You are on page 1of 5

SALVACION NATIONAL HIGH SCHOOL

Busuanga, Palawan

PANAHUNANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN Grade- 7


Ikatlong Markahan

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin ang wastong sagot at itiman ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa prinsipyong pang-ekonomiya na ang batayan ng yaman at kapangyarihan ng isang bansa ay ayon
sa dami ng ginto at pilak?
A. Kapitalismo B. Merkantilismo C. Komunismo D. Sosyalismo

2. Ang kolonyalismo at Imperyalismong Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya (Ika - 16 hanggang 17 Siglo)
Kung iyong susuriin, alin sa mga pangyayaring ito ang HINDI maituturing na dahilan ng pagkakaroon ng unang yugto
ng imperyalismo at kolonyalismong Kanluranin?
A. Ang kaisipan na nagsusulong na ang kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa dami ng reserbang ginto at
pilak. B. Ang pagbagsak ng Constantinople sa kamay ng mga Turkong Ottoman.
C. Ang pagkakaroon ng maayos at sentralisadong pamahalaan.
D. Ang pagbabalik-interes sa kaalamang klasikal ng Greece at Rome.

3. Maraming pangyayari ang nagbigay daan sa pagpasok ng mga Kanluranin sa Asya. Alin sa mga sumusunod ang
maituturing na dahilan ng panghihimasok ng mga Kanluranin noong ika-16 hanggang 17 siglo?
A. Ang pagkontrol ng mga Turkong Muslim sa mga rutang pangkalakalan sa pagitan ng Asya at Europa.
B. Ang impluwensiya ng mga Kanluranin sa kultura, pilosopiya at paniniwala ng mga Asyano.
C. Ang panghihimasok sa kultura, kaugalian at tradisyon ng mga katutubong Asyano.
D. Ang pagkakaroon ng mga Asyanong mangangalakal o middlemen.

4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng epekto ng imperyalismo at kolonyalismong Kanluranin?
A. Ang pag-usbong ng damdaming makabayan o nasyonalismo.
B. Ang pagkontrol ng mga Turkong Muslim sa mga rutang pangkalakalan.
C. Ang pag-iral ng sistemang Merkantilismo sa Europa.
D. Ang paghahangad sa mga pampalasa.

5. Ang pagbagsak ng Constantinople sa kamay ng mga Turkong Muslim ay nagkaroon ng malaking epekto sa mga
Europeo. Alin sa mga sumusunod ang naging resulta ng pagbagsak ng Constantinople?
A. Naging monopolyo ng mga Italyano ang pakikipagkalakalan sa Europa.
B. Naging higit na mas mahirap ang paglalakbay ng mga kanluranin sa Asya.
C. Nagbigay daan sa larangan ng komersyo at gawaing pang-ekonomiya.
D. Mas maraming kalakal ang nadala ng mga Kanluranin sa Europa.

6. Alin sa mga sumusunod na epekto ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin ang napapaloob sa aspetong
pang-ekonomiya?
A. Ang pag-usbong mga Asyanong mangangalakal o middlemen.
B. Ang pag-usbong ng diwang nasyonalismo o pagiging makabayan.
C. Ang pagtatatag ng maayos at sentralisadong pamahalaan.
D. Ang paghahalo ng lahi ng mga katutubo at Kanluranin.

7. Ang pag-usbong ng Renaissance ay isa sa naging dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na magtungo sa Asya.
Alin sa mga sumusunod ang naging epekto ng pagkakaroon ng Renaissance?
A. Ito ang nagbukas ng daan sa pagbabago sa larangan ng kalakalan at negosyo at nagbigay daan sa rebolusyong
komersiyal.
B. Ito ang naging daan upang mamangha at mahikayat na makipagsapalaran sa Asya ang mga Kanluranin.
C. Ito ang naging daan upang makilala ng mga Kanluranin ang likas na yaman ng Asya.
D. Ito ang naging daan sa paghahanap ng panibagong ruta ng mga Kanluranin.
8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng epekto ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin sa
aspetong pampulitikal?
A. Ang pagyakap sa relihiyong Kristiyanismo.
B. Ang paghahalo ng lahi ng Kanluranin at Katutubo.
C. Ang pagpapatayo ng mga paaralan, ospital at simbahan.
D. Ang pagtatatag ng maayos at sentralisadong pamahalaan.

