You are on page 1of 36

8

Filipino 8
Ikaapat na Markahan – Modyul 4
Paglalarawan sa Kalagayan at Paghihinagpis ni
Florante
(Saknong 1-104)
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Paglalarawan sa Kalagayan at Paghihinagpis ni Florante
(Saknong 1-104)

Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones


Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Benjamin G. Busel

Editor : Ferdinand A. Torres, Melchora N.Viduya


Tagasuri : Wilma D. Macatbag, Catalina H. Casillan, Helen O. Custodio
Ferdinand A. Torres, Melchora N. Viduya
Magdalena C. Manaoat, Roberto Barongan
Tagaguhit : Amado II A. Caragay
Michael Lorenz J. Roy

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education - Rehiyon ng Ilocos (Calasiao, Pangasinan)


8
Filipino 8
Ikaapat na Markahan – Modyul 4
Paglalarawan sa Kalagayan at Paghihinagpis ni Florante
(Saknong 1-104)

i
Paunang Salita

Ang Florante at Laura na bahagi ng modyul na ito ay buong-ingat na binuo ng mga may-
akda upang malinang at maisabuhay ng mga mag-aaral ang katuparan o kasagutan sa apat na
himagsik ni Francisco “Balagtas” Baltazar na masasalamin sa kanyang walang-kamatayang awit
na Florante at Laura; ang himagsik labang sa malupit na pamahalaan, ang himagsik laban sa
hidwaang pananampalataya, ang himagsik laban sa mga maling kaugalian, at ang himagsik
laban sa mababang uri ng panitikan.
Sa pag-aaral ng mga kabataang Pilipino sa obra maestra ni Balagtas gamit ang modyul
na ito ng Florante at Laura ng para sa ikawalong baitang ay hindi lamang nila mauunawaan
ang literal na kahulugan ng awit kundi higit sa lahat ay maiuugnay nila ang bawat pangyayari sa
binasa sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa at ng mga Pilipino. Bukod sa maingat na
nasunod at napagyaman pa nag bawat istandard at kompetensing itinadhana ng K to 12
Dokumentong Pangkurikulum sa Filipino ng Kagawaran ng Edukasyon ay tiniyak ng mga may-
akdang magiging hitik ito sa pagsasanay at gawaing angkop sa kakayahan at interes ng mga
mag-aaral upang nag pagkatuto ay maging integratibo, makabuluhan, napapanahon, kawili-wili,
nakakalilinang ng kritikal at mapanuring pag-iisip at nakapaghahanda sa mga mag-aaral sa mga
pagsubok at realidad ng totoong buhay. Higit sa lahat, ang mga pagsasanay na inilaan sa bawat
aralin ay tumutugon sa mga pagtatayang nakapaloob sa Most Essential Learning Competencies
na lubhang mahalaga upang maging ganap at makabuluhan ang pagkatuto ng mga mag-aaral at
makapaghahanda sa kanila sa mga hamon ng totoong buhay. Pinagaan din ang paglalahad ng
mga kabanata kung saan ang magkakaugnay na kabanata o bahagi ay pinag-isa na lamang sa
isang aralin upang higit na maging ganap o buo ang pagkaunawa ng mga mag-aaral.

ii
Aykons sa Modyul
Ang parteng ito ay naglalaman
ng mga kasanayang
Alamin pampagkatuto kailangang
matamo ng mag-aaral.

Dito masusukat ang mga


natutunan mo na sa paksang
Subukin tatalakayin.

Sa parteng ito,
mababasa/malalaman ang
Balikan ikokonektang talakayan sa
paksang natalakay.
Paunang gawain o paglalahad
ng paksa.
Tuklasin

Pagpapalalim ng kaalamang
natutunan sa paksang tinalakay.
Suriin

Karagdagang kaalaman at mga


kasanayan/ gawain na
Pagyamanin magbibigay katuturan para sa
dagdag impormasyon
.
Gawaing ginawa para
maproseso ang mga natutunan
Isaisip sa paksa.

Mga gawaing mag-uugnay sa


Isagawa tunay na buhay ng mga mag-
aaral. (Performance task)
Maikling pasulit dito nasusukat
ang pag-unawa ng mag-aaral
Tayahin sa paksang tinalakay.

Karagdagang Gawain sa
pagpapalawak ng aralin.
Karagdagang Gawain

iii
Modyul 4 ARALIN 1:
Ikaapat na Ang mga Hinagpis
Markahan
ni Florante
(Saknong 001-025)

Alamin
Ang modyul na ito ay sadyang binuo para sa iyo upang matamo ang sumusunod na layunin
at pinakamahalagang kasanayan sa pampagkatuto:
1. Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggan/nabasang
aralin (F8PN-IVc-d-34)
2. Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang binasa
(F8PB-IVc-d-34)
3. Natutukoy ang angkop na kahulugan ng ilang piling salitang ginamit sa
aralin.
4. Nakasusulat ng isang komposisyon batay sa ibinigay na paksa o tapik.

Isang mapagpalang araw sa iyo!

Batid kong handang-handa ka na sa muling pagkatuto ng mga bagong


kaalaman at kasanayan sa Filipino 8 partikular ang tungkol sa Florante at Laura. Sa
pamamagitan ng pagsunod mo sa mga panutong ibibigay sa modyul na ito ay tiyak
na mapagtatagumpayan mo ang pagkamit ng mga inilahad na kompetensi sa itaas.

Paano matatamo ang pagkatuto gamit ang modyul na ito?


Tungo sa ikatatamo ng mga kompetensing nabanggit, kailangang sundin mo
nang buong husay ang mga sumusunod:
1. Maglaan ng karampatang panahon para sa pagbabasa at pag-unawa
sa paksa ng modyul na ito.
2. Unawain at sunding mabuti ang mga panutong ibibigay sa
bawat gawain.
3. Sagutin at gawin ang lahat ng gawain at pagsusulit na inihanda.
4. Maging tapat at gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit
ng modyul.

Pangkalahatang Panuto

Ngayong hawak mo na ang modyul na ito, gawin ang mga sumusunod:

1. Basahin at sundin ang panuto sa bawat paksa.


2. Itala ang mga kaukulang punto na nangangailangan ng masusing kasagutan.
3. Gawin ang mga gawain sa modyul nang may pag-unawa.
4. Sagutin ang lahat ng mga katanungan sa bawat gawain.

1
Para sa Guro

1. Ilahad at ipaunawa sa mag-aaral ang bawat paksa sa Modyul.


Ipagawa sa mga mag-aaral ang mga Gawain nang may tiwala sa
sarili.

2. Bigyan ng tuntunin ang mga mag-aaral na sagutin ang mga gawain


sa Alamin upang suriin ang kanilang kaalaman sa paksang
tatalakayin.

3. Ipagawa ang gawaing Tuklasin para sa masusing pag-unawa ng


mga mag-aaral sa kahalagahan ng pag-aaral sa paksa.

4. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Suriin. Hayaan silang tuklasin ng


may pag-unawa ang mga paksang tatalakayin sa modyul.

5. Ipasagot ang Pagyamanin. Suriing mabuti kung lubos na


nauunawaan ng mga mag-aaral ang paksang tinalakay. Palalimin
ang kanilang pag-unawa sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga katanungang nasa Isaisip.

6. Ipagawa ang gawaing Isagawa bilang bahagi ng pagsasakatuparan


at aplikasyon sa pangkalahatang pagkatuto mula sa mga paksang
natutunan sa modyul na magagamit sa pang-araw-araw na Gawain.

7. Gawin ang Karagdagang Gawain na inilaan ng guro upang


mapalawak ang kaalaman.

2
Subukin
Panuto: Unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat sa iyong sagutang-papel ang letra na kumakatawan sa
iyong kasagutan.

1. Isang uri ng punongkahoy sa bundok na tuwid, malaki,malilim ang tubo, at tinaguriang ‘punongkahoy
ng mga patay’ dahil noong unang panahon ay nagtitirik ng ganitong uri ng punongkahoy ang mga tao
sa libingan ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

A. Sipres (Cipres) C. Pebo (Febo)


B. Higera (Higuera) D. Nara
2. Tawag din sa isang uri ng mayabong na punongkahoy na may malalapad na dahon at dahil ‘kutad’ ang
pagkakalarawan dito ni Balagtas, masasabing ang punong ito ay punong baog o hindi namumunga.
A. Sipres (Cipres) C. Pebo (Febo)
B. Higera (Higuera) D. Nara
3.Siya ang binatang nakagapos sa uri ng punong tinutukoy sa ikalawang aytem.
A. Florante C. Menalipo
B. Adolfo D. Antenor
4. Siya ang taong may hangarin sa kapangyarihan at kayamanan sa kahariang Albanya.
A. Antenor C. Florante
B. Duke Briseo D. Adolfo
5. Batay sa aralin, siya ang taong nakaramdam ng paghihinakit sa Diyos sapagkat hinahayaan daw
siyang magdusa maging ang kanyang mga mahal sa buhay at ang kanyang bayan.
A. Duke Briseo C. Adolfo
B. Panitikan D. Florante

Ngayon, bago ka tuluyang dumako sa panibagong aralin ay susukatin muna ang iyong mga
natutuhan sa mga nakalipas na aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa inihandang pagsasanay kaugnay
nito.

