You are on page 1of 6

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN IV

Pangalan: __________________________________________ Iskor: __________________________


Baitang/Pangkat: __________________________________ Guro: _________________________
Paaralan: _________________________________________ Punongguro: __________________
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
_____1. Ano ang pagkamamamayan ng mga taong nakatira sa Pilipinas?
A. Amerikano B. Bombay C. Intsik D. Pilipino
_____2. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng karapatang maisilang?
A. B. C. D.

_____3. Limang taon si Teng nang dalhin sya ni Aling Marta sa Balbaloto Elementary School upang
makapag-aral ng kinder. Anong karapatan ang kanyang natamasa?
A. Karapatang magkaroon ng pangalan.
B. Karapatang makapag-aral.
C. Karapatang makapaglibang.
D. Karapatang makapaglaro.
_____4. Ang bawat isa ay may tungkulin sa ating Diyos anuman ang relihiyon. Sino ang nagpapakita ng
pagtugon sa tungkuling maglingkod sa Diyos?
A. Maagang gumising ang pamilya ni JJ para magpunta sa kapilya tuwing araw ng Linggo.
B. Nakikipag-away si Betty sa kanyang kamag-aral dahil magkaiba sila ng relihiyong kinabibilangan.
C. Hindi sumama si Lito sa kanyang ina sa simbahan dahil maglalaro sya sa labas.
D. Inaasar ni Anwar ang kanyang kaklaseng Muslim dahil sa suot nito.
______5. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng kagalingang pansibiko?
A. B. C. D.

