Professional Documents
Culture Documents
Tagalog - Tree Brochure
Tagalog - Tree Brochure
at pangangalaga ng
inyong mga punongkahoy
Nakakahigit ang Seattle dahil sa mga
punongkahoy at kayo ay maaring
tumulong
Ang bawa’t punongkahoy na itinatanim at inaalagaan ninyo ay
ginagawang higit na malusog at mas kawili‐wiling tirhan ang
inyong purok. Sa ngayon, ang Seattle ay may 23 bahagdan ng Ang maraming
tabong punongkahoy at nagsusumikap kaming mapataas ito sa benepisyo ng mga
30 bahagdan.
punongkahoy
Magtanim at mag‐alaga ng isang bagong Magaganda, magigiliw na mga
punongkahoy purok
Ang mga punongkahoy ay nakakaragdag
Tamang puno, tamang pook: Pag‐isipan ng kagandahan sa inyong purok at
ginagawa itong isang mas kawiliwiling
kung gaano kalaki ang pagtubo ng
Bulga ng ugat lugar. Ang mga tao ay mas malamang na
punongkahoy at kung ang inyong bakuran ay maglalakad sa mga kalsada at makihalubilo
may tamang sikat ng araw, lugar at mga sa kanilang mga kapitbahay sa mga lugar
kondisyon ng lupa kapag kayo ay pumipili ng na may mga punongkahoy.
mga uri ng punongkahoy.
Mas malinis na hangin at tubig
Pagtatanim para magtagumpay: Sinasalo ng punongkahoy ang mga patak
Hukayin ang butas 2‐3 beses na mas malapad ng ulan at pinapabagal ang daloy ng tubig
kaysa rolyo ng ugat at siguruhing ang “bulga ng dala ng bagyo, kung saan nililinis nito ang
ugat” ay hindi kukulang sa 1 pulgada ang taas kaysa balat ng natabong lupa. tubig at binabawasan ang peligro ng
Dagdagan ng 1 pulgadang dayami sa palibot ng pundasyon ng puno, nguni’t pagbaha. Pinalulusog din ng mga
huwag hayaang sumanggi ang dayami sa puno. Ang dayaming nakasanggi sa punongkahoy ang ating paligid sa
puno ay hahantong sa pagkabulok. pamamagitan ng pag‐alis ng polusyong
galing sa hangin.
Tulungang lumaking malusog ang inyong punongkahoy:
Ang unang tatlong taon ay napakahalaga para sa inyong mga bagong Itaas ang halaga ng inyong bahay
punongkahoy. Sundin ang mga hakbang na ito upang makasigurong ang Pinatataas ng mga punongkahoy ang
inyong punongkahoy ay manatiling malusog at mabawasan ang darating na presyo ng inyong bahay mula 5 hanggang
gastos at mga problema. 20 bahagdan.
• Ang mga punongkahoy na bagong tanim ay nangangailangan ng Mas ligtas, mas tahimik na
tubig sa tag‐araw. Ang tubig ay dapat laging dinidilig nang marahan. kapaligiran
Minsan o dalawang beses bawa’t linggo, gumamit ng garden hose na Tumutulong ang mga puno na
mapahinahon at mapabagal ang takbo ng
naka‐set sa mabagal na tulo nang 30 minuto. Upang subukan ang
mga kotse at mabawasan ang ingay ng
tamang pagdilig, hukayin ang lupa ng 2 pulgada magmula sa balat ng trapiko sa ating mga purok. Ang mga lugar
lupa. Ang lupang ito ay dapat medyo basa, nguni’t hindi talagang basa. na napapaligiran ng punongkahoy at
luntiang halaman ay nakikitang
• Putulan ang mga bagong punongkahoy upang bumuo ng malakas na nagtataglay ng mas kaunting insidente ng
istraktura at upang tanggalin ang patay, sira, maysakit, nagkabagtas‐ krimen kung ikumpara sa mga katulad na
bagtas, at kumikiskis na mga sanga. Gagawin nitong mas ligtas at mas lugar na walang punongkahoy.
malusog ang inyong punongkahoy kapag ito’y mas matanda na. Ang
hindi mabuting paraan ng pagpuputol ay maaring lubhang
makakapinsala sa inyong punongkahoy, kaya pag‐isipang kumasundo
ng sertipikadong dalubhasa sa punongkahoy. Tingnan ang giya sa
pagpuputol ng Lungsod kung gusto ninyo itong subukan
(www.seattle.gov/transportation/pruningguides.htm). Ang mga grupo tulad ng Plant Amnesty at Seattle Tilth ay
nagbibigay ng mga pagsasanay sa pagputol.
