You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

REGIONAL DIAGNOSTIC ASSESSMENT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

______1. Ano ang mataas na gamit ng kilos-loob ng tao?


A. dito nakasalalay ang emosyon ng tao
B. umaasa ito sa panghuhusga ng isip upang maging malaya sa pagnanais
C. ang kilos-loob ang nagpapatunay na tama ang paghuhusga sa isang sitwasyon
D. gamit ang kilos-loob upang batayan ng pagiging mabuting tao

_______2. Ano ang taglay ng tao upang maging iba sya sa hayop?
A. ang tao ay may taglay na instinct
B. ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman sa tama at mali
C. ang tao ay may kakayahang makisama sa lahat ng nilalang
D. ang tao ay nilika ng Diyos

______ 3. Paano mo maipapakita na may kaalaman ka sa iyong ginagawa?


A. ginagamit mo ang iyong isip
B. ginagamit mo ang iyong panlabas at panloob na pandama
C. ginagamit mo ang iyong isip kaugnay ng panlabas na pandama
D. ginagamit mo ang iyong isip kaugnay sa panlabas at panloob na pandama

_____ 4. Paano nagkakaugnay ang isip at kilos-loob sa katangian ng pagkatao ng tao?


A. walang kaugnayan ang isip at kilos-loob ng isang tao sa kanyang katangian
B. walang kakayahang diktahan ng isip ang ikikilos ng isang tao
C. iniimpluwensyahan ng isip ang malayang pagkilos ng isang tao
D. Ang isip ay may sariling tungkulin upang maimpluwensyahan ang katangian ng isang tao

_____ 5. Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang Obra Maestro. Ano ang
nais iparating ng pahayag?
A. Ang tao ay may katangiang tulad ng katangiang taglay ng Diyos.
B. Ang tao ay wangis ng Diyos batay sa kanyang ugaling ipapamalas.
C. Ang tao ay nilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos.
D. Ang tao ay may piling katangiang tulad ng Diyos na lumikha.

_____ 6. Ano ang maaaring dahilan ng tao na piliinniya ang maglingkod at tumulong sa kapwa?
A. Pagmamalasakit C. kamalayan sa sarili
B. Pagmamahal D. malayang pagnanais

_____ 7. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng angkop na kilos ng kakayahan ng tao na mahanap ang
katotohanan at pagpapakita ng pagmamahal?
A. Nakikita mo ang sakripisyo ng iyong magulang kung kaya’t pinag-igihan mo ang pag-aaral
B. Alam mong nagtatrabaho ang iyong magulang para sa iyong ikabubuti
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

C. Hindi ka nakikialam sa kaguluhan ng iyong mga kaibigan dahil ayaw among madamay sa kanila
D. Sapat na alam mo ang dahilan ng pag-aaway ng iyong kaibigan ngnit ka sa lugar na itama sila

_____8. Ang kosensya ay nangangahulugan ng paglilitis sa sarili. Ang ibig sabihin nito ay:
A. bahala ang tao sa kanyang kilos
B. pag-aralan, unawain at hatulan ang sariling kilos
C. obligasyon ng tao na kumilos nang maayos
D. makakabuti sa tao na kumilos ng tama.

______ 9. Alin sa sumusunod ang kamangmangan na hindi madadaig?


A. Pagbili sa inaalok na cellular phone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay galing sa masama
B. pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit makalipas ang ilang oras ipinambili lamang ito
ng rugby
C. pagpapainom ng gamot sa kapatid na may sakit kahit di tiyak kung makabubuti ito
D. pagtawid sa maling tawiran dahil walang paalala o babala na bawal
tumawid at walang nakakakita sa iyo

_____10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng prinsipyo ng Likas na Batas Moral?
A. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangangalagaan ang ating buhay
B. kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming-uri at papag-aralin ang mga anak
C. Bilang rasyonal, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan lalo na tungkol sa Diyos at
mabuhay sa Lipunan
D. Bilang tao na nilikha ng Diyos, may puwang ang tao na magkamali dahil sa pagkakamali mas yumayaman ang
kaalaman at karanasan ng tao

_____11. Bakit mahalagang mahubog ang konsensya ng tao?


A. upang makilala ng tao ang katotohanan na kinakailangan niya upang magamit niya nang tama ang kaniyang
kalayaan
B. Upang matiyak na di magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tama at mali, ng mabuti at masama sa kanyang
isip.
C. upang matiyak na palaging ang tamang konsensya ang gagamitin sa lahat ng pagkakataon
D. upang hindi malito sa kung ano ang pipiliin

_____12. Bilang mag-aaral, ano ang kailangan mong gawin upang makamit ang tunay na kalayaan?
A. Sumunod sa batas ng paaralan at ng lipunan
B. Magpost ng saloobin sa Social Media upang mapukaw ang makakabasa nito
C. Gawin ang nais na tama ngunit isinasaalang alang ang kapakanan ng iba
D. Kapag may nakikitang mali, agad itong itama