Balikan
Panuto: Tukuyin ang angkop na kasagutan sa bawat bilang. Isulat lamang ang letra ng iyong
katugunan sa iyong sagutang-papel.
1. Ayon kay Kiko, maaaring gawin ang anumang nais sa kanyang akda basta’t huwag
lamang :
A. hahamakin C. pagtatawanan
B. babaguhin ang berso D. kalilimutan

2. Isa sa tagubilin ni Balagtas ay huwag pamarisan si _______ dahil sa kababago nito ng


tula ay lalo itong sumamӑ.
A. Segismundo C. Voltaire
B. Modesto de Castro D. Jose Rizal
3. Sa unang saknong ng akda, ang ‘irog’ na inaasahan ng awtor na magpapahalaga sa
kanyang pagod ay walang iba kundi ang kanyang:
A. magulang C. kapwa Pilipino
B. kasintahan D. Sarili

3
4. Isa sa mga aral na mapupulot ng mga mambabasa sa bahaging ‘Sa Babasa Nito’ ay ang:
A. kapangyarihan C. pananampalataya
B. kababaang-loob D. katatagan ng kalooban
5. Inialay ni Kiko ang kanyang Florante at Laura kay:
A. Maria C. Selya
B. Asuncion D. Magdalena

Tuklasin
Sa araling ito ay ipakikita ang pagpapanimula ng awit sa pamamagitan ng pagpapakilala sa
isa sa mga protagonista o pangunahing tauhan na si Florante.Mamamalas sa mga unang bahagi ng
araling ito ang kanyang mga dinanas na matinding kasawian at pagdurusa sa buhay na idinulot ng
mga taong may masamang hangarin na nagresulta rin ng kanyang pagkuwestyon sa kabutihan ng
Diyos.

Suriin
Sa bahaging ito ay iyo nang babasahing mabuti ang mga saknong kaugnay ng mga
Hinagpis ni Florante.
1 14
Sa isang madilim, gubat na mapanglaw, "Sa loob at labas ng bayan kong sawi,
dawag na matinik ay walang pagitan, kaliluha'y siyang nangyayaring hari,
halos naghihirap ang kay Pebong silang kagalinga't bait ay nalulugami,
dumalaw sa loob na lubhang masukal. ininis sa hukay ng dusa't pighati."

2 15
Malalaking kahoy — ang inihahandog, "Ang magandang asal ay ipinupukol
pawang dalamhati, kahapisa't lungkot; sa laot ng dagat kutya't linggatong;
huni pa ng ibon ay nakalulunos balang magagaling ay ibinabaon
sa lalong matimpi't nagsasayang loob. at inililibing na walang kabaong."

3 16
Tanang mga baging na namimilipit "Nguni, at ang lilo't masasamang loob
sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik; sa trono ng puri ay iniluklok,
may bulo ang bunga't nagbibigay-sakit at sa balang sukab na may asal-hayop,
sa kanino pa mang sumagi't malapit. mabangong insenso ang isinusuob."

4 17
Ang mga bulaklak ng natayong kahoy, "Kaliluha't sama ang ulo'y nagtayo
pinakapamuting nag-ungos sa dahon; at ang kabaita'y kimi at nakayuko;
pawang kulay luksa at nakikiayon santong katuwira'y lugami at hapo,
sa nakaliliyong masangsang na amoy. ang luha na lamang ang pinapatulo."

5 18
Karamiha'y Sipres at Higerang kutad "At ang balang bibig na binubukalan
na ang lihim niyon ay nakakasindak; ng sabing magaling at katotohanan,
ito'y walang bunga't daho'y malalapad agad binibiyak at sinisikangan
na nakadidilim sa loob ng gubat. ng kalis ng lalong dustang kamatayan."

4
6 19
Ang mga hayop pang dito'y gumagala, "O, taksil na pita sa yama't mataas!
karamiha'y S'yerpe't Basilisko'y madla O, hangad sa puring hanging lumilipas!
Hayena't Tigreng ganid na nagsisila Ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahat
ng buhay ng tao't daiging kapuwa. at niring nasapit na kahabag-habag!"

7
20
Ito'y gubat manding sa pinto'y malapit "Sa Korona dahil ng Haring Linceo,
ng Avernong Reyno ni Plutong masungit; at sa kayamanan ng Dukeng Ama ko,
ang nasasakupang lupa'y dinidilig ang ipinangahas ng Konde Adolfo
ng Ilog Kositong kamandag ang tubig. sabugan ng sama ang Albanyang Reyno."

8 21
Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat, "Ang lahat ng ito, maawaing Langit,
may punong Higerang daho'y kulay-pupas; Iyong tinutunghaya'y ano't natitiis?
dito nagagapos ang kahabag-habag, Mula Ka ng buong katuwira't bait,
isang pinag-usig ng masamang palad. pinayagang Mong ilubog ng lupit."

9 22
Baguntaong basal na ang anyo'y tindig, "Makapangyarihang kamay Mo'y ikilos,
kahit natatali — kamay, paa't liig, pamimilansikin ang kalis ng poot;
kundi si Narsiso'y tunay na Adonis, sa Reynong Albanya'y kusang ibulusok
mukha'y sumisilang sa gitna ng sakit. ang Iyong higanti sa masamang-loob."

10
23
Makinis ang balat at anaki burok, Bakit Kalangita'y bingi Ka sa akin?
pilikmata't kilay — mistulang balantok; Ang tapat kong luhog ay hindi mo dinggin?
bagong sapong ginto ang kulay ng buhok, 'di yata't sa isang alipusta't iling
sangkap ng katawa'y pawang magkaayos. sampung tainga mo'y ipinangunguling?

11 24
Dangan doo'y walang Oreadang Ninfas, "Datapuwa't sino ang tatarok kaya
gubat sa Palasyo ng masidhing Harp'yas, sa mahal Mong lihim, Diyos na dakila?
nangaawa disi't naakay lumiyag Walang nangyayari sa balat ng lupa,
sa himalang tipon karikta't hirap. 'di may kagaligang Iyong ninanasa."

12 25
Ang abang uyamin ng dalita't sakit — "Ay, 'di saan ngayon ako mangangapit?
and dalawang mata'y bukal ang kaparis; Saan ipupukol ang tinangis-tangis,
sa luhang nanatak at tinangis-tangis, kung ayaw na ngayong dinigin ng Langit,
ganito'y damdamin ng may awang dibdib. ang sigaw ng aking malumbay ng boses?"

13
"Mahiganting langit! Bangis mo'y nasaan?
ngayo'y naniniig sa pagkagulaylay;
bago'y ang bandila ng lalong kasam-an
sa Reynong Albanya'y iniwagayway."

5
Buod:

Ang gubat na malapit sa Reyno ng Averno na dinidilig ng Ilog Cocito ay kakikitaan ng


malalaking punongkahoy na may malalapad na dahon, may mga sangang matitinik at may mga
bulaklak na may iba’t ibang kulay, laki, at amoy. Katatagpuan din ito ng mga hayop na
pumapatay. Sa isang malaking puno ng higera makikita ang isang sakdal-kisig na binatang si
Florante na inihalintulad ang kakisigan kina Narciso at Adonis na maaaring masila ng
mababangis na hayop sa naturang gubat.
Patuloy ang pagtangis ni Florante.Itinatanong niya sa Diyos kung bakit hinahayaan
Niyang maghari ang kasamaan,kataksilan, at kalupitan sa kahariang Albanya (Albania). Lahat
ng ito ay kagagawan ni Adolfo dahil sa labis na paghahangad nito sa trono ni Haring Linceo at
sa kayamanan ni Duke Briseo. Ang mabubuting tao ay piniling manahimik na lamang ‘pagkat
kung sila ay magsasalita laban kay Adolfo ay tiyak na ipapapatay rin niya ang mga ito.
Hiniling ni Florante sa Diyos na parusahan ang mga nagsasabog ng kasamaan sa
Albanya subalit tila hindi raw siya Nito pinakikinggan. Hanggang sa napagtanto niya na
‘anumang mangyari sa balat ng lupa ay may kagalingang ninanais ng Maykapal sa kanyang
mga nilalang.’

Naunawaan mo ba ang nilalaman ng mga Hinagpis ni Florante? Makatutulong sa iyo ang


sumusunod na gawain upang ito ay iyo pang mas maunawaan.

Pagyamanin
A. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tamang kahulugan ng mga salitang nasa Hanay A.
Letra lamang ang isulat sa iyong sagutang-papel.
Hanay A Hanay B
_____1. mapanglaw a. ipinagkakait
_____2. nakalulunos b. ibuhos; ihulog
_____3. pagkagulaylay c. makaaalam
_____4. kaliluhan d. pakiusap; dalangin
_____5. kalis e. talunan
_____6. lugami f. espada; tabak
_____7. luhog g. kataksilan
_____8. tatarok h. pagkahandusay
_____9. ibulusok i. nakaaawa
_____10. ipinangunguling j. malungkot
k. kagalakan

Isaisip
Panuto: Sagutin sa iyong sagutang-papel ang sumusunod na katanungan.
1. Ilarawan ang gubat na tinutukoy sa araling ito.
2. Ano ang ipinaghihinagpis ni Florante sa gubat?
3. Bakit pakiramdam niya ay pinabayaan at kinalimutan na siya ng lahat maging ng
Panginoon? Paano kaya mapaglalabanan ang ganitong pakiramdam?
4. Sa ano-anong pangyayari sa ating kasaysayan maaaring iugnay ang gubat na
mapanglaw at ang pagkakagapos ni Florante sa puno ng higera?
5.Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Florante, ano-ano ang iyong gagawin upang hindi
lubusang mawala ang iyong pag-asa sa kabila ng matitinding kasawian at pagdurusa
sa buhay?

