You are on page 1of 9

ARALIN 7

SINING AT KULTURA NG PILIPINAS SA PANAHON NG GLOBALISASYON

Sa araling ito, matutunghayan ang mga idea na ukol sa kultural na kalagayan ng


mga Filipino at ng kanilang mga pananaw at pagtanggap sa kasalukuyang
pagbabago ng lipunang Filipino.

Gabay sa gawain:
1. Sagutin ang panimulang gawain.
2. Basahin ang sanaysay na “Bayani” ni RC Gauan
3. Sagutin ang Tasahin 1 I. Pagpuno sa Patlang at II. Malikhaing Paglalapat
4. Ipasa mga sagot sa Panimulang Gawain at Tasahin 1 bilang isa sa mga
COMPILED activity bago ang Final xamination

Layunin sa bahaging ito ng pag-aaral ang sumusunod:


Kaalaman
1. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontektwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.
2. Matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong
bansa.

Kasanayan
1. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa
lipunang Filipino.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at
modernong midyang akma sa kontekstong Filipino.
3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at
analisis na akma sa iba’t ibang konteksto.
4. Makagawa ng makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyon na akma sa iba’t
ibang konteksto.
5. Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring diskurso na nakaugat sa
mga realidad ng lipunang Filipino.

Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Filipino sa
iba’t ibang antas at larangan.
2. Makapagbalangkas ng gabay-etikal kaugnay ng paggamit ng iba’t ibang porma ng midya.
3. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipagpalitang-
idea.
 Ang Konsepto ng mga Filipino sa Bayani, Pinuno at Manggagawa
Perlas ng Silangan. Kilala ang Filipinas sa katawagang ito. Bukod sa ang bansa ay
mayaman sa mga biyaya ng kalikasan, natatangi rin ang kultura nito. Maipagmamalaki ang
kulturang Filipino. Ang mga tradisyon, kaugalian at gawi ng mga Filipino ay namumukod-
tangi kahit na ito ay mula sa impluwensya ng iba’t ibang katutubong kultura ng mga
nandayuhan noon sa bansa. Bagamat naipagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan ang
pagsasabuhay ng mga Filipino sa kulturang nakagisnan, ang modernisasyon ay nagiging
hamon sa mabililis na pagbabago nito. Ang magagandang tradisyon, kaugalian at gawi ng
mga Filipino ay hindi naman nakalilimutan, ngunit ang mga ito’y nagbabago sanhi ng
mabilis na pagbabago ng panahon na bunga ng maunlad na teknolohiya.

Sa kasalukuyang panahon ay bakas na bakas ang mga pagbabago sa kultura ng mga


Filipino. Ang tradisyon, kaugalian at gawi ay naiimpluwensyahan na ng makabagong
ideolohiya mula sa iba- ibang bansa. Sanhi nito, ang mga prinsipyo, pag-iisip, pagtanggap at
pamumuhay ay hindi na purong Filipino kundi ito’y konsepto na ng maunlad at
makabagong kulturang Filipino na may halo-halong impluwensya mula sa mga dayuhan sa
bansa.

Ano ang iyong sariling kaisipan kapag naririnig ang salitang bayani? Ano-ano ang
katangian nito upang siya ay maituturing na bayani? Dahil ba sa kaniyang taglay na lakas at
kapangyarihan? Dahil ba sa kaniyang impluwensiya at pagtulong sa nangangailangan? O
dahil ba sa pagbubuwis niya ng buhay para sa kabutihan ng nakararami?
Panimulang Gawain
Sino ang ituturing nating mga bayani? Isulat ang kaniyang katangian at gumawa ng buod
ng ideal na bayani.

Si Darna ay maituturing na bayani sapagkat …

Si Jose Rizal ay bayani sapagkat…

Ang aking ina ay maibibilang na isang bayani sapagkat…

Si Pangulong ______________ ay bayani sapagkat…

BUOD
Ngunit para sa akin ang ideal na bayani ay…
Alamin

Tayo ay may iba’t ibang konsepto hinggil sa bayani. Ito ay dahil sa iba- iba rin ang
ating mga paniniwala at sariling ideolohiya sa buhay. Isama pa rito ang dahilang iba-iba rin
ang ating karanasan at panahon ng ating kamulatan mula pagkasilang. Basahin ang
sanaysay sa ibaba upang malaman kung ano ang konsepto ng mga Filipino sa pagiging
bayani.

