You are on page 1of 8

10 Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION

00 Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300


Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Araling Panlipunan
Quarter 4: Week 7-8
Learning Activity Sheets
ARALING PANLIPUNAN 10
Pangalan: __________________________ Ikaapat na Markahan- Ikapito-Ikawalong Linggo
Taon at Pangkat:_____________________ Petsa: __________________________

PAPEL NG MAMAMAYAN SA PAGKAKAROON NG MABUTING PAMAMAHALA

Susing Konsepto
Malaking bahagi ang ginagampanan ng mamayanan sa lipunan gayundin ang
kaniyang partisipasyon sa pagkakaroon ng mabuting pamamahala. Bakit mahalaga para sa
atin ang paglahok sa mga nagaganap sa ating pamahalaan o lipunan sa kabuuan? Ano ba
ang kalagayan ng ating demokrasiya sa kasalukuyan? Sa pagsusuri sa kalagayan ng
demokrasya sa bansa sa kasalukuyan ay maaaring magamit dito ang Democracy Index at
Corruption Perceptions Index. Ayon sa Democracy Index 2016, kahit na maituturing na nasa
demokratikong estado ang bansa ay maituturing pa rin itong flawed democracy na bagamat
may halalang nagaganap at nirerespeto ang karapatan ng mga mamamayan ay may mga
aspeto pa rin na nakararanas ng suliranin gaya ng sa pamamahala at mahinang politikal na
pakikilahok ng mamamayan.
Participatory Governance
Isang mahalagang pamamaraan ang tinatawag na Participatory Governance na isa
sa mga pamamaraan ng pakikisangkot ng mamamayan sa pamahalaan. Ito ay isang uri ng
pansibikong pakikilahok kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay katuwang ng
pamahalaan sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa suliranin ng bayan. Dito
ay aktibong nakikipag-ugnayan ang mamamayan sa pamahalaan upang bumuo ng mga
karampatang solusyon sa mga hamon ng lipunan. Mahalagang makisangkot ang mga
mamamayan sa pamahalaan dahil mas magiging matagumpay ang isang proyekto kung
malaki ang partisipasyon dito ng mamamayan (Koryakov & Sisk, 2003).
Ang mga pamamaraan sa pagsasagawa ng participatory governance ay gaya ng
pagboto, pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon gaya ng pagdalo sa public trial at
pagsagot sa mga sarbey, at pagsama sa mga mamamayan sa mga konsultasyon tungkol sa
mga isyung mahalaga para sa bayan.
Pagsasagawa ng Participatory Governance
Case Study #1: Porto Alegre, Brazil: Ang Participatory Budgeting Bilang Anyo
ng Participatory Governance (Minos, 2002)
Taong 1989 nang simulan ng pamahalaang lokal ng Porto Alegre ang pagkakaroon
ng participatory governance, partikular na ang participatory budgeting. Sa prosesong ito,
isinama ng lokal na pamahalaan ang mga mamamayan ng lungsod sa pagbalangkas ng
badyet. Layunin ng prosesong ito na magkasamang balangkasin ng pamahalaan at ng
2
mamamayan ang badyet ng lungsod. Sa pamamagitan nito, naipaparating ng taumbayan
ang kanilang mga pangangailangang nararapat paglagakan ng sapat na badyet. Nagiging
magandang lugar ito ng pag-uusap o deliberasyon sa pagitan ng dalawang panig kung paano
mas mapagpapabuti ang mga serbisyo ng pamahalaan. Nagkaroon ng boses ang taumbayan
sa pamamahala taliwas ito sa tradisyonal na proseso na ang mga nasa pamahalaan lamang
ang nagdedesisyon kung anong mga proyekto ang dapat paglaanan ng sapat na pondo.
Nagdulot ang inisyatibong ito ng Porto Alegre ng pag-unlad ng antas ng pamumuhay ng
kanilang mamamayan mula sa malalang suliranin ng kahirapan sa bayan. Nakapagbigay rin
ng mas maraming serbisyo ang pamahalaang lokal sa mamamayan nito tulad ng mas
maayos na pangongolekta ng basura, pagkakaroon ng malinis na tubig, at paglalagay ng
mga ilaw sa daan.
Case Study # 2: Participatory Governance sa Pilipinas
Isa sa magandang halimbawa ng participatory governance sa bansa ay ang Lungsod
ng Naga na pinasimulan ng dating alkalde nito, ang yumaong Kong. Jesse Robredo. Mula sa
mga miyembro ng mga NGO na lumahok sa NCPC ay pipili ang konseho ng mga magiging
miyembro ng iba’t ibang komite ng konsehong panlungsod at labing-apat na espesyal na
kawani ng lokal na pamahalaan. Tungkulin ng mga miyembro ng NCPC na makilahok sa
talakayan, bumoto at magpanukala ng mga batas at ordinansa sa mga komite ng konseho
(Blair, 2012). Dahil sa pagkakaroon ng papel sa lokal na pamahalaan ng mga samahang
kumakatawan sa iba’t ibang interes ng mamamayan, binigyan ng sistemang ito nang mas
malawak na boses ang mga mamamayan ng Naga sa pagpapanukala ng mga ordinansa at
programa na makatutulong sa kanila
Mabuting Pamamahala o Good Governance
Ang pakikipagtulungan at pakikilahok ng mamamayan at pamahalaan sa mga
gawaing may kinalaman sa pagpapabuti ng lipunan ay naglalayong magkaroon ng mabuting
pamamahala o good governance sa isang bansa. Ayon sa World Bank, ang good governance
ay isang paraan ng pagsasakatuparan ng kapangyarihang mangasiwa sa “economic and
social resources” ng bansa para sa kaunlaran nito (1992 Report on “Governance and
Development).
Ilang Katangian ng Good Governance
• Equity - pagbibigay sa bawat mamamayan ng pagkakataon na mapaunlad o
mapanatili ang kanilang kagalingan.
• Consensus orientation- sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga interes ay
pinahahalagahan ang pag-iral ng pangkalahatang kabutihan at kung ano ang
pinakamabuti sa isang organisasyon, komunidad o bansa sa kabuuan.

