You are on page 1of 6

OUR LADY OF LA PORTERIA ACADEMY

San Antonio, Calabanga, Camarines Sur

HIGH SCHOOL DEPARTMENT

MODULE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

Written Work
Name_____________________________________________________________ (Assessment) _________
Grade & Section: ___________________________ Date: _________________ Performance
Task (Activity
IKATLONG MARKAHAN & Application _________
Modyul 6: ANG MAKATAONG KILOS AT MGA SALIK NITO

PAMBUNGAD

Sa nakaraang markahan, natutuhan mo, na ang kalayaan ang nagbibigay sa tao

ng kakayahang pumili at maging mapanagutan sa piniling pasiya. Kung lagi kang
nagsisikap na piliin ang pasiya at kilos na nagpapakita ng pagmamahal at tumutugon
ka sa mga sitwasyong nangangailangan ng iyong paglilingkod, anuman ang balakid,
masasabing nagtataglay ka ng tunay na kalayaan. Ngunit may mga pagkakataon na
ganitong mga kataga ang naririnig mo “Matuto ka namang magkusa dahil hindi ka na
bata!” Bakit gayon na lamang ang laki ng inaasahan sa tao lalo na sa mga gawaing
humahamon sa kaniyang kakayahan na tumugon dito?

PAKSA AT SAKLAW

Sa paksang ito, naipapaliwana ang

Paksa 1 Makataong Kilos
konsepto ng makataong kilos.
Mga Salik na Sa paksang ito, nasusuri ang mga salik na
Paksa 2 Nakakaapekto sa nakaaapekto sa paggawa ng makataong
Makataong Kilos kilos.

Mga Salik na
Makataong kilos Nakaaapekto

MAPA NG MODYUL
MGA KASANAYANG SUSUKATIN BUNGA NG PAGKATUTO

Sa pagtatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahan na;

 Naipapaliwanag na may pagkukusa sa makataong  Naipapaliwang ang konsepto ng makataong kilos;
kilos kung nagmumula ito sa kalooban na malayang  Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa paggawa
isinagawa sa pamamatnubay ng isip/kaalaman. ng makataong kilos; at
 Napapahalagahan ng mabuti ang mga makataong
pagkilos sa paggawa ng mabuti.

PAGPAPAHALAGA
Paggalang sa Kapwa at Pagiging Bukas ng isip o open-mindedness.

PANGUNAHING TANONG
Ano-ano ang kilos na dapat mong panagutan bilang kabataan at paano ka magiging mapanagutan sa
iyong pagkilos?

PAGSASAGAWA
Magbalik-tanaw sa iba mong mga karanasan sa pamamagitan ng sumusunod na mga sitwasyon. Alin sa
mga ito ang totoong nangyari na sa iyong buhay. Lagyan ng tsek(/) ang karanasan kung nagawa mon a
ang sinasabi sa bawat sitwasyon. Lagyan ng kasagutan sa kasunod na kolum ang kinahinatnan ng iyong
pagkilos.

Mga Sitwasyon Naranasan Kinahinatnan

Naranasan ko na ang…

1. Makasakit ng aking
magulang
2. Maloko ng aking kaibigan
3. Matukso na gumawa ng
masama sa impluwensiya
ng barkada.
4. Magupit dahil sa nagigipit
sap era.
5. Manira ng kagamitan ng
paaralan.
6. Maghiganti sa aking
kaaway.
7. Manloko ng aking kapwa.
8. Pumanig sa maling
hustisya.
9. Makisama sa pagplano ng
maling gawain.
10. Manirang-puri ng kaklase.

PAGSUSURI

1. Bakit mahalagang malaman natin ang konsepto ng Makataong Kilos?

2. Paano natin mapoprotektahan ang ating sarili sa masamang gawain?
3. Paano natin matutukoy ang masama sa makataong gawain?

