You are on page 1of 12

DEPARTMENT OF EDUCATION REGION VII

Sudlon, Lahug, Cebu City, Cebu

KARAHASAN SA
PAARALAN
(Ikalawang Bahagi-Linggo 6)
Ika-apat na Markahan
Para sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8

1
SARILING-LINANGAN KIT
PAUNANG SALITA

Ang Sariling-Linangan Kit na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral


upang malinang ang kanilang karanasan at kahusayan sa pag-iwas na
makasali sa iba’t-ibang uri ng karahasan sa paaralan.

Ang mga gawain dito ay magpapaunlad at magpapalawak sa


kanilang pag-unawa sa mga karahasan sa paaralan. Sa pamamagitan
nito ay nalilinang ang mga iba’t-ibang gabay sa pagkatuto na
magagamit sa kanilang araw-araw na pamumuhay at mga karanasan.

Nahahati sa tatlong bahagi ang Sariling-Linangan Kit na ito:

A. Ano ang Nangyari? (Balikan Natin) ito ang bahagi kung saan
sasagutin ang iba’t-ibang mga gawain para masanay ang mga dating
kaalaman at lubusang matutunan ang mga competency ng nagdaang
pinag-aralan.

B. Ano ang Dapat Malaman? (Pag-usapan Natin) sa bahaging ito ay


tatalakayin ang mga gabay sa pagkatuto na nakapaloob sa mga aralin
dito.

C. Ano ang Natutunan? (Sanayin Natin) sa bahaging ito ay hahasain


ang kanilang mga kaalaman sa learning competency na nakapaloob sa
karahasan sa paaralan sa pamamagitan ng mga pagsasanay.

Inaasahan na malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa


wastong pagmamahal sa sarili upang maisagawa ang angkop na kilos ng
pag-iwas at pagtugon sa karahasan sa paaralan sa kanilang araw-araw
na pamumuhay at pakikipag-ugnayan sa mga tao.

2
LAYUNIN:
1. Matutukoy ang mga birtud na nakakatulong na pamahalaan ng wasto ang
emosyon at maharap ang matinding pagkamuhi, matinding kalungkutan, takot at
galit
2. Maisabi o maisulat kung paano naiimpluwensiyahan ng isang emosyon ang
pagpapasiya sa bawat sitwasyon.

GABAY SA PAGKATUTO:
1. Naipaliliwanag na: a. Ang pag -iwas sa anomang uri ng karahasan sa paaralan
(tulad ng pagsali sa fraternity at gang at pambubulas) at ang aktibong
pakikisangkot upang masupil ito ay patunay ng pagmamahal sa sarili at kapwa at
paggalang sa buhay. Ang pagmamahal na ito sa kapwa ay may kaakibat na
katarungan – ang pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya (ang kanyang
dignidad bilang tao). b. May tungkulin ang tao kaugnay sa buhay - ang ingatan
ang kanyang sarili at umiwas sa kamatayan o sitwasyong maglalagay sa kanya sa
panganib. Kung minamahal niya ang kanyang kapwa tulad ng sarili, iingatan din
niya ang buhay nito. (EsP8IPIVd-4.3)
2. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang maiwasan at masupil ang mga
karahasan sa kaniyang paaralan. (EsP8IPIVd-4.4)

I. ANO ANG NANGYARI?


A.

BALIKAN NATIN #1

Panuto: Isulat ang tamang uri ng pambubulas sa bawat aytem. Ito ba ay:

A. pisikal na pambubulas
B. sosyal o relasyonal na pambubulas
C. pasalitang pambubulas.
Ang unang bilang ay ginawa para sa iyo.