_____13. Sa paanong paraan mo maipapakita ang tamang paggamit ng Kalayaan?


A. Gawin ang mabuti at tama kahit na ikaw lang ang mag-isang gumagawa nito
B. Malayang gawin ang lahat ng gustong gawin sa kapwa
C. Maging maingat sa mga gagawin at sasabihin na tama lalo na sa kaibigan
D. wala kang pipiliing oras at lugar lalo na kapag tama ang gagawin mo
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

_____14. Ano ang pakahulugan na ang Kalayaan ay may kaakibat na pananagutan?


A. Nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng kakayahang kumilos ayon sa kagustuhan
B. Nangangahulugan ito na mayroon kang kakayahang kumilos nang rasyonal o naayon sa katuwiran
C. Nangangahulugan ito ng pagkilos ayon sa dikta ng nakakarami (majority)
D. Nangangahulugan ito na ang malayang pagkilos ay pagpapakita ng pagiging responsableng tao

_____15. Paano mo maipapakita ang paggalang sa dignidad ng mga mahihirap at indigenous group?
A. ituring silang kakaiba sa lipunan
B. bigyan sila ng limos o pagkain
C. pakikisamahan sila ng patas at pantay
D. makiayon sa uri ng kanilang pamumuhay

_____16. Bakit ang kahirapan ay paglabag sa dignidad ng mga mahihirap at indigenous group?
A. sapagkat ito ang dahilan ng panghahamak sa kanila
B. sapagkat ito ang dahilan kung bakit nawawalan sila ng dignidad
C. sapagkat ito ang dahilan ng pagiging iba ng mga mahihirap at indigenous group
D. sapagkat nawawalan sila ng Karapatan dahil sa kahirapan

_____17. Paano mo maipapakita sa mga taong mababa ang tingin sa sarili na sila ay bukod-tangi dahil sa
dignidad na taglay?
A. Ipamulat sa kanila ang kanilang pagiging bukod-tangi bilang tao
B. Bigyan sila ng pagkakataon na isabuhay ang kanilang Karapatan
C. Tulungan na maiangat ang sarili at ituring na sila ay kapantay ng lahat ng tao
D. Hikayatin sila na makihalubilo sa iba upang maramdaman nila ang kanilang pagiging bukod-tangi

_____18. Si Mother Theresa ng Calcutta ay nagpakita ng napakalalim na antas ng pagmamalasakit sa mga


mahihirap. Ano ang kanyang ipinakitang katangian ng tao bilang persona?
A. May kamalayan sa sarili
B. Umiiral na nagmamahal
C. Pagsasabuhay ng Kalayaan
D. Ginagalang ang dignidad ng kapwa

_____19. Alin sa mga sumusunod ang kilos na may pagsang-ayon at kaalaman kaya’t mataas ang pananagutan
ng gumawa ng kilos?
A. di – kusang loob C. makataong kilos
B. kusang loob D. walang kusang loob

_____20. Alin sa sumusunod ang hindi maituturing na gawi?


A. pagsusugal C. pagpasok ng maaga
B. paglilinis ng ilong D. maalimpungatan
_____21. Ano ang tumutukoy sa pagpataw ng puwersa sa tao gaya ng pananakit o pagpapahirap upang gawin ng
isang tao ang kilos na labag sa kanyang kalooban?
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

A. gawi C. kamangmangan
B. Takot D. masidhing damdamin
_____22. Ano ang tinatawag na panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin?

A. kahihinatnan C. kilos
B. sirkumstansya D. layunin
_____23. Papauwi na si Princess nang hinarang siya ng mga tambay at sapilitang kinuha ang kanyang pera. Sa
sobrang nerbiyos ay naibigay rin niya ang perang nasingil mula sa kontribusyon nila para sa
proyekto. Alin sa mga sumusunod ang salik na nakaapekto sa pasya ni Princess?

A. gawi C. karahasan
B. takot D. masidhing damdamin

_____24. Isang araw habang wala sa bahay ang iyong mga magulang nang pumasok ka kanilang silid at kumuha
ng 500 piso sa loob ng kabinet kung saan nakatago ang pera nila. Ang pagkuha mo ng pera ay
masama. Nadaragdagan ng panibagong kasamaan ang iyong ginawa dahil____.

A. Kinuha niya ito nang walang paalam


B. Kinuha niya ito nang wala ang kanyang mga magulang
C. Ang kinuhanan niya ng pera ay ang kanyang mga magulang
D. Ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng pagrespeto

_____25. May babaeng nagustuhan at minahal si Alex ngunit ang babaeng ito ay mayroon ng asawa. Ngunit sa
kabila nito, ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang pagmamahal sa babae hanggang sa magkaroon
sila ng relasyon. Alin sa mga sumusunod ang prinsipyo na sumasakop sa sirkumstansya ng kilos sa
sitwasyon?

A. Ang sirkumstansya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.


B. Ang sirkumstansya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.
C. Ang sirkumstansya ay maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.
D. Ang sirkumstansya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama.

