You are on page 1of 5

Ano ang etika?

Ang etika ay isang sangay ng pilosopiya na tumutukoy sa mga prinsipyo


ng pag-uugali ng isang indibidwal o grupo. Gumagana ito bilang
isang patnubay sa patakaran bilang magpasya kung ano ang mabuti o
masama. Sila ang mga pamantayan na namamahala sa buhay ng isang
tao. Ang etika ay kilala rin bilang pilosopong moral. Ang ilang mga
prinsipyo ng etikal ay:
character

 Katotohanan
 Katapatan
 Paggalang
 Pagkamakatarungan
 Integridad

Ano naman ang moralidad?

Ang moral ay ang paniniwala sa lipunan, kultura at relihiyon o mga


halaga ng isang indibidwal o pangkat na nagsasabi sa atin kung ano ang
tama o mali. Ang mga ito ay mga patakaran at pamantayan na ginawa
ng lipunan o kultura na dapat sundin sa amin habang nagpapasya kung
ano ang tama. Ang ilang mga prinsipyo sa moralidad ay:

 Huwag manloko
 Maging tapat
 Maging mapagpasensya
 Laging sabihin ang totoo
 Maging mapagbigay
Mga Etika sa pagsulat ng Akademikong Sulatin

1. Copyright

• Dito sa ating bansang Pilipinas, malinaw na nakasaad sa Intellectual


Property Code of the Philippines o ang Republic Act No. 8293 ang mga
karapatan at obligasyon ng mga may-akda, maging ito ay manunulat,
artista, iskolar, tagasalin, kompayler, editor, mananaliksik at iba pa. Dapat
banggitin at kilalanin ang may-akda o kung saan nanggaling ang
datos, petsa, naglimbag, at iba pang impormasyon.

Pag gamit ng isang article na hindi nag papaalam

2. Plagiarism

• Ito ang maling paggamit o pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik,


lengguwahe, at pahayag ng ibang tao sa layuning angkinin ito na
magmukhang kaniya.

• Ayon kay Diana Hacker (www.newworldencyclopedia.com), may tatlong


paglabag ang maituturing na plagiarism. - Ito ay ang hindi pagbanggit sa
may-akda sa bahaging sinipi at kinuhanan ng ideya - hindi paglagay ng
panipi sa hiniraman ng direktang salita o pahayag - kung hindi ginamitan
ng sariling mga pananalita ang mga sulating ibinuod (summary) at hinalaw
(paraphrase)

• Kasama rin sa isyu ng plagiarism ang “pagkopya sa sarili” kung saan dati
nang inilathalang akda ng mismong manunulat ng sulatin ay kinopya nang
hindi binabanggit ang pinaglathalaan na nito. Itinuturing din na plagiarism
sa sarili at hindi etikal ang muling pagpasa ng isang papel sa iba-ibang
asignatura.

3. Paghuhuwad ng mga datos-imitation/forgery/fake

• Kabilang dito ang imbensyon ng datos (experimento, estatistika at maging


sa kaso)

• Sinasadyang hindi paglagay ng ilang datos

• Pagbabago o modipikasyon ng datos


4. Pagbili ng mga pananaliksik na gawa ng iba sa mga kilalang lugar at
lagyan ng sariling pangalan upang ipasa sa guro. Hindi lamang ito di-etikal
kundi iligal na gawain rin ito.

5. Pagsubscribe upang bumili ng artikulo o pagkopya sa mga website


upang gamitin at angkinin bilang isang sariling papel na ipapasa sa guro.

6. Pagpapagawa sa iba o pagbabayad upang igawa ng sulating papel,


tesis, disertasyon, report at iba pa. Napakalinaw na ito ay pandaraya.

MAHALAGANG IDEYA

• Sa pagsulat ng mga Akademikong sulatin kailangang isaalang-alang ang


mga etika nito ng sa gayon ay maiwasan ang pangongopya at walang
maging problema.

TANDAAN

• Huwag angkinin ang hindi sa iyo at aminin na hindi saiyo ang ideya o
datos. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagkilala kung kanino galing ang
ginamit na ideya o datos.

Gabay na mga Tanong tungkol sa Aralin

1. Ano nga ba ang etika sa pagsulat?

• Ang etika sa pagsulat ay pagsulat ng sariling ideya ng walang maling


paggamit ng mga salita, at pangongopya ng ibang akda. Ito ay maipapakita
sa pamamagitan ng pagsulat sa mga layuning nais ikwento o ipahiwatig ng
may-akda.

2. Ano-ano ang mga etika na dapat isaalang-alang sa pagsulat ng


akademikong sulatin?

• Ang mga etika na dapat isaalang-alang sa pagsulat ng akademikong


sulatin ay ang copyright, plagiarism, paghuhuwad ng datos at iba pa.
TUKLASIN (Pag-aralan Mo)

Pagpapahalaga – ang batayan, mga ideyal, gawi at institusyon


gaya ng simbahan, pamilya, paaralan, at negosyo—na
pinagbabasehan kung tama o mali ang isang desisyon.
Tumutulong itong balansehin ang mga desisyon ng tao.

Mga Pangunahing batayan sa Pagpapahalaga ng mga Pilipino


• Kultura – ang pangunahing batayan ng mga paghahalaga ng mga
Pilipino.
• Pinapahalagahan ng karamihan ng mga Pilipino ang ilang katangian na
dati nang pinagmamalaki:
- Pagmamahal at katapatan sa pamilya
- Pagpapahalaga sa edukasyon
- Hiya o kahihiyan - Pakikipagkapwa
- Pagiging maparaan
- Pagkamalikhain
- Sikap at tiyaga
- Utang na loob
- Pakikisama
- Bahala na

You might also like