You are on page 1of 10

7

PANGALAN:_____________________________________
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

EDUKASYON
SA PAGPAPAKATAO
Kwarter IV – Linggo 4
Personal na Pahayag
ng Misyon sa Buhay

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 7
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter IV– Linggo 4: Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa
Contextualized Learning Activity Sheets na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit
ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa Contextualized Learning Activity Sheets na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang
anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets

Manunulat: Judith Belen N. Cajiles, Glenda B. Arguelles


Pangnilalamang Patnugot: Lucille F. Magnetico
Editor ng Wika: Luz L. Javarez
Tagawasto: Shirley F. Lilang , Luz L. Javarez, Loida A. Sernadila PhD
Tagasuri: Shirley F. Lilang, Loida A. Sernadila PhD
Tagaguhit: Glenda B. Arguelles, Lucille F. Magnetico
Tagalapat: Glenda B. Arguelles,Charles Andrew M. Melad

Tagapamahala: Servillano A. Arzaga CESO V, SDS


Loida P. Adornado PhD ASDS
Cyril C. Serador PhD CID Chief
Ronald S. Brillantes EPS-LRMS Manager
Shirley F. Lilang EPS- EsP
Eva Joyce C. Presto PDO II
Rhea Ann A. Navilla Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:Ronald S. Brillantes, Mary Jane J. Parcon


Armor T. Magbanua, Maricel Zamora, Charles Andrew M. Melad,
Glenda T. Tan at Joseph Aurello

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 4
Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay
MELC: Naisasagawa ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay batay sa
mga hakbang sa mabuting pagpapasiya. (EsP7PB-IVd-14.4)

Mga Layunin:
1. Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay.
2. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa
Buhay.
3. Naisasagawa ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
batay sa mga hakbang sa mabuting pagpapasiya.

Subukin Natin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang letra ng tamang
sagot.

________1. Ang sumusunod ay hakbang at dapat isaalang-alang sa pagbuo ng Personal


na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB) maliban sa
A. Gabay C. Pagmamahal
B. Layunin D. Pagpapahalaga

________2. Si Ana ay nagtatrabaho habang nag-aaral upang matulungan niya ang


kaniyang pamilya. Anong hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay ang ginawa ni Ana?
A. Inalam ang layunin sa buhay.
B. Isinulat ang nais marating sa buhay.
C. Pagpapahalaga sa kaniyang pamilya.
D. Taong kasama o kaagapay sa buhay.

________3. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng kahalagahan ng Personal na


Pahayag ng Misyon sa Buhay?
A. Mag-aral nang mabuti
B. Pagsama sa barkada
C. Paglalaro ng Mobile Games
D. Pagtulong sa mga gawaing bahay

__________4. Ano ang layunin ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?


A. Gabay upang makamit ang iyong nais marating.
B. Pagkakaroon ng ganap na kalayaan.
C. Problema, Pagsubok, at Malayang buhay
D. Paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim
na karanasan.

1
__________5. Alin sa sumusunod ang maaaring maging Personal na Pahayag ng Misyon
sa Buhay ng isang kabataan na nasa ikapitong baitang?
A. Mag-aral nang mabuti at makatapos.
B. Mag-asawa ng maaga upang makalayo sa magulang.
C. Makahanap ng trabaho para sa kaniyang sarili.
D. Sumama sa barkada at sila ang pakikinggan.

Ating Alamin at Tuklasin

Paghawan ng Balakid
Misyon sa buhay – ito ay isang personal na mithiin na nagsasalaysay kung paano
ninanais na paunlarin ang buhay.
Pagpapasiya – pagdedesisyon.

Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay gabay sa pagpapasiya sa


pagtupad ng pangarap at tamang direksiyon sa buhay.
Alam mo ba ang kasabihan na “The Journey of a thousand Miles Begins with a
single step”? Ang unang hakbang na ating gagawin ay bubuo tayo ng plano kung ano
ang nais nating maabot at magawa sa ating buhay. Ang pagbuo ng Personal na Pahayag
ng Misyon sa Buhay ay makatutulong sa ating mga gagawing desisyon sa kasalukuyan
at sa hinaharap.
Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay maihahalintulad sa ugat ng isang
puno na malalim ang ugat. Ito ay matatag at hindi mawawala at patuloy na lumalago.
Nakasalalay sa PPMB ang ating kinabukasan upang magkaroon ng direksiyon ang ating
buhay. Narito ang mga hakbang at dapat na isaalang-alang sa Pagbuo ng Personal na
Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB):

Hakbang sa Pagbuo ng Personal na Misyon sa Buhay


1. Alamin ang layunin sa buhay.
Batid mo ba kung ano ang iyong layunin sa buhay? Naiisip mo ba ito? Ika
nga sa isang patalastas ay “PARA KANINO KA BUMABANGON?” Bilang mag-aaral sa
ikapitong baitang, napakahalaga na iyong alamin sa iyong sarili kung ano ang iyong
layunin. Kung alam mo ito ay makatitiyak ka sa iyong sarili na mayroon kang gabay
at direksiyon sa pang-araw-araw na pamumuhay. Tiyakin sa sarili kung ano ang nais
maabot at mangyayari sa hinaharap bilang direksiyon sa araw-araw na pamumuhay.