6
Isagawa
Ayon sa kasabihan, ‘sa kabila ng maitim na ulap ay may liwanag na unti-unting sisilay.’ Sa
bawat pagsubok na nararanasan natin sa buhay, dapat tayong umasa at kumilos nang naaayon na may
kagalingan at kabutihang magmumula sa Kanya.
Panuto: Punan ng mga hinihinging kasagutan ang teybol sa ibaba. Isulat sa iyong sagutang-
papel ang iyong mga katugunan.

Mga Pagsubok (Personal o Mga Hakbang na Ginawa upang Mga Tumulong/Umagapay


Pampamilya) na Naranasan ito ay Malagpasan o Mabigyang- sa Pagharap o Pagbibigay-
solusyon solusyon sa mga Pagsubok

Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang pahayag sa bawat aytem at tukuyin ang pinakaangkop na
kasagutan. Letra lamang ang isulat sa sagutang- papel.
1. Ang kagubatang kinaroroonan ni Florante ay maihahalintulad sa ating bansa noong
tayo ay nasa ilalim ng pananakop ng mga:
A. Kastila C. Hapones
B. Amerikano D. Pranses
2. Siya ang naghahangad ng kapangyarihan ni Haring Linceo at ng kayamanan ni Duke Briseo.
A. Florante B. Adolfo C. Antenor D. Menalipo
3. Siya ang taong walang humpay sa pagtangis dahil sa matitinding naranasang kasawian sa
buhay.
A. Adolfo B. Duke Briseo C. Menandro D. Florante
4. ‘O taksil na pita sa yama’t mataas!
O, hangad sa puring hanging lumilipas!
Sino ang tinutukoy ng mga salitang may salungguhit?
A. Menandro B. Antenor C. Florante D. Adolfo
5. ‘ Bakit Kalangita'y bingi Ka sa akin?’ Anong uri ng tayutay ang ginamit dito?
A. simili B. metapora C.personipikasyon D. pagmamalabis

Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng isang komposisyon hinggil sa katanungan sa ibaba. Ilagay ang


kasagutan sa iyong sagutang-papel. Gawing gabay ang batayan ng pag-iiskor sa
ibaba.
Katanungan: Bakit kailangang maging matatag sa gitna ng mga pagsubok o suliranin sa buhay?
Batayan ng Pag-iiskor: Nilalaman..................................................................5 puntos
Mekaniks (Wastong ispeling, gramar)...................2 puntos
Organisasyon........................................................3 puntos
__________
Kabuuan: 10 puntos

7
ARALIN 2:
Modyul 4 Alaala ni Laura
Ikaapat na ( Saknong 026-068 )
Markahan

Alamin

Ang modyul na ito ay sadyang binuo para sa iyo upang matamo ang sumusunod na layunin
at pinakamahalagang kasanayan sa pampagkatuto:
1. Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggan/nabasang
aralin (F8PN-IVc-d-34)
2. Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang binasa
(F8PB-IVc-d-34)
3. Nakabubuo ng mga pares ng salitang magkasingkahulugan mula sa
mga salitang nakapaloob sa kahon.
4. Nakasusulat ng isang liham na nagbibigay-payo sa mga taong
nakadarama ng panibugho o selos sa kapwa.

Magandang araw sa iyo!

Batid kong sabik ka nang muli sa pagkatuto ng mga bagong kaalaman at


kasanayan sa Filipino 8 partikular ang tungkol sa Florante at Laura. Sa
pamamagitan ng pagsunod mo sa mga panutong ibibigay sa modyul na ito ay tiyak
na mapagtatagumpayan mo ang pagkamit ng mga inilahad na kompetensi sa itaas.

Paano matatamo ang pagkatuto gamit ang modyul na ito?


Tungo sa ikatatamo ng mga kompetensing nabanggit, kailangang sundin mo
nang buong husay ang mga sumusunod:
1. Maglaan ng karampatang panahon para sa pagbabasa at pag-unawa sa
paksa ng modyul na ito.
2. Unawain at sunding mabuti ang mga panutong ibibigay sa bawat
gawain.
3. Sagutin at gawin ang lahat ng gawain at pagsusulit na inihanda.
4. Maging tapat at gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng
modyul.

Pangkalahatang Panuto
Ngayong hawak mo na ang modyul na ito, gawin ang mga sumusunod:

1. Basahin at sundin ang panuto sa bawat paksa.


2. Itala ang mga kaukulang punto na nangangailangan ng masusing kasagutan.
3. Gawin ang mga gawain sa modyul nang may pag-unawa.
4. Sagutin ang lahat ng mga katanungan sa bawat gawain.
8
Subukin
Panuto: Suriing mabuti ang bawat aytem. Isulat sa iyong sagutang-papel ang letra na kumakatawan sa
iyong kasagutan.
1. Ayon kay Florante, matitiis daw nito ang pagdurusang ibinigay sa kanya ng Diyos basta lamang:
A. makaligtas ang kanyang mga magulang sa kamay ni Adolfo
B. walang mamamayan ng Albanya na madamay sa kalupitan ni Adolfo
C. maalaala lang sana siya paminsan-minsan ni Laura
D. makaligtas pa rin siya sa gitna ng kapahamakang nararanasan.
2. Naulit ng isang _________ ang idinadaing ni Florante na nakagapos sa kagubatan.
A. kidlat B. dagundong C. alingawngaw D. kulog
3. Ayon pa rin kay Florante, higit na malaking hirap at parusa ang dulot ng taong lilo at walang:
A. awa B. pagmamahal C. pagmamalasakit D. pag-unawa
4. Hindi inakala in Florante na pagtataksilan siya ni Laura dahil sa angkin nitong :
A. katalinuhan B. kagandahan C. kayamanan D. kababaang-loob
5. Sinabi ni Florante na lahat ng pagpapahirap ni Adolfo ay makakaya niya at ____________ pa nga
niya ito, huwag lamang kunin sa kanya si Laura.
A. kakaibiganin B. ipagdarasal C. ipagbubunyi D. pasasalamatan

Bago ka tuluyang dumako sa panibagong aralin ay susukatin muna ang iyong mga natutuhan sa
nakalipas na aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa inihandang pagsasanay kaugnay nito.

Balikan

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang angkop na kasagutan sa bawat bilang. Isulat lamang ang
letra ng iyong katugunan sa iyong sagutang-papel.

A. Adolfo D. lason

B. Florante E. Albanya (Albania)

C. higera

1. Siya ang naghinanakit sa Diyos sapagkat tila hinahayaan Niyang siya ay magdusa maging ang
kanyang mga mahal sa buhay at ang bayang minamahal.
2. Naghahangad siya ng kapangyarihan ni Haring Linceo at kayamanan ni Duke Briseo.
3. Ito ang kahulugan ng kamandag.
4. Tawag sa uri ng mayabong na punongkahoy na may malalapad na dahon kung saan nakagapos
si Florante.
5. Bayan ni Florante na inilarawan niya bilang ‘sawi at pinaghaharian ng kaliluhan.’

Tuklasin

Sa bahaging ito ng Florante at Laura ay mababasa mo na ang mga gunita ni Florante kaugnay ng
pinakamamahal niyang si Laura- ang itinuturing na nagbibigay-lakas at pag-asa sa kanya sa gitna ng
nakalulunos na kalagayan.

9
Suriin

Ngayon ay iyo nang basahing mabuti ang mga saknong ng Mga Alaala ni Laura upang malaman
mo nang mas malinaw ang mga bago at kaugnay na kaganapan ukol dito.
26 48
"Kung siya Mong ibig na ako'y magdusa, "Pahi-hiyasan mo ang aking turbante
Langit na mataas, aking mababata; ng perlas, topasyo't maningning na rubí;
isagi Mo lamang sa puso ni Laura — bukód ang magalaw na batóng d'yamante,
ako'y minsan-minsang mapag-alaala." púnô ng ngalan mong isang letrang L."

27 49
"At dito sa laot ng dusa't hinagpis, "Hanggang ako'y wala't nakikipag-hámok,
malawak na lubhang aking tinatawid; nang-aapuhap ka ng pang-aliw-loob;
gunita ni Laura sa naabang ibig, manalo man ako'y kung bagong nanasok,
siya ko na lamang ligaya sa dibdib." nakikita mo na'y may dalá pang tákot."

28 50
"Munting gunam-gunam ng sinta ko't mutya "Buong panganib mo'y bakâ nagka-sugat,
nang dahil sa aki'y dakila kong tuwa; 'di maniniwalà kung 'di masiyasat;
higit sa malaking hirap at dalita, at kung magkagurlís ng muntî sa balát,
parusa ng taong lilo't walang awa." hinuhugasan mo nang lúhang nanaták."

