You are on page 1of 2

AP

LEGAL NA PANANAW NG PAGKAMAMAMAYAN

- Citizenship (pagkamamamayan) ay ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang
pamayanan o estado ay maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig
- sa kabihasnang Griyego umusbong ang konsepto ng citizen na binubuo ng mga lungsod-estado na
tinatawag na polis (lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at mithiin na
limitado lamang sa kalalakihan).

Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado
(tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado bilang isang citizen, siya ay
ginawaran ng mga karapatan at tungkulin)

PAGKAMAMAMAYAN

- pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa itinakda ng batas

ARTIKULO IV NG PAGKAMAMAMAYAN SALIGANG BATAS 1987

- pinakamataas na batas ng isang bansa


- nakasulat dito ang mahahalagang batas na dapat sundin ng bawat mamamayan

Ang mga sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:

1. mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang batas na ito;


2. ang mga ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas
3. isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng
pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang
4. nagiging mamamayan ayon sa batas
- Ang isang mamamayan ng Pilipinas na nakapag-asawa ng isang dayuhan ay mananatiling isang
Pilipino maliban na lamang kung pinili niyang sundin ang pagkamamamayan ng kanyang
napangasawa
- Ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng
Naturalisasyon ay maaaring maging Pilipino muli

Dual citizenship- ang pagkakaroon ng dalawang pagkamamamayan

DALAWANG URI NG MAMAMAYAN

1. Likas o Katutubo- anak ng Pilipino, parehas mang magulang o isa lang


2. Naturalisado- dating dayuhan na naging mamamay ang Pilipino dahil sa proseso ng naturalisasyon

MGA PRINSIPYO NG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO

1. Jus sanguinis- naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang


2. Jus soli- naaayon sa lugar ng kapanganakan anuman ang pagkamamamayan ng mga magulang

PAGKAWALA NG PAGKAMAMAMAYAN

1. Panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas ng ibang bansa


2. Tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan
3. Nawala ang bisa ng naturalisasyon
Karapatang pantao- mga Karapatan na tinatamasa ng tao sa sandalling siya ay isinilang

Karapatang Politikal- kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatag at


pangangasiwa ng pamahalaan tulad ng pagboto

Karapatang Sosyo-ekonomiks – sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pang-ekonomikong kalagayan ng


mga indibidwal gayon din ag lumahok sa buhay kultural ng pamayanan

Karapatan ng akusado- magbibigay proteksyon sa indibidwal na inakusahan sa anumang uri ng krimen

Karapatang sibil- tinitiyak sa mga pribadong indibidwal na maging kasiya-siya ang kanilang pamumuhay

Natural Rights- taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng estado

Constitutional Rights- karapatang ipinaloob at pinangalagaan ng estado

Statutory Rights- kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas

Haring Cyrus- hari ng Persia na sumakop sa lungsod ng Babylon at nagdeklara ng pagkapantay-pantay ng


lahi noong 539 B.C.E.

Universal Declaration of Human Rights (UDHR)- pinamumunuan ni Eleanor Roosevelt noong 1948 isa
sa mga mahahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibidwal na may
kaugnayan sa bawat aspeto ng buhay ng tao (pagkakapantay-pantay ng tao)

Bills of Rights ng Konstitusyon- listahan ng mga pinagsama-samang Karapatan ng bawat tao mula sa
dating konstitusyon at karagdagang Karapatan ng mga indibidwal na nakapaloob sa Seksyon 8, 11, 12, 13,
18 (1), at 19

Petition of Right- dokumento na ipinasa noong 1628 sa England na naglalaman ng Karapatan na hindi
pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng parliamento

The First Geneva Convention- pagpupulong ng labing anim na europeanong bansa at ilang estado sa
America sa Geneva at Switzerland noong 1864 na may layuning isaalang-alang ang pag-alaga sa mga
nasugatan at may sakit na sundalo

You might also like