Bayani
RC Gauuan

(Teksto mula sa Gauuan, R. C., Nucasa, W., Maniego, M. at Hernandez, L. 2019,


Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino, Bulacan: St. Andrews Pub.)

Ang salitang bayani ay karaniwang iniuugnay sa mga taong hinahangaan o iniidolo


dahil sa kaniyang taglay na lakas at katapangan, mabubuting gawain at katangian at di-
mabilang na pagtulong sa kapwa na walang hinihintay na kapalit maibuwis man ang
kaniyang buhay. Samakatuwid, ang bayani ay isang magiting na indibidwal na ang tanging
hangarin ay ang kabutihan ng lahat.

Kilala natin ang superheroes na sina Darna, Captain Barbell, Wonder Woman at
Superman. Sila ay mga bayani na iniidolo at hinahangaan ng lahat. Sila ay may iba’t ibang
kapangyarihan upang ipagtanggol ang mga naaaping mamamayan at maging ang mga
mahal nila sa buhay. Bagama’t nakatatak sa ating isipan ang kanilang kabayanihan, mulat
tayo sa katotohanang sila at ang kanilang mga kuwento ay likhang-isip lamang.

Sino ang mga bayani at paano maging bayani?

Ang salitang bayani ay mula sa salitang Griyego na “heros” na ang kahulugan ay


tagapagtanggol. Ang kahulugang ito ay katulad din ng salitang Latin na “seruare” na ang
kahulugan ay magbigay ng proteksyon. Sa Filipinas, ang bayani ay may iba- ibang
katawagan. Banuar ang tawag dito ng mga Ilokano, samantalang palbalani sa mga
Pangasinensi. Sa Hiligaynon ay baganihan, balani sa Tausug at bagani sa Maranao.

May iba-ibang konsepto hinggil sa pagiging bayani. Ang mga bayani ay unang
nakilala sa mga panitikang klasikal mula sa mga magigiting na tauhan ng mga epiko. Sa
Filipinas, sa panahong katutubo o lumang panahon, ang bayani ay kinikilala na nagtataglay
ng kakaibang lakas at kapangyarihan.

Tayong mga Filipino ay naniniwala sa mga bayaning may anting- anting. Ang
anting-anting ay isang kapangyarihang nagbibigay proteksyon upang hindi masaktan o kaya
ay tablan ng kahit na anong mapaminsala at nakamamatay na sandata. Sinasabing ang
kapangyarihang ito ng anting- anting ay mula sa kakaibang uri ng bato, kuwintas, singsing,
pulseras, mga uri ng metal na mula sa kalawakan tulad ng bulalakaw at maliliit na tipak ng
bato sa kalawakan, dagta ng puno tulad ng sa puso ng saging, dugo o kaya ay buto ng hayop
na binasbasan at dinasalan sa panahon ng kuwaresma o sa araw ng pagkamatay ni Hesus,
balat ng hayop at iba pa. Isa o anumang kumbinasyon ng mga anting-anting ay nakasasapat
na upang magkaroon ng lakas at kapangyarihan, tagabulag, kakayahang pagalawin nang
kakatwa ang mga bagay sa paligid at mag-anyo ng kahit na anumang naisin tulad ng sa
hayop o ng anumang bagay sa paligid.

Ang kabutihan nito, naniniwala tayo na ang pagtataglay ng anting-anting ay


kaakibat ng responsibilidad ng paggawa ng kabutihan sa kapwa. Na ang sinumang may
anting-anting ay iyong nabibiyayaan ng kabutihan at kababaang loob at ang tanging hangad
ay ang pagtulong, pagtatanggol at pagmumulat sa mga tao na ang kabutihan ay hindi
kailanman masusupil ng kasamaan. Ito ay mabubuting kaaralan na naikikintal sa isipan ng
mga Filipino na nararapat maging bahagi sa patuloy na pagtingin sa konsepto ng
kabayanihan. Na ang kabutihan ng kalooban ay siyang tunay na kapangyarihan.