______6. Sino sa kanila ang nagpapakita ng kagalingang pansibiko?


A. Iniiwanan ni Zaldy na nakabukas ang tubig sa handwash station.
B. Nilampasan lamang ni Abner ang kanyang guro na may bitbit na malaking bag.
C. Pagbibigay ng lumang laruan ni Vic bilang donasyon sa mga batang Aeta.
D. Binabato ni Tanggol ang alagang aso ng kapitbahay.
______7. Tumunog na ang bell ng paaralan, marami paring bata ang hindi nakalinya. Magsisimula na
ang pambansang awit. Ano ang gagawin mo?
A. Sumali sa mga batang hind pa nakalinya.
B. Huwag kumibo.
C. Sabihan sila na pumila na at sumabay sa pag-awit ng Lupang Hinirang.
D. Sigawan ang mga batang hindi nakalinya.
_____8. Nakita mong tumatawid sa kalsada ang isang matanda. Ano ang gagawin mo?
A. Alalayan ang matanda.
B. Sabihan siya na mag-ingat sa pagtawid.
C. Pabayaan siya at huwag pansinin
D. Maghanap ng pulis na magtatawid sa kanya
_____9. Ano- ano ang katangian ng isang maunlad na bansa?
A. pantay-pantay ang pagturing sa mamamayan
B. maayosa ang pagpapatakbo ng lipunan
C. pagkakaroon ng angkop at sapat na serbisyong panlipunan
D. lahat ng mga nabanggit
____10. Sino ang bumubuo ng bansa at ng lipunan?
A. Mamamayan C. Katoliko
B. Barangay D. Pulitiko
_____11. Sino ang HINDI maituturing na isang mamamayang Pilipino?
A. Ang isang batang may ama o ina na mamamayang Pilipino.
B. Ang isang taong isinilang sa Canada.
C. Ang isang taong mamamayan na ng Pilipinas bago pa pinagtibay ang Saligang Batas ng 1987.
D. Ang mga dayuhang naging naturalisadong mamamayan ayon sa batas.
______12. Aling prinsipyo ng pagkamamamayan ang naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng
magulang?
A. Jus sanguinis C. Jus soli.
B. Pandarayuhan D. Naturalisado
______13. Ito ay tumutukoy sa dalawang pagkamamayan ng isang tao na pinahihintulutan ng Saligang
Batas.
A. Single Citizen C. Triple Citizen
B. Dual Citizen D. Senior Citizen
______14. Ito ay uri ng pagkamamamayan na na naaayon sa lugar ng kanyang kapanganakan anuman
ang pagkamamamayan ng kaniyang mga magulang.
A. Jus sanguinis C. Jus soli.
B. Pandarayuhan D. Naturalisado
______15. Sa tuwing bumibili ng sapatos si Luna ay palagi niyang pinipili ang mga yari sa Marikina
dahil bukod sa magaganda na ay matitibay pa ang mga ito. Anong tungkulin ang kanyang ipinapakita?
A. Tungkulin sa iba o sa kapwa. C. Tungkulin sa sarili
B. Tungkulin sa bayan. D. Tungkulin sa Diyos
______16. Madalas na walang pambili ng pagkain si Ginoong Tonyo para sa kaniyang pamilya dahil
wala siyang trabaho. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Magpalimos sa daan.
B. Magsawalang kibo na lamang
C. Maghintay ng tulong na ibibigay
D. Maghanap ng pagkakakitaan.
_______17. Ibinili si Zia ng kaniyang tatay ng bagong gadget. Dahil sa kasabikan ay araw-araw niya
itong ginagamit sa paglalaro. Tama ba ang ginagawa ni Zia?
A. Oo, dahil karapatan niyang maglaro.
B. Hindi, dahil baka masira agad ang laruan.
C. Oo, dahil ngayon lang siya nagkaroon ng gadget.
D. Hindi, dahil kailangan niya ring mag-aral at tumulong sa gawaing bahay.
______18. Ang Barangay Balbaloto ay nanalo bilang pinakamalinis na barangay sa bayan ng Victoria,
Tarlac. Nakiisa ang mga mamamayan nito sa Clean and Green Project. Anong tungkulin ang ipinapakita
dito?
A. Tungkulin sa bansa C. Tungkulin sa sarili
B. Tungkulin sa pamahalaan D. Tungkulin sa Diyos
______19.  Ano ang epektong naidudulot ng gawaing pansibiko?
A. Mas mapapabilis ang pag-abot ng tulong
B. Kagyat na pagtugon sa mga nangangailangan
C. Pangmatagalang epekto ng mga gawain at proyekto.
  D. Lahat ng mga nabanggit
______20. Nasira ang bahay ng pamilyang Santos dahil sa lindol. Wala silang matutuluyan. Ano ang
maaari mong gawin?
A. Hayaan silang tumira sa kalye.
B. Huwag ng makialam sa problema nila.
C. Ipagbigay-alam ang kanilang kalagayan sa inyong kapitan.
D. Patirahin muna sila sa may kulungan ng inyong alagang hayop.
______21. Habang ikaw ay naglalaro ay nakita mong nadapa ang isang batang malapit sa iyo. Ano ang
gagawin mo?
A. Iiwasan ang bata baka ikaw pa ang masisi ng magulang.
B. Ipagpapatuloy ang paglalaro kasama ang mga kaibigan.
C. Tutulungan ang bata na tumayo at patatahanin ito.
D. Pagsasabihan ang bata na umuwi na sa kanila.
______22. Hinahabol ng aso ng kapitbahay ninyo ang isang babaeng nagtitinda. Ano ang gagawin mo?
A. Pagtatawanan lang ito.
B. Pagbabatuhin ang aso
C. Hahayaan na lang ang kapitbahay na mapansin ito.
D. Tatawagin ang kapitbahay at ipaaalam ang nangyayari.
____23. Gumagawa si Lota ng mga flowerpots mula sa plastik para mabawasan ang basura sa inyong
lugar, ngunit pinagtatawanan siya ng mga kalaro mo. Ano ang maaari mong gawin?
A. Pagtawanan din ang ginagawa ni Lota.
B. Sawayin ang mga kalaro at ipaliwanag ang mabuting epekto ng pagreresiklo.
C. Hayaan na lang si Lota sa kanyang ginagawa.
D. Ipagpatuloy ang pakikipaglaro kasama ang mga kaibigan.
_____24. Nagbebenta ng tiket para sa benefit show ang ate mo at mga kasamahan nito. Ano ang maaari
mong gawin upang makatulong?
A. Sasamahan ko si ate sa pagbebenta ng tiket.
B. Hahayaan ko na lang sina ate na gawin ito.
C. Makikipaglaro na lang ako sa mga kapitbahay.
D. Pipigilan ko ang ate na magbenta nito.