PAGHAHALAW

Makataong Kilos

Ang makataong kilos ay boluntaryo o may kusa kung ito ay pinag-isipang mabuti at malayang
naisasagawa. Ayon kay Agapay, anumang uri ng tao ang isang indibidwal ngayon at sa susunod na mga
araw ay nakasalalat sa uri ng kilos na kanyang ginagawa ngayon at gagawin pa sa mga nalalabing araw ng
kanyang buhay. Dahil sa isip at kilos-loob ng tao, kasabay anf iba pang pakultad na kaniyang taglay tulad
ng kalayaan, siya ay may kapangyarihang kumilos ayon sa kaniyang nais at ayon sa katuwiran.
Dalawang Uri ng Kilos
Kilos ng Tao (Acts of Man) Makataong Kilos (Human Act)
 Mga Kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas sa  Kilos na isinasagawa ng tao ng may kaalaman,
tao o ayon sa kanyang kalikasan bilang tao at malaya at kusa.
hindi ginagampanan ng isip at kilos-loob.  Ito ay resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip
Halimbawa: at kilos-loob kaya’t nay kapanagutan ang tao sa
Paghinga, pagtibok ng puso, pagkurap ng mata, pagsasagawa nito.
paghikab at iba pa.  Tinatawag itong kilos na niloob, sinadya at
kinusa.
Tatlong Uri ng Kapanagutan o Accountability
Kailangang maging maingat ang tao sa paggawa ng makataong kilos sapagkat ang mga ito ay maaaring
maging isyung moral o etikal. Ito ay dahil ang kilos na ito ay ginagawa nang may pang-unawa at pagpipili
dahil may kapanagutan (accountability).

Ayon kay Aristoteles, may tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan: kusang-loob, di kusang-loob, at
walang kusang-loob. 2
1. Kusang-loob
 Ito ay kilos na may kaalaman at pagsang-ayon
 Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.
Halimbawa:
Ang isang gurong nasa sekondarya na gumaganap ng kaniyang tungkulin bilang guro. Gumagamit
siya ng iba’t ibang istratehiya sa pagtuturo para sa kaniyang klase. Nagbubuo rin siya ng banghay-
aralin (lesson plan) bilang preparasyon sa kaniyang araw-araw na pagtuturo. Naghahanda siya ng
mga angkop at kawili-wiling kagamitang pampagtuturo upang mapaunlad ang pagkatuto ng mga
mag-aaral. Gumagawa rin siya ng mga angkop na pagsusulit upang matiyak ang mga minimithing
pagkatuto ng mga mag-aaral.

Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin nang walang pahintulot mula sa OLPA
Phone: 09566429919 E-mail: verdejojohnedcel@gmail.com
Pagsusuri: Ang halimbawang ibinigay ay nagpakita ng isang tunay o lubos na kaalaman tungkol sa
isang gawain at kung paano ito dapat isagawa sa pamamagitan ng pagganap kung paano ito
isakatuparan at maging matagumpay ito.
Maliwanag sa halimbawa na may lubos na kaalaman ang guro sa kaniyang ginagawang kilos.
Ipinakita rin niya ang malayang kilos-loob na isakatuparan ang piniling kilos at maging
mapanagutan dito. Kaya, masasabi nating ang kilos ay kusang-loob
2. Di Kusang-loob
 May paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon
 Kilos na hindi isinasagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.
Halimbawa:
Si Arturo, isang barangay official ay naglingkod bilang COMELEC member para sa lokal at
pambansang eleksiyon. Binulungan siya ng kaniyang chairman na tulungan ang isang kandidato sa
pamamagitan ng “dagdag-bawas.” Alam niyang ito ay ilegal at labag sa kanilang moral na
tungkulin kaya hindi siya pumayag. Sa kabila nito, ginawa parin niya ang pabor na hinihingi dahil
baka matanggal siya bilang miyembro kung hindi siya susunod bagaman labag ito sa kaniyang
kalooban.
Pagsusuri: Ang isinagawang kilos na mag “dagdag-bawas” ay naisakatuparan bagaman labag sa
taong gumanap nito. Ito ay dahil may takot siya na matanggal sa kaniyang posisyon bilang
miyembro ng COMELEC kung siya ay tatanggi. Ang kilos ay may pagkukusa (voluntary). Malaya
siyang nagpasiya sa piniling kilos na tumulong na gawin ang maling gawain.
Sa sitwasyong ito, may depektibo sa intensiyon at pagsang-ayon ng taong nagsagawa kahit pa labag
ito sa kaniyang kalooban. Kaya, masasabi nating ang kilos ay kulang ng pagsang-ayon at
pagkukusa.
3. Walang Kusang-loob
 Ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos
 Ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya’t walang pagkukusa.
Halimbawa:
May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang
kanang mata. Nakikita ang manerismong ito sa kaniyang pagbabasa, pakikipagkuwentuhan sa
kaibigan, at panonood ng telebisyon. Minsan sa kaniyang pamamasyal ay may lumapit na dalaga at
nagalit sa kaniyang pangingindat. Nagulat siya dahil hindi niya alam na nabastos niya nang hindi
sinasadya ang dalaga. Hindi humingi ng paumanhin si Dean dahil iyon ay isang manerismo niya.
Pagsusuri: Bagaman may kaalaman si Dean sa kaniyang manerismo, hindi naman ang pagkindat
ang kaniyang paraan ng pagpapahayag ng pagkagusto sa dalaga. Sa kaniyang pagkilos, makikita na
wala siyang kaalaman na sadyang bastusin o magpakita ng interes sa dalaga at magkusa siyang
makipagkilala. Kung kaya, ang kilos ay walang pagkukusa dahil walang pagsang-ayon sa taong
gawin ang kaniyang naisip dahil iyon ay kaniyang manerismo.