29 51
"Sa pagkagapos ko'y guni-gunihin, "Kung ako'y mayroong kahapisang muntî,
malamig nang bangkay akong nahihimbing; tatanungin muná kung anó ang sanhî,
at tinatangisan ng sula ko't giliw, hanggang 'di malining ay idinarampî
ang pagkabuhay ko'y walang hangga mandin." sa mga mukhâ ko, ang rubí mong lábî."

30 52
"Kung apuhapin ko sa sariling isip, "Hindî ka tutugot kundî matalastás,
ang suyuan naman ng pili kong ibig; kakapitan mo nang mabigyan nang lúnas,
ang pagluha niya kung ako'y may hapis, dadalhin sa hardi't duon ihahanap
nagiging ligaya yaring madlang sakit." nang ika-a-aliw, sa mga bulaklák."

31 53
"Nguni, sa aba ko sawing kapalaran! "Iyong pipitasín ang lalong marikít,
Ano pang halaga ng gayong suyuan ... dinî sa liig ko'y kúsang isasabit;
ang sing-ibig ko'y katahimikan tuhog na bulaklak sadyáng salit-salit,
ay humihilig na sa ibang kandungan?" pag-uupandín mong lumbay ko'y mapaknít."

32 54
"Sa sinapupunan ng Konde Adolfo, "At kung ang hapis ko’y, hindî masawatâ,
aking natatanaw si Laurang sinta ko; sa pilik-matá mo’y, dadáloy ang lúhâ,
kamataya't nahan ang dating bangis mo, napa-saán ngayón ang gayóng arugâ,
nang 'di ko damdamin ang hirap na ito?" sa dalá kong sákit ay 'di i-apulâ?"

33 55
Dito hinimatay sa paghihinagpis, "Halina, Laura't aking kailangan
sumuko ang puso sa dahas ng sakit; ngayon ang lingap mo nang naunang araw;
ulo'y nalungayngay, luha'y bumalisbis, ngayó’y hinihingî ang iyong pag-damay —
kinagagapusang kahoy ay nadilig. ang abáng sintá mo’y, nasa kamatayan."

10
1010
34 56
Magmula sa yapak hanggang sa ulunan, "At ngayóng malaki ang aking dálitâ
nalimbag ang bangis ng kapighatian; ay dî humahanap nang maraming lúhâ;
at ang panibugho'y gumamit ng asal sukat ang kapaták na maka-apulâ,
ng lalong marahas, lilong kamatayan. kung sa may pag sintang púsò mo’y, mag
mulâ.."
35 57
Ang kahima't sinong hindi maramdamin, "Katawan ko’y, ngayón siyasatin, ibig,
kung ito'y makita'y magmamahabagin tigní ang súgat kong dí gawâ nang kális;
matipid na luha ay paaagusin, hugasan ang dugóng nanálong sa gitgit
ang nagparusa ma'y pilit hahapisin. nang kamay ko, paa’t, natataling liig."

36 58
Sukat na ang tingnan ang lugaming anyo "Halina, irog ko’t, ang damít ko’y, tingnán,
nitong sa dalita'y hindi makakibo, ang hindî mo ibig dampiháng kalawang;
aakayin biglang umiyak ang puso, kalagín ang lubid, at iyong bihisan,
kung wala nang luhang sa mata'y itulo. matinding dusa ko’y, nang gumaán-gaán."

37 59
Gaano ang awang bubugso sa dibdib "Ang mga matá mo’y, kung iyóng ititig
na may karamdamang maanyong tumitig, dini sa anyô kong sadlakan nang sákit,
kung ang panambita't daing ay marinig upang di mapigil ang takbóng mabilís
nang mahimasmasan ang tipon ng sakit? niyaring abáng búhay sa ikapa-patíd."

38 60
Halos buong gubat ay nasasabugan "Wala na Laura't ikaw na nga lamang
ng dinaing-daing na lubhang malumbay, ang makalulunas niring kahirapan;
na inuulit pa at isinisigaw damhin ng kamay mo ang aking katawan
sagot sa malayo niyong alingawngaw. at bangkay man ako'y muling mabubuhay!"

39 61
"Ay! Laurang Poo'y bakit isinuyo "Nguni, sa aba ko! Ay, sa laking hirap!
sa iba ang sintang sa aki'y pangako; Wala na si Laura'y aking tinatawag!
at pinagliluhan ang tapat na puso Napalayu-layo't 'di na lumiliyag
pinaggugulan mo ng luhang tumulo?" ipinagkanulo ang sinta kong tapat."

40 62
"'di sinumpaan mo sa harap ng Langit "Sa ibang kandunga'y ipinagbiyaya
na 'di maglililo sa aking pag-ibig? ang pusong akin na at ako'y dinaya;
Ipinabigay ko naman yaring dibdib, buong pag-ibig ko'y ipinang-anyaya,
wala sa gunita itong masasapit!" nilimot ang sinta't sinayang ang luha."

41 63
"Katiwalà ako't ang iyòng kariktán, "Alin pa ang hirap na 'di na sa akin?
kapilas ng langit — anaki'y matibay; May kamatayan pang 'di ko daramdamin?
tapát ang púsò mo't 'dî nagunam-gunam Ulila sa ama't sa inang nag-angkin,
na ang paglililo'y nasa kagandahan." walang kaibiga't nilimot ng giliw."

42 64
"Hindî ko akalang iyóng sasayangin "Dusa sa puri kong kusang siniphayo,
maraming lúhà mong ginugol sa akin; palasong may lasong natirik sa puso;
taguring madalás na akó ang giliw, habag sa ama ko'y tunod na tumino,
mukhâ ko ang lunas sa madláng hilahil." ako'y sinusunog niring panibugho."

11
43 65
"'di kung akó Poo'y utusang mang-gubat "Ito'y siyang una sa lahat ng hirap,
ng hari mong ama sa alin mang s'yudad, pagdaya ni Laura ang kumakamandag;
kung ginagawá mo ang aking sagisag, dini sa buhay ko'y siyang nagsasadlak
dalawá mong matá'y nanalong nang perlas?" sa libingang laan ng masamang palad."
44
Ang aking plumahe kung itinatalî 66
nang parang korales na iyóng dalirî, "O, Konde Adolfo, inilapat mo man
buntóng hihingá mo’y, nakiki-ugalî sa akin ang hirap ng sansinukuban,
sa kilos nang gintóng ipina-nanahî." ang kabangisan mo'y pinapasalamatan,
ang puso ni Laura'y kung hindi inagaw."
45
"Makailan, Laurang sa aki'y iyabot,
basâ pa nang lúhà bandáng isusuut; 67
ibinibigay mo ay naghi-himutók, Dito naghimutok nang kasindak-sindak
takot masugatan sa pakikihamok!" na umalingawngaw sa loob ng gubat;
tinangay ang diwa't karamdamang hawak
46 ng buntung-hininga't luhang lumagaslas.
"Baluti't koleto'y 'dî mo papayagan
madampi't malapat sa aking katawan,
kundî tingnan muna't bakâ may kalawang 68
ay nanganganib kang damit ko'y marumhán." Sa puno ng kahoy ay napayukayok,
ang liig ay supil ng lubid na gapos;
47 bangkay na mistula't ang kulay na burok
"Sinisiyasat mo ang tibay at kintáb ng kaniyang mukha'y naging puting lubos.
na kung sayaran man ng tagá'y dumulás;
at kung malayò mang iyóng minamalas,
sa gitnâ nang hukbo’y, makilaláng agád."

Buod:

Sinabi ni Florante na kahit gaanong pagpapakasakit ang ibigay sa kanya ng Diyos ay


makakaya niya basta’t ‘wag lamang makalimot sa kanya si Laura.Tanging lakas niya ang
masasayang panahon ng kanilang pagsusuyuan ni Laura. Sinambit pa niya na mas maligaya siyang
mamamatay kung paglalaanan siya ni Laura ng luha at pagmamahal.
Higit na kabiguan para kay Florante ang pagtaksilan siya ni Laura kaya naman labis niya
itong dinamdam kaya’t nawalan siya ng malay. Ang sinumang makakita sa kanyang kalunos-lunos
na kalagayan ay tiyak na maaawa sa kanya.
Hindi tumigil si Florante sa kanyang panawagan kay Laura. Siya na lamang ang tanging
lunas sa gitna ng kanyang pagdurusa. At dahil hindi dumarating si Laura, lalong naghinala si
Florante na naagaw na ni Adolfo si Laura sa kanya. Nawika pa niya na lubos pa niyang
pasasalamatan si Adolfo sa lahat ng pagpapahirap sa kanya, basta’t ‘wag lamang nitong agawin si
Laura sa kanya. Napasubsob si Florante dulot ng matinding pagdurusa.

12
Pagyamanin
Panuto: Suriing mabuti ang mga salita sa loob ng kahon. Bumuo ng
sampung (10) pares ng salitang magkasingkahulugan. Isulat ang mga
mabubuong pares ng salitang magkasingkahulugan sa iyong sagutang
papel.May ibinigay ng halimbawa na magsisilbi mong gabay.

apuhapin ipinagkanulo nagmamahal binigo


dumadaloy lumiliyag hanapin lingap
panibugho pagmamahal trinaydor bumalisbis
kagandahan sinisiyasat sinusuri kariktan
lilo siniphayo taksil pagseselos

Halimbawa: 1. apuhapin- hanapin

Isaisip

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat sa iyong sagutang-papel ang kasagutan.