_________1. Pagtatago sa bag ng kaklase


_________2. Sinisiraan ang tao para wala nang makipagkaibigan sa kanya
_________3. Pagsabi ng masasakit na salita
_________4. Pag suntok sa taong walang kalaban-laban
_________5. Pagpapahiya sa harap ng ibang tao

3
_________6. Paghihikayat sa ibang mag-aaral na huwag makipagkaibigan sa isang
particular na tao
_________7. Biglang pagkuha ng upuan habang nakatalikod ang mag-aaral
_________8. Pananampal sa kinagagalitan
_________9. Panlalait sa taong iba ang estilo ng pananamit
_________10. Nangangantiyaw sa taong tahimik at hindi nagsasalita

BALIKAN NATIN #2

Paunang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat ang titik ng pinakaangkop
na sagot sa sagutang papel.

1. May mga kabataan ngayon ang naeengganyo na sumali sa fraternity o gang.


Piliin sa mga sumusunod ang maituturing na dahilan ng kanilang pagsali.
A. gusto nila ang sumikat
B. gusto nilang mapabilang sa isang grupo
C. kulang sila sa atensyon mula sa kanilang magulang
D. nais nilang maging rebelde at mangbulas ng kapuwa

2. Piliin sa mga sumusunod ang kailangan mong gawin upang ipakita ang
pagmamahal sa kapuwa.
A. Igalang ang dignidad ng isang tao
B. Mahalin siya na may hinihintay na kapalit
C. Maging mabait kung siya ay may maibibigay
D. Ibigay sa kanya ang lahat ng kanyang ninanais

3. Ang maaaring gawin ng kinauukulan ng paaralan sa mga nagaganap na


pambubulas sa kanilang mag-aaral ay _______.
A. Pagalitan ang nambubulas
B. Balewalain ang nagaganap na isyu ng pambubulas
C. Patawan ng parusang pagsuspinde ang nambubulas
D. Magpulong lahat ng nasasakupan ng paaralan at gumawa ng mga hakbang
sa pagsupil sa karahasan sa paaralan.

4. Nalaman mo na balak sumali sa isang gang ang iyong pinsan. Bilang isang
kapamilya na nagmamahal sa kanya ang dapat mong gawin ay _____________.
A. Pabayaan nalang na sumali kung saan siya masaya
B. Isumbong agad sa kanyang magulang para maturuan ng leksyon
C. Pagalitan at isumbong sa principal na sasali ang pinsan sa isang gang.
D. Kausapin ng masinsinan at ipaliwanag ang masamang epekto ng pagsali sa
gang.

4
5. Ang sumusunod ay mga umiiral na karahasan sa paaralan maliban sa:
A. Pambubulas
B. Pandaraya
C. Fraternity
D. Gang

BALIKAN NATIN#3

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa
espasyong inilaan para nito sa ibaba ng bawat tanong.

1. Bakit mahalagang iwasan ang anumang karahasan sa paaralan?


Ipaliwanag.

2. Kung ikaw ay nagging biktima na nang pambubulas, paano mo ito


nalampasan?

II. ANO ANG DAPAT MALAMAN?

PAG-USAPAN NATIN #1

Paglahok sa Fraternity o Gang


Bilang panlipunang nilalang, likas na sa atin ang pagnanais na mapabilang
(belongingness). Hinahanap natin ang pangkat kung saan tayo mapabilang
maliban sa ating pamilya. Kaya naman, kasabay nang paglala sa suliranin ng
pambubulas ay ang pagsali din ng mga kabataan sa isang grupo na tinatawag na
fraternity o gang laong-lalo na sa loob ng paaralan,

