You are on page 1of 5

PYGMALION, at ZION Onate, Clarence

GALATEA, at THEA Rural, Cristine Joy


VENUS, at APHRODITE Jungwirth, Shayna
BABAE 1, at STUDENT 3 Mallari, Jovilyn
BABAE 2, at STUDENT 4 Dio, Abby Jane
BABAE 3, at STUDENT 5 Moro, Mariza
LALAKI 1, at STUDENT 1 Aguelo, Nicolejan
LALAKI 2, at STUDENT 2 Tendoy, Dan
TAGAPAGSALAYSAY Lozada, Aaliyah

Pagmasdan si Pygmalion

ENTER PYGMALION

Isang magaling na iskulptor mula sa Cyprus. Labis siyang namumuhi sa kababaihan.

ENTER BABAE 1 & 2 (BABAE 1 WITH FLOWERS)

PYGMALION: Ayoko sa mga bulaklak mo! Umalis ka sa daan ko! (ITUTULAK PALAYO ANG
DALAWANG BABAE)

EXIT BABAE 1 & 2

Naniniwala siyang ang ugat ng kasalanan ay ang mga babae kaya’t isinumpa niya sa sariling
hinding-hindi siya iibig at magpapakasal kaninuman.

Sapat na sa kanya ang kanyang sining. Gamit ang katangi-tanging mga kasanayan, siya ay
umukit ng isang estatwa.

ENTER GALATEA (MAY TALUKBONG/TABING/VEIL)

PYGMALION: Aha! Ako ay gagawa ng isang perpektong babae pa upang ipakita sa ibang
kalalakihan ang kakulangan ng kanilang mga kinahuhumalingan. (SISIMULAN
ANG PAGLILOK/PAG-SCULPT KAY GALATEA)

Siya ay umukit ng isang estatwa mula sa garing na napakakinis at pulido, walang babaeng
maihahalintulad o anuman likhang sining ang maihahambing dito. Ang estatwa na ito ay ang
perpektong pagkakahawig ng isang buhay na dalaga.

PYGMALION: (PAUSE) Sa wakas! Tapos na! (TATANGGALIN ANG TALUKBONG NI GALATEA)


Isang napakagandang gawa, tatawagin kitang Galatea.

Pinalamutian niya ito ng damit pambabae at naglagay ng mga singsing sa kanyang mga daliri at
mga hiyas sa kanyang leeg.

PYGMALION: (LALAGYAN NG SINGSING ANG DALIRI NI GALATEA, LALAGYAN NG


KUWINTAS, AT LALAGYAN NG DAYADEMA/KORONA)

EXIT PYGMALION

Umibig ang manlilikha sa kanyang obra! Isang pag-ibig na matimyas. Labis niyang minahal
ang kanyang nilikha – malalim at masimbuyong pag-ibig.

ENTER PYGMALION (MAY HAWAK NA BULAKLAK

PYGMALION: Galatea, aking sinta. Isang bulaklak para sa iyo. (ILALAGAY ANG BULAKLAK SA
KAMAY NI GALATEA) Ito ay sumisimbolo sa iyong kagandahan

Sa pista ni Venus na kung saan ay ipinagdiriwang lahat ng Cyprus, ang malungkot na si


Pygmalion ay nagdalamhati sa kanyang sitwasyon. Tumayo si Pygmalion sa tabi ng altar at
mapagpakumbabang nanalangin.

ENTER PYGMALION, BABAE 1, 2, 3, LALAKI 1, 2 (BABAE #’S AT LALAKI #’S AY


NANANALANGIN)

PYGMALION: (LULUHOD SA HARAP NG ALTAR) Kung kaya ninyong ibigay ang lahat, maaari
ba akong magkaroon ng asawang katulad ng dalagang garing? (YUYUKO AT
PIPIKIT, AT MAYA MAYA AY AALIS NA)

Narinig ni Venus, na nanood sa pagdiriwang,

ang kanyang pagsusumamo.

VENUS: (LALABAS SA LIKOD NG ALTAR, TITINGNAN SI PYGMALION HABANG PAALIS.