2. Tukuyin ang iyong personal at pampamilyang pagpapahalaga.


Ano ang iyong pinapahalagahan? Ang iyong pamilya? Sila ang mga taong
nagmamahal at tutulong sa iyo lalo na sa oras ng pangangailangan. Sila ang iyong
motibasyon na gawin at pagsikapang maabot ang iyong mga minimithi sa buhay
bilang iyong misyon pang-personal at pang-pamilya.

3. Ang nais marating sa buhay.


Ano ba ang nais mong marating sa buhay? Ano ang prayoridad mo lalo na ngayong
ikaw ay isang mag-aaral na sa Junior High? Ang makapagtapos ba ng pag-aaral ay
isa sa prayoridad mo? Kaginhawaan at kapayapaan para sa sarili at pamilya ay
madalas na hangad sa buhay ng isang nagbibinata at nagdadalagang kagaya mo.

2
4. Ang mga tao na maaaring makasama at kaagapay sa buhay.
Mga magbibigay ng payo at gagabay sa direksiyon na iyong nais marating sa
buhay.

5. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya.


Pinagmumulan ng lahat ng meron ang tao lalong higit sa pagbibigay ng
karunungan at katalinuhan kung paano mararating ang misyon sa buhay.
Halimbawa ng PPMB ng isang mag-aaral.

Balang araw ay nais kong maging isang inhinyero at instrumento sa pag


papahayag ng pagmamahal ng Diyos. Nais ko rin na maging bahagi sa pagpapalaganap
ng Kaniyang mga Salita at karunungan sa lahat, lalo na sa mga kabataan, maliliit na
bata, at mga tinedyer. Ito ay sa pamamagitan ng pag- aaral nang mabuti, pagsasaliksik
at pag-alaala sa walang hanggang pagmamahal ng Diyos sa lahat ng aking ginagawa.

Ang mabubuong Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay magiging gabay sa


bawat pagpapasiyang iyong gagawin sa iyong buhay. Ang mga gabay at dapat isaalang-
alang ay nandiyan para sa iyo ngunit ang desisyon at pagpapasiya ay nakasalalay pa rin
sa iyo. Ayon sa isang kataga, “All of us are creators of our own destiny.” Tayo ang lilikha
ng ating patutunguhan. Anoman ang kahahantungan ng iyong buhay sa hinaharap, ito
ay bunga ng iyong naging pasiya at desisyon sa kasalukuyan.

(Pinagkunan: Aprilyn G. Miranda et al. Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Pasig City:


Department of Education,2017, 283-285.)

Tayo’y Magsanay

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Iguhit ang hugis puso ( ) sa
nakalaang patlang kung ito ay nagpapakita ng hakbang sa pagbuo ng personal na
misyon sa buhay at tatsulok ( ) naman kung hindi.

________1. Si Jamelyn ay palaging nagtatanong sa kaniyang ina kung ano ang


ginagawa ng isang inhenyero.
________2. Tuwing uuwi ang ama ni John Paul mula sa trabaho ay sinasabi nito
sa kaniyang ama na “Tay, mag-aaral ako nang mabuti para
makatulong ako sa inyo pagdating ng panahon.”
________3. Nais guminhawa ni Derlyn sa buhay. Ramdam niya ang kahirapan sa
pamilya kaya’t pinagsisikapan niyang makakuha ng mataas na marka
sa modyul na ibinibigay sa kaniya.
________4. Hindi nakaliligtaan ni Raffy ang pagdarasal. Humihingi siya ng gabay
at katalinuhan sa Diyos para sa kaniyang pag-aaral at pagtupad ng
misyon sa buhay.
________5. Niyaya si Elya ng kaniyang mga kaibigan na pumunta sa beach at
ipagpaliban na lamang ang pagkuha ng modyul sa kaniyang guro.
Sumama siya dahil sa kaisipang mas masaya kasama ang mga
barkada kaysa modyul.
3
Gawain 2
Panuto: Hanapin at bilugan sa loob ng kahon ang mga salita na tumutukoy sa
hakbang sa Pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay.

A. Layunin B. Gabay C. Kaagapay D. Pamilya E. Diyos


W E R T I O P V H D N M
L Q E R U I V B N M G G
A F R T K A A G A P A Y
Y D D T U J L L L A N H
U X D I Y O S Y T M N J
N E W R T I U I P I Z S
I S T R U L L O C L S E
N A C U B G A B A Y U E
D C V G E U I I O A R R
D X C F T Y U I P L J Y
A S E D G T U I O P B I

May natutuhan ka ba sa bahaging ito ng ating aralin?


Ano ano ang mga ito?

Ating Pagyamanin

Gawain 1
Panuto:Basahin at suriin ang mga pangungusap. Iguhit ang hugis tatsulok
kung nagpapahayag ng kahalagahan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
(PPMB) at hugis parihaba naman kung hindi.