1. Ano ang pakiusap ni Florante sa Langit sa panahon ng kanyang pagdurusa?


2. Ano-anong alaala ang nakabawas sa nararanasang pagdurusa ni Florante?
3. Bakit sa kabila ng mga naalalang magaganda o mabubuting katangian at wagas na pagmamahal
sa kanya ni Laura ay nakadama pa rin si Florante ng paninibugho o pagseselos?
4. Makatwiran bang isipin ni Florante na siya ay tinalikuran na ni Laura at kapiling na ngayon ni
Laura si Adolfo? Pangatwiranan.
5. Alin ang higit na ipinaghihinagpis ni Florante sa gitna ng kanyang kalagayan- ang kanyang
kamatayan o ang pagtataksil ni Laura? Patunayan.

Isagawa

Ang panibugho ay lalong sumisira sa relasyon ng mag-asawa, magkasintahan,


magkakapatid, magkakaibigan, o kanino man. Ang tanging salita na makagagamot sa ganitong pagkasira
ay ang PAGTITIWALA.
Panuto: Sagutin ang talatanungan sa ibaba upang malaman kung paano mo hinaharap ang mga
pagkakataon na ikaw ay nakadarama ng panibugho o selos. Lagyan ng tsek ( ̷ ) ang hanay na aangkop
sa iyo. Pagkatapos ay kunin ang kabuuan ng isinagot na Oo upang malaman ang interpretasyon ng iyong
naging kasagutan.

Mga Katanungan Oo Hindi


1. Kapag ang iyong matalik na kaibigan ay may kasamang iba,
nakadarama ka ba ng selos?

13
2. Kapag may biniling gamit sa iyong kapatid at ikaw ay wala,
nakadarama ka ba ng selos?
3. Kapag ang iyong gustong-gustong guro ay may paboritong kamag-
aral, nakadarama ka ba ng selos?
4. Kapag ang iyong kapatid ay naglalaan ng mas mahabang panahon at
pag-aasikaso sa iba mong kapatid, nakadarama ka ba ng selos?
5. Kapag ang iyong kasintahan o hinahangaan ay may kausap na iba,
nakadarama ka ba ng selos?
6. Kapag ang iyong lolo at lola ay may itinatanging apo, nakadarama ka
ba ng selos?
7. Kapag sinasabi ng iyong magulang na mas maganda/gwapo at mas
matalino ang iyong kapatid, nakadarama ka ba ng selos?
8. Kapag nakikita mo na ang iyong hinahangaan sa paaralan ay
nilalapitan ng iba, nakadarama ka ba ng selos?

Interpretasyon:

7-8 na isinagot na Oo- May lubos kang pagkilala sa iyong sarili at alam ang gagawin sa panahong
nakakaramdam ng selos
5-6 na isinagot na Oo - May katamtaman kang pagkilala sa iyong sarili at sinisikap na gawing tama ang
magiging pagharap sa panahon na nakadarama ng selos
3-4 na isinagot na Oo- May kakulangan sa pagkilala sa sarili at hindi malaman kung tama o mali ang
gagawin sa pagharap sa panahon na nakadarama ng selos
1-2 na isinagot na Oo- Hindi pa kilala ang sarili at hindi pa alam kung paano haharapin ang selos

Kongklusyon:
Hindi maikakaila na bawat isa sa atin ay nakakaramdam ng selos sa kapwa sa iba’t ibang
kadahilanan gaya ng ilan sa mga nabanggit sa talatanungan. Ang mahalaga ay alam natin na HINDI ITO
DAPAT MAMAHAY sa ating puso.

Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang pahayag sa bawat aytem at tukuyin ang pinakaangkop
na kasagutan. Letra lamang ang isulat sa sagutang- papel.

1. Ayon kay Florante, matitiis daw nito ang pagdurusang ibinigay sa kanya ng Diyos basta lamang:
A. makaligtas ang kanyang mga magulang sa kamay ni Adolfo
B. walang mamamayan ng Albanya na madamay sa kalupitan ni Adolfo
C. maalala lang sana siya paminsan-minsan ni Laura
D. makaligtas pa rin siya sa gitna ng kapahamakang nararanasan.
2. Naulit ng isang _________ ang idinadaing ni Floranteng nakagapos sa kagubatan.
A. kidlat B. dagundong C. alingawngaw D. kulog
3. Ayon pa rin kay Florante, higit na malaking hirap at parusa ang dulot ng taong lilo at walang:
A. awa B. pagmamahal C. pagmamalasakit D. pag-unawa
4. Hindi inakala in Florante na pagtataksilan siya ni Laura dahil sa angkin nitong :
A. katalinuhan B. kagandahan C. kayamanan D. kababaang-loob
5. Sinabi ni Florante na lahat ng pagpapahirap ni Adolfo ay makakaya niya at ____________ pa nga
niya ito, huwag lamang kunin sa kanya si Laura.
A. kakaibiganin B. ipagdarasal C. ipagbubunyi D. pasasalamatan

14
Karagdagang Gawain
Panuto: Sumulat ng isang liham na nagbibigay ng o ng mga payo sa isang kaibigan,
kaklase, o kapamilya na nakadarama ng panibugho o selos sa kanyang kapwa dahil sa
ano mang kadahilanan. Isulat ang mabubuong liham sa iyong sagutang-papel. Gawing
batayan ang gabay sa ibaba para sa pag-iiskor ng iyong gawain.

Batayan ng Pag-iiskor: Nilalaman....................................................5 puntos


Mekaniks (Wastong ispeling, gramar).......2 puntos
Organisasyon...........................................3 puntos
__________
Kabuuan: 10 puntos

google.com/search?q=student+writing+a+letter+clipart+black+and+white&tbm=isch&ved=2ahUKEwjrhqq
e6c_vAhVHbJQKHdhLCBYQ2-

15
Modyul 4 ARALIN 3:
Ikaapat na Ang Pag-ibig kay Flerida
Markahan (Saknong 069-083)

Alamin

Ang modyul na ito ay sadyang binuo para sa iyo upang matamo ang sumusunod na layunin
at pinakamahalagang kasanayan sa pampagkatuto:
1. Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggan/nabasang
aralin (F8PN-IVc-d-34)
2. Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang binasa
(F8PB-IVc-d-34)
3. Natutukoy ang angkop na salita na bubuo sa diwang ipinapahiwatig ng
pangungusap.
4. Nakalilikha ng isang poster-islogan na may kaugnayan sa paksa.

Magandang araw !

Tiyak kong handa ka nang muli sa pagkatuto ng mga bagong kaalaman at


kasanayan sa Filipino 8 partikular ang tungkol sa Florante at Laura. Sa
pamamagitan ng pagsunod mo sa mga panutong ibibigay sa modyul na ito ay tiyak
na mapagtatagumpayan mo ang pagkamit ng mga inilahad na kompetensi sa itaas.

Paano matatamo ang pagkatuto gamit ang modyul na ito?


Tungo sa ikatatamo ng mga kompetensing nabanggit, kailangang sundin mo
nang buong husay ang mga sumusunod:
1. Maglaan ng karampatang panahon para sa pagbabasa at pag-
unawa sa paksa ng modyul na ito.
2. Unawain at sunding mabuti ang mga panutong ibibigay sa
bawat gawain.
3. Sagutin at gawin ang lahat ng gawain at pagsusulit na inihanda.
4. Maging tapat at gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa
paggamit ng modyul.

Pangkalahatang Panuto

Ngayong hawak mo na ang modyul na ito, gawin ang mga sumusunod:

1. Basahin at sundin ang panuto sa bawat paksa.


2. Itala ang mga kaukulang punto na nangangailangan ng masusing kasagutan.
3. Gawin ang mga gawain sa modyul nang may pag-unawa.
4. Sagutin ang lahat ng mga katanungan sa bawat gawain.

16
Subukin
Panuto: Suriing mabuti ang bawat aytem. Isulat sa iyong sagutang-papel ang T kung ang pahayag ay
TAMA at M naman kung MALI.
1. Ang gerero o mandirigmang dumating sa gubat ay nagmula sa Persia.
2. Nagtatago laban sa mga kalaban ang Morong dumating sa gubat.
3. Inagaw ni Heneral Osmalik ang kasintahan ni Aladin.
4. Ninais ni Flerida, ang kasintahan ni Aladin na makasal kay Sultan Ali-Adab dahil mahal niya ito.
5. Puno ng kagalakan ang gererong Moro na dumating sa gubat dahil sa nangyari sa kanila ng
kanyang kasintahang si Laura.

Balikan

Panuto: Ayusin ang mga pinaghalo-halong letra upang mabuo ang kasagutang hinihingi sa bawat bilang.
Isulat ang kasagutan sa iyong sagutang-papel.
1. Naghinala si Florante na naagaw na sa kanya ni ( O F L O D A) si Laura.
2. Winika pa ni ( R A N F L O T E ) na lubos pa niyang pasasalamatan ang taong tinutukoy sa unang
bilang sa lahat ng pagpapahirap nito basta’t ‘wag lang daw nitong agawin sa kanya si Laura.
3. Sa pagluha ni Florante ay hiniling nito na ( Y A N M A D A ) siya ni Laura sa kanyang pagdurusa.
4. Sinambit pa ni Florante na mas maligaya siyang ( A M A M Y A T A M ) kung paglalaanan siya ni
Laura ng luha at pagmamahal.
5. Higit na kabiguan para kay Florante ang ( P G A T A K I S L A N ) siya ni Laura kaya naman labis
niya itong dinamdam.