3
• Strategic vision- nakikiisa ang mga opisyal ng pamahalaan at ng mamamayan sa
pagtukoy ng malawak at long term perspective para sa kabutihan ng lipunan at pag-
unlad ng tao.
• Partnership- pagkakaroon ng pamahalaan ng katuwang o kasama upang epektibong
mapamahalaan ang mga stakeholder na pampubliko o pribadong pag-aari
• Katapatan- tumutukoy sa malayang daloy ng impormasyon sa lahat ng transaksiyon,
proseso, desisyon, at ulat ng pamahalaan.
• Kapanagutan - taglay na kapangyarihan at katungkulan ng mga pinuno upang
gampanan ang responsibilidad na nakaatang sa kanila.

Kasanayang Pampagkatuto:
Napahahalagahan ang papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng isang mabuting
pamahalaan.

Mga Layunin:
1. Natutukoy ang papel ng mga mamamayan sa pagtataguyod ng isang mabuting
pamahalaan.
2. Naipapaliwanag ang mga katangian na dapat taglayin sa pagkakaroon ng mabuting
pamamahala.
Pagsasanay 1
Panuto: Gamit ang mga sumusunod na salita na makikita sa tsart, paano nito maipapakita
ang papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting pamamahalaan?

PAGBOTO SARBEY KONSULTASYON


ON

___________________________ _________________________ __________________________


___________________________ __________________________ ___________________________
___________________________ __________________________ ___________________________
___________________________ __________________________ __________________________
___________________________ __________________________ __________________________

Image: www.Office.com

4
Pagsasanay 2
Panuto: Tukuyin kung anong katangian ng mabuting pamamahala o good governance ang
inilalarawan sa bawat pangungusap. Ilagay ang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

_________________1. Pag-uulat sa badyet na inilaan ng Local Government Unit sa


kanilang proyekto.
_________________2. Pakikiisa ng bawat establisyemento at sangay ng gobyerno na
nasusunod ang pagsusuot ng facemask, hand sanitation, at
limitadong dami ng tao sa isang lugar.
_________________3. Ang gobernador, alkalde at punong barangay ay sumunod sa mga
pamantayan na ipinag-uutos ng pamahalaan upang mapigilan ang
pagkalat ng epekto ng Covid-19.
_________________4. Pagtitiyak ng pangulo ng bansa na mailatag ang mga plano na
nakahanda kaugnay ng muling pagpasok ng mga dayuhan sa bansa
at pagsisiguro na handa ang bawat sangay ng pamahalaan.
_________________5. Pagbibigay ng pagkakataon sa mga may kapansanan na maipakita
ang kanilang taglay na talento at mas mahasa pa ito sa tulong ng
mga programa ng lokal na pamahalaan.
_________________6. Pakikipagsosyo ng lokal na pamahalaan sa mga korporasyong
nagbibigay ng libreng hatid sa mga produkto at serbisyo upang
manatili sa kanilang mga tahanan ang mamamayan at maiwasan
