You are on page 1of 1

Buod ng Epiko ng Hudhud ni Aliguyon:

Noong sinaunang panahon, mula sa bayan ng Hannanga,


isinilang ang isang batang lalaki na si Aliguyon na anak ng
magkasintahang si Amtalao at Dumulao. Siya ay isang
matalino at masigasig na binata na gustong mag-aral ng
maraming bagay na kinakailangan niya.
Tinuturuan at kinukwento siya nga kanyang ama at
natutong niya kung paano lumaban at gumamit ng mahika
o ng mga mahiwagang gayuma. Bata pa man siya ay isa na
siyang tunay na pinuno ng kanilang bayan.
Nang mag-binata na si Aliguyon, nagpasiya ito na
sagupain ang pinuno ng nayon ng Daligdigan na si Panga-
iwan,ang, kaaway ng kanyang ama.
Hinamun ni Aliguyon si Panga-iwan subalit ang sumagot
nito ay ang anak ni Panga-iwan na si Pumbakhayon.
Katulad ni Aliguyon, mahusay rin si Pumbakhayon sa
pakikipaglaban at mahika. Ang dalawang mandirigma ay
naglaban ng tatlong taon ngunit sa mga taong ito ay hindi
kahit isa sa kanila ay walang nagpakita nga senyas ng
pagkatalo.
Sa huli, ang dalawang mandirigma ay natutong irespeto
ang isat isa at tumigil ang kanilang labanan. Gumawa sila
ng kasunduang kapayapaan sa Hannanga at Daligdigan at
naging matalik na magkaibigan.
Umunlad ang dalawang bayan. Naging mas lumago ang
pagkakaibigan ng dalawa pagkatapos ng labanan, at nang
sapat na gulang na si Aliguyon ay pinakasalan nito ang
kapatid ni Pumbakhayon na si Bugan, habang si
Pambukhayon naman ay pinakasalan ang kapaptid ni
Aliguyon na si Aginaya.Ang 2 Familia ay yumaman at
ginalang ng lahat ng tao sa Ifugao.

You might also like