You are on page 1of 5

Yalung, Sharielane C.

KABANATA VII:

Mairog na salitaan sa isang "azotea"


Talasalitaan (kahulugan)



Buod:

Ang kabanata na ito ay tumalakay sa pag-iibigan at pagharap sa isang mahalagang responsibilidad sa


buhay.

Si Tiya Isabel ay isang deboto ng simbahang katoliko, nakagawian na niya na magsimba tuwing umaga kasama
ang pamangkin na si Maria Clara. Pagkatapos ng misa ng araw na iyon ay nagmamdali na umuwi si Maria,
bagay na ikinagalit ng kanyang tiyahin.

Mula sa balkonahe ng kanilang bahay ay hindi mapakali at aligaga ang dalaga. Hinihintay niya ang pagdating
ng kanyang kasintahan na si Ibarra. Halos pitong taon din ang lumipas na hindi nagkita ang dalawang
magsing-irog.

Dumating nga si Ibarra at ginugol ng dalawa ang kanilang oras sa pag-aalala sa kanilang mga nakaraan mula
noong sila ay mga musmos pa lamang. Si Maria ay nagbalik tanaw mula sa kanyang buhay sa Beaterio habang
si Ibarra naman ay sa kanyang pag-aaral at pakikipagsapalaran sa Europa.

Isinumbat ni Maria ang paglayo ni Ibarra upang mag-aral, ngunit dagli naman itong sinagot ng binata. Lumayo
daw siya para gawin ang mga higit na mahalagang bagay, ang pag-aaral para sa kabutihan ng hinaharap ng
bayan.

Naputol ang kanilang usapan nang biglang maalala ng binata ang kanyang mga yumaong magulang. Dali-dali
siyang nagpaalam at umuwi para makahabol sa nalalapit na undas.

Aral:

Pagiging sentimental
Yalung, Sharielane C.

KABANATA VIII:

Mga Alaala
Talasalitaan (kahulugan)



Buod:

Sa kabanata na ito, ipinakita ni Rizal ang diskriminasyon sa pagitan ng mga dayuhan at mga Pilipino.
Ipinahayag din niya kung gaano kabilis ang pag-asenso ng mga Espanyol ay siya namang pagkalugmok sa
kahirapan ng Inang Bayan.

Habang lulan ng kanyang karwahe ay binagtas ni Ibarra ang Maynila. Nanlumo at nalungkot siya dahil sa
kanyang mga nasilayan. Halos walang pinagbago at lalo pang pumangit ang Escolta pagkatapos ng pitong
taon na nilisan niya ito.

Ang tanawin at alaala ng kanyang bayan na iniwan ay tuluyan nang napabayaan. Maging ang kalagayan ng
mga tao ay lalo pang lumala, mas lalong dumami ang bilang ng mga alipin.

Kung gaano kagara at kakintab ang mga karwahe ng mga prayle ay siya namang ingay at langitngit ng gulong
ng mga kariton na gamit ng mga pobreng Pilipino. Ito ang mga eksena na labis na nagpabigat sa damdamin ni
Ibarra.

Bahagyang naibsan ang kanyang kalungkutan nang madaanan niya ang Bagumbayan. Dito ay sumagi sa isip
niya ang mga aral ng kanyang dating guro na pari. Ang mga aral na ito ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon
upang isapuso ang pag-aaral at ipamahagi ito lalo na sa mga kabataan na siyang pag-asa ng bayan.

Kanser ng lipunan:

Mabagal na Pag-unlad
Yalung, Sharielane C.

KABANATA IX:

Mga Bagay-bagay Ukol Sa Bayan


Talasalitaan (kahulugan)



Buod:

Sa kabanata na ito lumabas ang pagiging sunod-sunuran ni Kapitan Tiyago sa kagustuhan ni


Padre Damaso, lalo na sa mga usapin tungkol kay Maria Clara.

Nakagayak na ang magtiyahin na Donya Isabel at Maria Clara upang pumunta sa Beaterio at kunin
ang mga naiwang gamit ng huli. Ilang sandali bago sila umalis ay siya namang pagdating ni Padre
Damaso.

Magiliw niyang tinanong ang dalaga kung saan sila papunta at nang kanya itong malaman aybiglang
nag-init ang kanyang ulo. Dahil dito dali-dali niya hinanap si kapitan Tiyago. Naging mainit ang
kanilang usapan hanggang sa umabot na silang dalawa ay nagkasigawan na naging tampulan ng
tsismis ng mga pari.

