You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XIII- CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
ADLAY NATIONAL HIGH SCHOOL
Adlay,Carrascal,Surigao del Sur

KALAGITNANG PAGSUSULIT
Markahan: Ika-apat
Asignatura at Baitang: Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 8
Taong Panuruan: 2022-2023

Pangalan : _____________________________________ Eskor: ____________


Guro: __________________________________________ Petsa: ____________

I- PAGPIPILIAN (1-10)
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang pinaka- angkop na sagot
sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang seksuwalidad ng tao?
A. Ay ang pagkakaroon ng maraming nobyo o nobya.
B. Ay ang pagkakaroon ng maraming kalaban at pagiging matapang.
C. Ay nakikita sa dami ng nabuntis ng isang lalaki na walang ibinigay na suporta kahit
kailan.
D. Ay may kaugnayan sa pagiging ganap na lalaki o babae ng isang tao
2. Bakit iba ang katutubong simbuyong seksuwal ng tao sa seksuwal na pagnanasa ng
isang hayop?
A. Dahil ang seksuwal na pagnanasa ng hayop ay nakabase sa kanilang “instinct” kaya
nagiging awtomatikong kilos at hindi ginagamitan ng kamalayan.
B. Dahil ang hayop ay marunong mag-isip at magpigil ng kanilang seksuwal na
pagnanasa.
C. Dahil ang hayop ay may kakayahang magpasya kung ano ang dapat at hindi.
D. Dahil ang hayop ay ginagabayan ng konsensya.
3. Ano ang Puppy Love?
A. Pag-ibig ng mga aso
B. Isang paghanga lamang at hindi tunay na pagmamahal
C.Pag ibig na katulad ng sa mga aso
D. Gustong gawin ng mga aso
4. Ang tunay na pagmamahal ay malaya at nagpapahalaga sa kalayaan ng minamahal.
Ano ang ibig sabihin nito?
A. Walang pagmamahal sa taong nasa loob ng kulungan.
B. Ang tunay na pagmamahal ay nakikita lamang sa labas ng bawat bahay.
C. Dahil sa ating malayang kilos-loob walang makapagdidikta sa atin kung sino ang
ating mamahalin at kung sino ang magmamahal sa atin.
D. Mahal ang presyo ng pagmamahal.
5. “Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao lamang ang makapagsisilang
ng isa pang tao, na tulad niya ay may kakayahang magmahal”, Ito ay ayon kay?
A. Papa Juan Paolo ll B. Vice Ganda C. Rodrigo R. Duterte D.Leonor M. Briones
6. Ang tunay na pagmamahal ay ang lubos na paghahandog ng buong pagkatao sa minamahal.
Ang pinakamahalagang palatandaan ng paghahandog na ito ay ang…
A. pagbibigay ng mamahaling regalo C. paglalaba sa mga damit ng minamahal
B. pag post sa fb ng mga larawan ng minamahal D. pagpapakasal sa minamahal
7. Ano ang mas malalim na kahulugan ng mga salitang “Mahal kita dahil ika’y ikaw”?
A. Mahal kita dahil maganda o gwapo ka.
B. Mahal kita dahil palagi kang may award sa paaralan.
C. Mahal ko ang buo mong pagkatao at hindi lang ang iilang bahagi ng iyong katawan o
kaya’y ang mga iilang bagay lang na naiibigan ko sa iyo.
D. Mahal kita sapagkat marami kang binibigay na mga regalo sa akin.
8. Ang pagmamahal ay hindi isang emosyon at lalong hindi pagpukaw lamang sa diwa at mga
pandama, ito ay isang?
A. panaginip B. birtud C. bagay D. pangarap
9. Ang sumusunod ay mga sanhi ng pambubulas sa paaralan maliban sa:
A. Pagkakaranas ng karahasan sa tahanan
B. Paghahanap ng mapagkatuwaan
C. Pagkakaroon ng pagkakaibang pisikal
D. Pagkakaroon ng mababang marka sa klase
10. Ang sumusunod ay mga umiiral na karahasan sa paaralan maliban sa:
A. Pambubulas B. Pandaraya C. Fraternity D. Gang
TEST II- WORD HUNT

Panuto: Hanapin at bilugan sa puzzle box ang mga salitang may kaugnayan sa Seksuwalidad
ng tao. Isa-isang huhulaan ng mga mag-aaral ang mga salita
L A R B A B A E R T
A A S E X D R I V E
L D K N O B Y A A D
A P A G I B I G R T
K C R U S H W E R T
I P U P P Y L O V E
T U D A L A G A D R
Y C B B I N A T A G
E M O S Y O N R T A
K I L O S L O O B B

TEST III- Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang bawat tanong. Sumulat ng isa hanggang
tatlong pangungusap sa bawat aytem para mas magiging klaro at mas maipapaliliwanag ang
mga sagot. Sampung puntos sa pinakatamang sagot sa bawat aytem.
1. Ano ang seksuwalidad ng tao? Ipaliwanag.
2. Bakit nagiging iba ang katutubong simbuyong seksuwal o sex drive ng tao sa seksuwal
na pagnanasa ng hayop?
3. Ano ang puppy love? Ipaliwanag ito at magbigay ng isang halimbawa.

You might also like