Batayan ng Mabuti at Masamang Kilos

Makikita sa layunin ng isang makataong kilos kung ito ay mas o mabuti. Dito mapatutunayan
kung bakit ginawa ang isang bagay. Ayon kay Aristoteles, ang kilos o gawa ay hind agad nahuhusgahan
kung masam mabuti. Ang pagiging mabuti at masama nito ay kakasalalay sa intensiyon kung bakit ginawa
ito.

Halimbawa, sa pagtulong sa kapwa, hindi agad masasabing mabuti at masama Ang ipinakita maliban sa
layunin ng gagawa nito. 3

Kabawasan ng Pananagutan: Kakulangan sa Proseso ng Pagkilos

Ayon kay Aristotle, may eksepsiyon sa kabawasan sa kalalabasan ng isang kilos kung may kulang
sa proseso ng pagkilos. May apat na elemento sa prosesong ito: paglalayon, pag-iisip ng paraan na
makarating sa layunin, pagpili ng pinakamalapit na paraan, at pagsasakilos ng paraan.
1. Paglalayon. Kasama ba sa nilalayon ang kinalabasan ng isang makataong kilos? Kung sa kabuuan
ng paglalayon ay nakikita ng tao ang isang masamang epekto ng kilos na sa kaniya ang kapanagutan
ng kilos.
Halimbawa, kung ang hindi mo pagbigay ng tulong sa isang kaklase na mahirap umunawa ng aralin
ay nagbigay sa kaniya ng mababang marka, maaaring isisi sa iyo ang pagbaba ng kaniyang marka.
2. Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin. Ang pamaraan ba ay tugma sa pag-abot ng layunin
at hindi lamang kasangkapan sa pag-abot ng naisin? Dito ay ginagamit ang tamang kaisipan at
katuwiran.
Halimbawa, ang pagbibigay ng regalo sa kaklase o kaya ay pagiging mabait sa kaniya upang
makapangopya sa panahon ng pagsusulit.
3. Pagpili ng pinakamalapit na paraan.
Sa puntong ito, itatanong mo:
 Nagkaroon ba ng kalayaan sa mga opsiyon na pagpipilian o pinili lamang ang mas
nakabubuti sa iyo na walang pagsasaalang-alang sa maaaring epekto nito?

Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin nang walang pahintulot mula sa OLPA
Phone: 09566429919 E-mail: verdejojohnedcel@gmail.com
 Iniwasan mo ba ang pagpipilian/opsiyon na mas humihingi ng masusing pag-iisip?
 Ang lahat ba ay bumabalik lamang sa pansariling kabutihan na hindi nagtataguyod ng
kabutihan ng iba?
4. Pagsasakilos ng paraan.
Dito ay ginagamit ang kilos-loob na lalong nagpapalakas ng isang makataong kilos upang maging
tunay na mapanagutan. Ang pagkilos sa pamaraan ay ang paglapat ng pagkukusa na tunay na
magbibigay ng kapanagutan sa kumikilos.
Halimbawa, ang planong pagtulong sa isang komunidad. Ang paglikom at paghanap ng sponsors at
benefactors ang siyang unang naging punto ng plano at kasunod ay ang mga beneficiaries. Lahat ay
nabigyan ng kaukulang pansin dahil lahat ng komite ay nagbahagi ng kanilang makakaya.

