You are on page 1of 8

REGION IV – A CALABARZON

CITY SCHOOLS DIVISION OF TANAUAN


MALAKING PULO NATIONAL HIGH SCHOOL
MALAKING PULO, TANAUAN CITY
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
IKAAPAT NA MARKAHAN

MODYUL 2 – MGA MAHALAGANG HAKBANG UPANG MAPAUNLAD ANG TALENTO AT KAKAYAHAN AYON
SA HILIG AT MITHIIN

TUKLASIN
Ang anim na pansariling salik sa pagpili ng track o kurso ay ilan lamang na gabay tungo sa iyong
maayos na pagpili patungo sa maunlad na hanapbuhay na nag-aantay sa iyo sa pagtatapos mo sa Senior High
School. Kaya, ngayon pa lamang mula sa iyong kakayahang mag-isip (intellect) at kalayaan ng kilos-loob
(freewill) ay gamitin ito tungo sa tama at wastong pagpili o pagpapasya. Ang nakalulungkot dito ay hindi mo
man lang masabi o maipahayag ang iyong tunay na pasiya o nais na kukuning track o kurso dahil may gusto
ang iyong mga magulang para sa iyo. Maaring hindi pa matatag ang iyong loob na ito ay sabihin at ipaliwanag.
Hindi pa huli para sa iyo na magpasiya para sa sarili at maging maligaya sa pinili mo ang iyong loob na ito ay
sabihin at ipaliwanag. Hindi pa huli para sa iyo na magpasiya para sa sarili at maging maligaya sa pinili mo.

SURIIN
Kaya sa modyul na ito ay palalawakin natin ang iyong pang-unawa sa mga pansariling salik sa pagpili
ng tamang track o kursong akademiko, teknikal bokasyunal, sining at desenyo at isports.

1. Talento – isang pambihrang biyaya at likas na kakayahang kailangang tuklasin dahil ito ang magsisilbi mong
batayan sa pagpili ng track o kursong akademiko, o teknikal bokasyunal, negosyo o hanapbuhay sa iyong
pagtatapos ng Junior High School.
Tulad ng:
1. Visual/Spatial 5. Musical/Rhythmic
2. Verbal/linguistics 6. Intrapersonal
3. Mathematical/Logical 7. Interpersonal
4. Bodily Kinesthetic 8. Existential

2. Kasanayan o Skills – ay mga bagay kung saan tayo mahusay o magaling, na naiiugnay ito sa salitang
abilidad, kakayahan o kahusayan.
Tulad ng;
a. Kasanayan sa pakikiharap sa mga tao (People Skills)- magiliw na naglilingkod sa kapwa.
b. Kasanayan sa mga datos (Data Skills)- magaling magtago ng mga piles/dokumento
c. Kasanayan sa mga bagay-bagay (Things Skills)- nagpapaandar ng mga makina, nag-aayos ng mga
kagamitan, nakaunawa at umaayos sa mga pisikal, kemikal at biyolohikong mga functions.
d. Kasanayan sa Ideya at Solusyon (Ideas Skills)- lumulutas ng mga mahihirap at teknikal na bagay at
nagpapahayag ng mga saloobin at damdamin sa malikhaing paraan.
3. Hilig – nasasalamin ito sa mga paboritong Gawain na nagpapasya sa iyo dahil gusto mo at buo ang iyong
puso na ibigay ang lahat ng makakaya ng hindi makaramdam ng pagod o pagkabagot. Salungat dito ang mga
Gawain o bagay na ayaw mong gawin.
Hinati ng sikolohistang si John Holland sa anim ang mga Jobs/career/work environment, ito ay:
a. Realistic – Nasisiyahan sa pagbuo ng mga bagay gamit ang malikhaing kamay o gamit ang mga kasangkapan
kaysa makihalubilo sa mga tao at makipagpalitan ng opinion. Matapang, praktikal at mahilig sa mga
gawaing outdoor .
b. Investigative – Nakatuon sa mga gawaing pang-agham, gusting magtrabaho ng mag-isa kaysa may
kasamang iba. Mayaman sa ideya at malikhain sa kakayahang pang-agham. Sila ay mapanaliksik, mapanuri,
malalim, matalino at task oriented.
c. Artistic – Malaya, malikhain at mataas ang imahinasyon at may malawak na isipan. Nais nila ang mga
gawaing may kaugnayan sa wika, sining, musika, pag-arte at iba pa.
d. Social – Palakaibigan, popular at responsible. Gusto nila ang interaksiyon at pinaliligiran ng mga tao.
Madalas mas interesado sila sa mga talakayan ng mga problema o sitwasyon ng iba at mga katulad na gawain.
e. Enterprising – Mapanghikayat, mahusay mangumbinsi ng iba para sa pagkamit ng inaasahan o target goals.
Ang mga taong may mataas na interes dito ay madalas na masigla, nangunguna at may pagkukusa at
kung minsan ay madaling mawalan ng pagtitimpi at pasensya.
f. Conventional – naghahanap ng mga panununtunan at direksiyon; kumikilos ayon sa tiyak na inaasahan sa
kanila. Mailalarawan sila bilang matiyaga, mapanagutan at mahinahon. Masaya sila sa mga gawaing
tiyak, may sistemang sinusunod, maayos ang mga datos at organosado ang record.

