You are on page 1of 4

PLANO SA

PAGKATUTO
Paaralan: Justice Eliezer Delos Santos NHS Baitang/Antas: Sampu

Guro: HANANI P. QUIAMBAO Markahan: Ikatlo


Petsa/Oras: Abril 12, 2023 Linggo: Sampu
Asignatura: ESP 10 Araw: Huwebes
DAILY LESSON PLAN
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagmamahal sa bayan.
Pangnilalaman (Patriyotismo)
B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang maipamalas ang
pagmamahal sa bayan (Patriyotismo)
C. Most Essential Learning Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal sa bayan.
Competencies (MELC’s) (Patriyotismo) EsP10PBIIIe-11.1
(Pinakamahalagang  Mailalarawan ang kahulugan ng pagmamahal sa bayan.
Kasanayang pampagkatuto)  Mailalahad ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan.
Natutukoy ang mga paglabag sa pagmamahal sa bayan (Patriyotismo)
na umiiral sa lipunan. EsP10PBIIIe-11.2
 Nailalahad ang mga gawaing nagpapakita ng paglabag sa pagmamahal
sa bayan.
II. NILALAMAN Pagmamahal sa Bayan
Ang Kahalagahan ng Pagmamahal sa Bayan
Mga Paglabag sa Pagsasabuhay ng Pagmamahal sa Bayan
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral,pp. 184-206
guro
2. Mga Pahina sa Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral,pp. 184-206
Kagamitang Pang-mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
B. Iba pang Kagamitang Mga larawan
Panturo https://bit.ly/30bWlUb
https://bit.ly/2Q7jXEZ
https://www.youtube.com/watch?v=9tg5wU1bQFIVideo Clip
https://www.youtube.com/watch?v=VpyX0YGrE9M
(453) TV Patrol: Sakop ng Anti-Jaywalking Law, pinalawak - YouTube
http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/New_Intermediate_Tagalog/
Readings/kabayan_articles/mgabayan/
batang_bayani_ng_payatasni_maril.htm
IV. PAMAMARAAN
a. Panimulang gawain: (Araling Panlipunan/ Filipino Integration)
Pangunahing Ginagawa Ngayong umaga magpapakita ako ng larawan ng mga bayani.
- Pagdarasal/Panalangin Gawain 1
-Pagbati sa mga mag-aaral. “HULA-RAWAN” – Unti-unting tanggalin ang kahon upang makita ang
-Pagbilang ng pumasok nakalawan
-Paghikayat

 Sino ang nasa larawan??


 Paano sila naging mga bayani? Paghambingin ang dalawang bayani.
 Sa kasalukuyan, paano kaya tayo maging bayani?
 (Paalalahanan ang mga mag-aaral na sa pagsagot ng katanungan
kailangan ang kumpletong pangungusap).
b. Paghahabi sa Layunin ng Gawain 2
aralin Ano ang nakalarawan?

 Ano ang nakikita natin sa mga larawan?


 Sa ganitong paraan ba ipinakikita ang pagmamahal sa bayan o ang
pagiging makabayan?
 Sapat ba itong paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan?
Bakit?
 Kailangan bang magbuwis ng buhay upang masabing mahal mo ang
iyong bayan?

Gawain 3: ALIN ANG NAIIBA? (PICTURE ANALYSIS)

Pagpatay pagwewelga pangongotong

Mag-aaral na umawit Pagtulong, pagmamahal, serbisyo sa kapwa


ng lupang hinirang.

Mga gabay na tanong:


1. Mayroon bang naiiba sa larawan?
2. Paano naiiba ang mga larawang ito?
3. Alin dito ang paglabag sa pagmamahal sa bayan at alin naman
ang nagpapakita ng pagmamahal sa bayan?
KITA KA NA… HULI KA!
Ngayon mayroon akong maikling Video na ipapakita sa inyo. Pagmasdang
mabuti ang mga video na ito. Tukuyin ang paglabag sa pagsasabuhay ng
c. Pag-uugnay ng mga pagmamahal sa bayan.
halimbawa sa bagong (Ang mga maikling video clip na ito ay makukuha sa You Tube)
aralin Video 1: Tungkol sa pangongotong
Video 2: Tungkol sa Jaywalking
 Ano ang nakita natin sa mga video?
 Nakikitaan ba ng pagmamahal sa bayan ang dalawang video na
ipinakita? Bakit?
 Kung kayo ang nasa video, paano ba dapat maipapakita ang
pagmamahal sa bayan?
I. ANG PAGMAMAHAL SA BAYAN
d. Pagtalakay ● Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat
gampanan ng bawat mamamayang bumubuo nito.
● Ito ay tinatawag din na patriyotismo sa salitang “pater” na ang
kahulugan ay “ama” na karaniwang iniuugnay sa salitang pinagmulan o
pinanggalingan.
● Ito ay pagmamahal sa bayang sinilangan.
● Maisasabuhay ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng
marubdob na paggawa sa trabahong pinili o ibinigay, pakikilahok sa
interes ng mayorya o kabutihang panlahat, pagsasawata sa mga kilos na
di makatarungan at hindi moral.
● Ang pagkakaiba ng patriyotismo at nasyonalismo:
a. Patriyotismo- isinasaalang-alang nito ang kalikasan ng tao kasama rito
ang pagkakaiba-iba sa wika, kultura at relihiyon na kung saan tuwiran
nitong binibigyang-kahulugan ang kabutihang panlahat.
b.Nasyonalismo- tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at
damdaming bumibigkis sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong
wika, kultura at mga kaugalian o tradisyon.

