You are on page 1of 5

Paaralan Caigdal National High School Baitang 9

Pangalan ng Guro Jennifer B. Velasco Asignatura Araling


Panlipunan
Araw ng Pagtuturo Abril 11, 2023 Markahan Ikatlong
Markahan
Oras Ika-10-11 ng umaga Bilang ng Araw 1

I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay:


1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng implasyon;
2. Natataya ang mga dahilan ng implasyon;
3. Nasusuri and epekto ng implayon sa pamumuhay ng tao; at
4. Naiuugnay ang kaalaman tunkol sa implayon sa pang-araw-
araw na pamumuhay ng tao.

A. Pamantayang Nilalaman Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pang-unawa sa mga


pangunahing kaalaman tunkol sa pambansang ekonomiya bilang
kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan
tungo sa pambasang kaunlaran.
B. Pamantayang Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan
kung paanong ang pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang
ekonomiya ay nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa
mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
C. Pinakakailangang Nasususi ang konsepto at palatandaan ng implasyon
Kasanayan sa Pagkatuto
II. NILALAMAN A. Paksa: Yunit III- Makroekonomiks
Aralin 4: Mga Konsepto at Palatandaan ng
Implasyon

III. KAGAMITANG PANTURO Mga Larawan, PowerPoint Presentation


Sanggunian: LM, pp 274-282
Video Presentation
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction 1. Balik-aral
(Panimula) a. Ilahad ang kaugnayan ng kita, pag-iimpok, at
pamumuhunan
b. Anu-ano ang mga dapat isaalang-alang ng wais at mahusay
mag-impok?

2. Pagganyak

Gawain 1: Si Maria ay Nagtungo sa Pamilihan

2018 2023

Ang mga mag-aaral ay ipapangkat sa dalawang grupo. Ang bawat


pangkat ay maglalaan ng halaga/kita na Php 500 at bibigyan sila ng
pagkakataong magdesisyon sa pagbabadyet para sa kanilang mga
kailangang bilihin sa pamilihan.

Pamprosesong Tanong:

1. Mayroon ka bang napansin sa dami ng nabiling produkto noon at


ngayon? Alin ang mas maraming at kakaunti?
2. Sa iyong palagay, bakit nagkaroon ng pagbabago sa presyo ng
mga produkto?

3. Paano kaya ito makaaapekto sa iyo, sa iyong pamilya at sa ibang


tao sa pagbabagong ng mga presyo ng bilihin?

GAWAIN 2: MAGHUNTAHAN TAYO!

Ang guro ay magpapakita ng isang maikling bidyo ng balita na


napapanahon sa mga mag-aaral. Matapos mapanuod ang balita
sasagutin ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na tanong.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang ipinaliliwanag ng balitang inyong napanuod?

2. Mayroon bang epekto ang balitang inyong napanuod sa sitwasyon


natin ngayon?

B. Development GAWAIN 3: BASAHIN AT UNAWAIN NATIN!


(Pagpapaunlad)
ANG IMPLASYON

Ang pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa iba’t -


ibang panahon ay pangkaraniwang nagaganap subalit kung ang
pagbabago ay dulot ng

- Pangkalahatang pagtaas ng presyo


- Pagbabago sa halaga ng salapi
- May negatibong epekto sa tao

Ito ay bunga ng implasyon.

Maraming kahulugang ang implasyon isa na rito ay ayon sa The


Economics Glossary, ang implasyon ay tumutukoy sa pagtaas ng
pangkalahatang presyo ng mga piling produkto na nakapaloob sa
basket of goods.

Ayon naman sa aklat na Economics nina Parkin at Bade


(2010), ang implasyon ay pataas na paggalaw ng presyo at
deplasyon ay ang pagbaba sa halaga ng presyo. Masasabing
nagkaroon ng implasyon kung ang kasalukuyang halaga ng piso
(purchasing power of peso) ay wala ng kakayahang bumili ng
parehas na dami ng produkto at serbisyo tulad ng nasa nakalipas na
panahon. Mas kakaunti na ang kayang bilhin ng piso ngayon kung
ihahabing sa dating panahon bunga ng pagtaas ng presyo ng mga
bilihin. Ang bilis naman ng pagtaas ng presyo ng mga produkto at
serbisyo ay tinatawag namang inflation rate.
DAHILAN NG IMPLASYON

May dalawang dahilan kung bakit nagkakaroon ng implasyon.


Ang dalawang dahilang ito ang nagdudulot ng dalawang uri ng
implasyon: demand-pull inflation at cost-push inflation.

Ang demand-pull inflation ay nagpapakita ng pagkakaroon


ng pagtaas ng kabuoang presyo tuwing tumataas nang mas mabilis
ang kabuoang demand (aggregate demand) kaysa sa kabuoang
suplay (aggregate supply).

Kung walang pagbabago sa presyo ng bilihin ay mabilis


mauubos ang kalakal ng manininda. Ito ang mang-eengganyo sa
manininda upang magtaas ng presyo. Ang tila paghila papataas sa
presyo ang siyang dahilan kung bakit tinatawag ang dahilan ng
implasyon na demand-pull.

Maraming dahilan kung bakit tumataas ang kabuoang demand.

1. Maaring tumaas ang kabuoang demand ng sambahayan. Kung


mataas ang paggasta ng sambahayan sa kasalukuyan, tataas ang
kanilang kabuoang demand.