Tuklasin
Makikilala sa bahaging ito ng Florante at Laura ang isa rin sa mahahalagang tauhan o karakter na
si Aladin. Siya ay isang gererong Moro at prinsipe ng Persiya na dumating sa kagubatang kinaroroonan ni
Florante dahil din sa isang matinding suliranin.

Suriin
Maghanda na at iyo nang matutunghayan ang mga saknong na maglalahad ng
mahahalagang impormasyon at kaganapan ukol sa Pag-ibig kay Flerida. Batid kong sa
iyong matiyaga at malawak na pag-unawa habang ito ay binabasa ay maiintindihan mo ito
nang lubusan.

17
69 77
Nagkataong siyang pagdating sa gubat "At kung kay Flerida'y iba ang umagaw
ng isang gererong bayani ang tikas; at 'di ang ama kong dapat igalang,
putong na turbante ay kalingas-lingas, hindi ko masasabi kung ang pikang tangan —
pananamit-Moro sa Persiyang S'yudad. bubuga ng libo't laksang kamatayan!"

70
Pinigil ang lakad at nagtanaw-tanaw, 78
anaki'y ninita ng pagpapahingahan; "Bababa si Marte mula sa itaas,
'di kaginsa-ginsa'y ipinagtapunan at sa kailalima'y aahon ang Parkas;
ang pika't adarga't nagdaop ng kamay. buong galit nila ay ibubulalas,
yayakagin niring kamay kong marahas!"
71
Saka tumingala't mata'y itinirik
sa bubong na kahoy na takip sa langit; 79
estatuwa manding nakatayo't umid, "Sa kukong lilo'y aking aagawin
ang buntung-hininga niya'y walang patid. ang kabiyak niyaring kaluluwang angkin;
liban kay ama, ang sino ma't alin
72 ay 'di igagalang ng tangang patalim."
Nang magdamdam-ngawit sa pagayong anyo,
sa puno ng isang kahoy ay umupo;
nagwikang, "O palad!", sabay ang pagtulo 80
sa mata ng luhang anaki'y palaso. "O pagsintang labis ng kapangyarihan,
sampung mag-aama'y iyong nasasaklaw;
73 'pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
Ulo'y ipinatong sa kaliwang kamay hahamaki'ng lahat masunod ka lamang!"
at saka tinutop ang noo sa kanan;
anaki'y mayroong gunamgunam —
isang mahalagang nalimutang bagay. 81
"At yuyurakan na ang lalong dakila —
74 bait, katuwira'y ipanganganyaya;
Malao'y humilig, nagwalang-bahala, buong katungkula'y wawal-ing-bahala,
'di rin kumakati ang batis ng luha; sampu ng hininga'y ipauubaya."
sa madlang himutok ay kasalamuha
ang wikang: "Flerida'y tapos na ang tuwa!"
82
75 "Itong kinaratnan ng palad kong linsil,
Sa balang sandali ay sinasabugan salaming malinaw na sukat mahalin
yaong buong gubat ng maraming "Ay! Ay!" ng makatatap, nang hindi sapitin
na nakikitono sa huning mapanglaw ang kahirapan kong 'di makayang bathin."
ng panggabing ibong doo'y nagtahanan.

76 83
Mapamaya-maya'y nagbaong nagulat, Sa mawika ito luha'y pinaagos,
tinangnan ang pika't sampu ng kalasag; pika'y isinaksak saka naghimutok;
nalimbag sa mukha ang bangis ng Furias — nagkataon namang parang isinagot
"'di ko itutulot!" ang ipinahayag. ang buntung-hininga niyong nagagapos.

18
Buod:

Sa kagubatang kinaroroonan ni Florante, dumating naman ang isang gererong


Moro na nagmula pa sa Persia. Siya ay nagdadalamhati at nabanggit ang pangalang
Flerida. Ayon sa kanya, hindi niya mapapayagang maagaw ng iba ang kanyang
kasintahan. Kung nagkataon na hindi ang kanyang sariling ama ang umagaw sa
kasintahan, tiyak na ito ay daraan sa kanyang kamay na marahas.
Dito rin niya nasabi na talagang ‘makapangyarihan ang pag-ibig’ sapagkat kahit
anak ay nakukuhang pagtaksilan. Nagulat si Aladin nang sa gitna ng kanyang
pagdadalamhati ay nakarinig siya ng buntung-hininga ng isang lalaki na malapit lamang sa
kanyang kinaroroonan sa gubat.

Napaluha ka rin ba sa naging kapalaran ni Aladin? Bago mo himayin ang nilalaman ng naturang
aralin, palalawakin muna ang iyong talasalitaan sa pamamagitan ng pagsagot sa gawain sa ibaba.

Pagyamanin
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang angkop na salita upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat
ang kasagutan sa iyong sagutang-papel.

tikas
gerero
yayakagin
nasasaklaw
makatatatap

1. Ang Diyos lamang ang _____________ng lahat ng ating magiging kapalaran.


2. Hinahangaan ang mga sundalo hindi lamang sa kanilang katapangan kundi dahil sa kanilang
magandang __________.
3. Buhay ang iniaalay ng matatapang na ____________ ng bayan.
4. Ang pinagdaungan ng mga barko ng Tsina ay ________________pa rin ng teritoryo ng Pilipinas.
5. Bilang isang mapagmalasakit na Pilipino, ________________ ko ang mga kapwa Pilipino na
makiisa sa pagsugpo sa pagkalat ng Covid-19 sa pamamagitan ng pagiging mabuting ehemplo na
nag-oobserba ng heath protocols sa lahat ng pagkakataon.

19
Isaisip
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat sa iyong sagutang-papel ang kasagutan.
1. Sino ang dumating sa gubat na kinaroroonan ni Florante?
2. Kanino inihambing ang lalaking tinutukoy sa unang bilang? Bakit kaya siya inihambing dito?
3. Anong suliranin ang dala-dala ni Aladin sa kanyang paglalagalag sa gubat?
4. Bakit naisipan ni Aladin na magparaya na lamang sa ama sa halip na ipaglaban ang kanyang
kasintahan?
5. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Aladin, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawang pagpaparaya
sa ama sa halip na ipaglaban ang kanyang kasintahan? Pangatwiranan.

Isagawa
Ang pagpaparaya sa kapwa ay isang gawaing tunay na napakahirap lalo na kung talagang
nangangahulugan ito ng pagsasakripsiyo. Marami na tayong nabasa o narinig na mga taong nagparaya
upang maipamalas ang pagmamahal sa kapwa, sa pamilya, at maging sa bayan.
Panuto: Balikan mo ang iyong mga naging karanasan sa buhay na kahit sa simpleng paraan ay masasabi
mong naipakita mo ang iyong buong pusong pagpaparaya o pagsasakripisyo para sa iba. Itala
mo sa iyong sagutang-papel ang iyong kasagutan.

Kanino ka nagparaya? Bakit mo kinailangang Ano-anong natutuhan at


magparaya ? nadama mo sa iyong
isinagawang pagpaparaya?

Tayahin

A. Panuto: Suriing mabuti ang bawat aytem. Isulat sa iyong sagutang-papel ang T kung ang
pahayag ay TAMA at M naman kung MALI.
1. Ang gerero o mandirigmang dumating sa gubat ay nagmula sa Persia.
2. Nagtatago laban sa mga kalaban ang Morong dumating sa gubat.
3. Inagaw ni Heneral Osmalik ang kasintahan ni Aladin.
4. Ninais ni Flerida, ang kasintahan ni Aladin na makasal kay Sultan Ali-Adab dahil mahal niya
ito.
5. Puno ng kagalakan ang gererong Moro na dumating sa gubat dahil sa nangyari sa kanila ng
kanyang kasintahang si Laura.
6. Ang sibat at adarga ay mga kagamitang ginagamit ni Aladin sa pagpapatayo ng gusali.
7. Pagdating sa gubat, naghanap si Aladin ng kanyang mapapagpahingahan.
8. Ang pag-alala sa amang umagaw sa kasintahan at naging sanhi ng mapait na kabiguan ang
isa sa mahalagang kaganapan at kaisipang nakapaloob sa araling ito.
9. Sa saknong 74, ang paggamit ng awtor ng linyang 'di rin kumakati ang batis ng luha’ ay
halimbawa ng tayutay na personipoikasyon.
10. Mula sa saknong 69 hanggang 80, ipinadaramang mas matimbang kay Aladin ang pag-ibig sa
kasintahan.