SUSUNDAN SI PYGMALION)

Nakita ni Venus ang labis na pagmamahal ni Pygmalion sa kaniyang obra, kaya sinundan niya
ito.

ENTER GALATEA

PYGMALION: (HIHIMASIN ANG KAMAY NI GALATEA)


VENUS: Pygmalion.

Nagulat si Pygmalion at lumingon sa direksyon ng boses na tumawag sa kaniya. Nakita niya


ang Dyosa ng Pagmamahal na si Venus.

PYGMALION: (GULAT) Venus?

VENUS: (NGINGITI) Totoong umibig ka sa iyong obra. (PAUSE) Nais mo bang mabuhay
ang iyong estatwa upang ika’y mahalin din nito?

Naisip ni Pygmalion ito. Totoong umibig siya sa kaniyang obra. Ngunit naniniwala siyang
“Ang sining ay walang hanggan, ang buhay ay maikli”.

Tumanggi si Pygmalion.

VENUS: (PAUSE) Kung gayon ano ang nais mo?

PYGMALION: (PAUSE) Nais kong maging tulad rin ni Galatea, isang bato, upang makasama ko
ang aking Galatea magpakailanman, at hinding-hindi ko makikita ang kanyang
kamatayan.

VENUS: Mabuti, kung iyan ang nais mo.

Ikinumpas ni Venus ang kaniyang kamay habang si Pygmalion ay lumapit kay Galatea at
hinawakan ang kamay nito. Unti-unti…. ay naging bato si Pygmalion.

PYGMALION: Maraming Salamat.

Huling sambit ni Pygmalion, at kaniya nang ipinikit ang kaniyang mata at tuluyan nang
naging bato, tulad ng kaniyang minamahal… isang obra ng sining.

EXIT GALATEA, VENUS, PYGMALION

Dalawang libo, Limang daan, at Dalawampu’t dalawang taon ang nakalipas


ENTER STUDENT 1 & 2, STUDENT 3, 4, 5 (NAGLALAKAD PAPUNTA SA KLASE),
ZION, THEA, APHRODITE

Ang mga estudyante sa NICOSIA CYPRUS UNIVERSITY ay papunta na sa kani-kanilang mga


klase. Maririnig ang isang maingay na estudyanteng sinisigaw ang pangalan ng kaniyang
kaibigan.

STUDENT 1: Zion! (IBUBULONG:) Excuse me, excuse me (MAKIKIRAAN SA STUDENT 3, 4, 5).

Hindi ito narinig ng kaniyang kaibigan, sumigaw na rin ang isa pa niyang kasama.

STUDENT 2: Pygmal! Hoy!

Tinawag niya ito sa kaniyang Apelyido.

ZION: (LILINGON) Oh? Bakit?

STUDENT 1: Tara laro mamaya!

ZION: (BABALIK ANG TINGIN SA DAAN) Oo! Sige na dun na kayo.

Maririnig ang inis sa tono ng lalaki.

(TATALIKOD ANG DALAWANG ESTUDYANTE AT AALIS)

Habang naglalakad na hawak hawak ang selpon ay hindi niya napansin ang babae na
nakikipag usap sa kaniyang kaibigan at babanga na sa kaniya.

(BABANGA KAY THEA, MAHUHULOG ANG ID AT MGA GAMIT)

ZION: Ay! Sorry po

Nahulog ang mga gamit ng babae.


APHRODITE: Thea! Okay ka lang? (TUTULUNGAN SI THEA, AT PUPULUTIN ANG MGA
NAHULOG NA GAMIT)

THEA: Okay lang ako Aphrodite. (PUPULUTIN ANG MGA GAMIT NIYA)

ZION: Sorry po talaga. (PUPULUTIN ANG ID NI THEA AT IAABOT SA BABAE)

Pinulot niya ang nahulog na ID at naroon ang pangalan na Galatorde, Thea B. Nang makita ng
lalaki ang pangalan ay hindi niya mapigilan ang sarili na mag isip-isip. Umalis na ang
dalawang babae at siya’y naiwan doon na nakaupo.

Nakakpagtaka sa kaniya dahil, pamilyar ang pangalan, para bang nagkita na sila dati.

At diyan po nagtatapos ang aming dula. Maraming salamat.

You might also like