipahatid ang tamang mensahe, at
magkaunawaan nang lubos ang dalawang (2) taong nag-uusap. Kapag umabot na rito, masasabing ang
taong ito ay nagtataglay nang kasanayang komunikatibo o communicative competence; at hindi lang
basta kasanayang lingguwistiko o gramatikal kaya naman, siya ay maituturing na isang mabisang
communicator.
Ang terminong kasanayang komunikatibo o communicative competence ay nagmula sa
linguist, sociolinguist, anthropologist, at folklorist mula sa Portland Oregon na si Dell Hymes noong
1996. Nilinang nila ng kasamahan niyang si John J. Gumperz ang konseptong ito bilang reaksiyon sa
kasanayang lingguwistika (linguistic competence) na ipinakikilala naman ni Noam Chomsky noong
1965. Ayon sa orihinal na ideya ni Hymes, ang nagsasalita ng wika ay hindi lamang dapat magkaroon
ng kasanayang lingguwistika o gramatikal upang epektibong makipagtalastasan gamit ang wika.
Nararapat din niyang malaman ang paraan ng paggamit ng wika ng lingguwistikang komunidad na
gumagamit nito upang matugunan at maisagawa ito nang naaayon sa kanyang layunin.
Simula ng maipakilala sa diskursong panglingwistika ang konsepto ng kasanayang komunikatibo,
maraming pag-aaral at mga mungkahi na ang inilabas ng mga dalubwikang patungkol dito. May ilang
nagsasalungatang ideya, gayunpaman, sa huli ay nagkaisa sila na ang isang taong may kakayahan sa
wika ay dapat magtaglay hindi lang ng kaalaman tungkol dito kundi ng kahusayan, kasanayan at
galling sa paggamit ng wikang naangkop na mga sitwasyong pangkomunikatibo. (Bagaric, et. Al.,
2007)
Sa pagtatamo ng kakayahang komunikatibo, kailangang pantay na isaalang-alang ang
pagtalakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian (gramatika) ng wikang ginamit
sa teksto. (Higgs at Clifford, 1992)
Naniniwala naman si Dr. Fe Otanes (2002) na ang paglinang sa wika ay nakapokus sa
kapakinabangang idudulot nito sa mag-aaral. Ito ay matututuhan upang sila ay makapaghanapbuhay,
makipamuhay sa kanilang kapwa, at mapahalagahan nang lubusan ang kagandahan ng buhay. Sa
kabuoan, pangunahing mithiin sa pagtuturo ng wika ay ang makabuo ng isang pamayanang marunong,
mapanuri, kritikal, at kapaki-pakinabang.
Ang kasanayang pangkomunikatbo ay sumasakop sa mas malawak na konteksto ng lipunan at
kultura – Ito’y ang wika kung paanong ginagamit at hindi lang basta ang wika at mga tuntunin nito.
(Shuy, 2009). Bilang isang linggwista, binigyang diin ni Dr. Hymes ang pag-uugnay ng kultura sa
wika. Ito’y isang kakaibang pananaw sa panahong siya’y nagsisimula pa lang sa kanyang karera noong
mga huling taon ng 1950’s; subalit hindi siya nagpatinag sa paniniwalang sa pagpapahayag ng mga
tao’y gumagamit sila nang higit pa sa salita. Sa kasalukuyan, ang pananaw na ito ay tanggap at
ginagamit na sa pag-aaral ng wika sa iba’t ibang panig ng mundo, kasama na ang ating bansa.

06 Handout 1 *Property of STI


Page 1 of 3
SH1634

Silid-aralan ang Daan Tungo sa Paglinang ng Kasanayang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino


Sa mga silid-aralan nagaganap ang mga pormal na pagkatuto ng wika. Gayunpaman, kung ang
magiging tuon ng pagkatuto ng wika ay para lang maituro ang kayarian o gramatika ng wika tulad ng
mga bahagi ng pananalita, bantas, baybay, ponolohiya, morpolohiya, at ibang pang teknikal na aspeto
ng wika; at kung ang mga pagtataya ay nakapokus lang sa pagkilala, pagbilog, pagsalungguhit sa mga
bahagi ng istraktura ng wika, maaring hindi maabot ng mga Pilipinong mag-aaral ang pagkakaroon ng
kasanayang pangkomunikatibo. Nasusukat kasi ang kasanayang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral
sa kanilang tatas sa pagsasalita ng wika, kakayahang umunawa, at makagamit ng tamang salita o wika
sa angkop na pagkakataon lalo na sa mga awtentikong sitwasyong hindi sila sananay.
Nararapat kung gayon na ang pagkatuto ng wika sa mga silid-aralan ay maingat mula sa
pagkilala lang sa gramatika upang mapalawig, maiugnay, at magamit sa mga aktwal na sitwasyon sa
totoong mundo o sa tunay na buhay, pasalita man o pasulat. Dito lamang magkakaroon ng kahulugan
at kabuluhan ang mga araling pangwika dahil nakita at nagamit ng mga mag-aaral sa awtentikong
sitwasyon. Mula rito’y matatanim sa kanilang isipan ang kahalagahan ng mga ito hindi lang para sa
darating na pagsususlit kundi paa sa pangangailangan sa pakikipagtalastasan maging sa mga panahong
wala na sila sa loob ng silid-aralan.
Upang umabot sa ganitong uri ng pagkatuto ay mangangailangan nang higit na partisipasyon
ng mga mag-aaral sa mga gawaing lilinang ng makrong kasanayan tulad ng pagsasalita, pagbasa,
pakikinig, at pagsulat. Ayon kay Cantal-Pagkalinawan (2010), ang mahusay na klasrum pangwika ay
yaong may aktibong interaksyon sa pagitan ng guro at estudyante, at estudyante sa kanyang kapwa
estudyante. Ang guro ang nagsisilbing tagapatnubay/facilitator lamang sa iba’t ibang gawain sa
klasrum at ang mga estudyante naman ay aktibong nakikilahok sa iba’t ibang gawaing
pangkomunikasyon. Sa interaksyon ng mga estudyante sa kapwa estudyante, kailangang bigyan sila
ng pantay na pagkakataon na makilahok sa iba’t ibang gawain upang malinang ang kani-kanilang
kasanayan.

Makatutulong nang malaki ang pagsasagawa ng mga awtentikong pagtataya tulad ng


pagsasagawa ng mga gawaing pangkomunikatibong aktwal na mangyayari sa totoong mundo o sa
totoong buhay, pagbuo ng malikhaing pagpapahayag gamit ang wika tulad ng tula, sanaysay,
pagtatanghal, fliptop, pick-up lines, hugot lines, ulat, email, Facebook post, blog, maikling kuwento,
videotape, at iba pang gawaing lilinang sa kakayahan nilang makipagtalastasan.
Kung ganito ang magiging kalakaran ng pagkatuto ng wika sa mga silid-aralan, makatutulong
ito upang makalinang ng mga pilipinong may kasanayang komunikatibo na handa sa mga hamong
daala ng buhay sa kadalawampu’t isang siglo o 21st century.

06 Handout 1 *Property of STI


Page 2 of 3
SH1634

Komponent ng Kasanayang Pangkomunikatibo


(Kasanayang Lingguwistik o Gramatik)

Sa pag-aaral ng maraming dalubwika, kung kasanayang pangkomunikatibo ang paguusapan,


isang bahagi lang nito ang kasanayang linggwistiko o kasanayang gramatika. Sa mga naunang
framework o modelo nina Canale at Swain (1980-1981) may tatlong (3) component silang
iminungkahi. Ang mga ito’y ang kaalaman at kasanayang gramatikal, sosyo-lingwistik, at istratejik.
Sa sumunod na bersyon ng nasabing modelo, si Canale (1983, 1984) ay nagsalin ng ilang element mula
kasanayang sosyo-lingwistik para mabuo ang ikaapat na component, ang kasanayang diskorsal.
Sa araling ito ay tatalakayin muna natin ang unang kompponent; ang kasanayang lingwistik
o gramatikal. Sinabi nil Canale at Swain (1980, 1981), na ang kasnayang linggwistika ni Chomsky
(1965) ay kapareho lang ng kasnayang gramatikal. Kaya naman ang iba pang mga dalubwikang
gumamit sa modelo nina Canale at Swain tulad ni Savigon (1983) ay tumukoy na rin sa kasanayang
linggwistika bilang kasanayang gramatikal.
Ayon kina Canale at Swain ang kasanayang gramatikal ay pag-unawain at paggamit sa
kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga tuntuning pang-
ortograpiya. Ang kompponent na ito ay magbibigay kakayahan sa taong nagsasalita upang magamit
ang kaalaman at kasanayan sa pag-unawa at pagpapahayag sa literal na kahulugan ng mga salita.

Dayag, Alma M. & Del Rosario, Mary Grace G. (2016). Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Quezon City. Phoenix Publishing House.

06 Handout 1 *Property of STI


Page 3 of 3

You might also like