Mga Salik na Nakaaapekto sa Maktaong Kilos

1. Kamangmangan
 Ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay.
Dalawang uri ng Kamangmangan;
a. Nadaraig (vincible) kawalan ng kaala gawain subalit may pagkakata o magkaroon ng tamang
kaa gagawa ng paraan upang mal matuklasan ito
b. Hindi nadaraig (invincible) – ay maaaring kamangmangan dahil sa kawalan ng kaalaman na
mayroon siyang hindi alam na dapat niyang malaman
2. Masidhing damdamin
 Ito ay dikta ng bodily appetite pagkiling sa isang bagay o kilos (tendency) o damdamin
 Ito ay malakas na utos ng sense appetite na abutin ang kanyang layunin
 Tumutukoy ito sa masidhing pa paghahangad na makaranas ng kasarapan at pag iwas sa mga
nagdudulot ng sakit o hirap
3. Takot
 Ang pagkatakot ay isa sa mga hal masidhing silakbo ng damdamin
 Pagkabagabag ng isip ng tao sa anumang uri ng pagbabanta sa mga mahal sa buhay
4. Karahasan
 Ito ay pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang piliin ng isa na gawin ang isang bagay na labag sa
kaniyang kilos-loob at pagkukusa.
5. Gawi (habit)
 Mga gawain na paulit-ulit at naging bahagi na ng buhay

4
PAGLALAPAT
Magsulat ng isang sanaysay sa isang long size bond paper na naglalahad ng iyong mga gawaing kilos na
hindi makatao at ilahad ang iyong mga hakbang sa pagbabago o pagpigil nito. Gawing gabay ang
katanungan at rubric sa ibaba. (15 puntos)

1. Anong mga gawi o kilos mon a sa tingin mo ay makakasama sa ibang tao?

2. Paano mo mapipigilan o mababago ang iyong sarili?
3. Bakit mahalaga na pagnilayan ang lahat ng kilos ng tao?

Rubric

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pa ng dagdag na

4 3 2 pagsasanay
1
Malinaw na nailahad Hindi gaanong malinaw May kalabuan ang Malabo ang mensahe.
Paglalahad ang mensahe. ang mensahe. mensahe.
Wasto ang detalye ng May isa o dalawang May mga mali sa mga Mali ang mensahe.
Kawastuhan mensahe. mali ang detalye ng detalye ng mensahe.
mensahe.
Kompleto ang detalye May isang kulang sa May ilang kulang sa Maraming kulang sa detalye
Kompleto ng mensahe detalye ng mensahe detalye ng mensahe. ng mensahe
Malinaw na Angkop na angkop at Angkop at wasto ang Hindi angkop at wasto Maraming kamalian sa
naipahayag wasto ang mga salita mga salita ang mga salita paggamit ng salita.

Lubhang Nakahihikayat ang Di-gaanong Hindi nakakahikayat ang

Hikayat nakakahikayat ang mensahe. nakahihikayat ang mensahe
mensahe mensahe.

PAGTATAYA
Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin nang walang pahintulot mula sa OLPA
Phone: 09566429919 E-mail: verdejojohnedcel@gmail.com
A. Paghambingin ang kilos ng tao at makataaong kilos gamit ang venn diagram. (15 puntos)

5
B. Ipaliwanag ang iyong sagot sa mga sumusunod na pahayag. (20 puntos)

1. Kailan natin matutukoy na ang gawain o kilos ng tao ay hindi makakapanagot sa masamang epekto ng
makataong kilos?
_____________________________________________________________________________________

2. Ang layunin ba ng kilos ay batayan din sa paghusga kung ang kilos ay mabuti o hindi mabuti?
Pangatuwiranan.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

3. Ano ang mga paraan na maaari mong gawin upang hindi ka maapektuhan ng mga salik sa makataong
kilos
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

4. Ano ang pagkatao ng isang taong may matibay na paninindigan sa kaniyang kilos?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin nang walang pahintulot mula sa OLPA
Phone: 09566429919 E-mail: verdejojohnedcel@gmail.com
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

REFERENCES

Punsalan, Twila G., Gonzales, Camila C., et al. (2019). Paano Magpakatao 10. Sampaloc, Manila: Rex
Book Store, Inc.

Prepared

TEACHER JOHN EDCEL R. VERDEJO

Subject Teacher

Walang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin nang walang pahintulot mula sa OLPA
Phone: 09566429919 E-mail: verdejojohnedcel@gmail.com

You might also like