4. Pagpapahalaga – ay nagpapamalas ng pagsisikap na abutin ang mga ninanais sa buhay at makapaglingkod


ng may pagmamahal sa bayan bilang pakikibahagi sa pag-unlad n gating ekonomiya.

5. Mithiin – Kailangang magkaroon ng matibay na personal na pahayag ng misyon sa buhay para makamit
ang minimithi. Di lang dapat umiiral sa iyo ang hangaring magkaroon ng mga materyal na bagay at
kaginhawaan sa buhay, kailangan ay isipin rin ang pakikibahagi para sa kabutihang panlahat.

Sa pagpili ng Track o Kurso para sa Baitang -11 dapat isalang-alang ang mga sumusunod:
1. Ang magkaroon ng makabuluhang hanapbuhay o maiangat ang antas ng buhay.
2. Tataglayin mo ang katangian ng isang produktibong maggagawa.
3. Kung masisiguro ang pagiging produktibo sa iyong mga Gawain, ikaw rin ay nakikibahagi sa pag-uunlad ng
ekonomiya ng bansa.

Sa pagsusuri ng maigi at pagbabalanse ng kahalagahan at epekto sa iyo ng mga pansarili at panlabas


na salik ay higit na makapagbibigay ng tamang pasya na makatutulong upang maging produktibo bilang isang
mamamayan.