_____26. “Ang bigat (degree) ng pananagutan ay nakabatay sa bigat ng kagustuhan o pagkukusa.” Ano ang mas
angkop na paliwanag sa pahayag na ito?
A. Ang pananagutan ay depende sa uri ng pagkatao ng isang indibidwal.
B. Ang lalim ng iyong kapanagutan ay nakasalalay sa lawak ng epekto ng iyong ginawa.
C. Kung alam mo ang iyong ginagawa at ginusto mong gawin ito, mas mabigat ang iyong responsibilidad sa
magiging bunga nito.
D. Mas mananagot ka sa iyong sinadyang kilos kung wala ka sa katungkulan na gawin ito.

_____27. Napilitan si Grace na magsinungaling upang pagtakpan ang matalik na kaibigan. Naniwala naman ang
mga magulang nito kung kaya’t hindi napagalitan ang kanyang matalik na kaibigan. Sobrang
nagpasalamat ito sa kanya at tinanaw itong malaking utang na loob. Mayroon bang kapanagutan si
Grace sa kanyang kilos?
A. Mayroon, dahil nagsinungaling siya sa nakakatanda sa kanya
B. Wala, dahil napilitan lamang siyang gawin ito para sa kanyang kaibigan.
C. Wala, dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling nakatulong siya sa kanyang kaibigan
D. Mayroon, dahil kahit na siya ay pinilit alam niya pa rin ang kanyang ginawa at hindi niya pinili kung ano ang
tama.

_____28. Sa paanong paraan nababawasan ang kapanagutan ng makataong kilos?


A. Sa paaraan kung paano isinagawa ang kilos
B. Kung walang nakakaalam sa kanyang ginawa.
C. Nababawasan ang kapanagutan kung ang masamang naging bunga ng kilos ay kayang baguhin.
D. kung tama ang proseso ng intensyon ng kilos gamit ang katwiran, malayang pagpili at kilos-loob.

____29. Bakit walang aspekto ng pagiging mabuti o masama ang Kilos ng Tao?
A. Dahil ang Kilos ng Tao ay iba-iba
B. Dahil ang Kilos ng Tao ay mahirap husgahan
C. Dahil ang Kilos ng Tao ay pinili at ginusto ng nagsagawa nito
D. Dahil ang kilos ng tao ay di ginagamitan ng isip at kilos-loob at ito’y likas sa tao
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

_____30. Si Gener ay isang espesyalistang doktor sa puso. Siya ay maingat sa pagbibigay kung anong gamot
ang nararapat sa pasyente dahil alam niya bilang doktor ng pasyenteng iinom nito. Alin sa mga salik
na nag-uugnay sa makataong kilos ang ipinakita ni Gene?

A. kahihinatnan C. layuin
B. sirkumstansya D. kilos

_____31. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang maidudulot ng pasiya?

A. Dahil ito ay magsisilbing gabay sa pang-araw-araw na buhay.


B. Dahil nagdudulot sa tao ng kasiguraduhan sa kanyang pagpili.
C. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
D. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon ng mabuting kilos.

____32. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?

A. Upang magsilbing gabay sa buhay.


B. Upang magsilbing paalala sa mga gagawin.
C. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.
D. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili

_____33. Namasyal sa isang mall si Alliah. Habang siya ay naglalakad, may nakita siyang isang magandang klase
ng relo. Gusto niyang magkaroon ng ganoong klaseng relo. Tumigil muna siya at nag-isip kung saan
siya kukuha ng pambayad nito. Nasa anong yugto ng makataong kilos si Alliah?

A. nais ng layunin C. pagkaunawa sa layunin


B. intensyon ng layunin D. praktikal na paghusga sa pagpili

_____34. Mapalad ang tao dahil bukod sa binigyan siya ng buhay ay ginawa siyang ___?

A. kawangis ng Diyos C. kamanlilikha ng Diyos


B. kamukha ng Diyos D. katuwang ng Diyos

_____35. “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa


kaniyang kapatid ay sinungaling.” Ang pahayag ay______.

A. Tama, dahil dapat mahalin ang kapuwa.


B. Tama, dahil maipakikita lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos kung minamahal din ang kapuwa.
C. Mali, dahil maipakikita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal at pagsisisimba.
D. Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipakikita sa mabuting ugnayan sa kaniya.

_____36. Ang tao ay biniyayaan ng talino at kalayaan. Likas sa kanya ang ___.
A. kabutihan C. kasipagan
B. kagandahan D. katalinuhan

____37. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagmamahal sa kapuwa?


A. Pagtulong na may hinihintay na kapalit.
B. Pagbibigay ng libreng serbisyo sa panahon na kinakailangan.
C. Pagtulong sa mga nangangailangan sa panahon ng pangangampanya.
D. Pagbibigay donasyon na palaging pino-post sa facebook para makita ng lahat.

_____38. Maipakikita ang makabuluhang pakikipagkapuwa sa pamamagitan ng


sumusunod maliban sa ____.