5
Ang gang noon ay grupo ng mga simpleng kalalakihan na walang malinaw
at direksyon sa buhay. Pero ngayon, pabata nang pabata ang sumasali rito, mas
marahas at walang takot at higit sa lahat mayroon ng kababaihan.
Ano nga ba ang gang? Ano ang fraternity? Magkakapareho bai to? Bakit kailangan
iwasan ng mga kabataan ang pagsali rito?
Narito ang maikling paglalarawan sa kanila:
Gang-pagsasamahan ng tatlo o higit pang indibidwal. Ang kanilang tanging layunin
ay makilahok o sumali sa masasamang gawain o mga krimen na may layuning
palakasin ang kapangyarihan ng pangkat, reputasyon at pinansyal na panustos sa
kanilang mga pangangailangan.
Fraternity- isang panlipunan o akademikong organisasyon o samahan. Isa
itongkapatiran (lati: frater na nangangahulugang “brother”) na pinag-isa ng
layuning mapalago ang aspektong intelektwal, pisikal, at sosyal ng mga kasapi. Ito
ay may mga layunin tulad ng sa edukasyon lalo na sa Pamantasan. Kakayahan sa
paggawa, etika, relihiyon, politika, pagtulong sa kapwa o maging paggawa ng
krimen at marami pang iba.

Epekto ng Pagsali sa Fraternity o Gang Sa Mga Mag-aaral


1. Nakagagambala sa pagpasok sa paaralan at naiiba ang tuon ng mga
sumasapi rito.
2. Natututo ang mga kasapi nito ng mga maasamang gawain.

3. Nakakalimot na sa paggalang samga nasa kapangyarihan.

Mga Pamamaraan Upang Maiwasan ang Karahasan sa Paaralan


Mahalaga na mapigil ang mga kabataan na sumali sa mga gang o fraternity
para maiwasan ang karahasan. Ang layunin ng iba’t-ibang pamamaraan na nabuo
bunga ng mga pag-aaral sa ibang bansa pangunahin na ang Estados Unidos, ay
pigilan ang pagakaroon ng karahasan sa paaralan.
Narito ang apat na antas kung saan maaaring pakilusin ang programa laban sa
karahasan sa paaralan:
1. Antas na Lipunan- nakatuon sa sosyal na pagbabago dito upang mabawasan
ang karahasan saan man ito nagaganap.
2. Antas na Pampaaralan- nakadisenyo upang baguhin ang mga kalagayan sa
paaralan na kaugnay ng karahasan,
3. Antas na Pantahanan- pagpapalakas ng ugnayan sa pamilya

6
4. Antas na Indibidwal- mga programang nakakapagpataas ng ng kasanayang
sosyal at akademiko.

PAG-USAPAN NATIN #2

Pagmamahal sa SARILI, KAPWA at BUHAY: Mga Sandata laban sa


Karahasan sa Paaralan

Ang pagmamahal sa sarili ang isa sa


pinakamahalagang sandatana magagamit ng
isang kabataan upang maiwasan na masangkot
sa anumang karahasan sa paaralan.

Karapat-dapat kang mahalin. Mahalaga ka dahil isa kang hindi na


mauulit na ekspresyon ng diwa ng Diyos. Ikaw lang ang mayroong
natatanging pagkakataon upang kilalanin nang malaim ang iyong sarili
at tuklasin ang landas na para sa iyo.
Narito ang dalawang mahalagang bagay upang maiwasan ang pagiging
mapaghanap at ang kwalan ng kapanatagan ng tao:
1. Kaalaman sa Sarili- Unawain at tanggapin ang sarili bilang ikaw
patungo sa pagmamahal para mapagtagumpayan ang pag-iwas na
masangkot sa anumang kaguluhan sa paaralan.
2. Paggalang sa sarili- pagkakaroon ng pagpapahalag sa sarili o sa
madaling sabi ay pagkakaroon ng positibong pagtingin sa iyong sarili.
Kung panatag ka sa iyong sarili ay mas madali sa iyo ang pagkaroon ng
pag-unawa at simpatiya sa kalagayan ng iyong kapwa.

Mas magiging na ang maglaan ng


pagmamahal sa kapwa kung may
pagmamahal sa sarili.

Bakit mahalagang matutunan ng lahat na igalang at mahalin ang


kaniyang kapwa?