• Magbaon lamang ng mga istaka sa may punongkahoy kapag ito’y kinakailangan upang itaguyod ang kanyang tayo.
Siguruhing ang mga istaka ay hindi kumikiskis sa katawan o mga sanga, nagiging dahilan ng mga sugat na
humahantong sa sakit at pagkamatay ng punongkahoy. Tanggalin ang mga istaka 1‐2 taon matapos ang pagtatanim.
Maari ninyong subukan kung ang mga istaka ay maaari nang tanggalin sa pamamagitan ng paghawak ng katawan ng
punongkahoy sa may bandang ibaba at marahang alugin ito. Kapag ang lupa sa paligid ng punongkahoy ay hindi
gumalaw, ang mga ugat ng punongkahoy ay matatag at ang mga istaka ay maari nang tanggalin. Maraming bagong
tanim na punongkahoy ang hindi nangangailangan ng istaka.
Ang magugulang na punongkahoy ay nangangailangan din ng alaga
Ang malalaki, magugulang na punongkahoy ay nagbibigay ng mas higit na benepisyo kaysa maliliit, mas bagong
punongkahoy.
• Huwag putulin ang tuktok ng punongkahoy! Ito ay magiging sanhi ng pagkawala ng tatag at kaligtasan ng
punongkahoy. Ang pagpuputol ng tuktok ay hindi uubra sa pagpapanatiling maliit ang inyong punongkahoy, at ang
pangangalaga nito ay magiging mas mahirap at magastos.
• Maaring ikuwadro ng punongkahoy ang inyong tanawin at nakakadagdag sa kanyang kagandahan. Ang matinding
pagpuputol ay magiging sanhi ng mabilis na pagtubo at paglago nito, at maaring ikamamatay ng punongkahoy sa
bandang huli.
Taluktukang sukat ng tulo
• Ang tubig ay mahalaga para sa lahat ng
punongkahoy kapag mainit. Kahit magugulang
na punongkahoy ay maaring mangangailangang
tubigan nang mabuti minsan o dalawang beses
sa isang buwan sa mainit na katigangan. Tubigan
ng marahan at kung saan ang mga ugat—hindi
sa katawan.
• Tanggalin ang mga nanlulusob na tanim. Ang
English ivy ay isang damong tumutubo paakyat
Ang Lalim sa
sa punongkahoy at maaring ikamamatay nito. talampakan
Tanggalin ang ivy o putulin ang ivy nang pabilog
sa palibot ng pundasyon ng punongkahoy.
• Pangalagaan ang ugat. Ang karamihan ng ugat
ng punongkahoy ay nasa loob ng pinakamataas
Maselang Sona ng Ugat
na dalawang talampakang kapal ng lupa, at sila
ay tumutubo nang higit sa kadulu‐duluhan ng mga sanga. Ang paghuhukay sa lawak
na ito ay maaring humantong sa pagkaputol ng ugat ng punongkahoy at ikamamatay
ng punongkahoy sa bandang huli.
Pangalagaan ang Inyong mga Punongkahoy
Pangalagaan ang inyong mga punongkahoy laban sa pinsala upang tulungan silang magtaglay ng mahaba, malusog na
buhay.
• Mag‐ingat sa paggamit ng mga panggapas ng damo at mga string trimmers.
• Huwag pumako ng anumang mga bagay sa mga punongkahoy.
• Huwag maglagay ng mabibigat na materyal at kagamitan sa ilalim ng mga punongkahoy.
• Huwag magtambak ng dayami o lupa na nakasanggi sa puno.
• Ang lahat ng materyales na ginamit sa pagtaguyod ng mga bagong punongkahoy ay kailangang alisin pagkaraan ng
unang 1‐2 taon.
• Huwag magtali ng alambre, pisi o anumang mga materyal palibot sa katawan o mga sanga ng punongkahoy.
Tumuklas ng mas maraming impormasyon sa www.seattle.gov/trees