9. Marami ang naging epekto ng pagkakaroon ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin. Alin sa mga
sumusunod na epekto ng pananakop ang nagpapakita ng impluwensiyang Kanluranin sa kultura ng mg Asyano?
A. Ang pagkakaroon ng impluwensiyang Kanluranin sa pamumuhay ng mga Asyano.
B. Ang pagkakaroon ng mga fixed border o hanggan ng teritoryo ng bawat bansa.
C. Ang pagsulpot ng mga kolonyal na lungsod sa iba’t ibang bahagi ng Asya.
D. Ang pagtutustos ng mga hilaw na materyales sa mga Kanluranin.

10. Bilang isang Asyano, ano ang iyong saloobin tungkol sa imperyalismo at kolonyalismong Kanluranin?
A. Ang imperyalismo at Kolonyalismong Kanluranin ay nagdulot ng mabuti at di – mabuting epekto sa mga Asyano
sa iba’t ibang aspeto.
B. Ang imperyalismo at Kolonyalismong Kanluranin ay nagdulot ng kahirapan, kagutuman at pagdurusa sa mga
Asyano. C. Ang imperyalismo at kolonyalismong Kanluranin ay nagbukas ng pagkakataon sa mga Asyano na
makilala sa daigdig. D. Ang imperyalismo at Kolonyalismong Kanluranin ay nagdulot ng kabutihan sa pamumuhay ng
mga Asyano.

11. Paniniwalang Hindu na kung saan ito ay ang kawalan ng karahasan o non- violence.
A. Ahimsa B. Female Infanticide C. Nasyonalismo D. Zionism

12. Isang tradisyong Hindu na kung saan ito ay ang pagpatay sa mga batang babae na ipinatigil ng mga British sa
India.
A. Ahimsa B. Female Infanticide C. Nasyonalismo D. Zionism

13. Nangunang lider nasyonalista sa India. Siya ang nagpakita ng mapayapang paraan sa paghingi ng kalayaan o Non
Violence / Ahimsa.
A. German Nazi B. Ingles C. Israelite D. Mahatma

14. Sila ay naghari o sumakop sa Kanlurang Asya na nagpatagal sa pagsakop ng Kanlurang Bansa.
A. German Nazi B. Israelite C. Mahatma D. Ottoman Empire

15. Ito ang pag-uwi sa Palestine ng mga Jew mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.
A. Ahimsa B. Female Infanticide C. Nasyonalismo D. Zionism

16. Ito ay sistematiko at malawakang pagpatay ng mga German Nazi sa mga Jew o Israelite.
A. Female Infanticide B. Holocaust C. Mahatma D. Ottoman Empire

17. Ano ang konseptong Nasyonalismo?


A. Pagbabahagi ng kaalaman sa kapwa tao. C. Pagpapakita ng masidhing pagmamahal sa bansa.
B. Pagpapakita ng respeto sa mga nakatatanda. D. Pagpapaunlad sa mga kasanayan upang maibahagi sa kapwa.

18. Sa pakikipagsapalaran nakamtan ng India ang kalayaan sa kamay ng mga Ingles. Anong uri ng nasyonalismo ang
isinagawa ni Gandhi laban sa pananakop ng Great Britain?
A. Mapagtanggol na Nasyonalismo C. Mapayapang nasyonalismo
B .Mapusok na Nasyonalismo D. Radikal na Nasyonalismo