A. kakayahan ng taong umunawa


B. pagtulong at pakikiramay sa kapwa
C. espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan
D. pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan

_____39. Ito ay isang pamamaraan ng paggamit ng modernong medisina upang wakasan ang buhay ng taong
may malubhang sakit na kailanman ay hind na gagaling pa.

A. Abortion C. Lethal Injection


B. Euthanasia D. Suicide
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

_____40. Mahalagang mapagtibay ang _____ ng mga taong nagnanais na tapusin ang sariling buhay.

A. Life Support C. Pagmamahal


B. Mental Support D. Support System

_____41. Ito ay itinuturing na lehitimong uri ng Euthanasia sapagkat tinatanggap lamang na ang kamatayan ng
tao ay hindi maaaring pigilan.

A. Euthanasia C. Passive Euthanasia


B. Active Euthanasia D. Active-Passive Euthanasia

_____42. “May tamang oras at panahon sa lahat ng pangyayari sa ating buhay. Hindi tayo   dapat mawalan ng
pag-asa. Sa kabilang banda, hindi nararapat husgahan ang mga taong nagpapatiwakal. Maaring sila ay may
pinagdaraanang mabigat  na suliranin at wala sa tamang pag-iisip sa oras na  ginagawa nila iyon.” Ano ang
diwang isinasaad ng pahayag? 

A. May responsibilidad ang tao sa kaniyang sariling buhay.


B. Ang buhay ay sadyang mahalaga anuman ang pinagdaraanan ng tao sa kaniyang kasalukuyang buhay. 
C. Hindi sagot ang mga pinagdaraanang suliranin upang magpasiyangmagpatiwakal.
D. Ang pag-asa ay magiging daan sa pagpapatuloy sa buhay gaano man kabigat ang pinagdaraanan.

____43. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pananahimik o pagninilay?

A. Upang lumawak ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Diyos.


B. Upang malaman ng tao ang mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay.
C. Upang lumalim ang kaniyang kaalaman at magsabuhay ng aral ng Diyos.
D. Upang lalong makilala ng tao ang Diyos at maibahagi ang Kaniyang mga salita.

____44. Si Matteo ay mahilig sumama sa kaniyang mga kaibigan sa labas ngpaaralan. Dahil dito,
naimpluwensiyahan at nalulong siya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Hindi nagtagal, nakagagawa na
siya ng mga bagay na hindi inaasahan tulad ng pagnanakaw. Marami ang nalungkot sa kalagayan niya sapagkat
lumaki naman siyang mabuting bata. Ano ang naging kaugnayan ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa isip
at kilos-loob ni Matteo at sa kaniyang maling pagpapasiya?

A. Ang isip ay nagiging “blank spot,” nahihirapang iproseso ang iba’t ibang impormasyon na dumadaloy dito
sanhi ng maling kilos at pagpapasiya.
B. Ang isip ay nawalan ng kakayahang magproseso dahil na rin sa pag- abuso rito at di pag-ayon ng kilos-
loob sa pagpapasiya.
C. Ang isip at kilos-loob ay hindi nagtugma dahil sa kawalan ng pagpipigil at matalinong pag-iisip.
D. Ang isip at kilos-loob ay humina dahil sa maraming bagay na humahadlang sa paggawa nito ng
kabutihan.

_____45. Ang bawat tao, may kapansanan man o wala, ay maaaring makapagbigay ng kontribusyon at makapag-
ambag sa pagbabago ng lipunan. Tama ba ang isinasaad sa pahayag?

A. Tama, dahil ang bawat isa sa atin ay pantay-pantay.


B. Tama, dahil parte sila ng lipunan.
C. Mali, dahil mga taong walang kapansanan lamang ang tinatanggap at pinapakinggan sa lipunan.
D. Mali, dahil limitado lamang ang magagawa ng mga taong may kapansanan.

_____ 46. Nakita mong nag-uumpukan at nanunuod ng malaswang video ang iyong mga kaklaseng lalaki
samantalang ang iyong mga kamag-aral na mga babae ay nagbabasa ng mga pocket book na
nagpapakita ng malalaswang larawan. Anong uri ng isyu pang-seksuwalidad ang tumutukoy dito?

A. Masturbasyon C. Pre-Marital Sex


B. Pornograpiya D. Prostitusyon

_____47. Si Aileen ay 15 taong gulang at mula sa mahirap na pamilya. Wala na siyang interes na mag-aral mula
ng paulit-ulit siyang pinagsamantalahan ng kanyang amain. Nakilala niya si Merly at niyaya siya nitong
mamuhay sa lansangan at magbenta ng aliw. Sumama siya rito at nagsabing “lubog na rin naman siya
sa putik” kung kaya’t marapat lang ito na ang kanyang gawin at maging hanapbuhay. Anong uri ng
isyung pang-seksuwalidad ang tumutukoy dito?

A. Masturbasyon C. Prostitusyon
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

B. Pornograpiya D. Pre-Marital Sex

______ 48. Matagal nang magkasintahan sina Joel at Marie. Isang gabi ay inakit ni Joel si Marie na pumunta sa
motel at sinabi niya ito sa kanya na “Kung mahal mo ako sumama ka at makipagtalik ka sa akin.”
Anong uri ng isyung pang-seksuwalidad ang tumutukoy dito?

