You are on page 1of 24

PAGBASA AT

PAGSULAT
SA
IBA’T IBANG
DISIPLINA
Kabanata II
Ang Pagbasa sa
Antas Tersyarya
LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng kabanata ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. maibabahagi ang mga antas at proseso ng Pagbasa


Ang Pagbasa sa Antas
Tersyarya
Ang mga aklat at iba pang babasahin sa antas tersyarya ay mas
mataas na at mas mahirap kung ihahambing sa mga
babasahing nabasa na ng mga mag-aaral noong sila'y na sa
elementarya’t hayskul. Kahit na may mga paksa ng
magkakatulad sa lahat ng lebel ng edukasyon, kompleks na
antas ng mga paksang tinatalakay sa kolehiyo.
Halimbawa, ang gramatika, araling panlipunan, mathematika,
panitikan, economiks, agham, at iba pa na sa high school, ngunit sa
kolehiyo, mas mataas na at mahirap ang antas ng pagtalakay sa mga
ito. Kung magkakatulad man ang mga paksa, sa ibang pananaw
naman ito tinitignan, sa kolehiyo, hindi na sa literal na antas.
Maraming mga larangan sa buhay ang mapag-aaralan
lamang sa antas tersyarya. Dito, ang sosyolohiya,
pilosopiya, at marami pang mga larangan sa buhay na
bago pa lamang sa kamalayan ng mga mag-aaral.
Dahilan sa paggamit ng mga larangang pag-aaralan at sa pagtaas ng
antas ng kahirapan ng mga ito, kadalasan ay nahihirapan ang mga
mag-aaral. Kailangan nilang linangin ang kanilang bokabularyo. mas
malawak na kaalaman ang kinakailangan para lubos na maunawaan
ang mga babasahing ito.
Iba-ibang wika ang ginagamit ng mga babasahin sa antas tersyarya.
Mangyayaring may isang salita na ginagamit sa iba't ibang larangan ngunit
iba-iba ang kahulugan. Halimbawa, ang salitang values iba ang kahulugan sa
values education at iba rin sa sining ng pagpipinta. Ang puso naman ay
magkaiba ang kahulugan sa agham at sa musika. Ang banghay na elemento ng
panitikan at kakanyahan ng pandiwa ay magkaiba ang kahulugan. Ang “plot” ng
batas ay iba sa plot ng kwento.
Sa larangan ng panitikan marami ang mga tayutay, sa ibang larangan,
katulad ng sa teknikal at sa kasaysayan, ay wala. Ang ibang mga
larangan ng kaalaman ay nangangailangan ng diretsahang pagkakasabi
samantalang sa panitikan ay maaaring gamitin ang talinghaga.Sa
panitikan at sa kasaysayan, kahit pilipinas lamang ang pinag uusapan,
ay magkaiba pa rin ang paraan ng paggamit ng wika.
Ang kasaysayan ay nagsasabi ng pawang katotohanan lamang ngunit ang
panitikan ay nilalangkapan ng sining: pinagaganda ang pangit, pinapapangit ang
maganda, maaaring gawing makatotohanan maging ang mga imahinasyon
lamang. Mas lalo na magkaiba ang mathematika at araling panlipunan: ang una
ay tumutukoy sa mga numero at sa proseso ng pag-uugnay ng mga ito,
samantalang ang araling panlipunan ay tungkol sa pamahalaan at pamamalakad
nito.
Ang babasahing pangkolehiyo iba-iba ang estruktura. kahit na ang
liham pangkaibigan( panitikan) at liham pangangalakal ( teknikal) ay
tumutukoy sa isang paksa, magkaiba rin ang anyo ng mga ito: ang una
ay mahaba at madamdamin; samantala, ang pangalawa ay maikli at
direkta sa punto.
Magkakatulad manang uri, magkatulad man ang paksa, magkaiba pa
rin ang patutunguhan dahilan sa magkaibang larangan ang gumagamit,
kaya magkaiba ang anyo. Mas maraming bahagi ang pangangalakal,
kahit iisa ang paksa, halimbawa ay ang daigdig, ang pagkakalahad nito
sa agham ay sistematiko at maikli; sa panitikan, maaari itong ilahad sa
paraang patula, pakwento o pasanaysay
Ang panitikan ay sinusuri ayon sa tauhan, tagpo, tema, banghay,
pananaw, persona, estilo, tayutay, simbolismo at iba pa, samantalang
sa ibang mga larangan, hindi sinusuri ng tulad nito dahil wala sa
istruktura ng kanilang mga teksto. Halimbawa, agham panlipunan ay
walang istilo o iba ang estilo ng agham panlipunan, pisikal na anyo
lamang, walang pahiwatig, walang simbolismo.
May ibang teksto o larangan na marami ang representasyong grapiko dahil kung
hindi ito lalagyan ng grapiko o drawing, chart at iba pa, maaaring hindi
maunawaan ang paliwanag. Ang paglalarawan ng isang mismong ginagamit ng
isang inhinyero sa larangan ng kanyang trabaho ay hindi maunawaan kung
walang ilustrasyon. Ang pilosopiya, etika, at lohika ay hindi nangangailangan ng
grapikong representasyon.
Bilang rebyu o repaso, ang mga deskripsyon ng mga
babasahin sa antas tersyarya ay ang mga sumusunod: A.) ito
ay may iba ibang paksa B.) ito ay gumagamit ng iba't-ibang
wika at bukabyolaryo. C.) magkaiba ang anyo o estruktura ng
mga ito. D.) mahirap basahin ang mga ito.
Iba’t-ibang Pananaw sa
Proseso ng Pagbasa
Ayon sa teoryang ito pinoproseso ng mga nagbabasa ang grapema (o
mga simbolo ng tunog ng wika o mga titik) sa oras ng pagkakita nila
sa mga ito. Ang mga grapemang ito ay siyang katumbas ng tunog ng
wika. Ang mga tunog ay ang mga ponema- ang pinakamaliit na yunit
ng makahulugang tunog ng wika- na pinagsama-sama para makabuo
ng salita.

