You are on page 1of 12

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO V

I. MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nagagamit ang iba’t-ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis ng isang produkto.
B. Nakikilatis ang mga produkto sa isang pamilihan.
C. Naisasagawa ang mga gawain gamit ang iba’t-ibang uri ng pangungusap at nakikilatis
ang mga produkto.

II. PAKSANG ARALIN:


Paggamit ng iba’t-ibang uri ng pangungusap sa pagkilatis ng isang produkto
III. MGA KAGAMITANG PANTURO:
A. Mga pahina sa gabay ng guro:
 Sanggunian: BOW VERSION 3.0 ph. 31
 Mga Pahina sa Kagamitang
pang mag-aaral: Learner’s Packet (LEAP)
 Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng
Learning Resource:
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa mga Gawain sa Pagpapaunlad at
pakikipagpalihan

 powerpoint presentation, mga larawan, tunay na bagay, pamilihan,


activity card at tsart

IV. PAMAMARAAN:

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Sa umagang ito simulan natin ang ating aralin


sa isang panalangin.

Toni, maaari mo bang pangunahan ang ating Magsisitayuan tayong lahat at manalangin,
panalangin sa umagang ito? (Pangungunahan ni Toni ang panalangin).
2. Pagbati

Magandang umaga mga bata! Magandang umaga rin po Ginoong Royeth.

Handa na ba kayo? Aba! Siyempre (clap)

3. Pagsasaayos ng Silid-Aralan

Bago kayo magsiupo, gamit ang ating


pangunahing direksyon maari ninyong
tingnan ang kanlurang bahagi ninyo at
damputin ang mga kalat dito gayon din sa
silangang bahagi at timog Pag-sasaayos ng mga mg-aaral ng kanilang
Kung kayo ay tapos na, maaari na kayong lugar gamit ang pangunahing direksiyon
umupo.

4. Pagtsek ng liban at di liban

Chloe, maaari mo bang iulat kung sino ang Ginoo, 1 lamang po sa kabuuang bilang na 21
lumiban sa araw na ito? ang liban sa lalaki at 22 ang bilang ng mga
babae. Lahat po kami ay may maayos
nakasuotan, malinis na katawan at handang
makinig sa inyong aralin.

Mahusay kung ganon!

Bago tayo magpatuloy sa ating aralin


ngayong umaga atin munang basahin ang Pagbabasa ng mga mag-aaral sa ipinakita ng
salitang ito. guro
Sa ating School DRRM lagi natin itong
maririnig pero sa ating klase ito ang ating
panuntunan. Marapat na tayo ay laging handa.
Muli ngang basahin natin ang salitang
HANDA

5. Balik-aral:

Muli nating balikan ang ating aralin kahapon


sa pagsagot ng gawaing ito.

Panuto: Bilugan ang SANHI at salungguhitan


ang BUNGA.

1. Natapon ang tubig dahil nahulog ang baso.


2. Maraming tao sa Mall sapagkat malapit na
ang pasko.
3. Si Marta ay masyadong mabilis mag
bisikleta kaya natumba siya.
4. Tumahol ang aso kaya nagulat ang
magnanakaw.
5. Natuwa ang bata dahil mataas ang kayang
grado.

6. Pagganyak

Saang lugar sa ating pamayanan ang nasa


kanlurang bahagi ko? Pamilihan po.

Gamit ang araling natutuhan natin sa Filipino Ang puto ay masarap kainin.
IV atin namang ilarawan ang ilan sa mga Maganda ang tsinelas sa pamilihan.
produktong nakasabit sa ating pamilihan Matibay ang sumbrerong gawang platero.
Matamis ang pinipig na tinda ng ginoo.

Alam ba ninyo na ang mga produktong ito ay


yaman ng ating Lungsod ng Biñan.