ang kanilang paglabas sa panahon ng pandemya.
_________________7. Pag-a-anunsyo ng Commission on Population and Development na
malaking bahagdan ng mga kabataan ang maagang nagbubuntis sa
kanilang murang edad kung kaya’t patuloy ang paglaki ng
populasyon na nangangailangan ng pagplaplano mula sa
pamahalaan.
_________________8. Pagbuo ng pagpupulong ng lokal na pamahaalaan kasama ang
bawat representante ng bawat ahensya at kinatawan ng mga
grupo ng mamamayan ng lungsod upang solusyunan ang lumalalang
problema sa basura ng lungsod.
_________________9. Pagbibigay ng pagkakataon sa mga barangay talipapa vendors na
magkaroon ng puhunan at mapalago ito na makatutulong sa
kanilang kabuhayan.
_________________10. Pakikipagdayalogo ng pamahalaan sa mga kompanya ng
pangunahing pangangailangan gaya ng tubig at kuryente upang

5
mas pahabain pa ang panahon ng pagbabayad bilang tulong sa
mga nawalan ng kabuhayan sa panahon ng community quarantine.

Pagsasanay 3
Panuto: Ang mga sumusunod ay paraan ng pagpapakita ng Participatory Governance sa
bansang Brazil at Pilipinas. Isulat ang salitang Tama kung ito ay ngpapahayag ng katangian
na kumakatawan sa dalawang bansa at salitang Mali kung hindi naman.

_____________1. Sa bansang Brazil ay may tinatawag na participatory budgeting kung saan


isinama ng lokal na pamahalaan ang mga mamamayan ng lungsod sa
pagbalangkas ng badyet.
_____________2. Ang yumaong Kong. Jesse Robredo ang nagpasimula ng participatory
governance sa lungsod ng Naga.
_____________3. Tungkulin ng mga miyembro ng NCPC na makilahok sa talakayan, pili
lamang ang pwedeng bumoto at magpanukala ng mga batas at ordinansa
sa mga komite ng konseho.
_____________4. Sa participatory governance, ang mga nasa pamahalaan lamang ang
nagdedesisyon kung anong mga proyekto ang dapat paglaanan ng
sapat na pondo.
_____________5. Nagdulot ang inisyatibo ng Porto Alegre ng pag-unlad ng antas ng
pamumuhay ng kanilang mamamayan mula sa malalang suliranin ng
kahirapan sa bayan.
_____________6. Sa pamamaraang ginamit ng bansang Brazil, hindi naipaparating ng
taumbayan ang kanilang mga pangangailangang nararapat paglagakan
ng sapat na badyet.
_____________7. Nakapagbigay rin ng mas maraming serbisyo ang pamahalaang lokal sa
mamamayan nito tulad ng mas maayos na pangongolekta ng basura,
pagkakaroon ng malinis na tubig, at paglalagay ng mga ilaw sa daan.
_____________8. Mula sa mga miyembro ng mga LGU na lumahok sa NCPC ay pipili ang
konseho ng mga magiging miyembro ng iba’t ibang komite ng konsehong
panlungsod.
_____________9. Taong 1989 nang simulan ng pamahalaang lokal ng Porto Alegre ang
pagkakaroon ng participatory governance.
_____________10. Layunin ng prosesong ito na magkasamang balangkasin ng pamahalaan
at ng mamamayan ang badyet ng lungsod.

