You are on page 1of 8

ESP III

BILANG COGNITIVE
NG
IP DIFF IP
ORAS WEIG
EASY MEDIUM IP I
HT TOTAL
(60%) (30% CULT
MGA LAYUNIN (10%)

1. Pagpapakita ng 5 11% 2 1 1 3 3
pananalig sa Diyos 2

2. Pagpapakita ng 6 13% 4 4 2 8 1 10 7
paggalang sa paniniwala 5 9
ng iba tungkol sa Diyos 6
7
3. Pagpapakita ng 6 13% 3 11 2 14 1 16 6
kahalagahan ng pag-asa 12 15
para makamit ang 13
tagumpay

4. Pagpakita at 5 11% 2 17 1 19 3
pagpapadama ng 18
kahalagahan ng
pagbibigay ng pag asa sa
iba
5. Pagpapakita ng 5 11% 2 20 1 22 3
suporta sa mga kaibigan 21
o pagiging mabuting
kaibigan
6. Pagpapakita ng 6 13% 3 23 1 26 4
kabutihan at katuwiran 24
25
7. pagtulong sa mga 6 13% 4 27 2 313 1 33 7
nangangailangan. 28 2
29
30
8. pag-iingat at 6 13% 4 34 2 38 1 40 7
pangangalaga sa 35 39
kalikasan 36
37
TOTAL 45 100% 24 12 4 40
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO III
Ikaapat na Markahang Pagsusulit

Pangalan: ____________________________ Iskor: ____________

I. Piliin ang dapat gawin para sa bawat sitwasyon. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.
1. Ang ____________ ay isang paraan ng pagpapakita ng pananalig sa Diyos.
A. pagsimba C. pag-aaral
B. paglalaro D. pakikipagkuwentuhan
2. Ako ay _______________ sa loob ng pook sambahan o simbahan.
A.naglalaro C. kumakain
B. nakikipagkuwentuhan D. nagdarasal
3. Habang ikaw ay nagdarasal, ang iyong katabi ay gustong makipaglaro sa iyo.
Ano ang gagawin mo?
A.Pagsasabihan ko siya na pagkatapos na lang ng pagsimba kami maglalaro
at ipagpapatuloy ko ang aking pagdarasal
B. Titigil na ako pagdarasal at uuwi na.
C. Sasapukin ko siya kasi maingay.
D. Paalisin ko siya sa tabi ko.
4. May kamag-aral ka na konserbatibong manamit dahil sa relihiyong
kinaaaniban niya. Pinagtatawanan siya na iba mong mga kaklase dahil baduy raw.
Ano ang gagawin mo?
A. Igagalang ko ang kanyang paniniwala at pagsasabihan ang mga kaklase.
B. Pagtatawanan ko rin kasi baduy siya.
C. Iiwasan ko siya kasi baka pagtawanan rin ako.
D. Wala akong pakialam sa kanila.

5. Nakita mo na pinupunit ng iyong kamag-aaral ang mga pahina ng isang banal


na aklat.
A. Sasabihin ko na sunugin na lang niya para hindi na siya mapagod sa
pagpunit nito.
B. Sasabihin ko na huwag niyang punitin ang mga pahina ng banal na aklat.
C. Hahayaan ko na lamang si ya sa kanyang ginagawa.
D. Tutulungan ko na siya sa pagpunit ng Koran.