A. Pornograpiya C. Pre-Marital Sex


B. Prostitusyon D. Pang-abusong Seksuwal

______ 49. Ang kalinisang puri ay isang birtud na may kinalaman sa kaasalang seksuwal, hindi lamang ng mga
babae, kundi pati na rin ng mga lalaki ngunit sa makabagong panahon ang mga kabataan ngayon ay
nasasangkot sa mga isyung pang-seksuwal. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay mga halimbawa
ng mga isyung pang-seksuwal, maliban sa:

A. Nasa First Year High School pa lamang sina Mike at Joy ay nagsama na sila bilang mag-asawa kaya
nagkaroon agad sila ng tatlong anak sa batang edad.
B. Si Jessica ay araw-araw na hinihipuan ng kaniyanag amain sa maseselang bahagi ng kaniyang katawan
ngunit hindi siya makapagsumbong dahil tinatakot siya ng kaniyang amain.
C. Laging isinasaalang-alang ni Juan at Marie ang mga payo ng mga magulang na magtapos muna ng pag-
aaral sa kolehiyo at maghanap ng maayos na trabaho bago magpakasal.
D. Nag-iisa sa bahay si Arlyn at dumating ang kaniyang kasintahan na si Jonel. Pinatuloy niya ito at sila’y
nag-uusap. Habang tumatagal ay nag-iba ang tema ng kanilang pinag-uusapan. Naging agresibo si Jonel at
sinimulan nitong halikan si Arlyn at inakit niya ito na sila ay magtalik at pumayag naman si Arlyn.

_____50. Ang pornograpiya ay mga mahahalay na paglalarawan (babasahin, larawan, o palabas) na may layuning
pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng nanunuod o nagbabasa. Ang mga sumusunod na sitwasyon
ay may kaugnayan sa isyung pornograpiya, maliban sa:

A. Hiniling ng isang kapitbahay ni Mela na kunan siya ng litrato na nakabikini. Sinabi sa kaniya na maari itong
ipagbili sa isang kompanya ng pagmomodelo at kumita ng malaking pera at ito ay pumayag.
B. Inakit ni Dex ang kaniyang kaibigan na sina Jay at Bryan sa isang Computer Shop upang manuod ng porno
at magdownload ng malaswang videos ngunit tinanggihan siya ng mga ito..
C. Nakita mong nag-uumpukan at nanunuod ng malaswang video ang iyong mga kaklaseng lalaki samantalang
ang iyong mga kamag-aral na mga babae ay nagbabasa ng mga babasahing magpapakita ng malalaswang
larawan.
D. Si Wilson ay nakatira sa kaniyang nanay at amain. Isang araw, pumasok ang kanyang amain sa kuwarto niya
at nagpakita ng mga malalaswang litrato. Sabi ng kanyang amain, “Halika rito, anong klaseng lalaki ka?”
Kinuha ni Wilson ang babasahin at ito ay kanyang tiningnan at nagustuhan naman niya ito.

_____51. Ang isang lalaki o babae ay nagkakaroon ng kakayahang makibahagi sa pagiging manlilikha ng Diyos
kapag tumuntong na sa edad ng pagdadalaga o pagbibinata (puberty). Subalit kahit sila ay may
kakayahang pisyolohikal na gamitin ito, hindi nangangahulugang maari na silang makipagtalik at
magkaroon ng anak. Inaasahang hanggang wala pa sila sa wastong gulang at hindi pa tumanggap ng
sakramento ng kasal, hindi sila kailanman magkakaroon ng karapatang makipagtalik. Anong
katotohanan ang ibinubuod ng pahayag na ito?

A. Maaari nang magkaroon ng anak ang kabataang nagtatalik.


B. Maaari nang makipagtalik ang kabataang nagdadalaga at nagbibinata na.
C. Ang mga taong may kakayahang pisyolohikal ay maari nang makipagtalik.
D. Ang mga taong nasa wastong gulang at ipinagbuklod ng kasal ang maaari lamang na makipagtalik.

_____52. May problema sa pamilya ang iyong nobyo. Niyaya ka niyang makipagtalik dahil nais niyang
maramdaman ang iyong pagmamahal at upang maibsan ang lungkot at problema na kaniyang
nararamdaman. Ano ang iyong gagawin?

A. Aawayin siya dahil sa kanyang asal.


B. Papayag dahil nais mong siyang i-comfort
C. Papaliwanagan siya na hindi iyon ang solusyon sa problema.
D. Sasama at papayag sa gusto niya upang maiwasan ang pagtatalo.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

_____53. Kailan masasabing ang paggamit sa seksuwalidad ng tao ay masama?


A. Kapag ang paggamit nito ay nauuwi sa pang-aabuso.
B. Kapag ang paggamit nito ay nagdadala ng kasiyahan sa kanya.
C. Kapag ang paggamit ay hindi nagdadala sa tunay na layunin ng seksuwalidad.
D. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa tao upang maging isang pakay o kasangkapan.