MODYUL 3 – ANG TAMANG PAGPILI NG TRACK O KURSO: MAKATULONG SA PAG-UNLAD NG EKONOMIYA

TUKLASIN
Ngayong nasa Baitang 9 ka na, may kakayahan ka nang mag-isip at may malayang kilos-loob na gabay
mo sa paggawa ng mabuti. Ang iyong isip ay may kakayahang alamin at tuklasin ang anumang bagay na
naisin. Dahil dito, sa pagkakataon na ikaw ay magpapasiya at may panahong nalilito sa pagpili ng anumang
bagay o solusyon, nararapat na iwasan ang mabilisan at di pinag-isipang kilos.
Mahalagang maglaan ng oras sa pag-iisip bago mamili, dahil ito ang tutulong sa iyo na makita ang
kabuuan at ang iba’t ibang anggulo ng sitwasyon. Mas maraming kaalaman sa mga bagay at sitwasyon, mas
malinaw itong makikita. Mas malaki ang panahon at oras sa pag-iisip ng solusyon, mas malaki rin ang
pagkakataon na maging tugma at angkop ito sa mga bagay na pinili o ninanais. Malaya kang lumapit sa mga
taong pinagkakatiwalaan at makapagbibigay sa iyo ng mabuting payo. Hindi ito maiaalis sa iyo dahil sila ang
mga taong matatakbuhan natin sa oras na kailangan natin ng tulong. Sila ang may malaking impluwensiya sa
ating pagkatao. Bagaman ikaw ay may malayang isip at kilos-loob, hindi pa rin ito sa lahat ng oras ay maaaring
pagbatayan. Kailangan natin ang mga taong nakapaligid sa atin upang matulungan tayong magtimbang,
magsuri ng mga bagay-bagay, at maggabay tungo sa tamang pagpapasiya.
Gamit ang kilos-loob, nakapipili tayo sa mga pagpipilian – mabuti man ito o masama. Kaya nga, ang
kalayaan ay hindi lamang para gawin ang sariling gusto dahil nagiging daan ito upang ikaw ay magkamali sa
pasiya o pagpili. Maipapayo na suriing mabuti ang mga plano sa buhay upang maging batayan sa maayos na
tatahaking karera. Ang isang kabataan na nais ng kalayaan at nais na maging malaya ay kailangan na maikintal
sa isip ang kanyang kapangyarihan na gamitin sa tama at mabuti ang kanyang pagpili. Ang isip ay siyang may
kakayahang maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alala at umunawa ng kahulugan ng mga bagay.Kung
kaya maglaan ng sapat na panahon o oras bago ito gawin upang magiging handa sa anumang resulta ng iyong
pasiya. ang kilos-loob naman, dahil sa kamalayan at kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga bagay
na umiiral ay nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon.
Kaugnay nito, ang pagiging inbidwal ng tao na nilikha upang makipagkapuwa at makibahagi sa buhay-sa-
mundo (life world), at itong buhay sa mundo ay nabubuo naman sa pagkomunikasyon ng kaniyang mga
kasapi. Nahuhubog lamang ng tao ang kanyang pagkakakilanlan sa pakikibahagi sa kaniyang pakikipag-
ugnayan sa kapuwa. Ito ay pananaw na etikal sapagkat may kinalaman ito sa magandang buhay para sa akin,
para sa atin at sa ating lipunan (Good life for me for us in community) at moral dahil ibinibigay nito kung ano
ang mabuti para sa lahat (what is just for all). Nakita mo na, napakahalaga ng iyong bahagi sa iyong sarili,
kapuwa, at sa lipunan. Ikaw ang bumubuo sa pangkalahatan.
Ang isang kabataan na nais ng kalayaan ay kailangan na maikintal sa isip ang kaniyang kapangyarihan
na gamitin sa tama at mabuti ang kanyang pagpili.
Sa yugtong kinalalagyan mo ngayon, mainam na matutuhan mo na ang buhay ay binubuo ng
maraming pagpipilian. Lahat ng mga bagay sa mundo ay dapat na pag-isipang mabuti. Kahit ang taong ayaw
pumili o magpasiya, makialam sa isang bagay o sitwasyon ay pumili pa rin sa isang aksyon o kilos: ang hindi
pagpili o hindi pakikialam. Dahil ang tao ay Malaya at may kakayahang pumili, siya ay inaasahang maging
mapanagutan sa piniling pasiya at maging masaya para dito.

MODYUL 4 – MGA HAKBANG SA PAGHAHANDA SA PAGPILI NG KURSO/TRACK SA SENIOR HIGH SCHOOL

TUKLASIN

Hinati ng Sikolohistang si John Holland sa anim ang mga Jobs/ Careers/ Work environments, ito ay
ang mga sumusunod: Realistic, Investigative, Artistic, Social, Enterprising at Conventional. Hindi lamang nasa
iisang kategorya ang hilig o interes ng isang tao, maaari siyang magtaglay ng tatlong kombinasyon.
Halimbawa, maaring tatlo ang kombinasyon ng kanyang trabaho gaya ng ESA (Enterprising, Social at Artistic)
o di kaya naman ISC (Investigative, Social at Conventional) o anumang dalawa o tatlo sa iba’t ibang
kombinasyon.Kung ang linya ng ating interes ay nakapaloob sa ESA (Enterprising, social at Artistic), ikaw ay
malalagay sa linya na ang mga trabaho ay may kaugnayandin sa ESA.
MODYUL 5 – ANG KAHALAGAHAN NG PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Ano ang misyon?
Ang misyon ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa
kaganapan. Para sa iba ito ay pagtupad sa isang trabaho o tungkulin nang buong husay, na may
kasamang kasipagan at pagpupunyagi.
Lahat ng tao ay may nakatakdang misyon sa buhay. At dahil iba-iba ang tao, iba-iba rin ang
kanilang misyon. Maaaring isagawa ang misyong ito sa pamilya, kapuwa, paaralan, simbahan,
lipunan o sa trabaho o gawain na iyong ginagawa. Kung kaya’t mahalaga na ngayon pa lamang ay
makabuo ka ng iyong personal na misyon sa buhay upang mula dito ay makita mo o masalamin kung
saan ka patungo.