Sa panahon ng pandarayuhan, kung kailan ang iba’t ibang mga lahi tulad ng mga
Kastila, Amerikano at Hapon ay dumating at nangagsipanirahan sa ating bansa, namulat
naman tayong mga Filipino sa konsepto ng kabayanihan sa katauhan ng mga magigiting na
mandirigma. Bago pa dumating ang mga Kastila ay naipamalas na ang kabayanihan ng
mga mandirigma. Sila ay mga Filipinong malalakas at may pagmamalasakit sa bayan na
handang magtanggol sa kanilang pangkat at sa karamihan. Ang panahong ito ay ang
panahon ng kabayanihan na kinabibilangan ni Lapu-lapu. Natatangi ang konsepto ng
kabayanihan sapagkat ang pangunahing katangiang taglay ay lakas, kahandaan sa
pakikidigma para sa layuning magtanggol sa bayan. Ang kabayanihan ng mga mandirigma
ay walang hininging kasunduan o kaya ay kasulatan sapagkat ang tanging kuwalipikasyon
lamang ay ang kaakuhan at kakusahan ng kalooban na humarap sa digmaan ng kalasag at
kumintang para sa kabutihan ng bayan. Sa mga mandirigma natin natutuhan ang
konsepto ng kabayanihan na hindi anting-anting ang makapagtatanggol sa sarili at sa
kalahatan kundi ang pag-ako at pagkukusa upang ihayag ang resposibilidad na ipagtanggol
ang bayan. Isang kaaralan na nararapat nating matutuhan sa kasalukuyan.

Samantala, sa panahon pa rin ng pandarayuhan kung kailan mahabang panahon


ang pananatili ng mga Kastila, natutuhan nating mga Filipino ang konsepto ng kabayanihan
na ayon sa pagpapakasakit, pakikipaglaban at pagbubuwis ng buhay para sa bayan. Hindi
ang pagkakaroon ng anting-anting o kapangyarihan at lakas ang katangian ng pagiging
bayani kundi ang kakayahan upang ipreserba ang kultural na kalagayan, pagkaisahin ang
mga mamamayan at pagtatanggol sa bayan. Ito ang panahon ng mga panulat nina Rizal at
del Pilar bilang mga propagandista at pakikidigma ni Bonifacio sa layuning makamtan ang
kasarinlan. Napapaisip tayo kung ang ganitong konsepto ng kabayanihan ay maaari nating
gawing batayan ng pagiging bayani sa kasalukuyan. Ang magbuwis ng buhay para sa bayan
ay maiisip nating kalabisan. Lalo tayong mapapaisip na kaya nga ba bayani ang mga sundalo
ay dahil itinataya nila ang kanila ng buhay para sa bayan? Paano ang mga guro, kawani,
abugado at maging ang mga street sweepers na naglilingkod sa bayan? Hindi ba’t sila rin ay
naglalaan ng kanilang buhay para sa bayan?

Ang pandarayuhan ng mga Amerikano at Hapon hanggang sa panahon ng


kasarinlan ay nag- ambag din ng natatanging konsepto ng kabayanihan sa ating mga
Filipino. Ang panahong ito na naglaan ng pagpapahalaga sa edukasyon, paggawa at
paglilingkod ay nag-iwan ng marka na ang kabayanihan ay maaaring makamit kung
mayroong mabuting edukasyon sapagkat makatutulong sa paggawa at makapaglilingkod sa
kapwa. Hindi “Bayan Muna Bago ang Sarili”. Ito ang panahon kung kailan pinahahalagahan
ang pagkakaroon ng sapat na edukasyon. Ang pagkakaroon ng edukasyon ay susi upang
makapaglingkod sa bayan. Panahon ng mga manggagawa na naglilingkod sa bayan. Ang
makapaglingkod sa bayan ay tunay na kabayanihan.
Ngayon ay nalalaman natin sa radyo, pahayagan at telebisyon ang kabayanihan ng
mga OFW o mga Filipinong manggagawa sa ibang bansa. Ang kanilang pagsasakripisyo para
sa kanilang pamilya ay itinuturing na kabayanihan. Sa kanilang pagsasakripisyo, may ilang
pasakit ang natatanggap. Ang lalong masaklap, sa ilan ay ito pa ang nagdulot ng kanilang
kamatayan.