Saan kaya natin makikita ang mga


produktong ito sa Lungsod ng Biñan tulad ng:

Puto Biñan Ang Puto Biñan ay mabibili sa Brgy. San


Vicente po.
Tsinelas Ang tsinelas po ay makikita sa Brgy. Dela
Paz.
Pinipig
Ang pinipig ay mabibili sa Brgy. Canlalay

Sumbrero Madami po ang sumbrero dito sa Brgy.


Platero

Siyang tunay!

Balikan nating ang mga pangungusap sa


pisara.

Ano- anong mga salitang naglalarawan ang Ang mga ginamit na salitang naglalarawan sa
ginamit sa pangungusap? pangungusap ay ang masarap, maganda,
matibay at matamis.

Sa iyong palagay marapat ba naipagmalaki Opo! kasi ito po ay sariling ating.


natin ang mga produktong sariling atin? Opo! kasi po ito’y makikita dito sa Lungsod
ng Bñan.

B. Paglinang ng gawain

7. Paglalahad

Tayo naman ang dumako sa iba pang paninda


sa ating pamilihan.

Gaano kamura ang mga gulay? Isda? karne sa Ang gulay po ay 10 ang bawaat isang tali.
ating pamilihan? Ang isda po ay 120 bawat kilo at ang karne
tulad ng manok at baboy ay 180 bawat kilo.

Kung bibigyan kita ng 500 pesos at bibili ka


ng 2 kilong manok magkano na lamang ang
iyong magiging sukli?

Mahusay! Ang sukli po ay 140 pesos.

8. Pagtatalakay

Sino sa inyo ang nauutusan o sumasama kay


nanay sa pamamalengke o pamimili sa
pamilihan?

Sa ating pamimili paano natin masasabi o


makikilatis na ang mga produkto bibilhin
natin sa pamilihan ay tunay na sariwa?

Sa mga de latang paninda ano ang dapat


nating tingnan?
Dapat po suriin ang expiration date po.
Kung may tupi o butas ang lata.

Sa gulay paano natin masasabing bagong


pitas o harbes ang mga ito?
Maganda po ang kulay ng mga gulay
Wala pong butas ang gulat at mga dahoon
nito.
Malago at kulay berde ang kulay ng dahon
nito
Malutong ang mga tangkay nito kapag pinuto

Ang isda paano natin malalaman na ito’y


sariwa?
Ang isda po dapat malinaw ang mata nito.
Mapula po ang hasang at walang sugat ang
katawan.
Matigas po ang laman ng isda kapag pinisil.

Sa unang tingin paano mo malalaman na


sariwa ang mga karne at manok na bibilhin
natin sa pamilihan? Ang manok at karne dapat po namumula ang
kulay ng laman dapat.
Makinis ang balat.
Anong bahagi ng ating pandama ang ating
gagamitin upang makilatis mong sariwa ang
mga karne tulad ng baboy at manok? Gagamitin po natin ang ating paningin at ang
ating pamg-amoy.

Sa inyong palagay ano ang mga salitang dapat


nating gamitin sa pakikipag-usap kapag
tayo’y namimili sa pamilihan? Dapat pong gagamit tayo ng magagalang na
mga salita.

Maliban sa mga magagalang na salita


Ano-anong uri ng pangungusap ang dapat
nating gamitin kapag tayo ay mamimili sa Ginoo patanong po
pamilihan? Pasalaysay po
Sa pakikipag-usap sa tindera? Pautos po at padamdam

Magaling!

Magbigay ng mga halimbawa na patanong


na pangungusap sa pagkilatis ng isang
produkto sa pamilihan? Magkano po ang kilo nitong manok?
Bakit po ang mahal ng mga ito?
Wala na po bang tawad?

Paano mo nasabing ito ay patanong na


pangungusap?
Nagtatanong po ito at sa dulo ay may tandang
pananong.
Ngayon naman magbigay ng mga halimbawa
ng pangungusap na pautos.
Pakilagay po ang mga pinamili ko sa plastic.
Pakidoble po ang lagayan baka mabasag po
kasi.
Pakiabot po ng aking mga pinamili.
Ano naman ang clue natin na ang
pangungusap ay nasa anyong pautos.
Mga salitang may paggalang at nakikiusap po.
Tulad ng paki at makikisuyo.