Ano ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?


• Personal na kredo/ motto kung paano mo nais dumaloy ang iyong buhay
• Batayan sa iyong mga pasya araw-araw
• Magandang paraan upang higit na makilala ang sarili
• Pundasyon sa pagkakaroon ng sariling kamalayan at mataas na pagpapahalaga sa mga layunin sa buhay.
• Nangangailangan ng panahon, inspirasyon at pagbabalik-tanaw upang mabuo ito

Bakit mahalaga ang pagtatakda ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?


1. Ito ay nakakabuo ng pagkakakilanlan sa sarili (self-awareness). Ang pagtatakda ng Personal na Pahayag
ng Misyon sa Buhay ay nagpapalawig ng kaalaman at pag-unawa sa sariling ugali, damdamin motibo at
naisin na daan upang higit na makilala ang sarili.
2. Ito ay nagpapabago ng takbo/daloy ng iyong karera. Ang pagkakaroon ng Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay ay magbibigay daan upang makita ang trabaho bilang makatuturan at kasiya-siya.
3. Ito ay nakatutulong sa pagkakaroon ng tuon ng tao sa makabuluhang mga bagay. Ang Personal na
Pahayag ng Misyon sa Buhay ay nagbibigay gabay sa tao kung ano ang dapat bigyang pansin sa mga aspeto
ng buhay niya. Ito ay nagbibigay-daan upang gawin ang mga tamang gawain sa tamang oras.
4. Ito ay nagiging katuwang sa paglikha ng mga desisyon sa buhay. Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay ang nagiging gabay ng tao sa kanyang pagbuo ng mga desisyons.
5. Ito ay nagtutulak sa tao upang maging mapanagutan sa kanyang kilos.
Sa pagtatakda ng tao ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay nagkakaroon siya ng sariling
pagsusuri at pagtitimbang ng kanyang mga aksyon at desisyon; kung ito ba ay makakabuti o makakasama sa
sarili at kapwa.
Dahil mahalaga ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay, ayon kay Stephen Covey ay nagkakaroon ng
kapangyarihan ang misyon natin sa buhay kung ito ay:
1. Mayroong koneksyon sa kaloob-looban ng sarili upang mailabas ang kahulugan niya bilang isang tao.
2. Nagagamit nang tama at mabuti at naibabahagi nang may kahusayan ang sarili bilang natatanging nilikha.
3. Nagagampanan nang may balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho, komunidad at sa iba pang dapat
gampanan.
4. Isinulat upang magsilbing inspirasyon, hindi upang ipagyabang sa iba.

MODYUL 6 – MGA HAKBANG SA PAGBUO NG PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY

MGA HAKBANG SA PAGBUO NG PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY


Ang MISYON ay hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan. Narito
ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag sa Misyon sa Buhay:
1. Suriin ang iyong sarili. Simulan mo ang paggawa ng iyong personal na misyon sa pamamagitan ng pagtala
ng mga bagay ukol sa iyong sarili, katulad ng iyong ugali, katangian, hilig, talento at kakayahan Halimbawa:
Nilista ni Rose sa kanyang kwaderno ang kanyang pagtataya sa kanyang sarili. Inilista niya ang kanyang mga
maganda at hindi magandang ugali o katangian. Tinukoy niya rin ang kanyang mga hilig, talento at mga
kakayahan.
2. Tukuyin ang iyong mga pinapahalagahan. Simulan ito sa pag-alam kung ano ang gusto mong maging sa
hinaharap. Kailangang maging maliwanag kung saan nakabatay ang iyong pinapahalagahan. Kung saan (tao
o bagay) nakatuon ang iyong lakas, oras at panahon. Halimbawa: Gusto ni Ryan maging isang maunlad na tao
sa hinaharap na may ambisyong makatulong sa kanyang kapwa. Sa kasalukuyan ay abala si Jeffrey sa pagsama
sa mga organisasyon sa kanilang paaralan na nagsasagawa ng mga charity events katulad ng mga feeding
programs at iba pang gawaing ukol sa pagtulong sa iba.
3. Sumangguni sa iba. Mahalagang maitanong sa ibang tao katulad ng iyong pamilya at mga kaibigan
patungkol sa kanilang nakikitang patungkol sa’yo. Dito mo malalaman kung ang iyong sariling pagtataya at
maging mga layunin sa buhay ay nasasalamin rin sa ibang tao. Halimbawa: Tinanong ni Camille ang kanyang
mga magulang at kaibigan ukol sa nakikita nilang mga kalakasan, kahinaan at mgaing mga talento at mga
kakayahan sa kanya.
4. Tipunin ang mga impormasyon. Sa impormasyon na iyong makukuha, simulant ng bumuo ng listahan ng
mga sariling layunin o muthiin sa buhay na siyang nakapaloob sa Personal na Misyon sa Buhay. Laging isaisip na ang
layunin ng paggawa ng personal na misyon sa buhay ay mayroong malaking magagawa sa kabuuan ng iyong
pagkatao. Halimbawa: Sinimulan nang isulat ni Gerald ang kanyang mga tiyak na mga layunin at mithiin sa
buhay.

MGA HADLANG SA PAGGANAP NG PERSONAL NA MISYON SA BUHAY


Napakahalaga na malaman mo kung ano ang mga hadlang sa pagganap ng mga mithiin sa buhay. Narito ang
limang hadlang:
1. Maraming pinagkakaabalahan. Hindi tayo magtataka na iyong may alam at pokus kung anong mithi nila
sa buhay ay may mararating. Kapag palaging abala at maraming ginagawa na siyang dahilan ng madaliang
pagpapasya ay hindi magiging matagumpay sa buhay. “Ruthlessly eliminate hurry from your life.” Ito ang payo
ni John Ortberg.
2. Panggagaya. Nakapagtataka na may mga taong gumagaya kung anong nakita nila sa iba.
Naiimpluwensiyahan sa kung anong nakaugalian o gusto ng pamilya, ginagaya kung ano ang naririnig nila sa
iba. Gumagawa ng pool kasi ang kapitbahay nila ay mayroong pool. Dapat sa pagpapasya ay suriin mo muna
ang iyong sarili, tukuyin mo kung ano ba ang mithiin mo sa buhay at manalangin sa Diyos upang ikaw ay
gabayan sa iyong mga pasya.
3. Takot. Nakakatakot na mangarap ng mataas. Kahit na anong pangarap ay makakamtan kung ikaw mismo
ay pursigido. Kung sakaling ikaw ay takot na mabigo, hindi mo maabot ang kaganapan sa iyong minimithi.
Kaya huwag kang matakot mabigo.
4. Abala sa ibang mga bagay. Maraming pinagkakaabalahan, nakaligtaang gawin o bigyan ng pansin ang mga
bagay na dapat isaalang-alang tungo sa minimithi sa buhay.
5. Kayabangan at pagiging makasarili. Alamin mo kung ano ba ang maaaring asahan mula sa pamilya,
kaibigan, katrabaho o asawa sa anumang gawin mong pagpapasya. Ang mahalaga ay sigurado ka sa nabuo
mong pasya pagkatapos mong suriin ang iyong sarili at matukoy ang minimithi di lamang para sa iyong sarili
kundi sa iyong kapwa.