20
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng isang poster-islogan na umiikot sa mga kaya mong gawin o isakripisyo para sa iyong
pamilya. Ilagay ang mabubuong poster-islogan sa isang maikling kupon. Gawing gabay ang
batayan ng pag-iiskor sa ibaba ng iyong mabubuong awtput.
Batayan ng Pag-iiskor ng Poster-Islogan:
a. Kaangkupan ng Islogan sa Tema .............................5 puntos
b. Kariktan at Kaangkupan ng Poster sa Tema.............5 puntos
c. Kalinisan/Kaayusan ng Poster-Islogan......................5 puntos
Kabuuan...................................................................15 puntos

21
Modyul 4 ARALIN 4:
Ikaapat na Dalawang Ama, Tunay na
Markahan Magkaiba
(Saknong 084-104)

Alamin
Ang modyul na ito ay sadyang binuo para sa iyo upang matamo ang sumusunod na layunin
at pinakamahalagang kasanayan sa pampagkatuto:
1. Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggan/nabasang aralin
(F8PN-IVc-d-34)
2. Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang binasa (F8PB-IVc-
d-34)
3. Naisasaayos ang mga pinaghalo-halong letra upang mabuo ang kahulugan ng
mga salitang may salungguhit sa pangungusap.
4. Nakasusulat ng isang talatang naglalarawan ukol sa isang kaunay na tapik.

Mapagpalang araw sa iyo!

Batid kong patuloy ang iyong kahandaan at pagnanais sa patuloy na


pagkatuto ng mga bagong kaalaman at kasanayan sa Filipino 8 partikular ang
tungkol sa Florante at Laura. Sa pamamagitan ng pagsunod mo sa mga panutong
ibibigay sa modyul na ito ay tiyak na mapagtatagumpayan mo ang pagkamit ng mga
inilahad na kompetensi sa itaas.

Paano matatamo ang pagkatuto gamit ang modyul na ito?


Tungo sa ikatatamo ng mga kompetensing nabanggit, kailangang sundin mo
nang buong husay ang mga sumusunod:
1. Maglaan ng karampatang panahon para sa pagbabasa at pag-
unawa sa paksa ng modyul na ito.
2. Unawain at sunding mabuti ang mga panutong ibibigay sa
bawat gawain.
3. Sagutin at gawin ang lahat ng gawain at pagsusulit na inihanda.
4. Maging tapat at gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa
paggamit ng modyul.

Pangkalahatang Panuto

Ngayong hawak mo na ang modyul na ito, gawin ang mga sumusunod:

1. Basahin at sundin ang panuto sa bawat paksa.


2. Itala ang mga kaukulang punto na nangangailangan ng masusing kasagutan.

22
3. Gawin ang mga gawain sa modyul nang may pag-unawa.
4. Sagutin ang lahat ng mga katanungan sa bawat gawain.

Subukin
Panuto: Hanapin sa loob ng hugis sa ibaba ang hinihinging kasagutan sa bawat bilang. Isulat sa
iyong sagutang-papel ang kasagutan. Maaaring maulit ang kasagutan sa ilang aytem kung
ito ay hinihingi ng pagkakataon.

Duke Briseo
Adolfo
Florante
Sultan Ali-Adab
Haring Linceo

1. Nakaranas siya ng kalagim-lagim na kamatayan sa kamay ni Adolfo.


2. Hinangad niya ang kapangyarihan at kayamanan sa Albania.
3. Siya ang nakadama ng labis na kapighatian sa pagkamatay ng kanyang amang
mapagkalinga.
4. Isinalaysay niya kay Aladin ang nangyari sa kanyang ama sa kamay ng malupit at
sukab na si Adolfo sa Albania habang siya ay nasa digmaan.
5. Kinainggitan siya dahil sa taglay na kayamanan at bilang tagapayo ng hari ng
Albania.

Balikan
Panuto: Suriing mabuti at tukuyin ang hinihinging kasagutan sa
bawat aytem. Letra lamang ang isulat sa sagutang-papel.

1. Sa kagubatang kinaroroonan ni Florante ay dumating ang isang gererong


nagmula sa :
A. Persia B. Alemanya C. Pransya D. Rusya
2. Siya ang kasintahan ni Aladin na inagaw ng kanyang sariling ama.
A. Laura B. Florida C. Flerida D. Victorina
3. Nabanggit ni Aladin na sadya ngang makapangyarihan ang _________
sapagkat kahit anak ay nakukuhang pagtaksilan.
A. hari B. duke C. pag-ibig D. pananampalataya
4. Nagulat si ____________ nang sa kanyang paghihimutok ay nakarinig siya ng
buntung-hininga ng isang lalaki na malapit sa kanyang kinaroroonan sa gubat.
A. Florante B. Aladin C. Antenor D. Duke Briseo
5. Siya ang nagpakita ng pagpaparaya sa araling tinalakay alang-alang sa
kanyang ama.
A. Menalipo B. Adolfo C. Antenor D. Aladin
23

Tuklasin

Mababatid sa araling ito ang patuloy na panaghoy ni Florante dahil din sa


malagim na kasawiang kinasapitan ng kanyang amang mapagkandili. Malalaman din dito ang
pagsasalaysay ng binata ukol sa pagmamahal, kabutihan, at kabaitan ng kanyang ama sa kanya.
Bilang karagdagan, mababasa rin dito ang pag-alaala rin ni Aladin sa kanyang
ama na tila kabaligtaran sa mga paglalarawan sa ama ni Florante sapagkat hindi ito nakalasap
ng pagmamahal mula rito.

Suriin
Ngayon ay mababasa mo na ang mga saknong na kinapapalooban ng mga
kaganapan ukol sa Dalawang Ama, Tunay na Magkaiba. Sa pamamagitan ng iyong matiyagang
pagbasa nang may pang-unawa, tiyak na maiintindihan mo ang mahahalagang pangyayari rito.

84 95
Gerero’y namangha nang ito'y marinig "Ay, amang ama ko! Kung magunam-gunam
pinagbaling-baling sa gubat ang titig; madla mong pag-irog at pagpapalayaw,
nang walang makit'ay hinintay umulit, ipinapalaso ng kapighatian —
'di naman nalao'y nagbagong humibik. luha niring pusong sa mata'y nunukal."

85 96
Ang bayaning Moro'y lalo nang namaang, "Walang ikalawang ama ka sa lupa
"Sino'ng nananaghoy sa ganitong ilang?" sa anak ng kandong sa pag-aaruga;
lumapit sa dakong pinanggagalingan ang munting hapis kong sumungaw sa mukha,
ng buntung-hininga't pinakimatyagan. sa habag mo'y agad nanalong ang luha."

86 97
Inabutan niya'y ang ganitong hibik: "Ang lahat ng tuwa'y natapos sa akin,
"Ay, mapagkandiling amang iniibig! sampu niring buhay ay naging hilahil;
Bakit ang buhay mo'y naunang napatid, ama ko'y hindi na malaong hihintin
ako'y inulila sa gitna ng sakit?" ako't sa payapang baya'y yayakapin."

87 98
"Kung sa gunita ko'y pagkuru-kuruin Sandaling tumigil itong nananangis
ang pagkahulog mo sa kamay ng taksil, binigyang-panahong luha'y tumagistis
parang nakikita ang iyong narating ... niyong naaawang Morong nakikinig ...
parusang marahas na kalagim-lagim." sa habag ay halos magputok ang dibdib.

88 99
"At alin ang hirap na 'di ikakapit Tinutop ang puso at saka nagsaysay,
sa iyo ng Konde Adolfong malupit? "Kailan," aniya, "luha ko'y bubukal
Ikaw ang salamin sa Reyno ng bait, ng habag kay ama at panghihinayang
pagbubutunan ka ng malaking galit." para ng panaghoy ng nananambitan?"

24
89 100
"Katawan mo ama'y parang namamalas "Sa sintang inagaw ang itinatangis,
ngayon ng bunso mong lugami sa hirap; dahilan ng aking luhang nagbabatis;
pinipisan-pisan at iwinawalat yao'y nananaghoy dahil sa pag-ibig
ng pawa ring lilo't berdugo ng sukab." sa amang namatay na mapagtangkilik."

90 101
"Ang nagkahiwalay na laman mo't buto, "Kung ang walang patid na ibinabaha
kamay at katawang nalayo sa ulo, ng mga mata ko'y sa hinayang mula —
ipinaghagisan niyong mga lilo sa mga palayaw ni ama't aruga —
at walang maawang maglibing ng tao." malaking palad ko't matamis na luha."

91 102
"Sampu ng lingkod mo't mga kaibigan, "Ngunit ang nananahang maralitang tubig ...
kung kampi sa lilo'y iyo nang kaaway; sa mukha't dibdib ko'y laging dumidilig,
ang 'di nagsaiyo'y natatakot namang kay ama nga galing dapuwa't sa bangis,
bangkay mo't ibao't maparurusahan." hindi sa andukha at pagtatangkilik."

92 103
"Hanggang dito ama'y aking naririnig, "Ang matatawag kong palayaw sa akin
nang ang iyong ulo'y itapat sa kalis; ng ama ko'y itong ako'y pagliluhin,
ang panambitan mo't dalangin sa Langit, agawan ng sinta't panasa-nasaing
na ako'y maligtas sa kukong malupit." lumubog sa dusa't buhay ko'y makitil."

93 104
"Ninanasa mo pang ako'y matabunan,
ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan, "May para kong anak na napanganyaya,
nang huwag mahulog sa panirang kamay ang layaw sa ama'y dusa't pawang luha,
ng Konde Adolfong higit sa halimaw." hindi nakalasap kahit munting tuwa
sa masintang inang pagdaka'y nawala!"
94
"Pananalangin mo'y 'di pa nagaganap,
sa liig mo'y biglang nahulog ang tabak;
nasnaw sa bibig mong huling pangungusap
ang "Adiyos, bunso"'t buhay mo'y lumipas."

