You are on page 1of 3

"Ako si Maria Clara, ang nagiisang anak ni Kapitan Tiyago na siyang kilala ng marami dahil sa

kayamanang taglay nito. Kasintahan ko si G. Crisostomo Ibarra. Si Ibarra na may malasakit sa


bayan ngunit napagbintangan naman sa kasalanang hindi niya ginawa.

Oh Crisostomo Ibarra, mahal ko, labis akong natatakot at nababahala para saiyo. Lalo na nang
maging ekskomunikado ka. Labis akong nalungkot mahal, hindi mapakali kakaisip sa kung ano
ba ang maaaring mangyari saiyo. Nagdulot ito ng panghihina ng aking pangangatawan--kaya
nagkasakit ako. Sa aking pamamahinga'y walang tigil ako sa pagsambit ng pangalan ng aking
inang hindi ko man lang nakilala. Mas lalong nadaragdagan ang lungkot ko, dala ng pangungulila
sa ina at pati na rin saiyo.

Unti-unti, gumaling din ako. Napawi na din ng bahagya ang lungkot ko na malamang hindi ka na
ekskomunikado! (magiliw) Akala ko ay maayos na ang lahat, akala ko'y sasaya na muli ako dahil
makakasama na muli kita.

Ngunit ano ito? Sino iyang PANGIT NA BINATA (de joke) Sino iyang bagong mukha ng binata ang
nakikita ko? (Titingin kunyari kay imaginary Linares)

Linares? Ang ngalan mo'y Alfonso Linares De Espadana? At ano ito? Ano itong nababalitaan
ko?! Nais akong ipakasal saiyo? Saiyo na hindi ko naman mahal? H-hindi maari, si Crisostomo
lang ang mahal ko. Wala ako balak magpakasal sa kahit kanino kung hindi naman si Ibarra ito.

Doon mas gumulo ng gumulo, unti-unti nang nagugunaw ang mundo ko. Lalo na nang ikay
makulong at tuloy na tuloy na nga ang pagpapakasal ko kay Linares (malulungkot), sumabay pa
ang katotohanang ama ko pala si Padre Damaso na siyang gumahasa sa aking kawawang ina.
Ibarra, intindihin mo sana ang dahilan ko sa pakikipag-isang dibdib sakanya, para rin ito sa
ikabubuti mo at bilang paggalang ko sa ina ko. (malungkot)
Akala ko'y sira na talaga ang mundo ko. Ngunit hindi ko alam na may mas malala pa palang
pangyayari ang nakaabang. Ano ito? (maiiyak) Patay na ang mahal ko? B-bakit? Paano?
(mapaluluhod at iiyak)

Bali wala rin pala ang pagpapakasal ko kung wala ka na. Ayoko nang magpakasal! Mas
gugustuhin ko nalang mamatay kung wala na rin pala siya. (mapapatayo at kunyari dadaan si
Padre Damaso)

***Ama! Pagbigyan mo sana ako, mas nanaisin ko pang pumasok sa kumbento at maging
madre, pakiusap. Pahintulutan mo ako, dahil kung hindi, magpapakamatay ako. Mas gugustuhin
kong mamatay!

(lalakad ng malungkot at mahinahon)

Hindi kita malilimot mahal ko, siguro nga mananatili ka nalang ala-ala saakin... Mga ala-ala....
(iikot at ito'y flashback)"

***"Mahal, sigurado ka bang sa pananatili mo sa europa ay wala kang nakitang babaeng mas
hihigit pa saakin?

(kunyari may kausap tas ngingiti)


"Ganun din ako, hindi kita nalimot ni minsan. Akin pa ngang itinatabi ang sulat na ibinigay mo
bago ka umalis. Ikaw parin at ikaw lang ang mamahalin ko Ibarra. Ikaw lang. "

(iikot muli at kasalukuyan na ito)

Paalam mahal ko (yuyuko) AKO SI MARIA CLARA... SIMBOLO NG DALAGANG PILIPINA,


LARAWAN NI LEONOR RIVERA NA PINAGKASUNDO SA LALAKING HINDI NAMAN NIYA MAHAL.
(BOW WOW WOW)

You might also like