7
Narito ang mga kasagutan:
1. Ang paggalang sa kapwa ay kailangan upang maging ganap ang
pagmamahal na inilaan.
2. Ang pagmamahal sa kapwa ay nangangahulugan din ng pag-unawa sa
kaniya.
3. Ang pagmamahal sa kapwa ay may kaakibat na katarungan.
TANDAAN:
Mahalin mo ang iyong sarili upang matutuhan mong mahalin ang iyong
kapwa. Mahalin mo ang iyong sarili upang matutuhan mong mahalin ang
iyong kapwa, pagmamahal na pinagniningas ng halimbawang tunay na
pagmamahalna ibinibigay ng Diyos. Kapag ito ang ay naisapuso, tiyak na
hindi magtatagumpay ang karahasan sa anumang paraan.

III. ANO ANG NATUTUNAN?

SANAYIN NATIN #1

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa sagutang papel
ang titik ng tamang sagot.

1. May mga kabataan ngayon ang naeengganyo na sumali sa fraternity o gang.


Piliin sa mga sumusunod ang maituturing na dahilan ng kanilang pagsali.
A. gusto nila ang sumikat
B. gusto nilang mapabilang sa isang grupo
C. kulang sila sa atensyon mula sa kanilang magulang
D. nais nilang maging rebelde at mangbulas ng kapuwa

2. Piliin sa mga sumusunod ang kailangan mong gawin upang ipakita ang
pagmamahal sa kapuwa.
A. Igalang ang dignidad ng isang tao
B. Mahalin siya na may hinihintay na kapalit
C. Maging mabait kung siya ay may maibibigay
D. Ibigay sa kanya ang lahat ng kanyang ninanais

3. Ang maaaring gawin ng kinauukulan ng paaralan sa mga nagaganap na


pambubulas sa kanilang mag-aaral ay _______.
A. Pagalitan ang nambubulas
B. Balewalain ang nagaganap na isyu ng pambubulas

8
C. Patawan ng parusang pagsuspinde ang nambubulas
D. Magpulong lahat ng nasasakupan ng paaralan at gumawa ng mga hakbang
sa pagsupil sa karahasan sa paaralan.

4. Nalaman mo na balak sumali sa isang gang ang iyong pinsan. Bilang isang
kapamilya na nagmamahal sa kanya ang dapat mong gawin ay _____________.
A. Pabayaan nalang na sumali kung saan siya masaya
B. Isumbong agad sa kanyang magulang para maturuan ng leksyon
C. Pagalitan at isumbong sa principal na sasali ang pinsan sa isang gang.
D. Kausapin ng masinsinan at ipaliwanag ang masamang epekto ng pagsali sa
gang.

5. Ang sumusunod ay mga umiiral na karahasan sa paaralan maliban sa:


A. Pambubulas
B. Pandaraya
C. Fraternity
D. Gang

6. Bakit may mga mag-aaral na sumasali sa fraternity at gang?


A. Wala silang mapaglaanan ng kanilang oras
B. May kikilala sa kanila bilang kapatid
C. Kulang sila ng atensyon mula sa kanilang mga magulang
D. Marami ang lalaban para sa kanila kung masangkot sila sa gulo

7. Maiwasan at masupil ng mga mag-aaral ang karahasan sa paaralan sa


pamamagitan ng:
A. Pagsunod sa payo ng mga magulang
B. Paggalang sa awtiridad ng paaralan
C. Pag-aaral ng Mabuti
D. Pagmamahal sa sarili at sa kapwa at paggalang sa buhay

8. Kailangan sa pagmamahala ang paggalang sa sarili sapagkat


A. Nakatutulong ito sa pagbuo ng malusog at mapanagutang pananaw sa
buhay
B. Nakatutulong ito sa pag-unawa sa mga gumagawa ng karahasan sa
paaralan
C. Nakatutulong ito sa paghahanap ng paraan paano mapansin at mahalin
ng iba
D. Nakatutulong ito sa pagbuo ng mga pangarap sa buhay habang nag-
aaral

