You are on page 1of 8

Paksa

 Mga Uri ng Bikas


 Pormasyon ng Pantig at Pagpapantig

MGA URI NG BIGKAS


Apat na Uri ng Bigkas
1. Malumay
- Ito ay dahan dahan at may diin ang ikalawang pantig mula sa hulihan.
- Walang tuldik o tanda.
- Maaaring magtapos sa patinig o katinig.

Halimbawa:
baka
babae
mabuti
malumay
kulay
dahoon
sabong
buko
mabuhay

2. Malumi
- Binibigkas din ito ng marahan tulad ng malumay.
- Ang kaibahan lamang ay may impit na tunog sa hulihan.
- Palaging nagtatapos sa tunog patinig ang malumi.
- Ginagamitan natin ito ng tuldik paiwa (`) na inilalagay sa ibabaw ng huling pantig.

Halimbawa:
malumì
lahì
batà
lupà
gusalì
batò

3. Mabilis
- Tuloy tuloy na binibigkas ang salita at ang diin ay nasa huling pantig.
- Walang impit sa tunog.
- Nagtatapos ang salitang mabilis sa katinig at patinig.
- Tuldik na pahilis (‘) ang inilalagay sa ibabaw ng huling pantig.

Halimbawa:
mabilís
diláw
bulaklák
bagsík
damó
gandá
butó

4. Maragsa
- Tuloy tuloy na pabigkas.
- May impit o pasarang tunog sa hulihan.
- Laging nagtatapos sa patinig.
- Tuldik na pakupya (^) ang inilalagay sa ibabaw ng huling patinig na salita.

Halimbawa:
maragsâ
salitâ
likhâ
tumulâ
hindî
dugô

Buod ng Aralin
I. Malumay
- Binibigkas ito ng marahan at may diin sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Walangtuldik o
tanda.
- Nagtatapos sa patinig o katinig.
II. Malumi
- Binibigkas ng marahan pero may impit na tunog sa hulihan.
- Tuldik paiwa(`)
- Nagtatapos sa patinig
III. Mabilis
- Tuloy-tuloy ang bigkas
- Tuldik na pahilis(‘)
- Nagtatapos sa patinig o katinig
IV. Maragsa
- Tuloy-tuloy ang bigkas tulad ng mabilis pero may impit o pasarang tunog sa hulihan
- Tuldik na pakupya(^)
- Nagtatapos sa patinig
Poramasyon ng Pantig at Pagpapantig

Pantig
 Ang pantig ay binubuo ng mga tunog na magkakasama, at ito ay bahagi ng isang salita.
Halimbawa:
Ang salitang “panitikan” ay binubuo ng apat na pantig, “pa”, “ni”, “ti”, “kan”
 Ang pantig ay pagbuka ng bibig o saltik ng dila na gumagawa ng tunog upang bigkasin ang salita.
 Upang magkaroon ng tunog ang isang salita,kailangan nito ng katinig(consonant) at patinig
(vowel)

Sa Filipino, mayroong apat na uri ng pantig:

1. Patinig-binubuo ng mga tunog A,E,I,O at U.


2. Katinig-binubuo ng mga tunog na hindi patinig.
3. Patinig at Katinig-binubuo ng mga tunog na may patinig at katinig na kasama.
4. Diin-Tumutukoy sa bigat o lakas ng pagbigkas ng pantig salita.

Pagpapantig
 Ang pagpapantig ay ang proseso ng paghihiwalay ng mga tunog sa isang salita upang maging
malinaw at tamang bigkasin ito.
 Sa Filipino, ang wastong pagpapantig ay mahalaga upang maunawaan ng mga tagapakinig ang
isang salita.
Halimbawa:
Ang salitang “pandemya”, ang wastong pagpapantig ay “pan-dem-ya”,at hindi “pand-emya”.
 Ang Pantig ay ang mga tunog na binubuo ng isang salita.
 Ang Pagpapantig ay proseso ng paghihiwalay ng mga tunog sa isang salita upang maging
malinaw at tamang bigkasin ito.

