You are on page 1of 2

AP10 THIRD QUARTER REVIEWER

(Third Periodical Exam Coverage)

Modyul 1: Konsepto ng Kasarian

Konsepto ng Sex at Gender


Ayon sa World Health Organization (2014), ang sex ay ang biyolohikal at pisyolohikal na katangian na
nagtatakda sa pagkakaiba ng lalaki at babae habang ang konsepto ng gender naman ay tumutukoy sa panlipunang
gampanin, kilos at gawain na nakatakda para sa babae at lalaki ng lipunan.

Oryentasyon Sekswal at Pagkakakilanlang Pangkasarian


Mula sa Galang Yogyakarta, ang Oryentasyong Sekswal (Sexual Orientation) ay tumutukoy sa kakayahan ng
isang tao na makaranas ng malalim an atraksyong apeksyonal, sekswal, emosyonal at ang pagkakaroon ng malalim na
relasyon sa tao na ang kasarian ay iba o maaring katulad sa kanya o ang kasarian ay higit pa sa isa.

Ang oryentasyong sekswal ay maaaring mauri sa tatlo, ang heterosexual, homosexual at bisexual.

Ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) naman ay isang malalim na damdamin at personal na
karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaring nakabatay o hindi nakabatay sa sex niya nang siya ay isilang,
kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan (malayang pagpili kung ano ang naisin niya sa kanyang
katawan na minsan ay nauuwi sa pagpapaopera, pag-inom ng gamot o iba pang paraan) at ibang ekspresyon ng
kasarian, katulad ng pananamit, pagsasalita at pagkilos.
Sa kasalukuyan, bukod sa mga lalaki at babae, may tinatawag ding pagkakakilanlang pangkasarian na
kinabibilangan ng mga lesbian, gay, bisexual at transgender o kilala bilang LGBTQIA+ (Lesbian, Gay, Bisexual,
Transgender, Queer, Intersex and Asexual)
GENDER ROLES AT KASAYSAYAN NG LGBT SA PILIPINAS
Boxer Codex- Ang dokumento na nagsasaad na ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa.
Prekolonyal- Ang mga kababaihan ay itinatago sa mata ng publiko tulad na lang ng Binukot sa Panay. Itinuturing siya na
prinsesa, hindi pinapaapak sa lupa.
- Mataas ang pagturing ang pagtrato sa mga kalalakihan. Ang salita at utos ng tatay ang batas sa pamilya.
Panahon ng Kastila- Ang ilang mga kababaihan ay hindi lamang naging abala sa mga gawaing bahay. May ilang mga
kababaihan ang natutong maghawak ng armas at sandata para makipaglaban sa himagsikan katulad ni Gabriela Silang at
Marina Dizon.
Panahon ng Amerikano- Sa panahong ito nabuksan ang karapatan ng mga kababaihan na bumoto.
-Ang mga kababaihan ay nabigyan ng karapatan na bumoto sa kauna-unahang pagkakataon sa
pamamagitan ng isang Plebesito noong Abril 30, 1937.
Panahon ng Hapon- Ang mga kababaihan ay natutong maghawak ng armas at sandata noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
- Ang mga kababaihan at mga kalalakihan ay parehong magkasama sa pakikipaglaban noong WWII.
Kasalukuyang Panahon- Mas malaya nang kumilos ang mga kababaihan, kalalakihan maging ang mga kabilang sa
LGBT at Lahat ay may karapatan na lumahok sa larangan ng politika. Sa katunayan dalawang babae ang naging
Presidente ng ating bansa-Pangulong Corazon C. Aquino at Gloria Macapagal-Arroyo.

Modyul 2: Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan

Ang diskriminasyon ay ang anomang pag-uuri, ekslusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o
nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
Foot Binding- ay isang tradisyon na isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China na kilala sa tawag na lotus feet o lily
feet kung saan ang paa ng mga babae ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong
bakal o bubog sa talampakan. nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang
pakikisalamuha.
Breast ironing o breast flattening- ay isang kaugalian sa bansang Cameroon sa kontinente ng Africa. Ang paliwanag ng
ina sa kanyang anak sa pagsasagawa nito ay upang makaiwas sa: maagang pagbubuntis ng anak, paghinto sa pag-
aaral at pagkagahasa.
Ang bansang Uganda ay nagpasa ng
batas na “Anti-Homosexuality Act of
2014” na nagsasaad na ang same-sex
relations at marriages ay maaaring
parusahan ng panghabambuhay na
pagkabilanggo.

Modyul 3: Tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon

Anti – Violence Against Women and Their Children Act


Ano nga ba ang Anti – Violence Against Women and Their Children Act? Ito ay isang batas na nagsasaad ng
karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak.
Sino–sino ang saklaw ng Anti – Violence Against Women and Their Children Act?
1. Ang kababaihan sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa:
a. kasalukuyan o dating asawang babae;
b. babaeng kasalukuyan o may nakaraang relasyon sa isang lalaki; at
c. mga babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon.
2. Ang mag anak sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa:
a. mga anak ng babaeng inabuso;
b. mga anak na wala pang labing walong (18) taong gulang;
c. lehitimong anak o hindi;
d. mga anak na may labing walong (18) taong gulang pataas ngunit walang kakayahan na alagaan o ipagtanggol
ang sarili; at
e. hindi tunay na anak ngunit nasa ilalim ng pangangalaga ng isang babae.
3. Sino naman ang mga maaaring patawan ng parusa kung lalabagin ang batas na ito? Sila ay ang mga:
a. kasalukuyan o dating asawang lalaki;
b. kasalukuyan, dating kasintahan, o live – in partner na lalaki;
c. mga lalaking nagkaroon ng anak sa babae; at
d. mga lalaking nagkaroon ng sexual o dating relationship sa babae.

Magna Carta for Women


Isinabatas ito noong Hulyo 8, 2008 na nakabatay sa mga umiiral nang batas sa Pilipinas, at iba pang
pandaigdigang instrumento gaya ng Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women.
Isinasaad sa Magna Carta for Women na ang pamahalaan ang pangunahing tagapagpatupad ng batas na ito. Ang
pamahalaan ang tuwirang responsable sa protekyon ng mga kababaihan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at tatayo
bilang tagapagtanggol ng karapatan ng mga kababaihan. Tungkulin ng Pamahalaan na maipatupad ang batas ng
pantay at walang kinikilingan.

Marginalized Women ay mga kababaihan na nasa hindi panatag na kalagayan o mahirap, wala o limitadong kakayahan
na matamo ang kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Women in Especially Difficult Circumstances ay mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan. Ilan sa mga
kababaihang nasa ganitong uri ay mga:  biktima ng pang – aabuso at karahasan at armadong sigalot;  biktima ng
prostitusyon;  biktima ng illegal recruitment;  biktima ng human trafficking; at  mga babaeng nasa kulungan.

PAGKAKAKILANLAN NG MGA BATAS


1. Magna Carta of Women- RA 9710
2. Anti-Sexual Harassment Act of 1995- RA7877
3. The Responsible Parenthood and Reproductive Health Law Act of 2012- RA 10354
4. Anti-Violence Against Women & Their Children Act of 2004 -RA 9262
5. Anti-Rape Law of 1997 – RA 8353

You might also like