Halimbawa naman ng padamdam ng


pangungusap.
Wow! Ang laki ng mga prutas.
Naku! Kulang ang pambayad ko.
Aba! Ang daming tao sa palengke.
Ano ang isinasaad ng padamdam na
pangungusap?
Nagsasaad ito ng matinding damdamin at
meron tandang padamdam.
Tumpak!

Halimbawa naman ng pasalaysay na


pangungusap sa pamimili sa palengke?
Sari na ang mga gulay na aking nabili.
Madaming mura.
Naglalakad lamang ako papuntang pamilihan.

Ano ang pagkakaiba ng pangungusap na


pasalaysay sa ibang uri ng pangungusap?
Ito ay nagsasabi ng isang kaisipan at
nagtatapos sa tuldok.

Bigyan ang inyong sarili ng Good Job Clap

G-double OO JOB Good Job2x


Naunawaan ba ang ating aralin?
May katanungan pa po ba o paglilinaw?
Opo, naunawaan naming.
Wala na pong katanungan.
Kung walang nang katanungan gawin natin
ang pagsasanay na ito bago tayo
magpangkatang gawain

9. Pagsasanay

ICT Integration

Tignan ang lama ng briefcase. Tukuyin kung


anong uri ng pangungusap ang ginamit sa
pagkilatis ng produkto
Ate, pakiabot po ng aking
Pautos po
pinamili.

Naku! Sobrang mahal na ang


bilihin
Padamdam po

Ako na po ang bibili ng


kailangang natin sa palengke.
Pasalaysay po
Sariwa ba ang mga produktong
nabili mo?

Patanong po

Magaling bigyan ang sarili ng jeepney clap

Eng… eng…. eng…. beep… beep…


9. Pangkatang Gawain

Ngayon naman dumako tayo sa ating


pangkatang gawain pero bago ang lahat.

Ano-ano ang mga dapat nating tandaan kapag


tayo ay magsasagawa ng pangkatang gawain.
Makiisa sa grupo.
Ibahagi ang kaalama sa grupo..
Tahimik na gagawa ng gawain.
Bago tayo magsimula atin munang alamin Tapusin ang gawain sa takdang oras.
ang Rubriks kung paano mabibigyan ng
puntos ang iyong mga gawain.
(Ipapaliwanag ng guro ang rubriks)

Pangkat 1

Pagsasagawa ng mga mag-aaral ng Gawain

Pangkat 2

Pangkat 3

Meron lamang kayong 5 minuto para sa


gawain.

Atin ng pakinggan at panuudin ang mga


natapos na gawain ng bawat grupo.

Pagwawasto ng guro gamit ang rubriks na


talaan.
Pagprepresinta ng mga mag-aaral sa natapos
10. Paglalapat na gawain.

Mula sa maikling kwento tungkol sa


pagkilatis ng produkto. Bumuo ng iba’t ibang
uri ng pangungusap.

“Si Tatay Ambo ay 15 taon ng tindero sa


palengke ng Biñan. Bihasa na siya sa
pagtitinda ng sari-saring produkto. Mura
niyang ibinebenta ang kanyang mga kalakal
kaya madami na siyang suki. Maging ang
kanyang mga tinda ay sariwa tulad ng isda at
karne.

1. Pasalaysay_______________________
2. Patanong_________________________
3. Pautos ___________________________
4. Padamdam________________________

11. Paglalahat

Ating sagutin ang chart na ito upang mabuo


natin ang konsepto ng ating aralin ngayong
umaga.

Ang mga mag-aaral ay sasagot base sa


kanilang pagkaunawa sa aralin.

12. Pagtataya

Panuto:
I. Takdang Aralin

Inihanda ni:
Royeth Quinones

You might also like