Pagsasanay 4 ( Performance Task)


Panuto: Ang gawaing ito ay naglalayong tukuyin kung iyong naunawaan ang konsepto ng
Good Governance. Punan ng sagot ang tsart na nasa ibaba.

6
Good Governance

Partisipasyon mo bilang mamamayan sa Katangiang dapat taglayin sa Pagkakamit ng


pagkakaroon ng mabuting pamamahala Good Governance

Pangwakas na Gawain
Panuto: Ipahayag sa pamamagitan ng isang positibong “hugot line” ang papel ng
mamamayan sa pagkakaroon ng isang mabuting pamamahala.

___-----------------
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Rubrik sa Pagmamarka

BATAYAN NG PUNTOS Puntos


KAPASYAHAN
Detalye at Wasto ang nilalaman. Naipapahayag nang 10
Pagpapaliwanag malinaw ang detalye at ideya.
Pagsusuri Naipapahayag ang pagsusuri sa 10
kaugnayan ng partisipasyon ng
mamamayan sa mabuti at mapayapang
pamahalaan
KABUUAN 20

7
8
Teacher III
LEILHEN R. BALUYUT
Inihanda ni
Susi Sa Pagwawasto:
Pagsasanay 1 Pagsasanay 3
Pagboto- May karapatang maghalal ng manunungkulan 1. Tama
sa bayan ang mga mamamayan at sa ganitong paraan 2. Tama
ay naipapakita nila ang pakikisangkot sa pamahalaan 3. Mali
Survey- pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon 4. Mali
sa mamamayan.Ito ay paraan ng pakikilahok ng mga 5. Tama
mamamayan hindi lamang hinihingi ng pamahalaan ang 6. Mali
opinyon ng mamamayan kundi ay magkatuwang nilang 7. Tama
ginagawa ang mga programa nito. 8. Mali
Konsultasyon-pagsama sa mga mamamayan sa mga 9. Tama
Konsultation tungkol sa mga isyung mahalaga para sa bayan. 10. Tama
Dito ay hinihingi ng pamahalaan ang opinyon ng mamamayan
sa napapanahong mga isyu .
Pagsasanay 2: Pagsasanay 4 (Performance Task)
1.Katapatan Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga
2.Strategic Vision mag-aaral
3.Consensus Orientation
4.Kapanagutan
5.Equity Pagsasanay 5
6.Partnership Maaaring magkakaiba ang sagot ng mga
7.Katapatan mag-aaral
8.Strategic Vision
9.Equity
10.Partnerhip
Panlipunan Pahina 409-425
2017. KAYAMANAN Mga Kontemporaryong Isyu Batayan at Sanayang Aklat sa Araling
Mga Kontemporaryong Isyu: Araling Panlipunan 10, Modyul para sa mga Mag-aaral
Sanggunian:
30 KABUUAN
10 KAUGNAYAN SA PAKSA
10 PAGKAMALIKHAIN
10 MENSAHE
NAKUHANG PUNTOS PUNTOS BATAYAN NG KAPASYAHAN
PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG HUGOT LINE:

You might also like