_____25. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pangmatagalang epekto ng gawaing pansibiko?
A. Pagbibigay ng relief goods sa nasalanta ng bagyo.
B. Pagbibigay ng kabuhayan sa tao.
C. Pagbibigay ng first aid sa mga naaksidente.
D. Pagsasagawa ng Feeding Program sa barangay.
_____26. Ano ang pangmatagalang epekto ng pagtatanim ng mga puno sa inyong bakuran?
A. Makakapagbigay ng sariwang hangin sa paligid.
B. Maiiwasan ang pagbaha sa lugar.
C. Makakapagbigay ng sariwang prutas.
D. Lahat nang nabanggit.
_____27. Paano maitataguyod ng mamamayan ang kaunlaran ng bansa?
A. Sirain ang mga panpublikong kagamitan at lugar.
B. Makipagsabwatan sa katiwalian sa pamahalaan.
C. Umaasa sa iba at huwag linangin ang sariling kakayahan.
D. Paunlarin ang sariling kakayahan para maging kapakipakinabang.
_____28. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging isang produktibong mamamayan?
A. Si Marta na humihingi ng awa sa ibang tao para sya ay tulungan.
B. Si Filo na nakapagtapos ng pag-aaral pero umaasa sa mga magulang na buhayin ang sarili.
C. Si Abnerl na nagsusumikap sa pagtatrabaho bilang isang janitor para buhayin ang pamilya kahit siya ay nag-
aaral.
D. Si Ben na nagnanakaw para may maiuwing pagkain sa bahay.
_____29. Ano ang gagawin mo para mapaunlad ang iyong sariling kakayahan?
A. Maging tamad at mandaya sa mga aralin sa paaralan.
B. Mag-aral nang mabuti at magsanay upang mapaunlad ang talento.
C. Iasa sa iba ang iyong gawain.
D. Magpatulong palagi para hindi mahirapan sa paggawa.
_____30. Maraming Pilipinong manlalaro ang nakilala at tumanyag sa buong mundo dahil sa kanilang
angking kakayahan at lakas. Kung ikaw ay isang manlalaro, Anong paghahanda ang gagawin mo sa
sasalihan mong laro?
A. Hihingi ako ng payo sa idolo kong manlalaro.
B. Iisipin ko na lamang na mananalo ako sa larong sasalihan.
C. Hindi na lang ako sasali sa laro.
D. Pauunlarin at lalo akong magsasanay upang makamit ang tagumpay.
______31. Ang mga sumusunod ay katangiang dapat taglayin ng dayuhan na nais maging naturalisadong
Pilipino maliban sa __________.
A. Siya ay naninirahan sa Pilipinas nang tuloy-tuloy sa loob ng 10 taon.
B. Naglingkod siya sa Sandatahang Lakas ng ibang bansa.
C. May matatag siyang hanapbuhay at may ari-arian sa Pilipinas.
D. Nakapagsasalita at nakasusulat siya ng wikang Pilipino.
______32. Nagmamadali ka patungong paaralan dahil mahuhuli ka na. Para makatawid sa kalsada,
kailangan mo munang maghintay sa hudyat na maaari na kayong tumawid. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sasabayan ko ang ibang taong tumatawid kahit wala pang hudyat sa tamang pagtawid.
B. Tatawid na ako dahil wala namang nakakakitang pulis.
C. Hihintayin ko ang hudyat sa tamang pagtawid.
D. Tatawid na ako kahit wala pang hudyat sa tamang pagtawid dahil mahuhuli na ako.
______33. May proyekto sa inyong barangay ukol sa pagre-recycle ng mga basura. Marami kayong iba’t
ibang basura sa inyong bahay. Ano ang iyong gagawin?
A. Hahayaan ko ang mga basura sa bahay.
B. Dadalhin ko ang mga basura sa barangay upang i-recycle.
C. Ipagbibili ko ang mga basura sa junk shop para kumita ng pera.
D. Hihintayin ko ang trak ng basura para kunin ang mga basura.
______34. Si Ramon ay may karapatang bumoto dahil siya ay nasa tamang edad na. Ano ang nararapat
niyang gawin bilang isang mabuting botante?
A. Iboto lang ang namimigay ng pera.
B. Iboto ang taong karapat-dapat sa tungkulin.
C. Iboto ang kanyang pinsan kahit na may masamang rekord sa barangay
D. Iboto ang kanyang ninong sa kasal kahit alam niyang wala itong sapat na kakayahan sa
tinatakbuhang katungkulan.
_____35. Magpapakain para sa mga batang lansangan ang organisasyong pangkababaihan na
kinabibilangan ng iyong ina sa inyong lugar. Ano ang maaari mong maitulong?
A. Tumulong sa paghahanda at pagpapakain ng mga batang lansangan.
B. Magboluntaryo na tutulong sa susunod na proyekto ng organisasyon.
C. Makikain kasama ng ibang mga bata.
D. Umuwi na lamang upang hindi makagulo.
_____36. Katatapos lamang ng malakas na bagyo sa inyong lugar. Tulong-tulong ang mga tao sa inyong
pamayanan upang maglinis. Ano ang gagawin mo?
A. Manood sa mga taong naglilinis.
B. Manatili sa kuwarto at magpahinga.
C. Gawin ang makakaya upang makatulong sa paglilinis
D. Magpakuha ng mga larawan at i-post sa facebook ang kaganapan.
_____37. Ang mga mag-aaral ay inimbitahang dumalo sa isang programa sa paaralan. Sisimulan ang
programa sa pag-awit ng ‘Lupang Hinirang’. Kung ikaw ay kasama sa mga mag-aaral na dumalo, ano
ang dapat mong gawin?
A. Huwag kumibo ngunit magmasid.
B. Sumali sa mga nagkukuwentuhang mag-aaral.
C. Sawayin ang mga nagkukuwentuhang mag-aaral.
D. Pagsabihan ang mga nagkukuwentuhan na tumahimik muna at lumahok sa pag-awit.
_____38. Nakita mong tulong tulong sa paglilinis ng kanal ng inyong barangay ang mga kabataan para
mapuksa ang mga lamok na nagdadala ng dengue. Ano ang maaari mong gawin?
A. Tingnan kung maayos ang pagkakalinis nila ng kanal.
B. Tawagin ang mga kalaro upang tumulong din sa paglilinis.
C. Magkunwaring walang nakita at umuwi na lang sa bahay.
D. Kunin ang aklat at magkunwaring nagbabasa.