19. Kilala si Gandhi sa kaniyang matahimik at mapayapang pamamaraan o non-violent means na pamamaraan sa
pagkamit ng nasyonalismo laban sa mga Ingles. Hinimok niya na iboykot ang lahat ng produktong Ingles at anumang
kaugnayan sa mga ito. Sa iyong palagay, tama pa ang ginamit niyang pamamaraan sa pagtamo ng nasyonalismo laban
sa mga Ingles?
A. Hindi po, sapangkat lalong magagalit sa kanila ang mga Ingles.
B. Hindi po, sapangkat mawawalan ng mas nasanay na ang ibang India sa pagtatangkilik ng produkto ng ng Ingles.
C. Opo, sapangkat walang nasaktan at naiwasan ang pagkakitil ng buhay ng mga Indian.
D. Opo, sapangkat sa kanyang ginamit na pamamaraan ay natulangan at naiangat mismo ng mga India ang kanilang
kalakalan dahil sa pagbili ng sariling produkto.
20. Bilang isang kabataan sa kasalukuyang panahon, paano mo ipakikita ang pagmamahal at pagtatanggol sa iyong
bansa?
I. Pagpapatuloy ng mga magagandang adhikain ng aking bansa.
II. Pagiging mabuting mamamayan ng bansa at sumusunod sa batas.
III. Pagsisikap na makatugon sa mga hamon ng pagbabago sa bansa.
IV. Pagiging modelo ng kabataaang Pilipino at may takot sa Diyos.

A. I, II, III B. II, III, IV C. I, II, III, IV D. I, II, IV

21. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Nahati sa dalawang pangkat ang India.
B. Nagkaroon ng Cold war na kinasangkutan ng US kontra sa Russia.
C. Nagkaroon ng kasunduan na nagsasaad na lilisani ng Russia at Great Britain ang basing Iran.
D. Nagdulot ng malawakang pagkasira ng mga pamayanan, ari-arian, pagkamatay ng maraming Iranian at nagdulot ng
kagutuman.

22. Kung ang mga bansang Germany, Austria-Hungary ang bumubuo sa Central Powers, anong mga bansa naman ang
bumubuo sa Allies?
A. France at England C. Russia, England at France
B. Great Britain at France D. Russia, England at Italy

23. Ano ang kasunduan na naging hudyat sa pormal na pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Treaty of France C. Treaty of Paris
B. Treaty of Tordesillas D. Treaty of Versailles

24. Ang Timog Asya ay agad na naipakita ang nasyonalismo laban sa mga nangongolonyang bansa samantalang ang
Kanlurang Asya ay hindi agad naipamalas. Alin ang naging pangunahing dahilan ng mga taga Kanlurang Asya sa
usaping ito?
A. Dahil walang sapat na armas ang mga bansa sa Kanlurang Asya.
B. Dahil karamihan ng bansang Kanlurang Asya ay hawak ng Imperyong Ottoman.
C. Dahil umaasa lang sa tulong ng Imperyong Ottoman ang mga bansa sa kanlurang Asya.
D. Dahil natatakot ang ilang bansa sa Kanlurang Asya sa maaring maging resulta ng kanilang pag-aalsa.

25. Ailn sa mga sumusunod ang kasunduang nagsasaad na kapwa lilisanin ng Russia at Great Britain ang bansang Iran
upang makapagsarili at maging malaya?
A. France Conference C. Iraq Conference
B. Iran Conference D. Tehran Conference

26. Alin sa mga sumusunod ang dagliang dahilan ng pagkakaroon ng Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Ang pagkakahati ng India sa dalawang pangkat.
B. Ang pagkakapatay kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria.
C. Ang hindi pagsunod ng Russia sa kasunduang Tehran conference.
D. Ang pagkakaroon ng di magkakaunawaan ng bansang United State at Russia.

27. Sa India, pansamantalang isinantabi ng mga Muslim at Hindu ang hindi pagkakasundo dahil kapwa nila hinangad
na mabigyan sila ng karapatang mamahala sa kani-kanilang sarili. Ano ang naging bunga ng kanilang pagkakasundo
sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Kapwa nila naipagtanggol ang bansang India.
B. Nagpaubaya ang mga Muslim na makontrol ng mga Hindu.
C. Nagpaubaya ang mga Hindu na makontrol ng mga Muslim.
D. Sila ay tuluyang nagkaayos at muling naging isa ang bansang India.

28. Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig nagkaroon ng iba’t ibang epekto ito sa bansang nasangkot, Anu-ano
ang mga naging epekto dulot ng Unang Digmaang Pandaigdig?
I. Bumagsak ang ekonomiya. III. Pagkawask ng mga ari-arian.
III. Pagkamatay ng maraming tao. IV. Nakaranas ng kagutoman ang mga tao.

A. I, II B. I, III C. I, III, IV D. I, II, III at IV


29. Bakit maituturing na pinakamahalagang pangyayaring naganap sa Asya ay ang pagtatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig?
A. Dahil wala ng kaguluhang magaganap.
B. Dahil nagkasundo na ang mga magkakaaway na mga bansa.
C. Dahil matitigil na ang pananakop ng mga bansang Kanluranin.
D. Dahil dito inaasahang makakamit ang kalayaang minimithi ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

30. Ayon kay Mahatma Gandhi “ Mas malakas ang puwersa ng walang karahasang lumalaban, malaya sa poot at
walang armas na kailangan,” Ang mga sumusunod ay maaaring mahinuha mo patungkol sa tinuran ni Mahatma
Gandhi maliban sa isa.
A. Hindi lahat ng oras ay madadaan sa dahas. C. Manahimik na lamang at maki-ayon sa nagaganap.
B. Mapayapang pamamaraan sa pagkamit ng kalayaan. D. Kailanman walang magandang maidudulot ang
digmaan

31. Alin sa sumusunod na mga karapatan ang ipinaglaban ng mga kababaihan sa bansang India?
I. Maternity Leave
II. Pantay na sahod
III. Mga pasilidad ng day care
IV. Hiwalay na Palikuran sa mga babae at lalaki

A. I, II at III B. I, III, at IV C. I, II, at IV D. I, II, III, IV

32. Ano ang itinuturing na pinakamalaking samahan ng kababaihan sa bansang Bangladesh na labis na
nakaimpluwensiya sa pagpapatupad ng mga polisiya ng pamahalaan?
A. Mahila Parishad C. Women’s Coalition
B. Women’s Action Forum D. Liberation Tigers of Tamil Eelam

33. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay na malaki ang papel na ginampanan ng mga naitatag na
samahang pangkababaihan sa mga rehiyon ng Timog at Kanlurang Asya.
A. Dahil sa mga samahang ito nabigyan ng higit na karapatang pampulitika ang mga kababaihan at pagkakataong
pamahalaan ang bansa
B. Dahil sa mga samahang ito naging matapang ang mga kababaihan at higit na naging edukado nang mabigyan ng
karapatang makapag-aral
C. Ang mga samahang pangkababaihang naitatag ay nagsilbing daan upang makamit ng mga kababaihan ang pantay
na pagtingin sa kanila sa lipunan
D. Lahat ng nabanggit

34. Aling mga pahayag ang kabutihang dulot ng pagpapatigil ng child marriage o maagang pag-aasawang
ipinagkasundo sa mga kababaihan?
I. Mababawasan ang kanilang populasyon
II. Hindi sila magsisilbing pabigat sa kanilang magulang
III. Mabibigyan ng sapat na panahon ang mga kabataang kababaihan na makapag-aral pa
IV. Maari silang maligtas mula sa panganib na maaring idulot ng maagang pagbubuntis sa kanilang kalusugan

A. I at II B. I at III C. II at III D. III at IV

35. Ito ay batas na nangangalaga sa hindi makatuwirang bilang ng oras ng pagtatrabaho ng mga kababaihan at child
labor sa India.
A. Indian Factory Act (1891) C. Factories Act ng 1948
B. Marriage Act of 1955 D. Women’s India Act of 1919

36. Karapatang pulitikal ng kakabaihan na itinaguyod ng mga samahan sa Timog at Kanlurang Asya.
A. Karapatan sa Pag-aasawa C. Karapatan sa Edukasyon
B. Karapatan sa Pagboto D. Karapatan sa Kalusugan