Sinabihan niya ang gobernadorcillo na hindi siya sang-ayon sa nakikita niyang pakikipagmabutihan
ni Maria Clara kay Crisostomo Ibarra. Hindi daw sila dapat na magkatuluyan dahil si Ibarra ay isang
kaaway.

Kanser ng lipunan:

Panghihimasok
Yalung, Sharielane C.

KABANATA X:

Ang Bayan Ng San Diego

Talasalitaan (kahulugan)



Buod:

Sa ika-sampung kabanata ng Noli Me Tangere, isinaad dito ang Bayan ng San Diego – na siya ring
pamagat ng kabanata.

Nag-umpisa ang kabanata sa paglalarawan ni Rizal sa bayan. Napapaligiran ng bukirin ang bayan na siya ring
malapit sa lawa at ilog. Kaya naman maraming mga tao ang manghang-mangha sa bayan na ito dahil sa
magagandang tanawin dito.

Mayroon ring gubat na malapit sa bayan, kung saan nagsimula ang kasaysayan. Sinasabing noong unang
panahon ay may isang matandang Kastila ang nagkaroon ng interes sa isang lupa malapit sa kagubatan.

Bagama’t walang tunay na nagmamay-ari sa lupa ay nagbigay ang matanda nang kakaunting salapi at mga
materyal na bagay tulad ng damit at alahas sa mga taong naninirahan malapit sa lupain.

Ilang araw lang ay natagpuang nagpatiwakal ang matanda sa gubat. Maraming haka-haka ang umusbong
kung bakit iyon nagawa ng matanda pero walang nakahanap ng tunay na rason.

Makalipas ang ilang buwan ay isang binata naman ang dumating sa bayan na nagpakilalang anak nang yumao.
Ang kanyang pangalan ay Don Saturnino. Nanirahan siya sa Bayan ng San Diego kung saan siya na rin ay
nagkaroon ng pamilya. Ang kanyang anak na si Don Rafael ay siya namang ama ni Crisostomo Ibarra.

Kanser ng lipunan:

Ganid & ugaling sadista


Lacsina, Qwyncy T.

9-STE

𝐌𝐠𝐚 𝐒𝐮𝐥𝐢𝐫𝐚𝐧𝐢𝐧 𝐓𝐮𝐧𝐠𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧


Talasalitaan:
1. Malugod – masaya
2. Maluwalhati – mapayapa
3. Masinsin – magkakalapit

Buod:
Nang araw na iyon ay nakatakdang kuhanin ni Maria Clara ang kanyang kagamitan sa kumbento. Ang kanyang
Tiya Isabel ay naghihintay na sa karawahe upang tuluyan na silang makaalis. Siya namang pagdating ni Padre
Damaso.

Hindi minabuti ng pari ang kanilang pag-alis kaya bubulong-bulong itong umakyat papunta sa bahay ng
Kapitan. Agad naman siyang sinalubong ng Kapitan at akmang magmamano sa kamay nito ngunit tinanggihan
ito ng pari. Sa halip ay sinabi na agad nito ang kanyang pakay sa Kapitan.

Ani Padre Damaso, hindi raw dapat maglihim sa kanya si Kapitan Tiyago dahil siya ang pangalawang ama ni
Maria Clara. Sinabi din niyang dapat na raw itigil ng dalaga ang pakikipag-mabutihan nito kay Ibarra. Dagdag
pa ng pari, hindi daw dapat maghangad ng kabutihan ang Kapitan para sa kanyang mga kaaway.

Ang Kapitan naman ay nakumbinsi sa mga sinabi ni Padre Damaso kung kaya pag-alis nito ay agad na pinatay
ng Kapitan ang mga kandilang itinulos ni Maria Clara para sa paglalakbay ni Ibarra pauwi sa bayan ng San
Diego.

Samantala, si Padre Sybila ay nagtungo sa kumbento ng Dominikano sa Puerta de Isabel II. Dito ay dinalaw
niya ang paring may matinding sakit.

Kanyang ibinalita ang mga nakaraang kaganapan kagaya ng pang-aaway na ginawa ni Padre Damaso sa bahay
ni Kapitan Tiyago, ang pagpanig diumano ng Tinyente sa Kapitan Heneral, at pakikipag-alyansa kay Padre
Damaso.

Ang matandang may sakit ay nakipagpalitan din ng saloobin at sinabing ang pagtaas ng buwis ang dahilan ng
pagkaubos nang kanilang mga kayamanan. Aniya, natuto na ang mga Pilipino sa paghawak ng ari-arian.

Kanser sa Lipunan:
Paghihimasok

You might also like