6. Malakas ang tunog ng radio habang nakikinig ang iyong tatay ng balita.
Narinig mong nagdarasal ang mag-anak na Muslim na inyong kapitbhay.
A. Magpapaalam ako sa aking tatay na hihinaan ko ang radio dahil
nagdarasal ang aming kapitbahay.
B. Tatahimik na lamang ako habang habang sila ay nagdarasal.
C. Hihintayin ko ang aking tatay na sabihan akong hinaan ang radio.
D. Lalo kong lalakasan ang tunog nito.
7. Alam mong pupunta ang kaibigang Muslim ng iyong kapatid sa inyong bahay
sa araw ng piyesta.
A. Sasabihin ko sa kanya ang mga handa naming walang sahog na baboy
na maari niyan kainin.
B. Sasabihin ko sa aking nanay na puro lutong may karne ng baboy ang
dapat naming ihanda.
C. Sasabihan ko ang ate ko na huwag na lang siyang papuntahin.
D. Sasabihan ko na masarap ang lutong karneng baboy sa kanya.
8. Ipinakikilala sa iyo ng iyong pinsan ang kaniyang matalik na kaibigan. Isa
siyang kasapi ng Iglesia ni Cristo at ikaw naman ay Methodist.
A. Maayos ko siyang kakausapin matapos akong maipakilala sa kaniya
ngunit hindi ibig sabihin ay makikipagkaibigan na ako sa kanya.
B. Makikipagkaibigan ako sa kaniya kahit iba ang aming paniniwala tungkol
sa Diyos.
C. Hahayaan ko ang aking pinsan sa nais niyang gawin.
D. Hindi ko siya kakausapin.
9. Nakita mong naglalaro sa loob ng isang kapilya ang mga bata. Ano ang
gagawin mo?
A.Hahayaan ko sila sa kanilang paglalaro at hindi ako sasali sa kanilang
paglalaro upang hindi na makadagdag sa ingay.
B. Pagsasabihan ko sila na maglaro na lamang sa palaruan.
C. Hahabulin ko sila hanggang mapilitan silang lumabas ng kapilya.
D. Sisigawan ko sila para tumigil na sa paglaro.
Lagyan ng mukhang masaya ang pangungusap na nagpapakita ng
pagkakaroon ng pag-asa; mukhang malungkot naman kung hindi.
______10 “Kaya natin ito.”
______11. “Matatalo na ako. Mukhang magagaling ang aking mga
katunggali.
______12. “Magtatapos ako ng pag-aaral para baling araw aymakatulong
ako kay nanay at tatay.”
______13. “Sana ay makauwi na an gaming nanay mula sa Hongkong.
Palagi koi tong ipagdarasal”.
______14. “Mga ilang taon pa at magbubunga na ang mga punong ito.
Kailangan natin silang alagaan.”
______15 “ Diyos ko,bakit mo ako pinabayaan”.
16. Nagkasakit ang iyong kaklase kaya hindi siya nakapasok. Dahil may
cellphone number ka niya, pinadalhan mo siya ng mensahe na ___________
A. “Magpagaling ka agad.” C. “ Buti nga yan sa iyo!”
B. “Buti ka pa nagkasakit.” D. “Sana lumala pa ang iyong
sakit.”
17. Si Mang kanor ay putol ang mga binti subalit masipag siyang
maghanapbuhay. Isa siyang huwarang mamamayan. Ano ang ipinakikita niya sa
mga tao?
A. Ipinakikita niya na bawat tao ay may pag-asang mabuhay ng marangal
at umunlad maging masipag at matiyaga lamang.
B. Ipinakikita niya na mas magaling siya sa mga taong walang kapansanan.
C. Ipinakikita niya na mahirap mabuhay at makisalamuha sa mga tao.
D. Ipinakikita niya na hindi niya kailangan ang tulong ng ibang tao.
18. “Habang may buhay; may pag-asa.”; ito ang mga katagang __________.
A. N agbibigay ng pag asa sa mga pinanghihinaan nang loob.
B. Nakapanghihina ng loob ng isang tao .
C. Nakakaboring basahin.
D. Hindi ko gusto.

19.Mahalaga ba na magpakita at magpadama ng pag asa sa ibang tao?