Mga Pormasyon ng Pantig


 P(Patinig)
 PK(Patinig-Katinig)
 KP(Katinig-Patinig)
 KPK(Katinig-Patinig-Katinig)
 PKK(Patinig-Katinig-Katinig)
 KKP(Katinig-Katinig-Patinig)
 KKPK(Kating-Katinig-Patinig-Katinig)
 KPKK(Katinig-Pating-Katinig-Katinig)
 KKPK(Katinig-Katinig-Patinig-Katinig)
 KKPKKK(Katinig-Katinig-Patinig-Katinig-Katinig-Katinig)

Pormasyon ng Pantig

1. P(Patinig)-pantig na binubuo ng pantig lamang,kaya’t tinatawag na payak.


Halimbawa:
a-ba-ka a-wit
i-go-rot e-le-men-tar-ya
2. KP(Katinig-Patinig)- Pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa hulihan.
Halimbawa:
es-trang-he-ro it-log
un-tog am-bon
ak-saya

3. KP(Katinig-Patinig)- Pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa unahan,kaya’t


tinawag na tambal una.
Ka-ro ma-ta
Pusa te-la
Ba-ta

4. KPK(Katinig-Patinig-Katinig)-Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may tamabal na katinig


sa unahan at hulihan kaya tinawag na kabilaan
Halimbawa:
bas-ton suk-li
bun-dok tin-da
buk-lat
sam-pal

5. PKK(Patinig-Katinig-Katinig)-Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa


hulihan.
Halimbawa:
ins-tru-men-to blo-awti
eks-tra ins-pi-ras-yon
eks-pe-ri-men-to eks-per-to
obs-truk-syon

6. KKP(Katinig-Katinig-Patinig)-Ito ay pantig na binubuo ng pantig na may tambal na klaster sa


unahan.
Halimbawa:
kla-se tra-baho
pro-tes-ta plo-re-ra
bra-so

7. KKPK(Katinig-Katinig-Patinig-Katinig)-Ito ay pantig na binubuo ng pantig na may tambal na


klaster sa unahan at katinig sa hulihan.
Halimbawa:
plan-tsa kwad-ra
trak-to-ra tray-si-kel

8. KPKK(Katinig-Patinig-Katinig-Katinig)-Ito ay pantig na binubuo ng pantig na may tambal na


klaster sa unahan at sa hulihan.
Halimbawa:
nars keyk
kard tung-ku-lin

9. KKPKK(Katinig-Katinig-Patinig-Katinig-Katinig)-Ito ay pantig na binubuo ngg pantig na


may tambal na klaster sa unahan at hulihan.
Halimbawa:
Trans-por-tas-yon
10. KKPKKK(Katinig-Katinig-Patinig-Katinig-Katinig-Katinig)
Halimbawa:
Shorts
Shirts
Sports

Group 2
Rebualos, Lyka A.
Tamayo, Danica Y.
Nunez. Pinky
Cabuyao, Ramilyn F.
DOKUMENTASYON

Napagkasunduan namin na magkita dito upang maisagawa ang gawain na


ibinigay sa amin ng aming guro na si Bb. Joanino. Dito sa larawan na ito
makikita na kami ay nangangalap o nananaliksik ng mga impormasyon
tungkol sa paksa na ibinigay sa amin, tungkol sa “Mga Uri ng Bigkas”, at
“Pormasyon ng Pantig at Pagpapantig” Nagkaroon kami ng kooperasyon
upang maisagawa ito ng maayos.
Ipinapakita sa larawang ito ang aming grupo na nagrereport tungkol sa
ibinigay na paksa ng aming guro na si Bb. Joanino ukol sa mga uri ng
bigkas at pormasyon ng pantig at pagpapantig. Sa pamamagitan ng
aming pagrereport na ito, inaasahan naming naipakita naming ang
aming kaalaman at pag-unawa sa naturang paksa sa buong klase.

Group 2
Rebualos, Lyka A.
Tamayo, Danica Y.
Nunez. Pinky
Cabuyao, Ramilyn F.

You might also like