Namamalasak din ang pahayag ng kabayanihan sa tuwing may ‘laban’ si Manny


Pacquiao. Ang kaniyang lakas, liksi, estratehiya at buong kahusayan sa boksing ay
nagdadala ng pagkilala sa bansa at itinuturing itong kabayanihan. Ang pagtuturo ni Efren
Peῆaflorida sa lansangan kasama ang kaniyang kariton ay kinikilala ring kabayanihan dahil
itinataguyod niya ang kahalagahan ng edukasyon para sa mga maralita. Maging ang isang
mamamayan na nakapulot at nagsauli ng malaking halaga ng salapi ay kinakabitan ng
salitang bayani. Ang pagtataguyod kaya ng isang guro ng libo-libong mag-aaral at ang pag-
aaruga kaya ng ama at ina ay maituturing ding kabayanihan?

Sa kataliwasan, nakamamanghang pag-isipan kung ang mga konsepto ng


kabayanihan ay itutuon sa mga pangyayari tulad ng pag- ibig ni Darna o ni Superman na
sadya nilang bibitawan kapalit ng kanilang mga misyon bilang superhero. Katulad din ito ng
sitwasyong kinasasangkutan ng isang ama na nagnakaw ng malaking halaga ng salapi upang
maisalba ang anak sa bingit ng kamatayan. Maituturing ba ang mga iyon na kabayanihan?
O kaya, kabayanihan din bang maituturing ang pagpayag ng isang ina na isakripisyo ang
kaniyang buhay para mabuhay ang sanggol sa kaniyang sinapupunan?

Ngunit sa katotohanan ay araw-araw nating nakasasalamuha ang mga bayani.


Hindi natin sila kilala. Hindi natin alam kung saan ang adres nila o kung ano ang hitsura nila.
Tanging mga pagkakataon lamang ang maglalapit sa atin sa kanila… kung kailan kailangan
natin ang tulong nila. Kusa silang darating at gagawin ang lahat upang patunayan na sa
ating mundo ay laging may mga bayaning sasaklolo sa oras ng ating pangangailangan.

IKAW, paano ka magiging bayani sa iyong sariling paraan?


TASAHIN 1
Pangalan: _____________________________________ Puntos: ___________________
Kurso at Taon: _________________________________ Petsa: ____________________

I. Pagpupuno sa Patlang. Isulat sa patlang ang nawawalang impormasyon upang mabuo


ang pahayag.

Mula sa nabasang sanaysay na “Bayani”, ayusin ang mga titik ng mga salitang kapitalisado
ipang mabigyang katuturan ang salita. Isulat sa patlang ang sagot:

maibuwis KAMIASOPIRIY ___________________________


kuwaresma HAMAL AN RAWA ___________________________
kakatwa AKIBAKA ___________________________
nagmumulat PANAWAGNAUPA ___________________________
laanan YALANG ___________________________
palasak NIRAWKANA ___________________________
kataliwasan BIKAKALANTRA ___________________________
kalasag NAGAPANG ___________________________

1. Ang salitang pinagmulan ng salitang bayani ay _____________________ .

2. Isulat ang iba pang salita na katumbas ng salitang bayani:


a. ________________ b. ___________________ c. _______________

3. Batay sa sanaysay, ano- ano ang konsepto ng “bayani” sa sumusunod na


panahon:

a. Katutubo
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

b. Panahon ng mga mandirigma


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

c. Panahon ng mga Kastila


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

d. Panahon ng Amerikano at Hapon hanggang sa panahon ng kasarinlan


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
e. Kasalukuyan (Ngayon)
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

4. Para sa akin, ang isang bayani ay iyong _______________________________


dahil
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
II. Malikhaing Paglalapat. Pumili ng isang (1) paksa sa ibaba. Ipahayag ang iyong
konsepto sa pamamagitan ng pagsulat ng tula o sanaysay o kaya ay sa pagguhit.

• Guro: Bayani ng Sambayanang Filipino (Maaaring halilian ang salitang guro.


Hal. Nurse, Sundalo, Tayo, Ako, Kababaihan at iba pang sa iyo ay isang
bayani)
• Pinunong Bayani: Bayaning Pinuno
• Ang Pagkasilang ng Bayani sa Panahon ng Pandemya
• Iba pang paksa, pamagat na iyong naisin hanggat ukol ito sa paksang bayani
at kabayanihan

You might also like