A. Ito ay mahalaga dahil lumalakas ang kanilang kalooban at
napaglalabanan ang kanilang kahinaan sa buhay.
B. Ito ay mahalaga dahil lumalakas ang kanilang kalooban kaya nagiging
mapagmataas sila.
C. Ito ay hindi mahalaga sa buhay ng tao.
D. Ito ay nakakaapekto sa pag-iisip ng isang tao.
20. Araw nang patimpalak sa Larangan ng Pag-awit, napansin mong balisa ang
kaibigan mo dahil siya na ang susunod na aawit. Katabi mo siya. Ano ang
gagawin mo?
A. Palalakasin ko ang kanyang kalooban sabay sabing “ Kaya mo yan; Ikaw
pa!”
B. Sasabihin ko sa kanya na kung hindi niya kaya ay wag nang umawit.
C. Sasabihin ko sa kanya na awitin na lang kahit hindi galingan makatapos
lang siya.
D. Sasabihin ko sa kanya na umuwi na siya habang hindi pa tinatawag.
21. Sa tuwing pinanghihinaan ng loob ang iyong kaibigan, ito ang iyong sinasabi
_____
A, “Kaya mo yan!’ C. “Hindi mo yan kaya!”
B. “Hayaan mo na yan!” D. “Arte nito, hindi naman
bagay!”
22. Karamihan sa mga kaklase mo ay nagkopyahan sa kanilang takdang aralin
sapagkat mahirap ito. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Hindi ako nangopya; pinagsumikapan kong sagutan ang aking
takdang aralin.
B. Hindi na lang ako gagawa dahil mahirap.
C. Mangongopya na lang ako para hindi na mahirapan pa
D. Hindi na lang ako papasok sa paaralan.
23. Nakita mong pinatid ng isang malaking bata ang kaklase mong malabo ang
mata. Tinulungan mo
siyang bumangon. Ano ang dapat mong gawin upang maiwasan nang maulit
ang pangyayaring ito?
A. Sasamahan ko siya sa aming guro upang sabihin ko ang nangyari.
B. Hindi na lamang ako kikibo upang hindi madamay.
C. Aawayan ko ang batang pumatid para matakot.
D. Pagsasabihan ko siya na huwag tatanga-tanga para hindi na
maulit pa.
24. May bago kang kaklase. Hindi siya marunong magsalita ng Bikol kung
kaya’t malungkot siya sa isang tabi. Ano ang gagawin mo?
A. Tuturuan ko siyang magsalita ng Bikol.
B. Hahayaan ko na lang siya sa isang tabi.
C. Pagtatawanan ko siya dahil hindi marunong magsalita ng Bikol.
D. Iiwasan ko siya dahil hindi marunong umintindi ng salitang Bikol.
25. Napansin mong maraming kalat sa silid aralan. Sinabi nang guro na iwasan
na ang pagtapon ng basura kung saan-saan subalit may mga kaklase ka pa ring
nagkakalat ng basura. Ano ang gagawin mo?
A. Ipapaalam sa guro ang mga kaklaseng nagkakalat upang
mapagsabihan.
B. Makikigaya na rin sa pagkalat ng basura total pare-pareho
namang mapapagalitan
C. Sasapakin ang kaklaseng nagkakalat ng basura kasi hindi
sumusunod sa guro.
D. Hindi papansinin ang mga nagkakalat ng basura.
26. Ang pagtulong sa kapwa ay pagpapakita ng ________
A. pagkamuhi B. pagmamahal C. pagkamakasarili
D. pagkaawa
27. Dahil mahal tayo ng diyos, binigyan Niya tayo ng kakayahang _______ ng
ating kapwa.
A. magalit B. malungkot C. mahiya D.
magmahal
28. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pagpapakita ng pagmamahal
sa kapwa?
A. pagbigay ng mga lumang damit C. pagbigay ng pagkain sa
pulubi
B. pagbigay ng mga lumang laruan D. pandidiri sa batang
lansangan
29. Ang pagtulong sa kapwa ay ____________________.
A.pagkamatulungin B. pagmamataas C. pagkamasipag D.
pagkamagalang
30. Ang pagtulong sa nangangailangan ay pagpapakita ng ____________ sa
Diyos.
A. paglabag B. pagmamahal C. pagtalikod
D. paglaban
31. May kaibigan kang hirap na hirap sa buhay. Nakita mong may may damit ka
ng hindi ginagamit. Ano ang gagawin mo?
A. Ibigay ito sa kanya C. Ipagbili sa ukay-ukay
B. Itago sa cabinet D. Pabayaran na lang sa
kanya ng mura.
32. Nagkaroon ng kalamidad sa kalapit bayan ninyo. Marami ang pamilyang
nasalanta kung kaya nanawagan ang kapitan ng inyong barangay na magbigay
tulong sa kanila. Ano ang gagawin mo?
A. Kukunin ang mga laruan at mga damit na hindi na ginagamit upang
maibigay sa kanila.
B. Hahayaan na lang ang panawagan.
C.Ako ay mapipilitan lamang na ibigay ang mga luma kong damit.
D. Hindi na ako magbibigay kasi may mga magbibigay naman ng
tulong.
33. Kung ikaw ay may sapat na kakayahan upang tumulong sa kapwa, nanaisin mo
rin bang makatulong sa kanila?
A. Oo dahil ang tumulong sa mga nangangailangan ay paraan ng
pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos.
B. Oo dahil humihingi sila ng tulong.
C. Oo na kahit napipilitan lang ako.
D. Hindi dahil aasa sila na laging may tumutulong kaya maghihintay
na lamang nito.
Parasa bilang 34-37.Bilugan ang mga suliraning pangkapaligiran na nasa
kahon (4 na puntos )
1. pagkamatay ng mga isda sanhi ng pagkalason dahil sa maruming tubig o
kawalan ng oxygen na kailangan nila.
2. Pagkaubos ng mga puno sa kagubatan dahil sa bawal na pagtotroso at
pagkakaingin ng mga tao.
3. pagbaha bunga ng tuloy-tuloy na pag-ulan at pagdating ng mas
malalakas na bagyo dahil sa pagbabago nang klima sa mundo
4. pagkamatay ng mga ilog o sapa dahil sa walang tigil na pagtatapon ng
basura sa mga katubigan.
5. paglinis ng Manila Bay bilang isa sa mga Panghikayat Pangturista sa
ating bansa.

38. Ito ay mga dahilan ng mga suliraning pangkapaligiran MALIBAN sa


_________.
A. Pagpapanatiling malinis ng paligid ng mga tao.
B. Maaksayang paggamit ng mga bagay sa ating paligid.
C. Pagtapon ng basura sa paligid.
D. Katamaran
39. Ano ang maaaring mangyari kung magpapatuloy ang ganitong kalagayan sa
ating kapaligiran?
A. Unti-unting masisira ang ating kapaligiran at maapektuhan ang
kalusugan natin.
B. Ang ating kapaligiran ay lalong gaganda.
C. Ang ating kapaligiran ay magiging malinis.
D. Ang ating paligid ay magiging sentro ng turismo.
40.Ano ang iyong magagawa upang mapangalagaan ang ating kapaligiran?
A. Tumulong sa paglinis sa paligid at itapon sa tamang tapunan ang mga
basura.
B. Magtapon ng balat ng pinagkainan kung saan saan.
C. Pumitas ng mga halaman sa pampublikong pasyalan kapag walang
nakakikita.
D. Bata pa ako kaya hindi ko yan obligasyon.

You might also like