_____54. Maysakit ang nanay mo at hindi siya makapagtrabaho. Wala kayong pambili ng gamot at pagkain.
Nagugutom na ang maliliit mong kapatid. Nakita ng kapitbahay ninyong lalaki ang inyong sitwasyon.
Inalok ka niya na makipagtalik sa kaniya kapalit ng perang pambili ng gamot at pagkain. Bilang isang
anak, ano ang iyong gagawin?
A. Papayag na makipagtalik sa lalaking kapitbahay.
B. Pag-iisipan muna ng mabuti ang gagawing aksyon bago makipagtalik
C. Papayagan ang lalaking kapitbahay at sasabihing magbigay muna ng pera.
D. Tatanggihan ang lalaking kapitbahay at sasabihing ang pagtatalik ay hindi isang solusyon sa problema.

_____55. Isa kang lider sa inyong paaralan. Mahalaga sa iyo ang pag-aaral dahil naniniwala kang ito ang mag-
aahon sa inyo sa kahirapan. Nagtulong-tulong ang inyong pamilya upang makapagtapos ka ng pag-
aaral. Mayroon ka ring kasintahan na mahal na mahal mo. Isang araw nagyaya siyang pumasok sa
hotel upang mapatunayan ang pagmamahal na iyon. Sabi niya, iiwan ka niya at magpapakamatay siya
kung hindi mo siya papayagan. Bilang isang kasintahan, ano ang iyong gagawin?
A. Maawa at papayagan ang kasintahang lalaki sapagkat mahal na mahal mo ito.
B. Hindi papayagan ang kasintahang lalaki at isusumbong agad ito sa pulis.
C. Papayagan ito ngunit hihingi ng isang kondisyon na bigyan muna ng pera kapalit ng kanilang gagawin.
D. Hindi papayagan ang kasintahang lalaki sa kagustuhan niya at kakausapin niya ito ng mahinahon at maayos
hanggang maging maayos ang kaniyang desisyon.

____56. Tuwing recess, nagpapaalam si Mark sa kaniyang guro na uumuwi saglit upang kunin ang kaniyang baon
sa kanilang bahay ngunit ito ay isang paraan lamang niya upang lumiban sa klase. Anong uri ng
pagsisnungaling ang tumutukoy dito?
A. Committed secrets C.Officious lies
B. Jocose lies D. Promised secrets

_____57. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng Jocose lies?


A. Pagkukwento ng isang nanay tungkol sa Santa Klaus na nagbigay ng regalo sa isang bata dahil sa pagiging
masunurin at mabait nito.
B. Pagtatanggi ni Pedro sa pagkain ng hita ng pritong manok na nasa malaking pinggan, na ang totoo ay kinain
naman niya.
C. Si Lyn ay maganda at malakas ang karisma sa ibang tao. Marami din ang humahanga sa kanya ngunit
madalas na paghinalaan siyang isang call girl.
D. Si Pedro ay napagbintangan na nagnakaw ng wallet ng kaniyang kaklase ngunit hindi nila alam na kahit siya
ay nanakawan din ng pera.

_____58. Sa pangkalahatan, ang katotohanan ay dapat mapanindigan at ipahayag nang may katapangan sa lahat
ng pagkakataon sapagkat ito ang nararapat gawin ng isang matapat at mabuting tao. Bakit
mahalagang matandaan ang pahayag na mapanindigan at ipahayag sa lahat ng pagkakataon?
A. Dahil ito ang katotohanan.
B. Dahil ito ay para sa kabutihang panlahat.
C. Dahil ito ang nararapat gawin ng isang tapat at mabuting tao.
D. Dahil ito ang maghatid sa tao ng paghanga at paggalang.

_____60. Ayon sa isang whistleblower, “Hindi naman sa gusto ko, pero kailangan eh. Ayaw na ng pamilya ko, at
ayaw ko na rin sana, pero ipinagpatuloy ko na rin.”Paano pinanindigan ng whistleblower ang
kaniyang pakikibahagi para sa katotohanan?

A. Mula sa suporta ng mga nagtitiwala sa kaniya.


B. Mula sa dikta ng kaniyang kaniyang konsensiya.
C. Mula sa di-makatotohanang akusasyon sa kaniya.
D. Mula sa kaniyang tungkulin at obligayon sa pamilya at bayan.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

SUSI SA PAGWAWASTO:

1 B 16 A 31 C 46 B

2 B 17 C 32 D 47 C

3 D 18 B 33 C 48 C

4 C 19 B 34 A 49 C

5 A 20 D 35 B 50 B

6 B 21 B 36 A 51 D

7 A 22 C 37 B 52 C

8 B 23 B 38 C 53 C

9 B 24 C 39 B 54 D

10 C 25 B 40 A 55 D

11 B 26 C 41 B 56 B

12 C 27 D 42 B 57 A

13 A 28 D 43 C 58 B

14 B 29 D 44 B 59 D

15 C 30 A 45 A 60 D

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-10
Diagnostic Assessment Tool

