You are on page 1of 8

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN 9-EKONOMIKS

PANGALAN:_________________________________ GR.&SEC.:_________________
ISKOR:_______

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng pinakaangkop
na sagot mula sa mga pagpipilian.

1. Ang mga sumusunod ay mga saklaw ng mikroekonomiks maliban sa ______________.

A. Demand ng mga mamimili C. Kita ng buong bansa

B. Suplay ng mga negosyante D. Mamimili

2. Isa sa mahalagang elemento na sinusuri sa pag-aaral ng microeconomics ay ang konsepto


ng demand na idinidikta o nagmumula sa mga konsyumer. Alin sa sumusunod ang tamang
pagpapakahulugan sa konsepto ng demand?

A. Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang konsyumer.

B. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa (willing) at kayang (able) bilhin ng mga
konsyumer sa iba’t ibang halaga o presyo.

C. Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung ang
konsyumer ay makakabili ng lahat ng kanilang pangangailangan.

D. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng prodyuser sa iba’t ibang
presyo.

Para sa bilang 3-4, basahin ang talahanayan sa ibaba.

Iskedyul ng Demand Para sa Produktong A


Presyo Dami ng Demand
600 50
500 80
400 130
300 200
200 330
100 500
3. Kapag ang kurba ng demand ay gumagalaw mula itaas, pababa, at pakanan o downward
sloping, ito ay nagpapahiwatig ng ___________________.

A. Walang kaugnayan ang demand sa presyo

B. Hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand

C. Negatibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand

D. Positibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand

4. Alin ang nagpapakita ng kurba ng demand ng Produktong A batay sa talahanayan?

A. C.

B. D.

5. Anong salik ang maaring magpababa sa demand ng motor?

A. Pagbaba ng presyo ng gulong C. Pagtaas ng presyo ng pamasahe

B. Pagbaba ng singil sa rehistrasyon. D. Pagtaas ng presyo ng gasolina.

6. Sa kasalukuyang panahon, malaki ang gampanin ng teknolohiya sa buhay ng mga tao. Dahil
dito

Dumadami ang bumibili ng laptop dahil ito ang nauuso. Anong salik ng demand ito?

A.. Inaasahan ng mamimili C. Panlasa

B. Presyo ng kaugnay na produkto D. Kita

7. Natanggal sa trabaho ang ama ni Kardo kaya bumibili na lang siya sa ukay-ukay. Anong salik
ng demand ang nakaapekto?
A. Kita B. Panlasa C. Dami ng mamimili D. Kapalit na
produkto

8. Kapag tumaas ang presyo ng kape, bumababa ang demand ng asukal. Ano ang relasyon ng
asukal at kape?

A. Magkaugnay na kalakal C. Magkatunggaling kalakal

B. Pamalit na kalakal D. Lahat ng nabanggit

Para sa bilang 9, suriin ang graph sa ibaba.

9. Ano ang ipinapakita ng graph?

A. Pagtaas ng demand C. Pagtaas ng suplay

B. Pagbaba ng demand D. Pagbaba ng suplay

10. Tuwing panahon ng kapaskuhan hindi maiwasna ng tao ang bumili ng panghanda tuald ng
quezo de bola at prutas. Anong salik ng demand ang ipinakikita dito?

A. Kita B. Panlasa C.Inaasahan ng mamimili D. Kapalit na produkto

11. Sina Pirena, Amihan , Alena at Danaya ay mga negosyante ng bigas. Si ay Pirena ay
nagbibili ng isang sako sa halagang P1400, si Amihan ay P1390 kada sako samantalang P1410
kay Alena at P1380 kay Danaya. Kung ikaw ang mamimili, kanino ka bibili?

A. Pirena B. Amihan C. Alena D. Danaya

12. Alin ang nagpapaliwanag kung bakit mahal ang bulaklak sa tuwing sasapit ang Undas?
A. Dahil sa okasyon, tumataas ang demand ng mga konsyumer sa bulaklak kaya
lumilipat ang kurba ng demand sa kanan na nagreresulta sa pagtaas ng presyo nito.
B. Dahil sa tuwing sasapit ang Undas, nagkakasundo na ang mga konsyumer at
prodyuser na itaas ang presyo sapagkat pareho naman silang nakikinabang dito.
C. Tanggap ng mga konsyumer ang pagtaas ng presyo ng rosas tuwing sasapit ang
Undas sapagkat hindi matatawaran ang kasiyahang natatamo ng mga konsyumer sa
pagbibigay ng rosas sa kanilang mga mahal sa buhay.
D. Tuwing sasapit ang Undas, itinatago ng mga prodyuser ang panindang bulaklak
upang
lalong tumaas ang presyo nito.

13. Ano ang reaksyon ng isang variable sa pagbabago ng presyo?

A. Produktibidad B. Seguridad C. Integridad D. Elastisidad

14. Kung ang nakompyut na elastisidad ay eksaktong 1, ito ay nangangahulugang ________.

A. Elastic B. Inelastic C. Unit Elastic D. Ganap na Elastic

Sabihin kung ang mga sumusunod ay elastic, inelastic, o unit elastic.

15. alahas, gadgets, accessories

A. Elastic B. Inelastic C. Unit Elastic D. Perfectly Elastic

16. tubig, gamut, bigas

A. Elastic B. Inelastic C. Unit Elastic D. Perfectly Elastic

17. Nabawasna ng 20 porsyento ang dami ng binibiling TV set matapos taasan ang presyo nito
ng 15

porsyento. Ano ang elastisidad ng TV set?

A. 15 B. 20 C. 5 D. 1.33

18. Sa ekonomiks, pinag-aaralan kung paano matutugunan ang walang katapusang


pangangailangan ng tao. Ang gawaing ito ay tungkulin ng prodyuser. Ano ang tawag sa dami ng
produkto na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser?

