You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X
Division of Oroquieta City

RADIO-BASED INSTRUCTION
DIVISION-WIDE SUMMATIVE TEST
ARALING PANLIPUNAN 10

Name: ______________________________________ Score: __________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Paano matitiyak ng mamamayan kung nanaig ang mabuting pamamahala sa isang lipunan o
bansa?
I. Pagkakaroon ng partisipasyon ng lahat ng mamamayan, tuwiran man o sa pamamagitan ng
mga institusyong kanilang kinakatawan
II. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga interes ay pinapahalagahan ang pagiral ng
pangkalahatang kabutihan at kung ano ang pinakamabuti sa isang organisasyon,
komunidad o bansa.
III. Nararapat na maipatupad ang mga batas at igagalang ang mga karapatang pantao ng
patas at walang kinikilingan. Pagbibigay pansin sa patas na pagbibigay sa mga
mamamayan sa pagkakataong mapa-unlad ang kanilang kagalingan.
IV. Pagkakaroon ng transparenscy, binigbigyang pagkakataon ang mamamayan na magkaroon
ng kamalayan sa nagaganap sa pamahalaan at makalahok sa mga gawain nito.
A. I, II B. II, III C. III, IV D. I, II, III, & IV

2. Alin sa mga sumusunod ang Hindi kabilang sa mga paraan ng politikal na pakikilahok na
naglalayong magkaroon ng isang mabuting pamamahala o Good governance?

A. Pagboto
B. Pagsali sa Civil Society
C. Pakikilahok sa Participatory Governance
D. Pakikilahok sa mga Political Campaign tuwing eleksyon.

3. Aling batas ang nagbibigay diin sa kapananagutan at katapatan ng mga pampublikong


opisyal ng pamahalaan?

A. Artikulo XII ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas


B. Artikulo IX ng Saligang Batas ng 1988 ng Pilipinas
C. Artikulo XI ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas
D. Artikulo XII ng Saligang Batas ng 1998 ng Pilipinas

4. Alin sa mga katangian ng Good Governance ang tumutukoy sa malayang daloy ng


impormasyon sa lahat ng transaksiyon, proseso, desisyon at ulat ng pamahalaan?

A. Kapanagutang Political
B. Katapatan
C. Rule of Law
D. Participatory Governance
5. Aling ahensya ng gobyerno ang nagpakahulugan na ang good governance ay tumutukoy
sa proseso kung saan ang mga pampublikong institusyon ay naghahatid ng kapakanang
pampubliko, nangangasiwa sa pag-aaring yaman ng publiko at tinitiyak na mapangalagaan
ang mga karapatang pantao?
A. Office of the High Commissioner for Human Rights
B. International Development Association
C. World Bank Institute
D. National Economic and Development Authority.

6. Si Patrick ay nagdiwang ng kaniyang ika-labing walong taong kaarawan. Bilang regalo sa kaniyang sarili,
nagtungo siya sa COMELEC (Commission on Elections) sa kanila upang magpatala at makilahok sa pagpili
ng mga susunod na mamumuno sa kanilang lugar. Anong tungkulin ng mamamayang Pilipino ang
kaniyang ginampanan?

A. Magparehistro at bumoto
B. Pagiging matapat sa Republika ng Pilipinas
C. Pakikipagtulungan sa mga may kapangyarihan
D. Gumawa ng mga kapaki-pakinabang na gawain

7. Si Lina ay isang magsasaka na mag isang nagtataguyod sa kaniyang tatlong anak. Nais niyang lumahok
sa isang samahan na nagtataguyod sa mga magsasakang katulad niya. Alin sa sumusunod ang nararapat
niyang salihan?

A. Funding-Agency NGOs C. Non-Governmental Organizations


B. Grassroot Support Organizations D. People’s Organizations

8. Nabasa mo sa isang pahayagan ang patuloy na paghihirap ng mga pamumuhay sa isang pamayanan.
Karamihan sa mga mamamayan ay hindi tumutupad sa kanilang mga tungkulin at pananagutan, mataas
din ang bilang ng paglabag ng karapatang pantao. Dahil dito, hindi naisusulong ng mga mamamayan ang
kabutihang panlahat at ang pambansang interes. Kung ikaw ang magiging pinuno ng pamayanan na ito,
ano ang iyong gagawin?