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
Quarter 1 - Quarter 4

P P P P P P
a a a a a a
Kasanayang g g g g g g Bilang Bahag
Pampagkatuto - - l s t l ng dan
a u a u a i Aytem
l n l s t k
a a a u a h
l w p r y a
a a a i a
t
Quarter I
1.1 Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob
(EsP10MP-Ia-1.1) 1 2 3 4 5 5 8.33%
1.2 Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at
nakagagawa ng mga kongkretong hakbang upamg malagpasan
ang mga ito (EsP10MP-Ia-1.2)
1.3 Napatutunayan na ang isip at kilosloob ay ginagamit para
lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa
paglilingkod/pagmamahal. 1.3 Napatutunayan na ang isip at 7 6 2 3.33%
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

kilosloob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng


katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal. (EsP10MP-Ib-1.3)
1.4 Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang
kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at
magmahal. (EsP10MP-Ib-1.4)
2.1 Natutukoy ang mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral. (EsP10MP-
Ic-2.1) 8 9 1 3 5%
2.2 Nakapagsusuri ng mga pasiyang ginagawa sa araw-araw 0
batay sa paghusga ng konsiyensiya. (EsP10MP-Ic-2.2)
2.4 Nakagagawa ng angkop na kilos upang itama ang mga maling
pasyang ginawa. 1 1 1.67%
(EsP10MP-Ic-2.4) 1
3.2 Natutukoy ang mga pasya at kilos na tumutugon sa tunay na gamit
ng kalayaan. 1 1 1.67%
(EsP10MP-Id-3.2) 2
3.3 Napatutunayan na ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang
tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod. (EsP10MP-Ie-3.3)
1 1 2 3.33%
3.4 Nakagagawa ng angkop na kilos upang maisabuhay ang 3 4
paggamit ng tunay na kalayaan: tumugon sa tawag ng
pagmamahal at paglilingkod. (EsP10MP-Ie-3.4)
4.1 Nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng dignidad ng tao.
(EsP10MP-If-4.1) 1 1 2 3.33%
4.2 Nakapagsusuri kung bakit ang kahirapan ay paglabag sa 5 6
dignidad ng mga mahihirap at indigenous groups. (EsP10MP-If-
4.2)
4.3 Naipatutunayan na nakabatay ang dignidad ng tao sa kanyang
pagkabukodtangi (hindi siya nauulit sa kasaysayan) at sa
pagkakawangis niya sa Diyos (may isip at kalooban). 1 1 2 3.33%
(EsP10MP-Ig-4.3) 7 8
4.4 Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita sa
kapwang itinuturing na mababa ang sarili na siya ay bukod-tangi
dahil sa kanyang taglay na dignidad bilang tao.
(EsP10MP-Ig-4.4)
P P P P P
P a a a a a
a g g g g g Bilang Bahag
g - l s t l ng dan
Quarter 2 - u a u a i Aytem
a n l s t k
l a a u a h
a w p r y a
a a a i a
l t
a
5.1 Naipaliliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung
nagmumula ito sa kalooban na malayang isinagawa sa 1 2 2 3.33%
pamamatnubay ng isip/kaalaman. (EsP10MK-IIa-5.1) 9 9
5.2 Natutukoy ang mga kilos na dapat panagutan. (EsP10MK-IIb-5.2)
5.3 Napatutunayan na gamit ang katwiran, sinadya (deliberate) at
niloob ng tao ang makataong kilos; kaya pananagutan niya ang
kawastuhan o kamalian nito. (EsP10MK-IIb-5.3) 2 2 2 3.33%
5.4 Nakapagsusuri ng sariling kilos na dapat panagutan at 6 7
nakagagawa ng paraan upang maging mapanagutan sa pagkilos.
(EsP10MK-IIc-5.4)
6.1 Naipaliliwanag ang bawat salik na nakaaapekto sa
pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kaniyang kilos at pasya. 2 2 2 3.33%
(EsP10MK-IIc-6.1) 0 8
6.2 Nakapagsusuri ng isang sitwasyong nakaaapekto sa
pagkukusa sa kilos dahil sa kamangmangan, masidhing
damdamin, takot, karahasan, gawi. (EsP10MK-IIc-6.2)
6.3 Napatutunayan na nakaaapekto ang kamangmangan,
masidhing damdamin, takot, karahasan at ugali sa pananagutan ng
tao sa kalalabasan ng kanyang mga pasya at kilos dahil maaaring 2 2 2 3.33%
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

mawala ang pagkukusa sa kilos. (EsP10MK-IId-6.3) 3 4

6.4 Nakapagsusuri ng sarili batay sa mga salik na nakaaapekto sa


pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos at pasiya at
nakagagawa ng mga hakbang upang mahubog ang kanyang
kakayahan sa pagpapasiya. (EsP10MK-IId-6.4)