A. Demand B. Suplay C. Presyo D. Ekwilibriyo


Para sa bilang 19-20, basahin ang talahanayan sa ibaba.

Iskedyul ng Suplay Para sa Produktong B


Presyo Dami ng Demand
600 500
500 330
400 200
300 130
200 80
100 50

19. Alin ang nagpapakita ng kurba ng suplay ng Produktong B batay sa talahanayan?

A. C.

B. D.

20. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahiwatig ng batas ng supply?

A. Tumataas ang supply kapag tumataas ang presyo.


B. Bumababa ang supply kapag tumataas ang presyo.
C. Tumataas ang supply kapag bumababa ang presyo.
D. Tumataas ang supply kahit hindi bumababa ang presyo

21. Upang masabing supply, kailangang may kagustuhan at kakayahan na ipagbili ng prodyuser
ang isang uri ng produkto. Halimbawa, may 30,000 lata ng sardinas ang kailangan sa
pamilihan. Ayon sa datos, mayroong 10 kompanya ng sardinas ngunit sa bilang na ito, 6
lamang ang nais gumawa ng kabuuang 20,000 lata ng sardinas kung ipagbibili ito sa presyong
Php10.00. Batay sa pahayag, ilan ang maitatalang supply ng sardinas?

A. 6 B. 10 C. 20,000 D. 30,000
22. Alin sa mga sumusunod ang salik na nakapagpapataas sa antas ng produksyon at suplay
ng produkto?

A. Paggamit ng angkop na teknilohiya. C. Pagmahal ng mga salik ng produksyon

B. Pagdami ng bilang ng mga mamimili. D. Pagtaas ng demand para sa produkto.

23. Dati-rati maliit na makina lamang ang ginagamit ni Aling Nati sa pananahi ng mga
burdadong damit. Sa tinagal-tagal ng panahon nakaipon ng puhunan at nakabili ng dalawang
yunit ng panahing pwedeng gamitin sa pagbuburda. Dumami ang natatahing mga damit
burdado na naging dahilan sa mabilis na produksyon ng patahian. Ano ang naging epekto ng
mga bagong makina sa kanyang patahian?

A. Naaliw si Aling Nati sa mabilis na pananahi.

B. Nawalan ng silbi na makatulong sa tahiin ni Aling Nati.

C. Nakadagdag ng gastusin ni Aling Nati taun-taon.

D. Nakatulong upang maparami ang natatahing damit.

24. Ang niyog, saging at kawayan ang pangunahing produkto ng Tanay, Rizal. Sa loob ng isang
taon maaari kang kumita ng 100, 000 piso sa kawayan, 150, 000 sa saging at 200, 000 sa
kawayan. Kung ikaw ay may balak magtanim alin sa mga ito ang iyong pagtutuunan ng pansin?

A. Niyog B. Saging C. Kawayan D. Hane

25. Tuwing sasapit ang Kapaskuhan at Piyesta ng Bayan ng Tanay nagkakaroon ng mga
nagtitinda ng iba’t-ibang produkto sa Plaza. Ano ang nangyayari sa dami ng suplay ng mga
produkto?

A. Dumarami B. Kumakaunti C. Nanatili D. Lahat ng nabanggit

Para sa bilang 26, suriin ang graph sa ibaba.


26. Ano ang ipinapakita ng graph?

A. Pagtaas ng demand C. Pagbaba ng supply


B. Pagbaba ng demand D. Pagtaas ng supply
27. Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari kapag tumaas ang presyo ng mga chicken
feed?

A. Tataas ang suplay ng manok at bababa ang presyo nito.

B. T ataas ang suplay ng manok at tataas ang presyo nito.

C. Bababa ang suplay ng manok at tataas ang presyo nito.

D. Bababa ang suplay ng manok at bababa ang presyo nito.

28. Kung ang sitwasyon sa pamilihan ay ganito – ang suplay ng produkto ay kakaunti ngunit
marami ang demand ng tao – ang presyo ay _____.

A. Tataas B. Bababa C. Mananatili D. Walang


Mangyayari

29. Nagkaroon ng brown-out sa kalakhang Maynila. Ano ang magiging epekto nito sa mga
nagbibili ng perishable goods?

A. Marami ang magsususplay C. Mananatili ang magsusuplay

B. Mababawasan ang magsusuplay D. Wala ng magsusuplay

Para sa bilang 30-34 sabihin kung ang mga sumusunod ay elastic, inelastic, o unit elastic ang
reaksyon sa suplay.

30. Kailangang magdagdag ng kwarto sa resort.

A. Elastic B. Inelastic C. Unit Elastic D. Perfectly Elastic

31. Manufactured goods

A. Elastic B. Inelastic C. Unit Elastic D. Perfectly Elastic


32. Proporsiyonal na laki ng pagbabago sa presyo at dami ng suplay.

A. Elastic B. Inelastic C. Unit Elastic D. Perfectly Elastic

33. Kung ang nakompyut na elastisidad ng suplay ay 0.99 ito ay nangangahulugang


_______________.

A. Elastic B. Inelastic C . Unit Elastic D. Perfectly Elastic

34. Ano naman ang elastisidad ng suplay kung ito ay 1.01?

A. Elastic B. Inelastic C. Unit Elastic D. Perfectly Elastic

35. Sa ekonomiks, kalian masasabing mayroong pamilihan sa isang lugar?

A. Kapag mayroong mamimili C.Kapag may tumatawad sa presyo

B. Kapag may nagbebenta D. Kapag may nagbibili at nagbebenta

You might also like