_____39. Ang pagiging produktibo ay pagiging maabilidad at malikhain. Piliin kung alin sa mga
kalagayan ang nagpapakita ng pagiging produktibo.
A. Mahilig si Liza bumili ng mga imported na produkto.
B. Binibili agad ni Raymond kung ano ang maibigan niya.
C. Magaling si Ana gumawa ng mga palamuti galing sa patapong bagay.
D. Sinisiguro ni Mario na marami siyang dalang groceries sa bahay.
____40. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng taong may tamang saloobin sa paggawa?
A. Palaging nagrereklamo sa gawain.
B. Madalas magpahinga kahit oras ng trabaho.
C. Ipinagpapaliban ang paggawa ng gawaing bahay.
D. Matipid sa paggamit ng mga materyales sa opisina o pabrika.

Prepared by:

ANNALIZA G. VALDEZ
Teacher II, Balbaloto ES

Validated by: Quality Assured by:


LOVELY M. REPTIN MINDA G. QUIJANO
District Araling Panlipunan Specialist Master Teacher I, LAC Leader Grade IV

LOURDES G. QUESADA
Master Teacher I, LAC Leader Grade IV

ELENA P. BARTOLO, EdD


Principal II, District Araling Panlipunan Consultant

Reviewed by:
ROGER P. RAMOS, EdD
Public Schools District Supervisor

APPROVED:

DR. PAULINO D. DE PANO


Chief Education Supervisor- Curriculum Implementation Division

IKA-APAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN IV


SUSI SA PAGWAWASTO

1. D 21. C
2. A 22. D
3. B 23. B
4. A 24. A
5. A 25. B
6. C 26. D
7. C 27. D
8. A 28. C
9. D 29. B
10. A 30. D
11. B 31. B
12. C 32. C
13. B 33. B
14. A 34. B
15. B 35. A
16. D 36. C
17. D 37. D
18. B 38. B
19. D 39. C
20. C 40. D

You might also like