7.1 Naipaliliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos. (EsP10MK-


IIe-7.1) 2 3 2 3.33%
7.2 Natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na umaayon sa 1 3
bawat yugto ng makataong kilos.
(EsP10MK-IIe-7.2)
7.3 Naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay
kakikitaan ng kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilosloob sa 3 1 1.67%
paggawa ng moral na pasya at kilos. (EsP10MK-IIf-7.3) 2
7.4 Nakapagsusuri ng sariling kilos at pasya batay sa mga yugto
ng makataong kilos at nakagagawa ng plano upang maitama ang
kilos o pasya. (EsP10MK-IIf-7.4)
8.1 NaipaliLiwanag ng mag-aaral ang layunin, paraan at mga
sirkumstansya ng makataong kilos. 3.33%
(EsP10MK-IIg-8.1) 2 3 2
8.2 Nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasya o 2 1
kilos sa isang sitwasyon batay sa layunin, paraan at
sirkumstansya nito. (EsP10MK-IIg-8.2)
8.3 Napatutunayan na ang layunin, paraan at sirkumstansya ay
nagtatakda ng pagkamabuti o pagkamasama ng kilos ng tao. 3 2 2 3.33%
(EsP10MK-IIh-8.3) 0 5
8.4 Nakapagtataya ng kabutihan o kasamaan ng pasiya o kilos sa
isang sitwasyong may dilemma batay sa layunin, paraan at
sirkumstansya nito. (EsP10MK-IIh-8.4)

P P P P P
P a a a a a
a g g g g g Bilang Bahag
g - l s t l ng dan
Quarter 3 - u a u a i Aytem
a n l s t k
l a a u a h
a w p r y a
a a a i a
l t
a
9.1 Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos. 3 3 2 3.33%
(EsP10PB-IIIa-9.1) 4 5
9.2 Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang 3 3 2 3.33%
pagmamahal sa Diyos sa kongretong pangyayari sa buhay. 6 7
(EsP10PB-IIIa-9.2)
9.3 Napangangatwiranan na: Ang pagmamahal sa Diyos ay 3 1 1.67%
pagmamahal sa kapwa. 8
(EsP10PB-IIIb-9.3)
10.1 Natutukoy ang mga paglabag sa paggalang sa buhay. (EsP10PB-IIIc-10.1) 3 4 2 3.33%
9 0
10.2 Nasusuri ang mga paglabag sa paggalang sa buhay. (EsP10PB- 4 4 2 3.33%
IIIc-10.2) 1 2
10.3 Napangangatwiranan na:
A. Mahalaga ang buhay dahil kung wala ang buhay, hindi
mapahahalagahan ang mas mataas 4 2 3.33%
na pagpapahalaga kaysa buhay; di makakamit ang higit na 3
mahalaga kaysa buhay.
(EsP10PB-IIIc-10.3) 4
4
B. Ang pagbuo ng posisyon tungkol sa mga isyu sa buhay bilang
kaloob ng Diyos ay kailangan
upang mapatibay ang ating pagkilala sa Kaniyang kadakilaan at
kapangyarihan at
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

kahalagahan ng tao bilang nilalang ng Diyos. (EsP10PB-IIId-


10.3)
10.4 Nakabubuo ng mapaninindigang posisyon sa isang isyu
tungkol sa paglabag sa paggalang sa buhay ayon sa moral na 4 1 1.67%
batayan. (EsP10PB-IIId-10.4) 5
P P P P P
P a a a a a
a g g g g g Bilang Bahag
g - l s t l ng dan
Quarter 4 - u a u a i Aytem
a n l s t k
l a a u a h
a w p r y a
a a a i a
l t
a
13.1 Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa
dignidad at seksuwalidad 4
(EsP10PI-Iva-13.1) 6, 3 5%
4
7,
4
8
13.2 Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa
dignidad at seksuwalidad. 4 5 3 5%
(EsP10PI-Iva-13.2) 9 1
-
5
0
13.3 Napangangatwiranan na: Makatutulong sa pagkakaroon ng
posisyon tungkol sa kahalagahan ng paggalang sa pagkatao ng
tao at sa tunay na layunin nito ang kaalaman sa mga isyung may 5 5 5 3 5%
kinalaman sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad 2 3 4
ng tao.
(EsP10PI-IVb-13.3)
13.4 Nakagagawa ng malinaw na posisyon tungkol sa isyu sa
kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad. (EsP10PI- 5 1 1.67%
IVb-13.4) 5
14.1 Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa
katotohanan 5 1 1.67%
(EsP10PI-IVc-14.1) 6
14.2 Nasusuri ang mga isyung may kinalaman sa kawalan ng
paggalang sa katotohanan 5 1 1.67%
(EsP10PI-IVc-14.2) 7
14.3 Napapatunayang ang pagiging mulat sa mga isyu tungkol
sa kawalan ng paggalang sa katotohanan ay daan upang isulong 5 5 2 3.33%
at isabuhay ang pagiging mapanagutan at tapat na nilalang. 8 9
(EsP10PI-IVd-14.3)
14.4 Nakabubuo ng mga hakbang upang maisabuhay ang paggalang
sa katotohanan 6 1 1.67%
(EsP10PI-IVd-14.4) 0

You might also like