You are on page 1of 4

Division School Press Conference, Muling Namayagpag

TARLAC CITY ——– umarangkada na naman ulit ang isa sa pinaka inaabangang

laban ng taon, ang Division School Press Conference (DSPC) na ginanap nitong ika-

2 hanggang sa ika-4 na Setyembre, taong 2015 sa Tarlac West Cental at Sto. Cristo

Integrated School.

Humigit kumulang isanglibong mga estudyante o young journalist ang dumalo

rito upang makipagsapalaran patungo sa regional school press conference (RSPC)

na gaganapin naman sa Baler, Aurora.

Buong pwersang ibinigay ng mga kalahok ang kanilang makakaya, hindi

basehan kung galing man sa pambribado o pampublikong paaralan.

Kabilang sa mga katigorya ng laban ay pagsulat ng lathalain, balitang

pampalakasan, pagsulat ng editoryal, pagsulat ng balita, pagguhit sa editoryal,

broadcasting at ang pinakabago sa lahat ang online publishing.

Bandang huli ay itinanghal na ang mga kampyon na tutungo sa Baler, Aurora upang

makipagsapalaran sa RSPC 2015.

DSPC, nagsagawa ng mini press conference
Posted by M ARIJA  on OCTOBE R 12 , 20 1 8

TUGUEGARAO CITY- Kasalukuyang ginaganap ang unang araw ng Division Schools Press
Conference (DSPC) group category sa Tuguegarao City Science High School (TCSHS), ika-12
ng Oktubre..

Nagkaroon ng isang “mini press conference” sa nasabing event upang makakuha ng

detalye ang mga manunulat.

Tatlo ang dumalo bilang “speakers” sa naganap na “mini press con” Ang mga
nasabing “speakers” ay sina Ma’am Eloisa M. Maddarang, Presidente ng Division School
Paper Advisers Association, Ma’am Josephine Gammad, Education Program Supervisor (EPS)
English at Division Coordinator for Journalism, at si Sir Randall Talamayan, EPS MAPEH.

Binigyang pagkakataon ang mga manunulat upang mag-bato ng kanilang mga nais
masagutan na tanong at nang makakuha ng detalye.

“Good morning po side from these press conferences do you have any other
activities po na planned para po mafoster talaga yung 21st centry skills are you willing to
add up any other activities po?” tanong ng isang manunulat galing sa University of Saint
Louis.
“Actually, I prepared a proposal and work plan for you to be able to practice
broadcasting also in our local radio stations. You will be tough in the next weeks to come
and you call that “DepED Dose in Focus.” Ani ni Ma’am Gammad.

Ayon kay Ma’am Josephine Gammad, mabilis ang development ng journalism dahil
sa teknolohiya ngunit walang comparison, maganda rin noon at maganda din ngayon.
“Another interesting about this is, I think ang mga campus journalist ngayon have more
creative ideas kasi with the all set of technologies and all you can get all the information just
in one click.” Dagdag pa ni Ma’am Maddarang.

Nakatulong ang mga impormasyong ito sa lahat ng mga manunulat upang makuha
ang mga detalyeng kanilang gusting marinig at malaman.
SES Young Journalists: Ang Tagumpay sa
2017 Regional Schools Press Conference

Muli na namang naipamalas ng mga batang manunulat ng Paaralang

Elementarya ng Salapan ang kanilang kahusayan sa larangan ng pagsulat sa
ginanap na Regional Schools Press Conference noong Nobyembre 22, 2016 sa
Lungsod ng Valenzuela. Ang nasabing paligsahan ay nilahukan ng 160 Young
Journalists mula sa pribado at pampublikomg paaralan sa elementary at secondary
sa National Capital Region. Labing-limang mag-aaral ang naging pambatao ng
paaralan na dumaan sa pagsasanay at paligsahang pangdibisyon (Division Schools
Press Conference), ito ang naging daan ng pagkamit ng medalya at nagging
kabilang sa mga Pambato ng ating Division(City of San Juan).

Layunin ng paligsahan na maunawaan ang kahalagahan ng responsableng

pamamahayag sa iba’t-ibang paraan upang mamulat ang bawat indibidwal sa mga
mahahalagang pangyayari sa lipunang kanyang ginagalawan. Ito ay patunay na
kaisa at kaagapay ang paaralan sa paghubog sa kakayahan at talentong ibinigay ng
Panginoon.

Nagbunga ang pagsisikap nina John Robert Tarriela na nakamit ang ika-anim
na puwesto sa kategorya ng pagsulat ng editorial at Jan Michael Goseng na nakamit
ang ika-apat na puwesto sa pagsulat sa Agham. Bilang paghahanda, siya ay
dumaan sa isang masusing pagsasanay sa pagsulat ng mga artikulo na batay sa
mga napapanahong isyu sa kasalukuyan.

Kinilala ang kanilang pagkapanalo sa harap ng mga kawani ng City of San

Juan sa pangunguna ng Punong Lungsod, Guia Guanzon Gomez. Tunay na
nakakataba ng puso ang patuloy na pagbibigay karangalan ng mga batang
manunulat ng Paaralang Elementarya ng Salapan. Sa pagtugon sa hamon ng
edukasyon sa ating lahat, patuloy tayong tumayo sa edukasyon ng buong puso,
patuloy na naglilingkod at tugunan ng serbisyong totoo ang mga responsibilidad para
sa umuusbong na talento ng mga kabataan na pag-asa ng bayan.
TUKUYIN ANG MGA BAHAGI NG BALITA

HEADLINE: ____________________________________________________________

LEAD: _____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

ANO:

SINO:

SAAN:______________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

KAILAN:
__________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

PAANO:

BAKIT:

You might also like