TEORYANG BOTTOM-UP
Ito ay tinatawag na teoryang Bottom-up dahil ang pag-unawa
ng isang bagay ay nagsisimula sa bottom o sa ibaba, ang
reading text at napunta sa itaas (‘up’) – sa utak. Ang kaisipang
ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa paniniwalang ang
utak ay isang malinis na papel o tabula rasa.

TEORYANG BOTTOM-UP
Ang teoryang ito ay sumasalungat sa direksyon ng kmoprehensyon na
binanggit sa unang teoryang. Ito ay hango naman sa sikolohiyang
Gestalt. Ang teoryang top-down ay nagsasabing ang pagbasa ay isang
laro ng panghuhula sa sikolohiya ng tao. Ito ay nangangailangan ng
interaksyon ng pag-iisip (ang nasa utak ng tao) at ng wika.

TEORYANG TOP-DOWN
•Ang tamang pagbasa ayon sa teoryang ito ay ibinabatay sa kung ano
ang naunawaan o nakuha batay s akung ano ang iksema ng tagabasa.
Ang iksema ay ang dating kaalamang nakaimbak na sa utak ng tao.
Ang pag-unawa sa teksto ay ibinabatay ng tagabasa sa kanyang
karanasan at kaalaman tungkol sa paksa.

TEORYANG TOP-DOWN
Dahil sa kakulangan ng teoryang “Bottom-up” at ‘Top-down’
sa pagpapaliwanang ng proseso sa pagbabasa, si Stanovich
(1980) ayon kay Tatlonghari (1994) ay nagmungkahi ng
pangatlong teoryang tinatawag na interaktibo at kompensatori.

TEORYANG INTERAKTIBO AT
KOMPENSATORI
Batay sa pangalan nito, ipinahihiwatig na ang mga teksto ay
pinoproseso sa pamamagitan ng paggamit ng sabay-sabay na mga
impormasyong nagmumula sa ibat ibang pinagkukunan. Kabilang sa
mga sources o pinagkukunan nito ay ang magkakahiwalay na mga
palagay sa prosesong top-down at bottom-up.

TEORYANG INTERAKTIBO AT
KOMPENSATORI
A l i a n !
MABUHAY KA,

e x

You might also like