You are on page 1of 1

Sanaysay Tungkol sa Pandemya

Alam nating lahat na masama ang epekto ng pandemya sa aspeto ng


kabuhayan,trabaho ng bawat isa sa'tin,ekonomiya at maging ang pag-aaral ng
mga kabataang tulad ko.

Sa panahon ng pandemya alam kong lahat ay nag-hihirap at nawawalan ng pag-


asa.

Sa patuloy na paglaganap ng pandemyang ito,patuloy din itong sinusubok ang


ating pagbabayanihan sa kung paano natin ito masusugpo at malalabanan.
Ngunit batid ko na marami sa ating kababayan at maging sa ibang panig ng
mundo ang unti-unting nang nawawalan ng pag-asa na kung ito ba ay atin pang
makakaya o hindi na.

Hindi man biro ang pinagdaraanan natin ngayon pero alam kong meron paring
mainam na solusyon.

Bago pa man magka-pandemya diba't tayong lahat ay nagsasaya?

Kaya't wag tayong mawalan ng pag-asa sapagkat isa lamang ito sa mga
pagsubok na darating pa sa hinaharap. Kung susuko ka ngayon paano ang
bukas?
Ang magandang bukas na naghihintay sa'yo. Ako man ay nangagamba pero
nandiyan ang Panginoong Diyos na nakamasid at palihim na tumutulong sa
pagsugpo sa malaking problemang ating hinaharap ngayon.

Malalagpasan rin natin 'to basta't tayo'y magkaisa at manalig sa itaas.

Sanaysay tungkol sa panahon ng pandemya ni Miss A.A

You might also like