9. Ang mga sumusunod ay kailangan sa pagmamahal sa kapwa MALIBAN sa


A. Pagtanggap sa kaniya anuman ang estado niya sa buhay
B. Pagbibigay sa kaniya sa lahat ng nais niya sa buhay
C. Paggalang sa kaniyang dignidad bilang tao
D. Pagmamahal sa kaniya na may kaakibat na katarungan

9
10. Ano ang pinakamaituturing na dahilan kung bakit dapat iwasan at supilin ang
mga karahasan sa paaralan?
A. Upang makatuon sa paaralan
B. Upang wala ng banta sa buhay sa loob ng paaralan
C. Upang mabawasan ang pagliban o paghinto sa pag-aaral
D. Upang wala ng suliranin ang mga magulang at ang awtoridad ng paaralan

SANAYIN NATIN #2

PEFORMANCE TASK

Panuto: Sa isang “short bondpaper”, gumawa ng isang poster o islogan para


mahikayat ang mga kabataang tulad mo na iwasang makilahok sa mga
nagdudulot ng karahasan sa paaralan at mahalin ang kapwa at sarili.

RUBRIKS/KRAYTERYA SA PAGMAMARKA
Kaangkupan sa Tema -20 puntos

Nilalaman/Pagkamalikhain -20 puntos

Kalinisan -10 puntos


-50 puntos

10
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

NIMFA D. BONGO, Ed.D., CESO V


Schools Division Superintendent

ESTELA SUSVILLA, Ph. D.


Assistant Schools Division Superintendent

JAIME P. RUELAN, Ed. D.


Chief, Curriculum Implementation Division

Ma. ISMAELITA N. DESABILLE, Ed. D


Education Program Supervisor – (LRMDS)

MILA C. GAITAN, Ed. D.


Education Program Supervisor- (EsP)

RENA O. VERDIDA, LPT


Writer/Illustrator/Layout Artist

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGIONAL OFFICE VII

SALUSTIANO T. JIMENEZ, Ed. D., CESO V


Director III OIC- Regional Director

MARIA JESUSA C. DESPOJO, Ed. D.


Chief, Curriculum and Learning Management Division

MAURIETTA F. PONCE
Education Program Supervisor – (LRMDS)

JUDITH B. ABELLANEDA, Ed.D.


EsP- Regional Education Program Supervisor

11
SINOPSIS

Ang Sariling-Linangan Kit na ito ay


tumatalakay sa magiging epekto sa kilos at
pagpapasiya ng wastong pag-iwas at
pagtugon sa mga karahasan sa paaralan.

SUSI SA PAGWAWASTO:
Matuto ang mga mag-aaral na
BALIKAN NATIN #1
sumuri kung sa mga iba’t-ibang uri, sanhi at
epekto ng karahasan sa paaralan. 1. A 6. B
2. B 7. A
3. C 8. A
Sila ay inaasahang makagawa ng 4. A 9. B
mga angkop na kilos upang masupil ang 5. C 10. B
karahasan sa kaniyang paaralan at
maisabuhay ang pagmamahal at BALIKAN NATIN #2
paggalang sa sarili at kapwa na Paunang Pagtataya
makatutulong sa pagsugpo ng kasamaan.
1. C 2. A 3. D
4. D 5. B
Halika at sabayan mo kami sa
pagsusuri ng mga talakayan tungkol sa
mga karahasan sa paaralan. SANAYIN NATIN #1
1. C 6. C
2. A 7. D
3. D 8. A
4. D 9. B
5. B 10. B

May Akda: RENA O. VERDIDA. Nagtapos sa kursong Bachelor of


Arts major in Religious Education sa Baptist Theological College.
Kasalukuyang nagtuturo sa Paknaan National High School bilang
guro sa Edukasyon sa Pagpapahalaga sa mga mag-aaral sa ika-
walong baitang.

12

You might also like