2. Maaaring ang mga mamumuhunan, bunga ng kanilang mataas na


kompiyansa, ay nahihimok na gumastos sa pagpapalawig ng kanilang
produksiyon. Bumibili ang mga mamumuhunan ng dagdag na mga
sangkap at makinarya, o kaya naman ay nagpapatayo ng dagdag na
pagawaan.

3. Ang pagdami ng pera sa sirkulasyon ayon sa pananaw ng mga


monetarist sa pangunguna ni Milton Friedman, ay isa ring dahilan ng
pagtaas ng kabuoang demand at implasyon. Dahil sa sobra ang
salapi, malaki ang pagkakataon ng patuloy na bibili ng produkto ang
mamimili na magtutulak sa pagtaas ng presyo. Kaya hindi basta-basta
nag-iimprenta ng pera dahil nakakapagdulot ito ng pagtaas ng presyo
ng mga bilihin.

Ang cost-push inflation naman ay bunga ng salungat na paggalaw ng


kabuoang suplay kung ihahambing sa kabuoang demand, na siyang
nagpapataas sa halaga ng produksiyon. Dahil tumataas ang halaga
ng produksiyon bunga ng pagtaas ng presyo ng mga salik na
produksiyon, kailangang itaas ng mga manininda ang presyo ng
kanilang kalakal. Ilan sa mga dahilan kung bakit tumataas ang presyo
ng mga salik ng produksiyon ang pagkakaroon ng kalamidad,
pagkakaroon ng monopolyo na tanging nagsusuplay ng hilaw na
sangkap, pagtaas ng buwis, at pagtaas ng minimum wage o sahod.

C.ENGAGEMENT GAWAIN 4: TAGISAN NG TALINO


(PAKIKIPAGPALIHAN)
1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang may positibong epekto ng
implasyon?
A. Ang mga prodyuser ay nahihikayat na magproyus ng mga
produkto at serbisyo (3 puntos)
B. Ang mga naghihiram ay mas nakikinabang kaysa sa
nagpapautang kapag may implasyon (2 puntos)
C. Natututong magtipid ang mga mamamayan (1 puntos)

2. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng cost-


push?

A. Ito ay pangyayari kapag bumaba ang pinagsama-samang


suplay ng mga produkto at serbisyo. (1 puntos)
B. Resulta ito ng pagtaas ng gastusin ng hilaw na materyal.
(2 puntos)
C. Ito ang pangyayari kung saan ang pagtaas ng gastos ng
produksyon ay nagreresulta sa pagtaas din ng nalikhang produkto
at serbisyo. (3 puntos)

3. Kapag tinaasan ng pamahalaan ang paggastos para sa sahod ng


mga empleyado, lumalaki rin ang kakayahan nilang bumili. Ano
ang dahilan ng sitwasyong ito kaugnay sa implasyon?
A. Dahil sa pagtaas ng suplay ng salapi (1 puntos)
B. Dahil sa pagtaas ng demand sa produkto at paglilingkod
(3 puntos)
C. Dahil sa pagtaas ng kita kaysa sa produksyon (2 puntos)

4. Sa papaanong dahilan malulutas ang demand-pull inflation?


A. Pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawa upang
mapataas ang output ng produksyon (2 puntos)
B. Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na
paggasta sa ekonomiya (3 puntos)
C. Pagkontrol sa pagpapautang ng mga banko sa mga
mamumuhunan (1 puntos)

5. Bilang isang mamimili, paano ka makatutulong sa paglutas ng


suliranin sa implasyon?
A. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan
(2 puntos)
B. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi
magkaroon ng kakulangan (3 puntos)
C. Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang matiyak
ang
presyo (1 puntos)

D. ASSIMILATION GAWAIN 5: SAMA-SAMA TAYO!


(PAGLALAPAT) Panuto: Gamit ang iyong kaalaman at natutunan sa konsepto ng
implasyon. Pumili ng isa sa mga gawain na batay sa iyong kakayahan
o talento.

• Maikling Duladulaan
• Pagbuo ng isang Awitin
• Maikling Pagbabalita
• Pagguhit ng Editorial Cartoon
• Magbuo ng repleksyon/sanaysay

Pamantayan ng Puntos 5 4 3 2
Nilalaman
Pagkamalikhain
Orihinalidad
Kabuuan

V. TAKDANG-ARALIN Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa ibaba, lagyan ng


tsek (/) ang mga pahayag o katangian na iyong isinasabuhay sa iyong
pang-araw-araw na pamumuhay.
_____ pag-aayos ng lumang gamit upang muling magamit
_____ pagkukumpuni ng mga sirang kasangkapan sa paaralan at sa
tahanan
_____ iwasan ang pag-aaksaya ng koryente sa tahanan maging sa
paaralan
_____ matutong magbadyet
_____ pagnanais na makabili ng maramihang bilang ng produkto
_____ pagsasaayos ng prayoridad sa paggastos
_____ pagbili ng mga produktong gawang Pilipino
_____ paglalaan ng tamang oras sa paggamit ng kompyuter at iba
pang gadyet
_____ pagnanasa na makapagtabi sa bahay ng maraming dayuhang
salapi

1. Batay sa iyong kasagutan, masasabi mo bang bukas ang iyong


isipan na makatulong sa paglutas ng suliranin ng implasyon?
Pangatwiranan.

2. Bukod sa mga nabanggit ano pang katangian mo ang maaaring


makatulong sa paglutas ng implasyon?

V. PAGNINILAY Sagutin o ituloy ang pahayag sa ibaba base sa iyong natutuhan at


naunawaan:

Ang implasyon ay nakaaapekto sa ating


pang-araw-araw na pamumuhay dahil
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
________________________________
_________________________________

You might also like