MGA PARAAN SA PAGHAWI NG MGA HADLANG SA PAG-ABOT NG MITHI SA BUHAY


1. Suriin kung ano ba ang mga hadlang na kakaharapin mo sa pagbuo ng pasya.
2. Pag-aaralang mabuti ang mga kakaharaping balakid sa iyong pagpapasya.
3. Humingi ng payo sa iyong magulang o mga taong may mga narating na sa buhay.
4. Huwag madaliin. Mag-umpisa sa pinakamababa.
5. Palaging isipin BAKIT mo gagawin itong mabuting pagpapasya.
6. Ipagdiwang ang mga nakamtan mo gaano man ito ka liit.
7. Dapat maligaya ka sa iyong paglalakbay tungo sa pagkamit ng iyong minimithi sa buhay.

Sa paggawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay kailangang isaalangalang ang kraytiryang


SMART, ibig sabihin, Specific, Measurable, Attainable, Relevant, Time Bound. Ito ay mahalaga upang maging
kongkreto sa iyo ang iyong tatahakin sa iyong buhay.

Tiyak (Specific). Kailangan ang lahat ng isusulat mo dito ay ispisipiko. Kung kaya’t mahalaga na ikaw ay
magnilay upang makita mo ang nais mong tahakin. Hindi makatutulong sa iyo kung pabago-bago ka ng iyong
nais. Kailangan mong siguraduhin ang iyong gagawin. Halimbawa; Si Nena ay mahilig mag bake at magluto.
Nasa isip at puso niya na kumuha ng kursong Culinary Arts pagdating ng kolehiyo.

Nasusukat (Measurable). Nasusukat mo ba ang iyong kakayahan? Kailangan na ang isusulat mo sa iyong
personal na pahayag ng misyon ay kaya mong gawin at isakatuparan. Dapat mo rin na pagnilayang mabuti
kung ito ba ay tumutugma sa iyong mga kakayanan bilang isang tao sapagkat kung hindi ay hindi mo rin ito
mabibigyan ng katuparan. Halimbawa; sa ipinapakitang galing ni Nena sa pagbi bake ng cake at pagluluto ng
iba’t ibang putahe, marapat lamang na kukuha siya ng kursong nababagay sa kanyang galing at kaya niyang
gawin. Di pwedeng kumuha ng kurso na hindi angkop sa kanyang kakayahan.

Naaabot (Attainable). Kailangan na itanong mo sa iyong sarili na ang personal na pahayag ng misyon ko ba
sa buhay ay makatotohanan? Ito ba ay kaya kong abutin o kaya ko ba itong gawin? Ito ba ay mapanghamon?
Halimbawa; Kahit ano man ang mga kahaharaping pagsubok ni Nena sa kanyang kinuhang kurso ay
mapagtagumpayan niya ito dahil gusto niya ang kanyang ginagawa.

Angkop (Relevant). Ito ba ay angkop para makatugon sa pangangailangan ng iyong kapuwa? Isa ito sa
kinakailangan mong tingnan at suriin. Dito ay kailangan na ituon mo ang iyong isip na ang buhay ay kailangan
na ibahagi sa iba. Halimbawa; Nakagisnan na ni Liza ang hilig ng nanay niyang gumawa ng cookies para sa
mga matatanda na nasa Home for the Aged. Kaya naikintal na sa isip at puso ni Liza ang pagtulong sa kapwa.

Nasusukat ng Panahon (Time Bound). Kailangan na magbigay ka ng takdang panahon o oras kung kailan mo
maisasakatuparan ang iyong isinulat. Ito ang magsasabi kung ang personal na pahayag ng misyon sa buhay
ay iyong nagawa o hindi. Kailangan rin na itakda ito kung pangmatagalan o pangmadalian lamang upang
maging gabay mo ito sa iyong mga pagpaplano at pagpapasiyang gagawin. Halimbawa; Si Mon ay naatasang
gumawa ng research tungkol sa “New Normal Education” at kailangang maisumite ito bago sa takdang oras.
Kaya naglaan siya ng panahon upang magawa niya ito ng matiwasay.

You might also like