37. Isang pangrehiyong network upang maisulong ang kamalayan ng kababaihan tungkol sa kanilang dapat na
taglaying mga karapatan sa Egypt, Jordan, Lebanon, Palestine, Qatar, UAE, at Yemen.
A. Arab Women Connect C. Sheikha Fatima Bint Mubarak
B. Mahila Parishad D. Womens Action Forum (WAF)
38. Kilusang nabuo sa Pakistan bilang suporta kay Turkish Kilafat ng mga Muslim.
A. Kilusang Khilafat C. Mahila Parishad
B.Sheikha Fatima Bint Mubarak D.Isha L’lsha-Haifa Feminist Center

39. Ang mga sumusunod ay mga bansa Timog Asya na nakakaranas ng pang-aabuso at mababang pagtrato sa
kababaihan maliban sa;
A. India B. United Arab Emirates C. Pakistan D. Bangladesh

40. Sila ang mga sundalong Hindu sa hukbong kolonyal ng Inglatera sa India na naghimagsik noong 1857; mga
sundalo na lumalaban para sa sariling karapatan kasama ang adhikaing sa tingin nila ay tama at makakabuti sa
marami.
A. Sepoy B. Militar C. Mandirigma D. Kawal

41. Ito ay hango sa relihiyong Jainism na nangangahulugang "hindi paggamit ng dahas" o "non-violence", ano ang
tawag dito?
A. Pilgrimage B. Ahimsa B. Sati D. Hunger Strike

42. Sino ang kauna-unahang punong ministro ng India nang matamo nito ang kalayaan mula sa mga Ingles?
A. Ali Jinnah B. Jawaharlal Nehru C. Allan Hume D. Mahatma Gandhi

43. Sino ang nanguna sa pagtatag ng Muslim League noong 1905 na kung saan ang interes ng mga Muslim ang
binigyang pansin?
A. Mohamed Ali Jinnah B. Allan Hume C. Mohandas Gandhi D. Jawaharlal Nehru

44. Naganap ito noong 1857 dahil sa mga naturang pangyayari tulad ng abolisyon ng suttee o sati at female
infanticide o pagpatay ng mga batang babae, ito ang unang pangyayari na nagpatindi sa alitan ng mga Indian laban sa
mga Ingles, ano ang tawag dito?
A. Sepoy mutiny B. Amritsar massacre C. Muslim league D. Zionism

45. Ang layunin ng samahan na ito ay ang magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim. Ano ang samahang
ito na pinamunuan ni Mohamed Ali Jinnah?
A. State League B. Jinnah League C. Muslim League D. System League

46. Siya ay isang Ingles na nanguna at gumabay sa pagtatag ng Indian National Congress upang makalaya ang India sa
mga Ingles noong 1884-1885?
A. Allan Hume B. Mustafa Kemal Ataturk C. Salman Rushdie D. Ibn Saud

47. Nagkaroon ng hiwalay na pagkilos ang mga Indian dahil sa kanilang magkakaibang pananampalataya. Ano ang
binuo ng mga propesyunal na Hindu na ang layunin ay makamtan ang kalayaan ng India?
A. Zionism B. Indian National Congress C. Muslim League D. Amritsar massacre

48. Ano naging dahilan upang unti-unting magkaroon ng kamalayan at kaisahan ang mga Indian?
A. Nang maging malaya ang mga Ingles C. Nang masakop ng mga Ingles ang India
B. Nang naisin nila D. Nang matapos ang digmaan

49. Kailan natamo ng India ang kalayaan mula sa kamay ng mga Ingles?
A. Agosto 16, 1947 B. Agosto 16, 1946 C. Agosto 15, 1947 D. Agosto 10, 1946

50. Ano ang tawag sa isang pangyayari na kung saan naganap ang pamamaril ng mga sundalong Ingles sa grupo ng
mga Indian sa isang selebrasyong Hindu noong Abril 13, 1919?
A. Amritsar Massacre B. Sepoy Mutiny C. Muslim League D. Zionism

Inihanda ni:
ROCELLE B. AMODIA
Guro

You might also like