II. ANG KAHALAGAHAN NG PAGMAMAHAL SA BAYAN


1. Nakaugat ang pagkakalinlan sa bayan.
2. Nagiging daan upang makamit ang layunin.
3. Pinagbubuklod ang mga tao sa lipunan.
4. Naiingatan at napapahalagahan ang karapatan at dignidad ng tao.
5. Napahahalagahan ang kultura, paniniwala at pagkakakilanlan

III. PAGLABAG SA PAGMAMAHAL SA BAYAN NA UMIIRAL SA LIPUNAN


1. Paglabag sa batas na umiiral.
2. Pag-iwas o hindi pagbabayad ng buwis.
3. Pang-aabuso sa karapatan ng iba.
4. Pagbadalismo lalo sa pampublikong lugar.
5. Pagmamaliit sa produkto ng bansa.
6. Pag-iral ng negatibong ugali ng Pilipino katulad ng “ningas cogon”,
“Filipino time”, “bahala na”, “manana habit”, at “crab mentality”

IV. MGA AGKOP NA KILOS BILANG PAGPAPAMALAS NG PAGMAMAHAL


SA BAYAN
1. Pagpapayaman ng kaalaman, mag-aral nang mabuti.
2. Huwag magpapahuli, ang oras ay mahalaga.
3. Magkaroon ng disiplina sa pagpila at pumila nang maayos.
4. Pag-awit ng pambansang awit nang may paggalang at dignidad.
5. Maging totoo at tapat. Paggalang sa kapuwa.
6. Maging responsable sa paggamit ng pinagkukunan ng yaman.
7. Iwasan ang mga gawain at libangan na hindi kapaki-pakinabang.
8. Pagtangkilik sa sariling atin.
9. Pagpili ng tamang pinuno.
10.Pagdarasal para sa bansa at kapuwa-mamamayan.

c. Paglalapat ng aralin sa BATIIN ANG MABUTI! – BATANG BAYANI


pang-araw-araw ng buhay *Ipakita ang larawan ni Enteng: Batang bayani ng Payatas at ipakilala siya.
itinampok sa Reader's Digest Everyday Heroes. Kinilala siya bilang "The
Little Rescuer." Siya ang unang Pilipinong napasama sa Everyday Heroes.
*Babasahin ng guro ang mga katanungan at magninilay ang mga-mag-
aaral. Iku-kwento mo ang iyong sagot sa iyong katabi. 2minuto lamang.
1. Ano ba ang pinakamabigat na nagawa mo para sa bayan?
2. May pagkakataon ba, na naging inspirasyon ka sa iba upang gumawa ng
tama at mabuti?
 Sa mga katanungan, ano ang inyong reflection? Tatawag ang guro
tatlong mag-aaral na magbibigay ng kanilang maikling reflection.

Kawikaang Kayamanan
Galacia 6:9a - Kaya't huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti; pagdating
ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo magsasawa. Kaya nga, sa lahat
ng pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao,
d. Paglalahat ng Aralin THINK-PAIR-SHARE
Gagawa ng concept web, batay sa inyong natutunan, magbigay ng
gawaing nagpapakita ng pagmamahal sa bayan at mga paglabag sa
pagmamahal sa bayan/batay sa inyong karanasan sa pamamagitan ng.
(Tatawag ang guro ng mga mag-aaral upang mabuo ang concept web).

(Gamit ang nabuong concept web,babasahin ng guro ang mga kasagutan).


e. Pagtataya HASA-TASA
Maikling Pagsusulit – QUIzziz app – PAPER MODE
https://quizizz.com/admin/quiz/629e89971bdfe5001d30190b?
source=quiz_share
Pagbibigay sa panuto:”Tukuyin ang mga sumusunod kung ito ay mga
paglabag o pagmamahal sa bayan. Isulat ang PL kung paglabag at PM
kung pagmamahal.
1. Vote buying
2. Pagbibigay na naghihintay ng kapalit mula rito.
3. Unahin ang pagsunod sa utos ng mga magulang bago
pinagkakalibangan.
4. Pagbabayad ng nararapat na buwis
5. Makiisa sa kampanya ng pamahalaang na mabigyang
hustisya ang mga nabiktima ng EJK o extra judicial killing.
Mula sa awiting “Akoy’ Isang Mabuting Pilipino”,pumili sa mga liriko ng
e. Takdang-aralin: awit na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan na ginagawa mo na at
pinapangakong gagawin sa hinaharap bilang patunay na minamahal mo
ang bayan mo. Isulat sa kwaderno.
 Ipapadala ng guro ang link ng kopya ng awit sa inyong GC.
V. MGA TALA

VI. Pagninilay:
A.Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B.Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa
remediation
C.Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin
D.Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
E.Alin sa mga estratehiya ng pagtuturo ang nakatulong nang lubos? Paano
ito nakatulong?
F.Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ng aking
punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking naidibuho na nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?

Inihanda ni: Binigyang-pansin ni: Sinang-ayunan ni:

Hanani P. Quiambao Bb. Rachel Galoso Edelina I. Golloso


Guro l ESP Coordinator Punongguro III

You might also like