________1. Nagsisilbing gabay sa pagsagawa ng misyon sa buhay.


________2. Nagiging batayan sa gagawin na mga pagpapasiya sa araw-araw.
________3. Paraan upang higit mong makilala ang iyong sarili at kung saan
ka patungo.
________4. Nagsisilbing direksiyon sa nais marating sa buhay.
________5. Nagpapabagal sa daloy ng buhay.

4
Gawain 2
Panuto: Dugtungan o buuhin ang ang iyong sariling PPMB. Lagyan ng tsek (√) ang
patlang kaugnay sa pahayag na tumutukoy sa iyong Personal na Pahayag ng Misyon
sa Buhay at ekis (×)naman kung hindi.

______ 1. pag-aaral ay tatapusin upang


Ang Personal na Pahayag buhay ay bumuti.
ng Misyon ko sa Buhay ay
________ ______ 2. magkatrabaho nang maayos
upang magkasahod para sa
pamilya.
_______3. abutin ang pangarap kasabay
ng paglilingkod sa Diyos.
_______4. maiahon ang pamilya sa
kahirapan at mapabuti ang
buhay.
_______5. magsumikap upang
makamtan ang masaganang
buhay.

May natutuhan ka ba sa bahaging ito ng ating aralin?


Ano ano ang mga ito?

Ang Aking Natutuhan

Panuto:
Piliin ang angkop na salita sa loob ng puso at isulat ito sa nakalaang
patlang.

Ang 1. _______________ na Pahayag ng


Misyon sa 2.____________ay
• Personal maihahalintulad sa ugat ng isang puno
• Buhay na malalim ang ugat. Ito ay matatag at
• PPMB hindi mawawala at patuloy na 3.
• Lumalago
____________________. Nakasalalay sa
• Direksiyon
4.____________ ang ating kinabukasan
upang magkaroon ng 5. ____________ang
ating buhay.

5
Ating Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang letra ng tamang
sagot.
_______1. Anong hakbang ang nararapat isaalang-alang sa pagbuo ng Personal na Pahayag
ng Misyon sa Buhay?
A. Katarungan C. Pagtitimpi
B. Layunin D. Pagmamahal

_______2. Si Rolly ay pabigla-biglang nagpasiyang mag-aral sa Maynila sa susunod na taon


Kahit nasa gitna ng kahirapan at pandemya. Bilang matalik na kaibigan
at nagmamalasakit , ano ang nararapat na maipapayo mo sa kaniya?
A. Hala sige! Pumunta ka sa Maynila kahit may pandemya.
B. Isipin mo ang pera na kikitain mo sa Maynila.
C. Isipin mong mabuti bago ka magdesisyong umalis.
D. Ituloy mo ang pag-alis hait may virus na kumakalat

_______3. Ang sumusunod ay sitwasyon na nagpapakita ng kahalagahan ng Personal na


Pahayag ng Misyon sa Buhay MALIBAN sa
A. Paglalaro ng Mobile Games. C. Pag-aaral ng mabuti.
B. Pagsunod sa magulang. D. Pagtulong sa mga gawaing bahay.

________4. Alin ang hindi kabilang sa layunin ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?
A. Pagkakaroon ng ganap na kalayaan.
B. Gabay upang makamit ang iyong nais marating.
C. Isinaalang-alang ang gagawing desisyon at pagpapasiya.
D. Problema, Pagsubok, at malayang buhay sa hinaharap.

________5. Ang sumusunod ay halimbawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ng


isang batang nasa ikapitong baitang MALIBAN sa
A. Makahanap ng trabaho at makaahon sa kahirapan.
B. Mag-aral ng mabuti at makatapos ng pag-aaral.
C. Makipag away sa mga kapatid at mga kaklase.
D. Maging mabuti at masunuring mamayan.

6
Susi sa Pagwawasto
Subukin

1. C 2. C 3. A 4. A 5. A

Tayo’y Magsanay

Gawain 1
W E R T I O P V H D N M
L Q E R U I V B N M G G
A F R T K A A G A P A Y
Y D D T U J L L L A N H
U X D I Y O S Y T M N J
N E W R T I U I P I Z S
I S T R U L L O C L S E
N A C U B G A B A Y U E
D C V G E U I I O A R R
D X C F T Y U I P L J Y
A S E D G T U I O P B I

Gawain 2

1. 2. 3. 4. 5.

Ating Pagyamanin

Gawain 1

1. 2. 3. 4. 5.

Gawain 2

1. √ 2. √ 3. √ 4. √ 5. √

Ang Aking Natutuhan

1. Personal 2. Buhay 3. Lumalago 4. PPMB 5. Direksiyon

Ating Tayahin

1. B 2. C 3. A 4. D 5. C

Sanggunian
Aklat
Miranda, Aprilyn G., Maria Tita Y. Bontia, Jona Kristen M. Valdez, at Joel V. Rafal,
Edukasyon sa Pagpapakatao 7. Pasig City: Department of Education.2015.

7
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

You might also like