A. Magpapatupad ng mga mabibigat na parusa upang mapasunod ang nasasakupan.


B. Hihikayatin ang mga mamamayan na maging produktibo at makiisa sa mga produktibong
gawain.
C. Magsasagawa ng pag-aaral ukol sa mga paglabag sa karapatang pantao na nagaganap
sa lugar.
D. Magbibigay ng mga proyektong pangkabuhayan para sa mamamayan.

9. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nangangailangan ng pagtugon at aktibong


pagtatanggol sa karapatan pantaong patungkol sa isyung pang-ekonomiya?

A. Pagbigay sa mga manggagawa ng karapatang magtatag ng unyon


upanmapangalagaan ang kanilang kondisyon sa trabaho.
B. Pagkaloob sa mga piling lalaking kawani ng isang kompanya ng karapatang makamit ang
promosyon.
C. Pagtanggi sa mga Pilipinong makapagtrabaho sa ibang bansa.
D. Pagbigay ng karapatang magsawalang-kibo laban sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

10. Gaano kahalaga ang accountability at transparency sa pamamahala?

A. Magkakaroon pa rin ng mabuting pamahalaan kahit wala ang dalawang ito.


B. Ang dalawang ito lamang ang mahalagang elemento upang magkaroon ng isang
participatory governance.
C. Maayos ang pamamahala kahit wala ang isa nito.
D. Imposible ang pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan kung walang
transparency at accountability.

11. Layunin ng samahang ito ang magkaroon ng higit na kamalayan tungkol sa karapatang pantao
at pagsasakatuparan nito sa buong Asya.
A. African Commission on Human and People’s Rights
B. Asian Human Rights Commission
C. Global Rights
D. Human Rights Action Center

12. Ito ay ang organisasyon na nagtataguyod sa karapatang pantao at mayroong motto o


kasabihan na “It is better to light a candle than to curse the darkness”?
A. African Commission on Human and People’s Rights
B. Amnesty International
C. Global Rights
D. Human Rights Action Center
13. Sa Pilipinas, anong organisasyon ang may pangunahing tungkulin na pangalagaan ang mga
karapatang pantao ng mga mamamayan?
A. Commission on Human Rights
B. Free Legal Assistance Group
C. Philippine Alliance of Human Rights Advocates
D. Philippine Human Rights Information Center
14. Ang sumusunod ay mga pandaigdigang sining kung saan nakipag-ugnayan sa mga pinuno nito
ang Human Rights Action Center maliban sa isa, alin sa mga ito?
A. musika
B. pelikula
C. social media
D. teatro
15. Anong samahan ang pinangungunahan ng mga karaniwang mamamayan at hindi ng mga opisyal ng
pamahalaan?
A. Amnesty International
B. Asian Human Rights Commission
C. Global Rights
D. Non-Government Organizations
16. Saan nakabatay ang pagkamamamayan ng isang indibidwal?
A. Pagbibigay halaga sa kapwa
B. Pagiging aktibo sa pamahalaan
C. Pagtugon niya sa kaniyang mga tungkulin
D. Palagiang pagsama sa mga protesta
17. Bilang bahagi ng isangn lipunan na may karapatan at tungkulin na dapat gampanan, ano ang
inaasahan sa isang mamamayan?
A. Aktibo sa mga organisasyong pangkarapatang pantao
B. Aktibo sa pagbibigay puna sa gobyerno
C. Aktibo sa pakikilahok sa mga protesta
D. Aktibo sa pakikilahok sa pagtugon sa mga isyung panlipunan na
Kinakaharap
18. Alin sasumusunod na situwasiyon ang hindi nagpapakita ng lumawak na konsepto ng
pagkamamamayan?

A. Si Angelo na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang lokal na pamahalaan.


B. Si Edna na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan.
C. Si Michael na lumahok sa isang non-governmental organization na naglalayong bantayan ang
kaban ng bayan.
D. Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga pangangailangan.
19. Ayon sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, ano ang iginigiit ng isang mamamayan?
A. Kakayahan
B. Kalayaan
C. Karangalan
D. Karapatan
20. Ang sumusunod ay mga katangian ng isang mabuting mamamayan ayon kay Yeban maliban sa isa,
alin sa mga ito?

A. Mahilig bumili ng produktong dayuhan


B. Makabayan
C. May pagmamahal sa kapuwa
D. May respeto sa karapatang pantao

You might also like