Buod:

Narinig ni Aladin ang panaghoy ni Florante sa kanyang mapagmahal na amang


ipinapatay ni Adolfo. Ang sinapit nitong kamatayan ay kasuklam-suklam dahil pinugutan ng ulo
at ang kamay at katawa’y itinapon lamang sa mga lansangan. Dahil sa tindi ng takot ng mga tao
kay Adolfo, wala ni isa man lang ang nagkusang ilibing ang bangkay ni Duke Briseo.
Batid ni Florante na tanging kapakanan niya ang inaalala ng kanyang ama sa gitna ng
kanyang pagdurusa sa kamay ng malupit at sukab na si Adolfo.
Batid kong makatutulong sa iyo sa higit na pagkaunawa ng aralin ang
pagpapalawak ng iyong bokabularyo. Kung gayon, isagawa mo muna ang inihandang
gawain kaugnay nito. 25

Pagyamanin
Panuto: Ayusin ang mga pinaghalo-halong letra upang mabigyang-kahulugan ang salitang may
salungguhit sa pangungusap. Isulat sa sagutang-papel ang iyong kasagutan.

1. Ang bayan ng Albania ay lugami sa kahirapan at kaguluhan dahil sa kasamaang idinulot


ni Adolfo. ( K O M L U G )
2. Walang sinuman ang nagnanais na makaranas na makitil nang malagim ang buhay na
ipinahiram sa atin ng Diyos. ( A M T A Y P A )
3. Tunay na maituturing na sukab sa bayan ang isang taong may hangad sa yaman at
kapangyarihan. ( S I L K A T )
4. Nangingiti siya sa tuwing magunamgunam ang masasaya nilang pinagsamahan.
(MAALAAAL)
5. Patuloy siyang humibik dahil hindi pa rin nila nakakamit ang hustisya. ( A N N A N G I S )

Isaisip

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat sa iyong sagutang-papel ang kasagutan.

1. Ilarawan si Duke Briseo bilang ama batay sa mga panaghoy ni Florante.


2. Bakit ipinapatay ni Adolfo si Duke Briseo? Paano siya pinaslang?
3. Bakit wala man lang ni isang nagbigay kay Duke Briseo ng maayos na libing?
4. Paano naman inilarawan ni Aladin ang kanyang ama na si Sultan Ali-Adab?
5. Kung ikaw si Aladin, igagalang at mamahalin mo pa rin ba ang iyong ama sa kabila ng
lahat ng pasakit na idinulot niya sa iyo lalo na ang pang-aagaw sa iyong kasintahan?
Pangatwiranan.

Isagawa

Matapos mabasa ang aralin ay higit mong nakilala si Duke Briseo, ang
mapagmahal, mapag-aruga, at mapagmalasakit na ama ni Florante.
Ngayon naman ay ibahagi mo ang mahahalaga, masasaya at makabuluhang
karanasan at katangi-tanging katangian ng iyong ama.
Panuto: Sumulat ng isang talatang naglalarawan sa iyong ama. Gawing gabay ang batayan sa
ibaba sa pag-iiskor ng iyong gawain. Isulat sa sagutang-papel ang iyong mabubuong talata.

Batayan ng Pag-iiskor: Nilalaman.................................................5 puntos


Organisasyon...........................................3 puntos
Mekaniks ( Wastong gramar, ispeling)....2 puntos
Kabuuan.................................................10 puntos

Tayahin 26

Panuto: Hanapin sa loob ng hugis ang hinihinging kasagutan sa bawat bilang. Isulat sa
iyong sagutang-papel ang kasagutan. Maaaring maulit ang kasagutan sa ilang aytem kung
ito ay hinihingi ng pagkakataon.

Duke Briseo
Adolfo
Florante
Sultan Ali-Adab
Haring Linceo
Aladin

1. Nakaranas siya ng kalagim-lagim na kamatayan sa kamay ni Adolfo.


2. Hinangad niya ang kapangyarihan at kayamanan sa Albania.
3. Siya ang nakadama ng labis na kapighatian sa pagkamatay ng kanyang
amang mapagkalinga.
4. Isinalaysay niya kay Aladin ang nangyari sa kanyang ama sa kamay ng malupit
at sukab na si Adolfo sa Albania habang siya ay nasa digmaan.
5. Kinainggitan siya dahil sa taglay na kayamanan at bilang tagapayo ng hari
Albania.
6. Siya ang amang umagaw sa kasintahan ng kanyang sariling anak.
7. Ibinulalas niya na ang naranasan niya sa kanyang ama ay pawang kalupitan at
hindi man lang nakaranas ng pagmamahal mula rito.
8. Sakbibi siya ng pagdurusa dahil sa sintang inagaw ng sariling ama.
9. Siya ay maituturing na ‘amang napakabuti at mapagkandili.’
10. Ang inilarawan ni Florante bilang ‘higit pa sa halimaw.’

11. Karagdagang Gawain


Panuto: Sumulat ng isang malayang taludturang tula (free verse) na naglalaman ng iyong
pagpapahalaga, pagbibigay-importansya, o pagmamahal sa iyong ama. Gawing
batayan ang batayan ng pag-iiskor para sa iyong lilikhaing tula.

Batayan ng Pag-iiskor:
Makahulugan ang kabuuan ng tula...............................10 puntos
Paggamit ng simbolismo, pahiwatig, at tayutay............5 puntos
Paggamit ng mga angkop at piling-piling salita.............5 puntos
Kabuuan........................................................................20 puntos
Susing Sagot27
sa Aralin 1

Subukin Pagyamanin
1. A 1. j 6. e
2. B 2. i 7. d
3. A 3. h 8. c
4. D 4. g 9. b
5. D 5. f 10. a

Balikan Tayahin
1. B 1. A
2. A 2. B
3. B 3. D
4. B 4. D
5. C 5. C

Isaisip at Isagawa
Iba-iba ang maaaring maging kasagutan ng mga mag-aaral

Susing Sagot sa Aralin 2

Subukin Pagyamanin
1. C 1. lilo-taksil 6. kariktan-kagandahan
2. C 2. puhapin-hanapin 7.sinisiyasat-sinusuri
3. A 3. siniphayo-binigo 8. lingap- pagmamahal
4. B 4. bumalisbis- dumaloy 9. lumilyag-nagmamahal
5. D 5. panibugho-pagseselos 10. Ipinagkanulo-trinaydor

Balikan Tayahin
1. B 1. C
2. A 2. C
3. D 3. A
4. C 4. B
5. E 5. D

Isaisip at Isagawa
Iba-iba ang maaaring maging kasagutan ng mga mag-aaral

28
Susing Sagot sa Aralin 3

Subukin Pagyamanin
1. T 1. makatatatap
2. M 2. tikas
3. M 3. gerero
4. M 4. nasasaklaw
5. M 5. yayakagin

Balikan Tayahin
1. Adolfo 1. T 6. M
2. Florante 2. M 7. T
3. damayan 3. M 8. T
4. mamamatay 4. M 9. T
5. pagtaksilan 5. M 10. M

Isaisip at Isagawa
Iba-iba ang maaaring maging kasagutan ng mga mag-aaral

Susing Sagot sa Aralin 4

Subukin Pagyamanin
1. Duke Briseo 1. lugmok
2. Adolfo 2. mapatay
3. Florante 3. taksil
4. Florante 4. maalaala
5. Duke Briseo 5. nanangis

Balikan Tayahin
1. A 1. Duke Briseo 6. Sultan Ali-Adab
2. C 2. Adolfo 7. Aladin
3. C 3. Florante 8. Aladin
4. B 4. Florante 9. Duke Briseo
5. D 5. Duke Briseo 10. Adolfo

Isaisip at Isagawa
Iba-iba ang maaaring maging kasagutan ng mga mag-aaral

29
Sanggunian

Del Rosario, Mary Grace G. et al. Pinagyamang Pluma 8 (Ikalawang Edisyon).2017.


Phoenix Publishing House, Inc. Quezon City.
Amog, Maybel V. at Nelia P. Pagoso. Obra Maestra II. 2012. Rex Bookstore.
C.M.Recto Avenue, Manila.
Mondragon, Brigida at Antonio Monleon. Florante at Laura ni Francisco Balagtas
(Binagong Edisyon). 2003. Aklat ANI Publishing and Educational Trading Center.
Quezon City.
https://tl.wikibooks.org/wiki/Florante_at_Laura/Kabanata_3

google.com/search?q=student+writing+a+letter+clipart+black+and+white&tbm=isch&ved=2ahUK
Ewjrhqqe6c_vAhVHbJQKHdhLCBYQ2-

https://www.google.com/search?q=pagsulat+ng+tula+clipart&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved
=2a

hUKEwiy7syn8tDvAhWKdd4KHRT_CqoQ_AUoAXoECAEQAw&biw=1264&bih=892

https://www.pinterest.ph/pin/15481192452190334/

30
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education — Bureau of Learning Resources (DepEd- BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985


E-mail Address: blr.lrdqad@deped.gov.ph *blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like